Chapter 15

1939 Words
Chapter 15 Nihan "In a few minutes ay darating na raw si Dexter," sabi sa akin ni Pamela. "No need, naman Pam na tawagan mo siya, I'm fine. Baka isipin niya na umaarte lang ako." Saad ko at tumayo ako. Ayoko rin nila mahahalata nila na may tao sa ilalim ng kama ko. Nagulat ako at muntik na akong nasigaw na may biglang humamplos ng aking binti. Kung hindi ko lang naalala na si Ethan ang tao sa ilalim ng kama ay siguro ay aabot ng labas ang malakas na sigaw ko. "Humanda ka talaga sa akin kurimaw ka na Ethan." Sabi ng isip ko na naiinis din ako. Bigla akong napansin ni Sashie na nag-iba ang aura ng mukha. Tinanong niya ko kung okay lang ba ako. I smiled at her na sinasabi ko na may naalala lang akong gagawin. Bahagyang tumunog ang cellphone ko kinuha ko at binuksan ko ang messages. Three message from Ethan ang dumating. Ethan: Sweety Nihan, I'm warning you baby huwag mong hahayaan na papasukin ang bastard na Duck na'yan. Ethan: Kung papasukin mo you know ano ang kaya kung gawin. Ethan: Let them go. Ang init dito sa ilalim ng kama nahihirapan akong huminga. Me: Hahaha bleeh. Ethan: Nihan baby. Tumawa ako ng malakas at napalingon sa akin ang dalawang kaibigan ko. Nagtataka sila bakit akong biglang tumawa. Nag-type ulit ako at mabilis kung sinend ang message ko kay Ethan. Me: I'm warning you too my dear big brother. Kung lumabas ka d'yan sa ilalim ng kama or gumawa ng kahit anong ingay ay never in your life na kakausapin kita. Enjoy Ethan see you later. I turn off my phone para hindi na siya maka-reply pa. Honestly tinapangan ko lang ang sarili ko dahil natatakot rin ako na bigla siyang lalabas. I feel sad din sa kan'ya dahil alam ko na hindi siya comfortable sa ilalim ng kama. "Nihan, kailan darating si Ethan? I know na malaki ang age gap na'tin sa kan'ya. Ni minsan hindi ba tumanim sa isip muna crush mo siya whatever?" tanong ni Pamela sa akin. "Oh, gosh nope!" mabilis kung sagot. "Really?" panigurado na tanong ni Pamela sa akin. "Bakit mo naman 'yan biglang na itanong sa akin. Remember ka-edad ko rin ang type ko noh," maarte kung sabi sure na narinig ni Ethan ang sinabi ko. "You mean like Dexter, obvious naman dahil matagal mo na siyang crush. So ipaubaya muna sa akin si Ethan," nanliliit ang aking mata ko sa sinabi ni Pamela. "Bahala nga kayo, kung anu-ano na ang nasa isip n'yo." Suway ko. Maya-maya ay pinalayas ko na sila sa loob ng kwarto ko. Nag-iba kasi ang mood ko ng sabihin sa akin ni Pamela na ipaubaya ko si Ethan. Pakiramdam ko ang lakas ng kabog ng puso ko. Ayokong marinig ni Ethan na siya ang pinag-uusapan namin. "Ano ba ang nakain mo Nihan, usually pangalan pa lang ni Dexter ang naririnig mo hindi kana hindi kana mapalagay. May bago kabang crush na hindi namin alam?" tanong ni Pamela. I didn't say anything and directly I opened the door at sabay ko silang pinalabas. Hindi ko rin sinagot ang ibang sinasabi ni Pamela at Sashie. Pagbukas ko ng pinto ay si Dexter ang nabungaran ng mata namin. Inaamin ko na crush ko pa rin siya at hindi magbabago ang pagtingin ko sa kan'ya na, as a crush nothing else. But Ethan iba ang kabog ng dibdib ko sa kanya. "Hi Nihan, how was your foot?" concern na tanong ni Dexter ang kanyang mga mata ay sa akin nakatingin. "It's fine, konteng sugat lang from last night. Palabas na nga dalawang pasaway na'to e, hintayin na lang niyo ako sa lobby." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at sinarado ko ang pintuan. Narinig ko na tinawag ni Dexter ang pangalan ko, pero hindi ko na ito pinansin. Ilang segundo ay nakita kung lumabas si Ethan sa ilalim ng kama. Pawis na pawis ito. Dahan-dahan niyang tinanggal ang suot niyang t-shirt. Kitang-kita ko ang mala-adonis niyang katawan. Ang butil-butil na pawis niya sa kanyang leeg ay mukha ay lalaking-lalaki siyang pagmasdan. I feel frozen na nakatulala sa kanyang harapan. I swallowed for how many times. Nang mapansin ko siya na nasasarapan siya sa mga titig ko ay ngumiti siya na malanding ngiti. I smirk and I rolled my eyes sa loob ng kwarto ko. Sino ba naman kasi ang hindi matulala sa ganda ng kanyang katawan. Pumapasok naman sa isip ko ang mga halik niya sa akin. Lalapitan sana niya ako pinigilan ko siya na huwag lumapit. Muntik na akong mapamura ng kinagat niya ang kanyang labi at parang slow motion niya nilabas ang kanyang dila. Bumuntong-hininga ako. "Can you leave me alone? You have to take a shower too, look at yourself pawisan kana." I said. Lumapit siya sa akin kahit pawisan siya ay lumulutang pa rin ang kanyang bango. Nagulat ako na bigla niya akong niyakap. Gustuhin ko man siyang itulak ay hindi ko ginawa. Dinikit niya ang kanyang bibig sa punong-tenga ko. "I heard you at ng mga kaibigan mo. I know sweety are you getting jealous what's Pamela said," mapang-akit niyang bulong sa akin. "Mali ang nasa isip mo." Saad ko. "You can't deny sweety, thank you hindi mo pinapasok si Dexter dito sa kwarto mo. No one can enter in your room wherever you are except me at ng mga kapatid mo na lalaki. Totoo ba ang narinig ko na kasing edad mo rin ang gusto mo? Always remember sweety age doesn't matter kung ang puso ang tumibok. I assure you na ako lang ang nasa puso mo." Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga at labi na dumdampi sa noo ko. Bago siya lumabas ng kwarto ay hinapit niya ang baywang ko at hinalikan ako sa magkabilang pisngi hanggang sa aking noo. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko walang salita ang lumalabas sa bibig ko sa mga sinabi niya sa akin. Mabilis lumipas ang mga araw. Almost three months from now, our spring vacation is done. Back to normal naman ang araw ko. Busy rin ako sa pag-aaral at iba pa. Minsan na rin kami magkita ni Ethan sa loob ng almost three months ay tatlong beses lang kami nagkita. Naging busy din siya sa ibang bansa sa murang edad niya ay mas gumagaling siya pang international din ang kanyang kliyente. Last namin na nagkita ay nai-kwento niya na naipanalo niya ang kaso ng kanyang client na no bail na kaso. I am so proud of him. Sila Daddy rin proud na proud sila kay Ethan kahit hindi nila anak ito. My mom she is very thankful dahil lumaki si Ethan na mabuting anak. Sa akin lang ito iba pakikitungo niya sa akin. Nagpaalam din ako kina Daddy na dito muna ako sa apartment ko pansamantala. Hapon ng biyernes ngayon, I check my social media account. Hindi ko maintindihan ang sarili ko na nakita ko si Ethan sa kanyang account na may kasama siyang babae na sexy. Ang mga litrato ay tag ng babaeng nangangalang Tamara. Mukhang lasing silang lahat. Ang babae ay nakaupo sa tabi ni Ethan ay dikit na dikit ito sa kan'ya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak na parang inagawan ako ng manika. Kahapon lang kami nag-usap ni Ethan. Kahit hindi kami nagkikita ay wala sa oras na hindi niya ako pinapadalhan ng mensahe kapag hindi siya busy. Tatlong beses din siyang nagpapa-deliver ng mga bulaklak dito sa apartment ko. Baka nagsawa na siya sa akin dahil hanggang ngayon ay ay hindi ko pa rin siya sinasagot. I thought naiintindihan niya ako dahil hindi pa ako handa. Tiningnan ko ang timeline ni Tamara. Nakaramdam ako ng sakit at kirot sa aking puso. I can't believe na may mga selfie rin sila ni Ethan na kasama siya. Ganito ba ang ibang ginagawa ni Ethan sa ibang bansa? No doubt na hindi siya pinapantasya ng kahit sinong babae. Amin ko na sobrang lakas ng appeal ni Ethan. Habang tinitingnan ko ang ibang litrato ay walang tigil ang buhos ng aking luha. Mahal ko na ba siya? Ganito ba ang nararamdaman kapag nakikita mo ang taong iniyakan ko ngayon kahit na wala kaming commitment? Pinunasan ko mga luha kung pumatak sa aking pisngi. Bakit ba ako umiiyak? I don't have right na magalit ako kay Ethan dahil wala naman kaming relationship. Pero lintek ng aking puso na sinasabayan ang mata ko na umiiyak. Nag-logout ako ng account ko. Pinatay ko rin ang cellphone ko sa inis. Hanggang sa hindi ko namalayan na natulog na pala ako. Kinabukasan ay nagising ako na sahig na pala ako nakatulog. Narinig ko rin na ilang beses na nag-ring ang interphone at ilang beses din na may nagdo-doorbell. Bumangon ako na masakit ang buong katawan ko. Tilan namamaga ang mga mata ko sa bigat nito. Binuksan ko ang pintuan at para akong bruha sa ayos ng buhok ko. Si Mommy ang nabungaran ng mata ko. "Nihan anak, what's going on?" tanong ni Mommy. "Mom," para akong bata na yumakap kay Mommy. Nagtataka sa akin si Mommy bakit ako umiiyak. Ang aking luha ay walang tigil ang bagsak nito sa aking pisngi. Mas niyakap ako ni Mommy ng mahigpit. Pinunasan ni Mommy ang mga luha ko. Tinanong ako ni Mommy kung bakit ako umiiyak. Kitang-kita ko kung paano mag-alala si Mommy sa akin. She cried too. "May sakit ka ba anak?" tanong ni Mommy sa akin. Umiling lang ako. "Mommy," naiiyak na sambit ko. Hindi ko kayang sabihin ki mommy kung sino ang iniyakan ko. Natatakot ako na kapag malaman nila si Ethan ang dahilan kung bakit ako umiiyak ay baka pagalitan nila si Ethan. "Umiibig ka ba anak? Lalaki ba ang dahilan?" hindi ko kayang sagutin ang tanong ni Mommy. "Okay lang iyan anak kasama sa pagmamahal ang pag-iyak at masaktan ang puso na'tin. Ganyan din ako sa Daddy mo dati. Nakita mo naman siguro kung bakit ako umiiyak ng sekreto noong bata ka pa?" tanong ni Mommy at muli niyang pinunasan ang luha ko sa aking mata na namumugto. Inutusan ako ni Mommy na maligo agad naman akong sumang-ayon. Pagkatapos kung maligo ay lumabas ako ng kwarto ko. Nakakaamoy ako ng masarap na luto. I'm sure si Mommy ang nagluto sa kusina, abot kwarto ko ang sarap ng amoy nito. "Halika, Nihan para makain ka. Aba e, tanghali na. Soon kung sino man ang ini-iyakan mo pakilala mo sa amin." Nginitian ko lang si Mommy. Pagkatapos kung kumain ay umuwi rin si Mommy. Ayaw niyang naiiwan ang bunso namin na si Edward. Ako ang nagliligpit ng pinagkainan ko. Ilang beses din sinasabi ni Mommy at Daddy na kumuha ako ng kasambahay pero hindi ako pumayag. Gusto kung mag isa at matuto sa sariling gawaing bahay. Ilang minuto ay umupo ako sa living room. Binuksan ko ang television at nanood ng movie. Kinuha ko rin ang cellphone ko at binuksan. Naka-silent kasi ito kaya hindi ko narinig na tumunog. Sampung miss call from Ethan at marami rin siyang padala na mensahe. Ni isa ay wala akong binasa tinapon ko ang cellphone ko sa kabilang couch. Naririnig kung nag-vibrate ito. Hinayaan ko na lang hindi ko pinansin. Nilakasan ko ang volume ng television. Ano siya after kung makita ang mga litrato niya na may kasamang ibang babae ay sasagutin ko na ang mga tawag niya sa akin. Maya-maya ay kinuha ko ang cellphone ko. Si Ethan at Dexter ang laman ng misscall at may mensahe rin si Dexter. Niyaya niya akong pumunta ng park at Manila zoo. Sumang-ayon ako. He was going to fetched me at three pm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD