Nakatanggap na ng tawag si Bel mula sa kanyang mama na nakalabas na ang kanya g papa sa ospital dahil naging stable na ang kalagayan nito. Gusto man na umuwi ni Bel ay nahihiya naman siyang walang tulong na maabot sa pamilya. Wala man siyanh pera na pwedeng ipandagdag sa pambili ng gamot ng papa niya. Mabuti pa nga ang mga trabahador ay may sweldo pero siya na lahat ng gawain ay ginagawa ay walang kahit na anong inaabot si Jude maliban na lang noong nakipitas siya ng mga mangga sa manggahan na pag-aari ng asawa. Kasalukuyan na nasa manukan si Bel at tumutulong sa pagkuha ng mga itlog. Balak niya lang sana na kumuha ng supply para sa bahay ngunit natuwa siya ng makita na abala ang mga tauhan na manguha ng itlog kaya naman nakikuha na rin siya. "Kuya marami bang mga reject na itlog?" ta

