Chapter 18
NIHAN
Nang tawagin ako ni Daddy ay tumigil ako sa aking paglalakad paakyat sa aking kwarto. Nakatingin sa akin si Ethan halos hindi na niya maikurap ang dalawang mata niya sa akin. Ewan ko ba parang kinakabahan ako sa kanyang titig sa akin.
"Ate, ayaw mo bang e welcome sweet home si Kuya Ethan," panunukso ni Navi sa akin at nagkatinginan sila ni Ethan.
Pinalakihan ko siya ng dalawang mata ko si Navi, pero parang wala lang sa kan'ya ang ginawa ko. Ngumiti pa siya sa akin. Alam ko na magkasundo sila ni Ethan at siya rin mismo ang nagbibigay chismis kay Ethan tungkol sa akin.
"Bakit ko naman siya e-welcome sweet home hindi naman siya si Jerry. Sa bagay para naman kami Tom and Jerry ni Ethan." Sabi ng isip ko.
"Tatayo ka lang ba d'yan anak," malambing na tanong ni Mommy sa akin.
"Ah, kasi po Mom may assignment pa po ako at may tatapusin pa po ako ng project," pagsisinungaling ko. Tinapunan ko lang ng tango si Ethan.
Nagpaalam ako at patakbong inakyat ko ang aking kwarto sa taas. Sinabihan ko rin si Mommy na tawagin lang ako kung oras na ng hapunan. Pumayag naman si Mommy sa gusto ko.
Nang nasa kwarto na ako ay nilapag ko sa glass table ang gamit ko. Pumasok rin ako sa banyo para mag-half shower ako. Ilang sandali ay lumabas na ako sa banyo. Kumuha ako ng damit sa aking closet. Hindi naman totoo na may project akong gagawin. Ginawa ko ay binuksan ko ang social media account ko. Nagdalawang isip pa ako kung delete ko ba ang picture namin ni Dexter. Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko na may kumatok.
"Come in," sabi ko at bumukas naman ang pinto.
"Ate, dinner's time na." Sabi sa akin ni Either.
"Sige, baba na rin ako." Tumango lang sa akin ang kapatid ko.
Nang nasa hapagkainan na kami ay masaya kaming kumakain. Magkaharap kami ni Ethan. Bawat subo ko ng pagkain ay nakatingin siya sa akin. Napalunok ako ng ingat ni Ethan ang mukha niya sa akin.
Hindi tuloy ako makapag-concentrate kumain. Ginawa ko ay nakipagtitigan ako sa kan'ya. Kung nanghahamon ang kanyang mata ay nilaban ko naman ito. Nakita ko siyang dahan-dahan yumuko at ngumiti. He shook his head.
Tinanong siya ni Daddy kung kumusta ang mga foreigner investments na hinahawakan ni Ethan sa New York. Sinuway naman sila ni Mommy dahil sa oras ng kainan ay business pa rin ang topic nila.
"Kailan mo ba ipapakilala sa amin ang girlfriend mo anak?" tanong ni Daddy kay Ethan.
Bumuntong hininga muna si Ethan sa tanong sa kan'ya ni Daddy. Ako naman ay parang may tinurok ang puso ko. I'm sure na namumula na ang pisngi ko.
"Soon as possible Dad." Nakangiting sagot ni Ethan ang mata niya sa akin.
Ang mga kapatid ko ay kinikilig-kilig sila. Sila pa yata excited kay Ethan. Kahit hindi kami nag-uusap ni Ethan ay ang mga mata namin ang nagkakaintindihan. Pagkatapos namin kumain ay tumulong ako saglit magligpit ng mga pinagkainan namin.
Pagkalipas ng ilang oras ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Palinga-linga ako sa ibabaw ng kama ko. Almost one am in the morning ay nakadilat pa rin ang mata ko.
Bumangon ako para pumunta ng kusina. Gusto kung magpainit ng gatas baka sakali na makatulog ako. Pagbaba ko ay wala ng ingay sa loob ng mansion.
Nang nasa kusina na ako ay binuksan ko ang fridge at kinuha ko ang fresh milk. Pinainit ko ito ng one minute. Nang uminit na ay nilagay ko sa baso at umupo ako.
Pag-upo ko ay akala ko kung sinong nilalang na nakatayo malapit sa pintuan. Pinag-ekis niya ang kanyang kamay. Sa totoo lang ay gwapo niyang tingnan sa simpleng suot. Kahit naka-short lang ito na pajama at blackfit T-shirt ay para siyang Hollywood Star.
