Chapter 17
NIHAN
Inayos ko ang sarili ko at mga mata ng kaibigan ko ay sa akin. Nakaramdam ako ng konting hiya sa harapan nila gusto ko man silang tanungin kanina kung may nakita ba sa akin sa daydreaming ko. Pero hindi ko na tinuloy pa na magtanong kasi alam kalokohan din ang isasagot nila sa akin.
Ilang sandali ay lumabas kami ng Cafeteria. Kanya-kanya kaming direksyon si Pamela ay gustong umuwi ng maaga dahil may problema raw ang kanyang magulang lalo na five months to go ay mangangapanya naman ang kanyang ama bilang senador ng Pilipinas.
Tinawagan ko si Basir kung nasa labas naba na ng gate ang susundo sa akin. Ang ipinagtataka ko ay bakit nasira ang gulong ng sasakyan ko ay lagi naman nasa good condition ito.
"Hello, Nihan nasa labas na ang driver at ang sasakyan mo kailangan natin palitan ng gulong," sabi sa akin ni Basir sa kabilang linya.
"Okay, Basir, take your time. See you later," I said, hindi ko na rin siya tinanong tungkol sa gulong at wala rin naman akong alam.
Naglalakad ako palabas ng University. Yakap-yakap ko ang tatlong libro ko na hawak. Napalingon ako ng may biglang tumawag sa pangalan, nilingon ko kung sino na tila hinahabol ng aso ng makita ko ay tumayo ako ng maayos.
"Nihan para sa'yo," inabot ng isa sam mga nagkacrush sa akin dito sa university ang isang pulang rosas.
"Daren, thank you." Nginitian niya ako ng amuyin ko ang red roses na binigay niya sa akin.
"Alam mo naman na isa mo ako sa tagahanga mo. I'm a so happy nakikita araw-araw, gusto lang kitang maging kaibigan." Masaya niyang sabi sa akin.
"Oo naman," saad ko sa kan'ya at nakipag-shakehand ako kay Darren.
Hindi naman ako tulad ng iba na hindi namamansin. Minsan nga nagagalit si Pamela sa akin kung bakit ko pinapansin si Darren. Hindi porket na werdo manamit si Darren may karapatan na silang mandiri at laitin ito. Naaawa rin ako minsan kay Darren dahil may malaking balat na pula siya sa kabilang pisngi niya. Isa siya nakatanggap ng scholarship mula kay Daddy.
Tinalikuran ko siya masaya at nagpaalam ako kay Darren. Nang nasa labas na ako ng gate ay nakita ko agad si manong Lucas. Pinarada niya ang beige Range Rover namin sa malapit sa kinatatayuan ko. Binuksan ko ang front seat at doon ako umupo. Tinanong din ako ni Manong kung sa mansyon ba ako o sa sarili kung apartment.
Hindi kaagad ako naka-sagot sa tanong niya sa akin. Pero na miss ko na rin ang mga kapatid ko maka-chikahan lalo na si Either na kambal ni Navi.
"Manong sa apartment ko muna tayo then sa mansyon. May kukunin lang po ako sa unit ko," I said.
Napapangiti ako ng lihim dahil parang binata pa ito si Manong Lucas. Sinasabayan namin ang kanta sa radio station ng sasakyan. Ganito ako sa mga nagtatrabaho sa mansion parang pamilya namin silang ituring.
"Hija, kumusta kayo ni Ethan?" nagulat ako sa tanong ni Manong sa akin.
"Po! Bakit naman n'yo po naitanong manong si Ethan?" tanong ko kay Manong na nakangiting nagmamaneho.
"Wala lang hija, na miss ko lang kasi noong bata ka pa na lagi ka niyang iniinis," nakaginhawa ako ng maluwag sa sagot ni manong sa akin.
Akala ko kung ano ang sasabihin niya sa akin. Nilakasan ko ang volume ng radio ayokong mapansin ni Manong na kakaiba ang nararamdaman ko sa tanong niya sa akin. Napapansin ko kasi na may kahulugan ang ngiti ni Manong sa akin.
"Manong Lucas mukhang masaya tayo ngayon?" tanong ko sa kan'ya.
Nginitian lang ako ni Manong sa tanong ko. Pakiramdam ko ay may tinatago ito sa akin. I shook my head at tumahimik nalang ako. Habang nagmamaneho si manong ay biglang pumasok sa isip ko ang panaginip kanina. Hinawakan ko ang labi ko parang totoo kasi ang halikan namin ni Ethan. Lihim akong napakagat sa aking ibabang labi. Sabayan pa ng love song na kanta sa radyo nagulat si Manong ng bilga kung patayin radyo ng sasakyan.
Kung hindi ko kasi turn off ay kung anu-ano ang nasa isip ko. Baka managinip naman ako ng gising, bakit ba kasi si Ethan ang napanaginipan ko? Baka totoo ang kasabihan na kapag napanaginipan na'tin ang isang tao na malayo sa atin ay iniisip nila tayo.
