Chapter 20

1955 Words
Chapter 20 Nihan After ng class namin ay sumakit ang likod ko at paa. Mula kasi kaninang umaga ay busy kami maraming project na ginawa namin. How I wish na wala ng next na ganitong klaseng project ang hirap kasi gawin ang daming research. Niligpit ko ang mga gamit ko at nilagay ko lahat sa maliit na box ko at iba ay ilalagay ko sa locker ko hindi ko rin kasi madala sa bahay dahil marami. Ang iba naman ay nilagay ko sa loob ng bag ko ang mga importante lamang. "Sashie hindi ka pa ba tapos sa ginagawa mo?" tanong ko sa kaibigan ko . Nakita kung tumayo si Pamela na walang imik at lumabas din siya na walang paalam sa amin. Hinayaan ko na lang siya at muli kong nilingon si Sashie tahimik din ito. Hindi ko maintindihan ang araw na ito. Gusto ko talagang may kwento sa dalawa kung kaibigan ang tungkol sa mga nangyayari sa amin ni Ethan. Gusto ko sana itanong sa kanila kung umiibig ba ako or hindi. Minsan kasi nakakakuha tayo ng payo sa mga kaibigan natin kahit kalokohan din ang isasagot nila sigurado may mapulot tayo na tamang sagot o aral. "Nihan, mauuna na ako sa'yo. Huwag mong isipin si Pamela baka may family problem naman siya kaya ganun siya umasta sa atin." Wika ni Sashie sa akin. I nodded to her with a sweet smile. Tatlong araw ang lumipas nagpaalam ako kila Mommy na dito muna ako sa aking unit. Hindi ko kasi kayang tingnan si Ethan sa mansyon. Hindi ko rin alam bakit ko siya iniiwasan. Almost 11pm in the evening heto na naman ako ang nakatingala sa taas ng kisame hindi na naman akong dinadalaw ng atok. Hindi ko na alam saan ko ibabaling ang mukha ko hanggang sa nilagay ko na ang unan sa mukha ko baka sakali na makatulog ako. Muntik na ako mahulog sa sahig sa kakagulong-gulong ko. Kinusot ko ng kamay ko ang mata ko pero wala pa rin effect. Ano ba kasi ang nasa isip ko. Napakagat ako ng aking labi sa kakaisip ko sa mga halik ni Ethan sa labi ko. Ano ba ang alam ko sa laman ng puso ko? Baka ewan ahay na lang umiling-iling ako. Hanggang sa nakatulogan ang oras hindi ko rin namalayan ay umaga na pala. Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone. Kinuha ko ito ng makita ko sa screen ng phone ko ay si Dexter ang tumatawag. Sasagutin ko sana ay biglang may nagdo-doorbell sa main entrance ng apartment ko. Bumangon ako at hindi ko sinagot ang phone ko. Kinuha ko ang white robe ko na nakasabit sa likod ng pintuan ko. Binuksan ko ang pinto. "Good morning sweetheart," napaawang ang labi ko na si Ethan ang nasa labas ng pintuan na naka-pajama rin ito. "Ethan anong ginagawa mo rito? Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ko. Tiningnan ko kung may tao ba sa labas wala akong nakita maliban sa isang cleaning service. Hindi ko namalayan ay pumasok si Ethan. Feeling niya ay siya ang may ari ng unit ko. "From now on I am your sweet lover neighbor," he said sa gulat ko ay namilog ang dalawang mata ko. "Anong ibig mong sabihin? It means ikaw ang bagong may ari ng unit sa tapat ng unit ko?" pagtataka na tanong ko sa kanya. "Absolutely yeah, ayaw mo sweet lover pa ako hot bodyguard mo pa ako," nakangiting saad niya sa akin. Aba ang yabang naman ng mokong na'to. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya pala ang maging neighbors ko. Ano naman kaya ang kanyang trip sa buhay? Hinila niya ang kamay ko papasok sa kusina para naman akong batang napapasunod niya. Nang nasa kusina na kami ay inikot niya ang kanyang mata. Lumingon siya sa akin at dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. "Hihingi sana ako ng itlog at hotdog hindi pa kasi nakapag-grocery." Sabi niya sa akin. "Hotdog wala rito ang hinihingi mo isa pa hindi ako kumakain ng hotdog itlog lang ang kinakain ko," he smiled at me