Malaki ang ibinagsak ng katawan ni Bel dahil sa sobrang pagod sa mga mabibigat na trabaho na sinsuong sa araw-araw pero hindi niya ito iniinda. Halos nga hindi na siya ngsasalit sa buong maghapon dahil bukod sa wala naman siyang makakausap dahil parang nawala na parang bula ang nga tauhan ni Jude ay wala rin siyang lakas para pa magsalita. Sa loob ng pitong araw ay natapos niyang araruhin ang malawak na taniman ng mais at nakapagtanim na rin siya kahit siya lamang mag-isa. Araw ng linggo ay itinakda niya na rin muna na araw ng pahinga niya sa pagbubukid at sa bahay na muna siya para mag asikaso. "Siguraduhin mo lang na marami kang nagagawa sa bukid para ipahinga mo ang araw na ito," sabi ni Jude kay Bel ng sabihin niya sa asawa na magpapahinga na muna siya. "Kahit magpunta ka pa sa t

