Chapter 63 NIHAN Ayaw pa sana akong iwan ni Ethan ay sinabihan ko siya na baka mahalaga ang sadya ng kanyang mga kaibigan. Ilang sandali ay natapos ko na rin kainin ang mga pagkain na niluto niya sa akin. Natawa ako sarili ko dahil naubos ko ang mga pagkain sa tray. Bumaba ako pagkatapos kung ligpitin ang pinagkainan ko. Hindi ko na tinawag ang nagtatrabaho sa mansion. Pagbaba ko ay nakita kung busy na nag-uusap sila Ethan sa living room. Nakita ako nila ako na bitbit ko ang tray. Mabilis na tumayo si Ethan para kunin niya sa akin ang tray pero pinigilan ko siya ng kamay ko. I smile at them at tinuloy ko ang paglalakad papasok ng kusina. "Ma'am magandang umaga, bakit hindi n'yo kami tinawag para kunin sa taas ang tray." "Wala naman akong ginagawa isa pa may mga trabaho kayo at sanay

