Sanay naman sa mga gawaing bahay si Bel kaya ang paglilinis ng labas at loob ng bahay ay balewala lang sa kanya. Tapos na lahat ng mga gawaing bahay at magsasampay na lang sita ng mga sinampay. Hindi alam ni Bel kung saan-saan ba ginamit ni Jude ang lahat ng mga damit na pinalaba sa kanya dahil wala namang mga dumi at hindi rin amoy labahin. “Malamang na nilabas niya lang ang mga damit niya kahit hindi naman mga marumi. Pinalaba sa akin para mas mahirapan ako,” bulong ni Bel habang isa-isang hinaanger ang mga damit ng kanyang asawa. “Bel! Psssttt!” Mula sa seryosong pagsasampay ng mga damit ay nagulat si Bel sa pagtawag sa kanyang pangalan mula sa kung saan. Sa paglinga-linga niya ay nakita niya si Analyn na nagkukubli sa mga halamanan. Mabilis na naglakas si Bel para salubungin an

