Hindi na sumakay ng anong sasakyan si Bel para puntahan ang asawa sa kumpanya nito. Ayaw niya man gawin ay kailangan niya na malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kanyang ama. "Ma'am Bel, bawal na po kayong pumasok dito," pigil ng lalaking guwardiya kay Bel ng makalapit na siya pinto. "Ha? Anong bawal? Bakit naman naging bawal? At sinong nagbawal?" nagtatakang tanong ni Bel na gusto na agad makapasok sa loob ng building para nga makausap na ang asawa . "Si sir Jude po mismo, ma'am. Ang bilin niya po ay huwag ka ng papasukin," sagot ng guard. "Guard, nakikiusap ako papasukin mo na ako dahil ito na rin ang huli kong pagpasok sa building na ito at ang huli na makikita mo pa akong magtutungo rito," hinawakan pa ni Bel ang kamay ng guwardiya habang nakikiusap. "Ma'am, pasensya na

