Chapter 14
Ethan
Parang akong kinukulam sa loob ng aking opisina upo tayo, upo tayo ang nangyayari sa akin. Apat na araw mula ngayon na nandito ako ngayon sa New York. Masaya ako dahil successful ang kaso na nilaban ko sa korte, akala ko ay hindi ko na ma-ipanalo ang kaso ng kliyente ko.
Malaki ang pasasalamat ng pamilya ni Mr. Dawson dahil na kaya kung ipanalo ang kanyang kaso na hindi naman siya ang gumawa. Isang Mafia Lord ang kalaban ni Mr. Dawson.
Tumayo ako sa swivel chair ko at lumabas ako sa balcony ng opisina ko. How come na hindi ko na kayang sagutin ang sinabi ni Nihan sa akin na isa akong dakilang torpe. Alam ko na sinasadya niya lang iyun sabihin sa akin dahil nararamdaman ko kung paano siya kabahan at nanginginig kung lumalapit ako sa kan'ya. Umiling-iling ako at lumanghap ng sariwang hangin.
Ilang segundo ay pumasok ako ulit sa aking opisina. Pagpasok ko ay nakita kung bumukas ang pintuan ng aking opisina. Nang makita ko kung sino nasa pintuan nagulat ko dahil ang dalawang pasaway ko na kaibigan ang pumasok at derecho na umupo sa maliit na sofa.
"Chris and Brian, kung ang pinunta n'yo lang rito ay inisin ako ay wala ako sa mood maglokohan sa inyo." Sabi ko sa kanila at umupo ako sa aking swivel chair.
"We are here to congratulate you dude. The best ever ka talaga. Hindi mo ba alam na, mula ng ipanalo mo ang kaso ni Mr. Dawson ay ikaw lang ang laman ng balita at sa social media." Masayang sabi ni Chris sa akin.
Nagpasalamat ako sa dalawang akong kaibigan at umupo ako ng maayos pero ang isip ko ay kay Nihan pa rin. Napapansin din ako ng dalawa kung kaibigan.
"Bakit ganyan ang mukha mo? You should be happy dude. Don't tell me na si Nihan na naman ang laman ng isip mo. Bakit ba pagdating kay Nihan ay hindi mo masabi sa kan'ya ang tunay mong nararamdaman." Saad ni Brian.
Tumikhim ako at tumayo. Kinuha ko ang bottle of wine at isa-isa kung sinalinan ng wine ang kopita na hawak ko.
"I'm going crazy! I really don't know but tikom ang bibig ko sa harapan niya, but already I kiss her. I already told her what I was feeling but, wala siyang reaction sa pagtapat ko sa kan'ya. Isa sinabihan pa akong dakilang torpe.Torpe ba ako? Torpe ba na hinalikan ko na siya ng ilang beses?" Sabay akong
tinawanan ng dalawa kung kaibigan sa mga tanong ko sa kanila.
"Seriously?" sabay nilang tanong sa akin.
"Yeah," malumay na boses na sagot ko.
"Baka hindi pa handa si Nihan, baka hanggang ngayon ay kuya pa rin ang turing niya sa'yo." I took a long deep breath.
"Bukas ng bukas ay uuwi ako ng Pilipinas. Ipapakita ko kay Nihan na mali ang inaakala niya sa akin na torpe ako!" madiin na sabi ko.
"That's our friend, ang tunay na Ethan Santos," nakangiting wika ni Chris.
"Sasama ako kami sa'yo dude, Gusto kong makilala ng personal si Navi Jones," nilingon ko si Brian, kunot noo ko siyang tiningnan na takot naman sa titig ko sa kan'ya.
"Bata pa ang kapatid ko Brian. I will kill you kong isasama mo siya sa mga babaeng nakapila sa'yo. Mark my words Mr. Almonte."
Kinabukasan ay maaga kaming lumipad patungong Pilipinas. Gamit namin ang private jet ni Daddy Nathan. Habang nasa himpapawid kami ng mga kaibigan ko ay kung anu-ano na ang pinag-uusapan namin. We are planning na magpapatayo kami ng sarili naming bar sa Pasig. Then we are enjoying our flight. Nang sabihin ng private pilot na malapit na lumanding ang private jet ay hindi ako mapakali.
Paglanding ng private jet ay kan'ya-kanya kaming may sundo. Ang blue Bugatti Chiron ang nabungaran ng mata ko. Binigay kaagad ni Manong Lucas ang susi sa akin.
"Thank you manong," I said.
Tinawagan ko si Navi kung saan si Nihan, kung nasa mansion ba siya o sa sarili niyang apartment. Nang sabihin ni Navi na nasa private resort sila sa Tagaytay kasama niya ang kanyang mga kaibigan ay agad akong nag biyahe papuntang Tagaytay.