Baka nga iniisip ako ng Ethan na'yun. Napatapik ako ng aking noo bigla dahil Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin na delete ang tag sa akin ni Dexter ng mga litrato namin. But I changed my mind. Para mainis si Ethan.
Pagselosin ko muna siya para lalo siyang mainis. Ganti rin pag may time dahil kung hindi lang pinaalala ni Manong sa akin ang pang-iinis ni Ethan sa akin dati ay ede-delete ko sana.
Nang nasa harapan na kami ng apartment ko ay mabilis akong lumabas sa loob ng sasakyan.
Malaking hakbang kung tinungo ang loob ng apartment ng nasa lobby na ako ay isa-isa ako binati ng mga nakasalubong ko. As usual isang matamis ang ginawa ko pagbukasang elevator pinindot ko ang button ng elevator. Hanggang sa dumating sa 25th floor.
Nang nasa pintuan na ako ay binuksan ko kaagad ang pintuan. Napalingon ako sa kabilang pinto ng kwarto ko may naririnig akong tao sa loob na nag-uusap at parang may bagong lipat sa tapat ng apartment ko.
Mula ng nandito ako ay kahit isang tao ay wala pa akong nakita sa kwarto na iyan. Nang may isang babaeng lumabas ay nginitian ko siya. I think isa itong architect designer mukhang aayusin nila ang bakanteng kwarto. Ang stalker ko naman dahil pati ang nasa kabilang room ay gusto kung alamin.
"Sh*t!" napamura ako ng tumunog ang phone ko.
Hindi ako mapakali ng makita ko kung sino ang tumatawag sa akin. Syempre ang lalaking parang may bumulong sa kan'ya na siya ang iniisip ko dahil hindi pa ako nakapasok sa loob ng apartment ko ay tumawag na agad sa akin.
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba dahil alam ko kung ano ang nasa kanyang isip. Nakailang ringing din ang phone ko hanggang sa sinagot ko ang kanyang tawag.
Ang baritono niyang boses ay hindi ako mapakali tila kinukuryente ako ng kanyang boses.
"Hello pangit na sweetheart ko." Tumaas ang kilay ko dahil nag-uumpisa na naman ang mokong na'to.
"Ethan kung walang ibang lumabas d'yan sa bibig mo na magandang salita ay walang si Nihan dito na ininis mo." Sagot ko sa kan'ya sa kabilang linya.
"Sweetheart, may malaking kasalanan ka pa sa akin hanggang ngayon. Why until now ay hindi mo pa na delete ang photos ng lalaki na'yun sa sss mo."
Iyan na naman ang endearment niya na sweetheart. Parang sasabog ang kabog ng dibdib ko sa pa sweetheart sweetheart niya sa akin. Ang tapang niyang sabihin sa kabilang linya.
"Huminga ka ng maayos Nihan," mahinang sabi ko sa sarili ko. I swallowed and I took a deep breath.
Para akong may hawak na batang umiiyak sa kandungan ko na pinapatahan ko sa lakas ng t***k ng puso ko. Magsasalita na sana ako ay narinig ko na bumuntong hininga siya sa kabilang linya. I sighed, walang umiimik sa amin sa linya.
"Bye Ethan, I have to hang up the call may ginagawa ako." Sabi ko at hindi ko na siya hinintay na sumagot pinatay ko ang phone ko.
Umupo ako sa sofa at sumandal ako sa aking kinauupuan. I close my eyes slowly.
Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ako sa aking apartment. Nagtataka rin si manong na wala akong dala. Hindi na niya akong tinanong pa. Hanggang sa dumating kami sa mansion. Nasa entrance pa lang ako ay naririnig kong may nagtatawanan sa living room.
Namilog ang mata ko kung sino ang matikas na lalaki ang nakasandal na nagtatawanan sila ni Daddy.
Kung hindi ko lang nilakasan ang paghawak ko sa mga libro ko ay nabitawan ko na ang mga ito.
"Ethan," I said.
Nang magtama ang mata namin ay bigla akong natulala. I thought ay nasa New York pa ito, parang isang kabote rin ito na biglang sumulpot lang. Nasa pinas na pala ito.
He smiled at me. Kailan pa siya dumating? Kanina ay makausap lang kami sa linya ngayon ay makikita ng dalawang mata ko na nandito na siya sa mansion.
Humakbang ako para umakyat pero hindi ako nakalusot dahil ang pasaway na si Navi ay tinawag ako. Kontrabida talaga sa buhay ko ang kapatid ko na isa.
Author's note: Kung may maling spelling po ako ay pasensya na po ❤️ mag-eedit din po ako. Sa mga naka-follow sa Kapag Lumingon ka, Akin ka ay Under Review po siya ito muna ako mag-update.