parang may malisya sa kan'ya ang sinabi ko. "Oh really? Hmm baka maka-feel at home saglit dito sweety sa kusina mo," tiningnan niya ako na may halong pang-iinis. Ito ang kinaiinisan ko sa kanya minsan. Kung tumingin kasi siya ay hindi mo ma-deny ang sexy and hot niyang tumingin parang nakakalaglag ng panty. Binuksan niya ang fridge, nakahabol pa siyang tanungin ako bakit hindi ako kumakain ng hotdog. "Masarap ang hotdog sweety kung prituhin natin with eggs. Hindi ka pa naman siguro nag-almusal 'di ba?" he asked me husky voice. Hindi ko nasagot ang tanong niya sa akin dahil muling tumawag sa akin si Dexter. Sinagot ko ang phone ko ng marinig ni Ethan na binanggit ko ang pangalan ni Dexter ay nag-iba ang aura ng kanyang mukha. Parang nagtitimpi lang ito sa sagalit kitang-kita ko kung paano umigting ang kanyang panga. Lumabas ako ng kusina at sa living room ko kinausap si Dexter sa kabilang linya. "Pwede ka ba next weekend?" "Anong meron?" tanong ko. "Gusto sana kitang e-invite sa birthday ko. Kung free ka then I want to talk to you, gusto ko sa araw ng birthday ko sasabihin. I'm glad na makakadalo ka Nihan," I sighed. "Of course birthday mo yan e, bakit ako tatanggi, this is the first time na inimbitado mo ako. Isa ito sa magandang isasama ko sa treasure ko." Narinig kung nag-yes sa linya at natawa naman ako sa kan'ya. Napangiti rin ako kahit hindi ko siya nakikita ay naramdaman ko ang kanyang saya. Hanggang sa binaba ko ang call namin na dalawa. Paglingon ko ay si Ethan na malungkot ang mukha na seryosong nakatingin sa akin. Nag-excuse ako sa kan'ya para umakyat sa taas dahil naiinitan ako sa suot ko na robe. Paghakbang pa lang ako ay bigla siyang tumikhim. "Si Dexter ba ang kausap mo sa linya?" mahinahon niyang tanong sa akin. "Oo, nahanap mo ba ang kailangan mo sa fridge?" pag-iiba ko sa tanong niya sa akin. "Yeah, but sabay na tayong kumain." Tinalikuran niya ako at walang imik na pumasok ulit sa kusina. Parang galit siyang pumasok. "Just a minutes magpalit lang ako ng damit," saad ko. Pagkatapos kung magpalit ay bumaba kaagad ako sa kusina. Pagpasok ko ay may mga pagkain na sa mesa tinupad talaga ni Ethan na e-feel at home niya ang bahay ko. I can't believe na naka-ready na ang mga pagkain sa lamesa. Napa-wow ako ng lihim sa paghahanda niya sinuot rin niya ang blue efron ko. Akala ko pa naman ay nagluto siya ang leftover ko lang pala kagabi ang kanyang pinainit. Adobong pusit at may bread din siya na nilagay at on the side are some jam. "Pagkatapos na'tin kumain, can we have coffee in my apartment?" tiningnan niya ako kanina ay masigla ang kanyang mukha naka-ready pa itong inisin ako. "Yeah sure, are you okay?" I asked him and he nodded. "I'm jealous," mahina niyang sambit na nakayuko siya. "Kumain na tayo, baka maudlot ang tour na'tin sa new apartment mo. Ang daya mo bakit hindi mo sinabi sa akin na neighbor na pala kita." Nakangiting sabi ko sinamahan ko ng biro. Kung magpapadala ako sa biglang pagbago ng mood swings niya mauwi naman kami sa bangayan. Feeling ko tuloy nakagawa ako ng masama sa kan'ya. Baka nga dahil matagal na niyang pinagseselosan si Dexter. "Huwag kang tumawa ng ganyan sweetie dahil marupok ako pagdating sa'yo," muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Unavailable this man ang hirap e-drawing ang ugali. I smile at hinigop ko ang kape na siya rin ang nagtimpla ng kape para sa akin. "Ano ang pinag-usapan n'yo?" he asked me. "Birthday niya next weekend, he invited me." Tumango lang siya sa akin. "Are you going?" hindi ako naka sagot sa tanong niya sa akin dahil kung ano-ano na kasi ang kanyang tanong. "Masarap ba ang luto ko?" pag-iiba ko ng topic. "Ito na yata ang pinakamasarap na natikman ko