Kahit na pagod pa ako ay bumiyahe ako, hindi ko rin naramdaman ang pagod dahil nasasabik akong makita si Nihan. Tiningnan ko ang oras sa suot ko na swatch na Rolex. Already 9pm in the evening. Inabot din ako ng mahigit isang oras na biyahe.
Pagdating ko ng Tagaytay ay sa private resort ako ni Daddy Nathan dumiretso. Nakilala agad ng mga staff ng resort. Binigyan nila agad ako ng vip room. Umakyat ako sa kwarto ko. I took a quick shower, after kung maligo ay nagpaakyat ako ng dinner. Tinanong ko ang babaeng waitress kung nakita ba niya si Nihan.
"Sir, nasa dalampasigan po mag-isa si ma'am Nihan. Napagod po kasi ang ibang kasamahan niya sa paglalaro ng volleyball kanina," sabi ng babae sa akin. Binigyan ko siya ng tip bago siya lumabas ng room ko.
After kung kumain ay kinuha ko ang long scarf ko at tinungo ko ang dalampasigan. Malayo pa lang ako ay nakita ko na si Nihan na nakaupo niyayakap ang kanyang dalawang tuhod. Tumakbo akong lumapit sa kan'ya.
Bumuntong-hininga ako sa kanyang likod. Nilagay ko ng dahan-dahan sa kanyang likod ang dala ko na scarf. Nagulat siya kung sino ang nasa likod niya. Nang makita niya ako ay namilog ang dalawang mata niya. Nakita kung paano nagtaka ang mga mata niyang kay gandang halikan. Napaawang ang kanyang labi na mata niya ay sa akin nakatingin.
"Ethan, what are you doing here?" she asked me.
"I'm here to see you," mahinang sambit ko.
Tumawa siya ng mahina. She look at me, ang titig niya sa akin tila ang buong katawan ko ay nag-iinit. Kinindatan ko siya bigla naman niya akong pinataasan ng kaliwa niyang kilay. Mabuti nalang hindi kami nakatayo kundi lagot naman ang paa ko sa kan'ya baka apakan na naman.
"Ang bilis mo naman bumalik ng Pilipinas balak ko sanang humanap ng jowa," pilyo niyang sabi sa akin.
"Because of you, why am I here? I wanted to prove to you I'm not a torpe. Sinong may sabi na hahayaan kita makuha ka ng iba?" Naningkit ang kanyang mata at namula rin ang magkabilang pisngi niya sa sinabi ko.
Maya-maya ay pinaharap ko si Nihan sa akin. Ang mabango niyang amoy napapangiti ako habang nilalaro ng hangin ang hibla ng kanyang buhok. Lalo siyang gumaganda sa paningin ko.
"Nihan," malambing kung tawag sa kanyang pangalan. Nahihiya siyang tumingin sa akin.
"E, kasi biro ko lang iyon ng sinabihan kita ng torpe kasi alam ko na hahalikan mo na naman ako," nauutal niyang sabi sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang maliit na baywang. She cleared her throat. Hinaplos ko ay kanyang pisngi. Ramdam na ramdam ko kung paano siya nakikiliti.
"I like you, I love you so much sweetheart." Walang paligoy kung sabi.
Yuyuko sana siya ay pinigilan ko. Nakipag-eye contact ako sa kan'ya. She's a strong woman dahil deretsong nakipag titigan siya akin pakiramdam ko mas matindi pa siyang makipag-eye contact sa akin. Ako yata ang matatalo sa titigan namin. Ibang-iba siya kay Tita Emma.
"I want to court you sweetie, let me court you." She swallowed.
Ibubuka sana niya ang kanyang bibig ay bigla kung sinakop ng aking labi ang mapang-akit niyang labi. Halos hindi na siya makahinga sa mapupusok kung halik sa kan'ya. Maya-maya ay tumugon siya ng halik sa akin.
"E-Ethan," mas lalo akong nasasabik sa kan'ya ng iungol niya ang pangalan ko. I know hindi ko naman hahayaan na e-surrender niya ang kanyang sarili sa akin pag hindi pa siya handa. I respect her and I'm not a kind of man na pipilitin ko ang babaeng mahal ko. Nihan is very differ from others.
She sighed. "Mali ito Ethan, big brother kita."
"No, Nihan you and I, hindi tayo magkadugo, sweetie." I said, hinaplos ko ulit ang kanyang pisngi.
"I'm still young, Ethan commitment, I'm not yet ready," tumayo siya pipigilan ko sana ang kanyang kamay ay hindi na ako nag-protesta pa.
"Hindi naman kita pipilitin sweetie. Pero gusto ko lang malaman mo kung gaano kita kamahal. I want you to be my woman, I want you to be exclusively mine walang makakaagaw. If you are not, ready kayang kung maghintay kahit gaano pa katagal. Ngayon pa na hindi ka na minor de-edad." Tumayo ako hinawakan ko ang magkabilang niyang braso at pinaharap siya sa akin.
