“Bakit ang tabang naman nitong kape ko?” tanong ni Jude sabay baba ng tasa ng kape na kangyang hawak. “Ha? Pasensya ka na. Nakalimutan ko yatang lagyan,” tarantang kuha ni Bel sa tasa ngunit dahil tila nanginginig ang mga kamay ay nabitawan ang babasaging tasa at lumagpak sa sahig. “f**k! Ano ba naman yan, Bel?! Araw-araw mo ng ginagawa pero hindi mo pa rin maayos na gawin. Pagtimpal lang na kape hindi mo pa ma-perfect!” inis na sabi ni Jude na napatayo pa sa kanyang bangko ng bahagyang matalsikan ng kape ang suot na pantalon habang si Bel naman ay mabilis na kumuha ng tissue para punasan at linisin ang nabasag na tasa at ang nagkalat na kape sa sahig. “Pasensya ka na talaga, Jude. Medyo masama kasi ang pakiramdan ko. Nahihilo at inuubo ako,” katwiran ni Bel na talaga namang masama ang