Tiningnan niya ako ng maigi. Kung titigan niya ako ay takot na mawala ako sa paningin niya. Kahit anong pigil ko sa puso ko ay mas bumilis ng bumibilis ang t***k ng aking puso.
Nag-uumpisa naman mag-init ang pisngi ko. Hindi ako mapakali ng dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Tatayo sana ako para umiwas sa kanya ay hinarangan niya ako ng dalawa niyang malaking bisig.
"Ethan," sambit ko sa kanyang pangalan.
Nakatingin ako ng mga mata tila nakakamatay na ngiti sa kanyang labi. Tumikhim siya bigla ang init ng kanyang hininga ay tumatama sa balat ko. Lumapit siya sa akin mas lalong hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
"Drink your milk sweetheart," utos niya sa akin sabay niyang inabot sa akin ang baso na may lamang gatas. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya sa akin.
"S- sa taas ko na itong iinumin," nauutal na sabi ko sa kan'ya.
He's looking at me, para bang ang kanyang titig ay may kahulugan na mahirap hulaan. Bakit ba kasi ganito tumitig si Ethan nakakapanghina ng buong katawan.
"Self, Nihan nasaan na ang tapang mo? Si Ethan yan nasa harapan mo huwag kang engot self, don't tell me na magpapatalo ka sa mata niyang ng huhubad kung makatingin." Nag-uusap ang diwa ko.
Para tubig kung inimon ang gatas sana naman ay makatulog ako kaagad baka maging opposite ang mangyari sa'kin. Tumikhim ako nginitian ko siya na para hindi niya mahalata na tatalon na ang puso ko sa lakas ng kabog nito.
"Why are you still awake?" he asked me.
"Hmm, I dunno. Baka na sobrahan lang ako sa kape. Sige aakyat na ako may pasok pa ako bukas, " saad ko.
Hahakbang sana ako ay bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko. Pakiramdam ko ang mula ulo hanggang dulo ng buhok ko may bilyong boltahe na ng kuryente na dumadaloy.
Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Ethan. Napapikit ako ng aking mata. Hindi ko siya maintindihan para siyang bata na takot iwan sa higpit ng pagkayakap niya sa baywang ko.
"I miss you," bulong niya sa punong tenga ko.
Nang sabihin niya sa akin na miss niya ako ay tumindig ang mga balahibo ko. I can't help myself, I think nasisiyahan ako sa sinabi niya sa akin.
"Kailangan ko ng matulog ayokong mapuyat," sabi ko.
Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking batok.
"May tao ba sa kusina?" pareho kaming nagulat sa nagsalita sa labas ng kusina.
"Magtago ka Ethan sa ilalim ng mesa," utos ko.
Tinawanan lang ako ni Ethan. Hindi siya gumalaw hindi siya natatakot kung may makakita sa amin na ganitong sitwasyon. Naalala ko dati ganito rin ang ginawa niya. Maktol talaga ang lalaki na ito.
Nang makita ko unti-unting may nagbukas ng doorknob ay tinulak ko si Ethan. Instead na siya ang gusto kung magtago ay ako ang nagtatago sa ilalim ng mesa.
"Ethan, ikaw pala," boses ni Mommy.
"Hindi kasi ako dinadalaw ng antok Tita. I think someone is thinking of me. Nagpa-init ako ng gatas baka sakali na makatulog ako ng mahimbing" sabi niya kay Mommy.
Kinurot ko ang kanyang binti sinamahan ko rin ng ilang balahibo niya sa binti. Naramdaman ko na nasaktan siya dahil napataas niya ang kanyang binti.
"That's good. Katulad mo si Nihan ganyan ang ginagawa niya kung hindi siya makatulog. Akala ko nga si Nihan ang nasa kusina sanay kasi ako ng ganitong oras na siya ang pumupunta dito sa kusina. Maiwan muna kita Ethan, sisilipin ko muna si Nihan sa taas."
"Patay paano na ito," mahinang sabi ko.
"Tita , baka tulog na'yun. Isa pa maaga ang kanyang pasok bukas sa University. Pwede ba Tita nag-usap muna tayo sa garden na miss ko noong bata pa ako na lagi kang may story sa akin," sabi ni Ethan kay Mommy.
Nakaginhawa ako ng maluwang at nakita ko rin paa nilang dalawa na palabas ng kusina. Nang maramdaman ko na wala ng tao sa loob ng kusina ay lumabas ako sa ilalim ng mesa.