“Maghanda na po ang mga bababa sa sususunod na bayan dahil malapit na tayo!” sigaw ng konduktor ng bus kung saan lulan si Bel. Halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman ng marinig ang konduktor. Masaya na kinakabahan ngunit hindi mapagkakaila ang pananabik na sa wakas pagkatapos ng maraming taon ay muli na siyang nakabalik sa bayan sinilangan. Hinawakan na ni Bel ang lahat ng kanyang mga dala-dalahan sapagkat malapit na nga siyang bumaba. Sakbibi ang hindi mapaliwanag na pakiramdam ay nilanghap ni Bel ang mahalumigmig na simoy ng hangin pagkababa niya ng bus na wari bang sinalubong siya at saka niyakap ng mahigpit sa pagkakawalay ng labing-siyam na taon. “Marami na rin ang mga nagbago sa lugar na ito ngunit hindi nagbabago ang malamig na simoy na hangin,” saad ni Bel dahil kung dati a

