Chapter 19

1606 Words
Chapter 19 Nihan Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi rin ako nakatulog ng maayos. Siguro ay tatlong oras lang na tulog ko kagabi akala ko mahuli na kami ni Mommy mabuti na lang naisip din ni Ethan na mag-drama sa harap ni Mommy. Best actor Oscar Award na rin si Ethan. Dahan-dahan kung minulat ang aking mga mata. Nang masagip ng mata ko si Ethan na natutulog sa light brown sofa ko sa loob ng kwarto ko ay pinalaki ko ang mata ko. Anong ginagawa niya rito? Dito ba siya natulog sa kwarto ko? Ganun ba kahimbing ang tulog ko dahil hindi ko na siya namalayan kagabi. Bumangon ako at lumapit sa kan'ya na mahimbing na natutulog. Tinaas ko ang isang kamay ko, tila may nag-uutos sa akin na haplusin ko ang magandang mukha ni Ethan. I remember mom told me na kamukha ni Ethan ang kanyang ina. Maganda raw ang ina ni Ethan kahit sa litrato rin nakita ni Mommy. Marami rin mahirap na pinagdaanan si Ethan noong bata pa siya. I smile, kung matulog si Ethan ay akala mo naman na wala sa kanyang itsura na pagkamakulit at pasaway higit sa lahat ay mahilig mang inis. Pero sa akin lang ito nang-iinis ng sobra ang timang na'to. "Nihan," mahina niyang sambit sa pangalan ko kahit nakapikit ang kanyang mga mata ay nakangiti pa rin ito. Pakiramdam ko ay may humamplos sa aking puso. Pakiramdam ko ay gustong isigaw ng puso ko ang pangalan ni Ethan. Pasaway din ang puso na'tin minsan. Hindi ko talaga maintindihan ang kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kan'ya. Hindi naman siguro ako natatamaan ni kupido. Nang mapansin ko na parang nangangalay na ang kanyang leeg ay tumayo ako para kumuha ng extra pillow sa higaan ko. Nakangiting lumapit ako sa kan'ya na hawak-hawak ko ang unan ko. Hindi ko alam paano ko ilagay ang unan para hindi siya magising. Nagulat ako ng bigla niyang dinilat ang kanyang mga mata. Mas lalo ako nagulat ng makita kung mas lumaki pa ang kanyang mata sa akin. Akala siguro niya ay may gagawin akong hindi maganda sa kan'ya. "Nihan anong ginagawa mo? Gusto mo ba akong patayin!?" gulat na tanong niya sa akin. "Grabe ka, bakit naman kitang papatayin. Ikaw na nga ang tinulungan, ikaw pa ang may lakas na pagsabihan na may balak kitang patayin." Sabi ko na nakanguso ako. Akala kasi niya gusto ko siyang sakalin ng unan. Tamatama kasi ng imulat niya ang kanyang mata ay unan agad ang nakasentro sa kanyang mukha kahit sino naman na tao ganun din ang iisipin. Natawa tuloy ako sa sarili ko at sa kilos ni Ethan takot rin pala itong mamatay. Tinapon ko sa kanyang mukha ang unan at tinalikuran ko siya. As usual mabilis niyang nahuli ang kamay ko. Natumba tuloy ako sa kanya parang bakal ang tigas ng kanyang dibdib. Nagkatinginan kaming dalawa sa mata sa mata, halos maduling na ako. Nabigla ako ng sinub-subsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg niyakap niya ako. "Sweetheart, please huwag mo akong iwan." He whispered to me. Naramdaman ko na tumulo ang kanyang luha sa leeg na hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin sa leeg ko. "Ethan bata ka ba? Baka nakakalimutan mo na isa kang attorney tapus iyakin mo at matakutin pa, ano ba ang pinagsasabi mo na huwag kitang iiwan?" tanong i ko sa kan'ya. Inangat niya ang kanyang mukha. I didn't expected na kay aga ay iiyak si Ethan. Ang dalawa niyang kamay ay nasa magkabilang pisngi ko. Tiningnan niya ako na namumula ang kanyang mga mata halos maduling ulit ako ng ilapit niya ang kanyang sa mukha ko. "Hindi ako mapapagod ng ilang beses kung sasabihin na patay na patay ako sa'yo sweety. Matagal ko ng hinihintay na maging akin ka. Ikaw ang nagbigay sa akin ng inspiration sweetheart. Ikaw ang dahilan kung bakit naging makulay ang mundo ko. Wala sa araw at gabi na ikaw ang laman ng puso at isip ko. Ikaw lang Nihan. Mula ng bata kapa nakatatak ka sa aking puso at isipan," na speechless ako sa mga pagtatapat ni Ethan ulit sa akin." Kinuha niya ang kamay ko at nilagay niya banda sa kanyang puso. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pahirin ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. "Ethan anong drama naman ba ito? Baka nanaginip ka na naman?" tanong ko pero ang puso ko ay parang tambol na ito sa lakas ng kabog. Nang bigla niyang sakupin ng halik ang labi ko ng labi niya ay naestatwa ako. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nahihiya ako dahil pareho kaming bagong gising at hindi pa kami naka mugmog. Infairnes ang tamis ng lasa ng kanyang halik parang strawberry flavored ito ng ice cream na may halong cherry flavor din. Ang isa niyang kamay ay nasa likod ko. Nanginginig ang katawan ko dahil wala akong suot na bra tanging night piece lang na spaghetti ang suot ko. Ang mainit niyang palad ay pumasok sa loob ng suot ko. Dahan-dahan niyang hinaplos ang likod na nagbigay kakaibang sistema sa buong katawan ko. Hanggang sa unti-unti akong tinatangay ng malambot niyang labi at matamis niyang halik. Nagsimulang lumikot ang kanyang dila at kusa ng kanyang labi na buksan ang aking bibig. Hindi ako expert sa ganito at hindi rin akong marunong gumanti ng katulad niya na paano niya akong halikan. Pinahiga niya ako sa sofa hanggang ngayon ay magkadikit pa rin ang aming labi. Hanggang sa sinabayan ko ang kanyang halik. Pareho kaming nag-iinit ang katawan ngayon ko lang itong nararamdaman sa buong buhay ko. At si Ethan palang ang nakakagawa nito sa akin. Pababa ng pababa ang halik ni Ethan hanggang sa leeg ko. Napaungol ako ng sipsipin niya ang leeg ko at dinilaan niya ito. Hindi ito pwede, tinulak ko siya ko ng maramdaman ko nanigas ang kanyang alaga. Natakot ako na baka saan kami mapunta. I'm not yet ready for this. Hindi rin nagprotesta si Ethan. Ilang beses siyang humingi ng sorry sa ginawa niya. Sinabihan ko siya na huwag humingi ng sorry dahil nag patangay rin ako sa init ng katawan. Walang may kasalanan dahil hindi naman ito na hindi sinasadya. Lalo na buhay na buhay ang bawat sistema namin isa pa ay walang lasing samin na dalawa. Tumayo at inayos ko ang sarili ko. Tiningnan ko ang oras sa alas sais na ng umaga. He smiled at me. Ang kanyang mga mata ay tila kumikislap. Tumahol na naman ang puso kung traydor minsan. "Bangon na Ethan, ayoko kung may makakita sayo na nandito ka sa loob ng kwarto ko." Matapang na sabi ko. "Antok pa ako babe," saad niya at niyakap niya ang unan na bigay ko sa kan'ya. Ang dami mong endearment, baka sa daming babae na dumaan sa'yo ay nalilito ka na sa mga endearment mo. May sweetheart, babe and honey. Ano pa ba ang iba? Sa bagay halos ang ibang babae ay nagkakandarapa sa'yo. Kaya hindi ka na virgin." Lumaki ang mata sa last word na lumabas sa bibig ko. "What did you say baby?" tanong niya sa akin at mabilis na bumangon at tumawa. Nakangiting tiningnan ako. Nahiya pa ako ng tingnan niya ako na hindi niya maikurap ang mata niya. Kinuha ko agad ang maliit na blanket dahil ang mata niya sa dibdib ko. "Sabi ko ilong mo hindi na virgin," nahihiya kong sabi. Bakit ba kasi lumabas sa bibig ko na hindi na siya virgin. Gusto kung sumigaw sa hiya sa harapan niya. "I'm sorry baby kung hindi na ako virgin," he said. Pinipilit lang niya ang kanyang sarili na hindi tumawa. Tumayo siya at hinalikan niya ang noo ko. Ako naman dito ay parang tanga. Kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig ko. Isang katulad ni Ethan himala na virgin pa ang lalake na'to. Si Pamela nga ay handa niya isuko ang bataan niya kay Ethan, ibang babae pa kaya? "Sorry, promise ikaw lang para sa'kin babe," he said at muli niyang hinalikan noo ko at ulo. Para bang sinusuyo niya ako na huwag magalit sa kan'ya. Pero sa totoo ay hindi ko siya kayang tingnan sa nangyari sa amin at na sabi ko. Ang baritono na boses niya ay nagpagising ng aking diwa at ang bawat halik at haplos niya sa buhok ko. Hindi na rin ako nagsalita baka iba naman ang lumabas sa bibig ko. Sana sa mga sunod na araw ay hindi niya ako tuksuhin at inisin. Kilala ko siya sure na iinisin ako. Nagpaalam na siya na lumabas ng kwarto ko. Nahalata ko sa kan'ya na hindi niya ako kinukulit kahit napipilitan lang siya na hindi akong inisin. Bago siya lumabas ay hinalikan niya muna ako sa aking pisngi at kamay. "My morning today," nakangiting bulong niya sa punong-tenga ko. Pagkalipas ng ilang oras ay nasa University na ako. Kakaibang energy ako pumasok sa classroom namin pangiti-ngiti pa ako. Umiling-iling ako dahil lang ba sa halikan namin ni Ethan ay nagkaroon ako ng super energetic sa umagang ito. "Psst, anong meron Nihan iba yata ang umaga mo ngayon kaysa ibang araw?" tanong ni Sashie sa akin. "Porket masaya lang ako ay may kakaiba na," sagot ko. Nilingon ko si Pamela napapansin kung hindi niya akong masyadong pinapansin. Ngayon lang itong nangyayari sa kanya na tahimik sa akin, tinawag ko ang isa kung kaibigan na si Sashie. Tinanong ko kung may problema ba si Pamela umiling lang sa'kin si Sashie dahil hindi niya rin alam. "Pamela may problema?" tanong ko sa kan'ya at hinawakan ko ang kamay niya. "Maiwan ko muna kayo," sabi niya sa amin at lumabas siya sa classroom. Nagkatinginan kami ni Sashie sa ginawa ni Pamela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD