Hindi makapaniwala si Bel sa nalaman kung sino ang namatay sa kanilang hacienda. Hirap na hirap siyang paniwalaan na malalapit na tao sa kanya ang mga namatay sa sunog sa mismong tirahan ng mga ito. Saktong tumawag ang kanyang mama at ibinalita nga ang isang napakasamang balita tungkol sa nangyaring sunog na ikinasawi ng tatlong katao. Madaling nagpalit ng damit si Bel para nga umuwi ng hacienda para puntahan ang mga namatay at makiramay kay Analyn na kanyang matalik na kaibigan. Tama. Pamilya ni Analyn ang mga namatay. Ayon sa kanyang mama ay malamang na nahimatay n ang tatlo sa makapal na usok kaya wala ng nakalabas ng bahay na nangyari pa ng hatinggabi na tulog na tulog na ang mga ito. Wala si Analyn sa bahay dahil nga kasalukuyan itong namamasukan sa tiyuhin ni Jude na si Damian

