“Anong ginagawa mo rito?” nabibiglang tanong ni Jude ng mabungaran sa labas ng pinto ng kanyang bahay ang dating asawang si Bel. “Ano pa ba? Para alagaan ko na muna pansamantala dahil alam kong mag-isa ka lang dito at tinanggihan ang nurse na siyang mag-aalaga sayo rito.” Ang sagot ni Bel at saka nagtuloy na sa loob ng bahay ng dating asawa. “Love Bel, hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino at kahit tulong mo pa. Kaya kung pwede umalis ka na,” pagtaboy ni Jude kay Bel na wala naman pakialam at inililibot ang paningin sa kabuuuan ng bahay na iniwan niya labing-siyam na taon na ang nakakalipas. “Bakit ganoon? Bakit parang wala man lang nagbago sa loob ng bahay mo? Bakit parang heto pa rin ang ayos na iniwan ko noon maraming taon na ang lumipas?” nagtatakang tanong ni Bel dahil para