luto sa buong buhay ko." Nakangiti niyang sagot. "Bolero, alam ko naman naalatan ka sa luto ko e," tumawa lang siya sa akin. Kasi ako mahilig sa salty at siya ay hindi. Pagkalipas ng ilang minuto ay nasa loob na kami ng kanyang apartment. Ang loob ay halata talagang pag-aari ng isang bachelor. The furniture is all elegant I'm pretty sure na galing din sa ibang bansa ang ibang furniture. Kaya naman pala professional ang nakikita kung minsan na architect designer. Ang black leather couch niya ay bagong-bagong pa. Napaka-tidy ng loob ng apartment niya. Lumapit siya sa akin at niyaya ko sa living room. Hindi ako makapaniwala na may isang malaking picture frame sa maliit na mesa. Litrato naming dalawa iyun sa sa garden ng mansyon ni Lola at Lolo Jones. Tiningnan ko siya at nginitian niya ako. "Ethan ang pangit ko d'yan sa picture na'yan?" sabi ko. "Pangit ka naman talaga," pilyong sabi niya sa akin at kumunot ang aking noo. Nagtatawanan tuloy kaming dalawa. I remember all those days. Parang gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata. "Come," sabay hila niya sa kamay ko. "Anong meron dito?" "We will see," he said na dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Pagbukas niya ay nagulat ako dahil tila kwarto ng mala-princess ang loob tulad ng mga lumalabas sa Disney Channel. Iba rin ang trip ni Ethan. For who naman kaya ang kwarto na ito? Nang bigla niyang yakapin ang likod ay dumadagundong na naman ang dibdib ko. Kakaiba ang bawat yakap niya sa akin. Nang tumunog ang kanyang cellphone ay ayaw sana niyang sagutin ay inutasan ko siyang sagutin niya ang kanyang phone, baka importante ang tumatawag. Nang mahulog ang kanyang cellphone ay biglang naka-loudspeaker ang kanyang cellphone. Natulala ako ng biglang babae ang nasa linya ang nagsalita. Tila sabik na sabik kay Ethan kung anong matatamis na salita sa babae sa linya. Kailan daw siya dadalawin ni Ethan dahil miss na na raw siya ng babae. Sino siya sa buhay ni Ethan? Hindi ko natiis pakinggan ang ibang sinasabi ng babae sa linya dahil tono ng kanyang pananalita ay she trying to seduce Ethan. Hanggang sa pinatay ni Ethan ang kanyang cellphone. Hindi niya sinagot ang mga tanong ng babae sa kan'ya. I smile at him, and I pretend I'm fine. Kahit sa totoo ay hindi ko alam na nagseselos ba ako. "Nihan, sorry let me explain," nginitian ko lang siya. Napatingin ulit ako sa hawak niyang phone dahil ilang beses na itong nagri-ring. Pero hindi niya sinasagot ang tawag. "Ethan, I have to go. I forget to tell you na mag-unwind pala kami ng mga kaibigan ko. Congratulations to your new apartment." Naramdaman ko ang takot sa kanyang mukha. Mula ng marinig ko ang tumawag sa kanya sa kabilang linya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at isang matamis na ngiti ang ginawa ko sa kan'ya. He kissed my forehead. Ang simpleng halik na'yun ay tila may milyong-milyong boltahe ang gumagapang sa buong katawan ko. Niyakap niya akong bigla ramdam na ramdam ko ang lakas ng kanyang t***k ng kanyang puso. Bigla akong kumalas sa kan'ya pakiramdam ko ay nanghihina ang tuhod ko. Pinapakita ko lang sa kan'ya na parang wala lang sa akin ang narinig ko. Tinalikuran ko siya sinubukan ko siyang lingunin ng tawagin niya ang pangalan ko ay hindi ko siya nilingon. Narinig kung napamura siya at tinapon niya ang kanyang phone sa sahig at mabilis kung sinarado ang pintuan at bumaba ako na pakiramdam ko ay may nakabara sa ang aking lalamunan. Tumakbo ako pumasok sa apartment ko. Gusto kung umiyak pero hindi ko magawa. Ano ba ang alam ko sa nararamdaman ko. Hindi naman kami ni Ethan pero kung umasta ako ay may karapatan akong magselos ng sobra sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD