Pagkatapos maibigay ang usb ay wala man lang natanggap na pasasalamat kay Jude si Bel kaya naman lumabas na siya ng building at sinalubong muli ang mainit na panahon kahit pa alas dies pa lamang ng umaga. “Hindi na pala kakasya ang pera ko para pamasahe pabalik kay Zorro,” sabi ni Bel ng bilangin ang tigpipisong barya sa kanyang bulsa na hindi na umabot sa bilang ng pamasahe na binayad niya sa jeep patungo sa kumpanya ni Jude. “Gustuhin ko mang bumalik para manghing ng pamasahe ay baka busy na si Jude,” wika pa ni Bel na muling nilingon ang mataas na gusali kung saan ang asawa niya ang buong husay na nagpapatakbo ng negosyo ng pamilya nito. Walang ibang pagpipilian si Bel kung hindi ang lumakad patakbo dahil nag-aalala rin siya kay Zorro. Halos hindi sumasayad ang mga paa ni Bel sa aspa