I'm not going to force her, ayoko rin siyang pressure. I smiled at her, hinalikan ko rin ang kanyang noo. Naiintindihan ko siya.
"I'm tired, I have to go. Isa pa inaantok na rin ako. What time is it? " tanong niya sa akin tila nanlalamig din siya sa malamig na hangin.
Nang sabihin ko ay oras ay walang paalam na tinalikuran niya ako, dahan-dahan siyang naglalakad. Habang nasa likod niya ako, nilingon niya ako na tahimik na sumusunod sa kan'ya. Hopefully na hindi siya nagtatampo sa akin.
"Aray!" sigaw niya mabilis ko siyang nilapitan.
Hindi ako magkandarapa na nakikita ko siyang nasasaktan at umiiyak. Nang makita kung dumudugo ang kanyang paa ay mabilis ko siyang binuhat halos itakbo ko na siya. Hanggang sa dumating kami sa loob at dinala ko siya sa kanyang kwarto. Tinawagan ko rin ang mga staff na dalhan niya kami ng gamot sa paa ni Nihan.
Habang ginamot ko ang sugat ng paa ni Nihan ay napapaaray siya sa hapdi na alcohol. Isang matulis kasi ng bato ang kanyang naapakan.
"Much better I will take you to the hospital," I said.
"Okay lang hindi pa naman umabot sa bituka ko." Natawa ako sa sagot niya sa akin.
Ilang sandali ng matapos kung gamotin ang kanyang paa ang ay unti-unti na niyang pinipikit ang kanyang mga mata hanggang sa nakatulog siya. Nakaupo lang ako sa kanyang tabi habang pinagmamasdan ko ang kanyang maamo na mukha na natutulog.
"You look so beautiful and stunning sweetie," I said at hinalikan ko ang kanyang noo.
Humiga ako sa kanyang tabi at yakap-yakap ko siyang natutulog. Hindi ko rin namalayan na nakatulog rin ako pagbabantay sa kan'ya.
Kinabukasan ay bigla kaming nagising sa malakas na sunud-sunod na katok sa pintuan. Sa gulat ni Nihan ay muntik na siyang mapasigaw ng makita akong nakayakap sa kan'ya habang natutulog siya.
"Nihan, Nihan!" sigaw ng kanyang mga kaibigan para buksan sila ni Nihan ng pinto.
"Wait! Ethan bangon bilis bakit dito ka natulog sa tabi ko? Sino may sabi na matulog ka rito? Magtago ka baka ano pa ang isipin ng mga kaibigan ko," natataranta niyang utos sa akin.
"Kiss me first," pinalakiyan niya ako ng mata.
"Ayoko, kay aga Ethan hindi pa nga tayo nakapag hilamos at mugmug." Nakanguso niyang sabi sa akin.
"I'm still sleepy, baby no kiss no hide matutulog ako ulit at ikaw na ang bahala mag-explain sa mga kaibigan mo. Kung ako ang tatanungin nila sasabihin ko girlfriend kita." Pinalo ako ni Nihan sa likod ko ng unan.
"I like that sweetie," sabi ko na nakatalikod ako sa kan'ya.
"Bangon saan ba banda kitang hahalikan?" Nagpakipot muna ako bago bumangon at sumagot sa tanong niya sa akin.
Umupo ako ng maayos at ngumuso ako. Tinuro ko ng daliri ko ang labi ko. Ayaw sana niya akong halikan pero, sunud-sunod na tinatawag siya sa labas ng kanyang mga kaibigan. Mabilis niya akong hinalikan sa labi ko. Pero hindi siya agad nakatakas ang kanyang labi dahil mas diin ko ang paghalik sa kanya. Ilang segundo rin ang halikan namin.
"Sa ilalim ka ng kama magtago." Utos niya sa akin.
"Hindi ba pwede sa banyo na lang," I said.
"Hindi pwede sa ilalim ka ng kama, parusa iyan." I shook my head pasaway din ito si Nihan.
"Girl, kanina pa kami kumakatok sa pintuan bakit ang tagal mong buksan? What's wrong with you? What happened to your foot?" narinig kung concern na tanong ni Pamela.
"Wait tatawagan ko si Dexter. Para malaman niya na paano ang paa mo. Alam mo naman na nagbago na si Dexter sa'yo. Mas naging malapit na siya sa'yo kaysa sa kanyang mga tropa," gusto kung magwala sa ilalim ng kama ng marinig ko ang pinag-uusapan ng kanyang mga kaibigan. Umigting ang panga ko ng banggitin ng mga kaibigan ni Nihan ang pangalan ng lalaki na'yun na si Dexter.