Chapter 23

1661 Words
Chapter 23 Nihan Pagkalipas ng ilang oras ay naging busy ako. Inayos na ang mga gamit ko tiningnan ko ang sa suot ko na relo. Almost 4pm in the afternoon kinuha ko ang prada na shoulder bag ko. Wala rin kaming pinag usapan ni Mommy. Kahit hindi niya akong tanungin ay alam din niya ang sagot tungkol sa anak ko. Sinabihan ko nalang si Mommy na hayaan muna niya ako. Lumabas ako ng aking opisana. Nagpaalam ako kay Sonia, she smile at me. Nang daanan ko ang opisina ni Ethan ay nakasarado ito. Baka nasa loob pa siya o umuwi na rin. Paglabas ko ng building ay tinuro sa'kin ng isa sa mga guard dito sa company kung saan naka-park ang sasakyan ko. Hahakbang sana ako may isang sasakyan na biglang huminto sa harapan ko. Binuksan ng guard ito. May babaeng lumabas ng sasakyan may bata rin itong babae na lumabas na may kasamang nanny. I think dalawang taon pa ang batang babae. Nang ingat ng babae ang kanyang mukha ay napaawang ang labi ko. My best friend Pamela. Nginitian ko siya mabilis akong lumapit sa kan'ya para yakapin. Pero kumunot ang kanyang noo. Umiwas siya sa akin. Parang ayaw niya akong makita nginitian ko siya kahit nakasimangot siya sa akin. Baka nagtatampo lang siya sa akin dahil matagal-tagal din kaming nag-usap. Ilang beses ko rin dinadayal ang kanyang number ay hindi na siya makontak. I smile at her again pero umiwas siya ng tingin sa akin hindi niya ako nginitian. Nahiya tuloy ako sa aking sarili. I have so many questions on my mind na naglalaro. "Pamela," nakangiting sabi ko pero binalewala niya ako. "Oh, Nihan." Maarte niyang sabi sa akin. Akal ko hindi na niya akong papansinin. Hindi ako makapagsalita ng marinig kung may tinawag ang batang babae na Papa. Nilingon ko sa likod ko ang taong tinawag ng bata na Papa. Namilog ang dalawang mata kung sino. Muli kung binaling ang ulo kay Pamela. Nakangiting lumapit siya kay Ethan kasama ang batang babae. Maraming tanong sa aking isip. Kahit hi or hello ay hindi nagawa sa akin ni Pamela. Hindi niya ako pinansin para akong rebulto na nakatayo sa kanilang harapan. Para ba akong nahihirapan huminga at kumuha ng hangin. Para bang bulkan na sumabog ang puso ko na kinarga ni Ethan ang batang babae at hinalikan niya ito sa pisngi. Nang makita kung nginitian ni Ethan ang batang babae ay kumakabog ang dibdib napangiti ako ng lihim. Inangat ko ang mukha ko ang mapungay na mata ni Ethan ay sa akin nakatingin. Nang mapansin ni Pamela na nakatuon ang mata ni Ethan sa akin ay nagsalita si Pamela. "Ethan baka late na tayo hinihintay na tayo nila Papa at Mama sa mansion. Alam mo naman miss na nila ang kanilang apo," sabi ni Pamela ang isa niyang kamay ay sa braso ni Ethan. I speechless sa nasaksihan ng dalawang mata ko. It means si Pamela ang kausap niyang kanina sa linya? Tinaasan ako ng kaliwang kilay ni Pamela. Kung tingnan ko sila ay isang masayang pamilya. I sighed hindi ko na kaya tingnan sila pakiramdam ko nanlalambot ang mga tuhod parang bibigay na ako hanggang sa tinalikuran ko sila. "Nihan," tawag sa akin ni Pamela. Hindi ko siya pinansin at tuluyan ko na silang iniwan. Hanggang sa dumating ako sa aking sasakyan. Nanghihina ako, paano na ito ang taong gusto kung balikan ay may pamilya na siya? Ang masakit para sa'kin ay ang kaibigan ko pa. Hinampas ko steering wheel ng sasakyan ko sa inis at sa katangahan ko. "Ang tanga ko!" sigaw sa loob ng sasakyan ko. Paano ko masasabi kay Ethan na siya ang ama ng anak ko? Hindi ko kayang manggulo ng pamilya? Ayoko rin na lumaki ang anak ko na walang kinikilalang ama. Hindi naman forever na si Can ang tatawagin ng anak ko ng baba. Gulong-gulo ako hindi ko alam ang gagawin ko. Muling pumasok sa akin ang nakaraan sa loob ng limang taon. Dahil sa aking takot kaya iniwan ko siya ng walang paalam. Sinaktan ko ang taong mahal ko. Dahil sa maling hindi ko sinasadya pero siya naman ang ama ng maling akala ko ay ibang lalaki ang naka-one night stand ko. Paano ako ngayon papasok sa kanyang buhay kung may sarili na siyang pamilya? Nagulat ako ng may biglang kumatok sa bintana ng sasakyan ko. Pinahid ko ng aking daliri ang mga luhang pumatak sa aking pisngi. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko. "Can we talk Nihan," mahinang sambit ni Pamela sa pangalan ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit na hindi ko maintindihan. Hindi na siya ang kaibigan ko na dating maingay at masayahin kapag magkasama kami sa kalokohan o sa kasiyahan. "Bakit bumalik ka pa?" galit niyang tanong sa akin. "Pamela what did you say? What kind of question is that? Of course I'm here for my family at iba pa." Sagot ko sa kan'ya. "Parang manggulo ng pamilya?" "Ano ba ang pinagsasabi mo?" madiin na tanong ko sa kan'ya. "Stay away from Ethan," she said. Kumunot ang aking noo ko. Akala ko kung ano ang sasabihin ni Pamela sa akin. Lumabas ako sa loob ng sasakyan at humarap ako sa kanya na namaywang. "You don't have a right na pagsabihan ako ng ganyan!" matapang na sagot ko sa kan'ya. "After a five years ngayon bigla ka nalang magparamdam." "Pamela what happened to you? Hindi ako nandito para guluhin ang buhay may pamilya. Teka bakit ba takot na takot ka na nandito ako ngayon. I'm here for my family." Hindi ko siya maintindihan bakit galit ang sinalubong niya sa akin. Nilingon ko si Ethan na nasa loob ng sasakyan lumabas ito para lapitan kami ni Pamela. Hindi yata peaceful ang inuwi ko dito sa Pilipinas kundi parang mauuwi sa gulo. Wala akong balak manggulo ng pamilyadong tao. I calmed myself at hindi ko na hinintay si Ethan na malaking hakbang siyang nilalapitan kami ni Pamela. "Akala ko ba kaibigan kita Pamela?" Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya matalim niya akong tiningnan. Pumasok ako sa sasakyan ko at mabilis ko na pinaandar ang manibela ng sasakyan ko. Hindi ko rin sinagot pa ang ibang sinasabi niya sa akin. Sino siya na pagsabihan niya ako? Nakita ko sa salamin ng sasakyan ko na nagtatalo sila ni Ethan. Pagkalipas ng ilang araw nag-concentrate na lang ako sa aking trabaho at sa anak ko. Hinayaan lang ako nila Mommy at Daddy sa gusto ko. Nandito rin ako ngayon nakatira sa mansion na regalo ni Daddy. Pakiramdam ko ay makasarili ako sino ba naman ako para kay Ethan kung ako rin ang sumira sa relasyon namin. Dapat lang na magkakaganito ako. Parusa na siguro ito sa akin. "Mommy!" malakas na sigaw ng anak ko. Naghahabulan sila ni Can sa garden habang ako naman ay pinipitas ko ang mga white roses and tulips sa garden namin. "Pawis na pawis kana anak." sabi ko sa anak ko. "Mommy where's my Daddy? Baba Can hindi naman po siya si Daddy." Na tahimik ako sa tanong ni Johalvin sa akin. "Nihan, hanggang kailan mo ililihim kay Ethan na siya ama ng anak mo?" pinalakihan ko ng mata si Can dahil kasama namin ang anak ko. "Baby gusto mo ba pumunta tayo ng mall? Punta tayo sa playground maglaro ng mga robot," nakangiting sabi ko sa anak at pumalakpak at tumalon-talon sa saya. Tinawag ko ang kanyang yaya Yolly na samahan muna niya ang anak ko. Nang nasa loob na sila ng mansion ay nag-usap kami ni Can. "How come, Can? May sariling pamilya si Ethan at may anak siya. Paano ko sasabihin na siya ang ama ng anak ko." "I told you before Nihan, huwag mong hintayin na si Ethan mismo ang makakaalam na siya ang ama ng anak mo. Hindi mo ba napapansin na parang pinagbiyak na bunga anak mo at ang kanyang ama. Habang maaga pa ay tell him the truth. Dahil pagsisihan mo sa huli. I'm warning you." "Hindi pa ako handa. Kahit sulyap man lang hindi magawa sa akin ni Ethan. Parang hangin lang ako sa kanya kung magka salubong kami sa kumpanya." Malumay ko na sabi kay Can. Niyakap niya ako hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak sa kanyang bisig. Sila ni Dexter at tita Anne ang nagpalakas sa akin. Kahit mga magulang ko ay hindi nila alam ano ang nangyari sa akin sa loob ng limang taon. Dahil isa akong makasarili o natatakot ako. ETHAN Habang nasa library ako ay tumunog ang cellphone ko. My private investigator ang tumatawag. "Hello, Mr. Santos. I'm sure na alam mo naman na nandito na si Nihan Jones. But alam mo ba na may anak siya na lalaki?" nagulat sa sinabi ng private investigator ko. "What did you mean?" tanong ko. "Like what I say Mr. Santos." "Who's the father?" "I'm still investigating sir. Now she is with Mr. Can Vargas. But he's not the father of Nihan's son." "Ilang taon na ang bata?" hindi ako mapakali sa tanong ko. "He is 4 years old this coming month, wait a second sir, ese-send ko ang picture ng bata sa'yo." I nodded. Ilang sandali ay binuksan ko ang image na pinadala sa'kin ni Mr. Villar. Nang makita ko ang litrato ko ay iba ang nararamdaman ko. Iba ang daloy ng dugo sa nakangiting bata. Hinaplos ko ang kanyang mukha sa screen ng phone ko. Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko sa kaliwang mata ko. "Nihan," sambit ko sa kanyang pangalan at umiling-iling ako. "Mr. Villar lahat lahat ng information tungkol kay Nihan sa loob ng limang taon halungkatin mo ang lahat. Huwag na huwag kang tatawag o magpapakita sa'kin kung wala kang magandang balita. Limang taon ko kayo inutusan sa trabaho n'yo kahit tamang information wala kayong nakuha kay Nihan!" ma-awtoridad na sabi ko at binaba ko ang tawag. Lumabas ako ng library nakita kung nakatayo si Pamela sa labas ng pinto ng library ko. "Ethan," she said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD