Chapter 62 Nihan Mula ng dumating kami ng bahay ay hindi pa rin akong pinapansin ni Ethan. Hindi niya rin akong kinakausap hindi ako sanay na malamig ang pakikitungo niya sa akin. Sana hindi ko na lang ginawa yung idea ko sa kape na nilagyan ko ng asin at black pepper. Ano ba kasi ang mga weird na pumasok sa kokote ko. "Ako na Yolly ang magpalit ng damit ni Johalvin matulog kana," sabi ko kay Yolly. "Ate, may problema ba kayo ni Sir Ethan?" tanong sa akin ni Yolly. "Nagtatampo lang yan sa akin ang Sir mo," saad ko habang binibihisan ko ng pajama ang anak ko. "Totoo ba ate na nag-propose si Sir sa'yo at lumuhod daw siya sa harap ng mga magulang n'yo. Wow ate sana all, bakit kasi hindi ako sumama kanina?" Nakangiting tumango ako kay Yolly at pinakita ko sa kan'ya ang singsing ko. Na

