“Okay na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Jude ng makauwi na sa bahay galing sa maghapong pagtatrabaho. Bahagya pang nabigla si Bel ng marinig ang tanong ng asawa. Hindi niya kasi inaakala na kakamustahin siya nito dahil sa pinapakita nitong kalupitan sa kanya bilang asawa. Hinawakan ni Bel ang kanyang noo at leeg. “Wala na, Jude. Malaking tulong ang ibinigay mong gamot sa akin. Maraming salamat ulit,” pasasalamat pang muli ni Bel sa asawa. “Ginawa ko lang yon dahil ayokong magtagal ang sakit mo. Paano kong hindi ka pa gumaling? Sino ang maglilinis dito? At paano kong hawaan mo ako? Ayokong magkasakit dahil marami akong obligasyon ” ani pa ni Jude. “Salamat pa rin,” giit pa rin ni Bel. “Kung magaling ka na pala ay sumama ka sa akin. Magbihis ka dahil ibababa kita sa bahay namin. Gust

