Chapter 31
Nihan
Narinig kung tinatawag ako ng anak ko sa taas. Siguro ay nagising siya sa lakas ng kidlat at hangin sabayan pa na malakas thunderstorm. Umakyat ko na naabutan ko si Johalvin na umiiyak tumabi ako sa kanya at tinaas ko ang kumot niyakap ko siya na umiiyak.
"Mommy, I'm scared," niyakap ako ng anak ko.
"Mommy's here," I said, hinalikan ko ang ulo ng anak ko at kinatahan ko siya hanggang sa nakatulog siya.
Ilang sandali ay nakatulog din siya sa wakas. Ako ay hindi pa rin akong dinadalaw ng antok. Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ako sa kwarto ng anak ko. Pumasok ako sa sarili kung kwarto almost 2am in the morning kahit anong gawin ko ay hindi pa rin akong inaantok.
Next week ay unang pasok ng anak sa nursery, gusto ko magkaroon siya ng mga kaibigan. Gagawin ko ang lahat sa anak ko na maging masaya siya. Isa lang hindi ko pa kayang gawin sa ngayon na ipakilala sa kanyang ama. Paano ko kunin siya sa akin ni Ethan?
Kung alam ko lang na si Ethan ang gabing na naka-one night ko ay hindi na sana nangyari na umalis ako ng walang paalam. Si Tita Anne ang hiningan ko ng tulong kinausap ko siya tungkol niya ako alam ko na hindi niya ako kayang tanggihan. Sinabi ko kay Tita ang nangyari sa akin. Sa una ay hindi siya makapaniwala sa mga kwento ko hanggang sa sinang-ayonan niya ang gusto ko. Siya ang kumausap kila Daddy at Mommy na sa ibang bansa kong tatapusin ang pag-aaral ko.
Akala nila Mommy ay sa Spain ako hindi nila alam na sa Scotland ako na nag-aaral. Si Macy ang isa naging kaibigan ko kung nag se-selfie kami ay minsan ay nilalagyan namin ng unan ang kanyang tiyan para magpanggap siya na buntis. Isa rin sa tumulong sa akin. Isa siyang TNT sa Scotland ng wala siyang matuluyan ay tinulungan ko siya. Inayos ko rin ang kanyang mga papel hanggang sa naging legal na siya. Natapos din niya ang kanyang pag-aaral. Working students siya sa Scotland naloko daw sila ng agency nila sa Pinas mahabang story sa buhay niya.
Hanggang sa nakilala ko si Can Vargas. Sumama ako sa kan'ya sa Turkey tatlong taon pa ang anak ko. Sa Scotland ko pinanganak si Johalvin. Minsan tinanong ako ni Mommy na kailan ko ba raw balak umuwi ng Pilipinas. Tanging soon lang ang sagot ko sa kanila. Naging independent ako.
Noong nalaman ko na nababalita na may namamagitan kay Tamara at Ethan ay lahat ng mga social media account ko ay hindi ko na binuksan limang buwan pa ang tiyan ko noon. Nalaman lang nila Mommy kung nasaan ako noong one year old na si Johalvin. Pero wala pa rin silang kaalam-alam na may anak ako.
Hanggang sa 3 years old and 4 months ang anak ko ay nalaman ko kay Tita Anne na si Ethan ang ama ng anak ko. Nagulat ako ng kung paano nalaman ni Tita na si Ethan ang ama ng anak ko.
Lahat ng tanong ko ay sinagot ni Tita Anne. Mas kina-gulat ko ay si Tita rin pala ay may pakana sa lahat. Na galit ako kay Tita bakit hindi niya sinabi sa akin ang katotohanan.
Narinig daw ng isa tauhan niya sa hotel na may nilagay sila na sleeping tablet sa iniinom ni Ethan. Dahil may babae raw na balak e-setup si Ethan para pakasalan siya ni Ethan pero hindi nila alam kung sino ang babae na'yun. Tinawagan nila si Tita Anne kung ano gawin nila kay Ethan na lasing ay wala ng lakas ito dahil tumalab na sa kan'ya ang gamot na pinainom nila kay Ethan.
Dinala nila si Ethan sa kwarto ng hotel sinabi nila kay Tita Anne ay hinatid na nila si Ethan sa mansion nagsinungaling sila kay Tita dahil ang isa mga tauhan nila ay tinulungan nila ako at sila ang may pakana na sa amin ni Ethan. Naawa raw sila sa akin dahil sinisigaw ko raw ang pangalan ni Ethan na naglalasing ako, hanggang sa dinala nila ako sa kwarto ni Ethan.
Nawala rin ang galit ko kay Tita Anne dahil bago lang niya nalaman ang totoo. Buong akala niya ay hinatid nila si Ethan dahil kilala nila ito at kilala rin nila ako ng tauhan ni Tito Carlos at Tita. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin kung sino ang gustong e-setup si Ethan.
Ilang beses din ako sinabihan nila Tita na umuwi na ako ng Pilipinas pero parang wala akong lakas na umuwi. Nalaman ko rin fake news lang pala ang lahat ng tungkol kila Ethan at Tamara nagkita kasi kami ni Tamara sa Scotland sinabi niya sa akin ang lahat lahat na walang namamagitan sa kanila ni Ethan.
At ang nakita ko na suot niya ang damit ni Ethan ay hiniram lang daw niya iyon dahil nadumihan ng juice ang kanyang damit. Humingi rin si Tamara sa akin ng paumanhin. Kung hindi daw dahil sa kan'ya ay hindi masira ang buhay ni Ethan at relationship namin ni Ethan. Matagal na raw akong gustong kausapin ni Tamara pero hindi na raw niya ako mahanap.
Mahal na mahal daw ako ni Ethan. Nagsisi ako bakit hindi ako nakinig kay Ethan lahat ng ito ay ako ang may kasalanan. Nang malaman ko ang lahat tototo ay nakinig rin ako kila Tita at Can na umuwi na ako ng Pilipinas. Bago ako umuwi ng Pilipinas ay may nililihim si Tita sa akin. Hindi niya sinasabi sa akin dahil gusto niya na ako mismo ang makaalam. Maging handa raw ako sa lahat kung ano naman ang malaman ko at makita ko kung nasa Pilipinas na ako. Kinabahan ako sa paalala sa'kin ni Tita.
Hindi ko akalain ay ang ama ng anak ko ay ang lalaking iniwan ko at sinaktan ko. Dahil sa mga maling akala ko at hindi ko siya kayang harapin sa mga oras na'yun lalo na nagbunga ang maling nagawa ko dahil sa kalasingan. Mula ng mangyari sa'kin sa hotel, iniiwasan ko na ang mga alak kahit beer ay binabawal ko sa loob ng apartment ko.
SUMAKIT ang ulo sa mga halo-halong tanong sa isip ko sa mga nakalipas na buwan. Napahawak ako sa aking dibdib at tumayo ako.
"Impossible kaya na alam din nila Daddy at Mommy na bago ako umuwi ng Pilipinas ay alam na nila na may anak ako? Dahil ng makita nila ako at ang anak ay wala man lang silang expression na nagulat sila ng husto." Kausap ko ang sarili ko na marami din na tanong sa aking isip.
Kinabukasan ay maaga kaming pumunta ng mansyon ng anak ko, dahil we have family lunch. Doon din kami matutulog ng anak ko. Nang nasa mansyon na kami ay nakita agad ako ni Either. Binatang-binata na si Either alagang gym na rin ang katawan.
"Good morning my beautiful ate and my poging nephew," he said kinarga niya si Johalvin.
"Good morning too Tito," bati ni Johalvin sa kanyang Tito E.
E, kasi ang tawag niya kay Either dahil nahihirapan siya bigkasin ang Either. Maya-maya ay tumulong ako sa paghahanda ng hapagkainan. Ako ang naglalagay ng mga plato sa dining table. Tumulong din sa akin ang isa sa kasambahay sa mansion. Kumunot ang noo ko dahil may 3 extra plates, baka may bisita kami sa araw na'to?
"Mommy sino ang darating? Darating ba si Tita Reem?" serious na tanong kay Mommy.
Na nilalabas ni Mommy ang luto niya sa oven na chicken escalope. Escalope ay isa sa paborito ng anak ko at french fries and salad with mayonnaise sauce.
"Si Ethan at Pamela anak ang darating ngayon, na miss ko nga rin ang apo ko kay Ethan," na tahimik ako sa sagot ni Mommy sa tanong ko sa kan'ya.
Nakaramdam ako ng selos ng marinig ko kay Mommy na namiss niya ang apo niya kay Pamela at Ethan. Tumigil ako sa pagtulong sa kanila lumabas ako ng walang paalam.
"Ma'am Nihan hinahanap ka po ni Johalvin," sabi sa akin ni Nanay Fath.
"Salamat po Nanay Fath," nginitian ko siya at malaking hakbang kung pinuntahan anak ko sa maliit na field ng mansion.
Nang makita ako ni Evan ay nilingon ako na nilalaro ng football si Johalvin. Tinawag niya ang anak ko para sabihin nanadito na ako.
"Mabuti ate Nihan dumating ka, gusto ka raw kalaro ng anak mo. Aba ate parang kahawig siya ni Kuya Ethan pinaglilihian mo ba siya? Ang mata at kung paano kumilos ang bata parang si Kuya. He is smart. Really ate, I'm just telling the truth."
"Tumahimik ka d'yan Evan, baka may makarinig akalain nila totoo ang sinasabi mo," sasagutin pa sana ako ni Evan ay pinalaki ko ang mata ko ng makita kung lumapit sa akin ang anak ko.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumaba na kami ng anak ko. Sinabihan ko ang anak ko na mag-behave sa harapan ng mga Tito at Tita niya. Pagbaba namin ay kinuha kaagad ni Mommy ang anak ko siya raw ang magpapakain sa kan'ya. Napalingon kami ng may nag-doorbell sa pintuan.
"Ako na Mommy ang magbukas ng pinto." Tumango si Mommy sa akin.
Binuksan ko ang pintuan si Ethan at bata na babae ang kasama niya karga niya ang batang babae. He smiled na hinalikan niya ang batang kamukha ni Pamela hindi ko rin napigilan na ngumiti sa kanilang dalawa.
Nahuli ako ng mata ni Ethan sa lakas ng t***k ng puso ko ay parang sasabog na ito. Nagtitigan kaming dalawa ang mapungay niyang mata ay gustong magsalita. Lumunok siya na nakatingin sa akin. I sighed at pinatuloy ko sila sa loob hinanap ng mata ko kung kasama ba nila si Pamela.
"Thank you," he said.
Ang salitang thank you na'yun ay sarap pakinggan sa aking tenga. Na miss ko ang ngiti niya sakin. The way he looked at me pakiramdam ko nagkaroon ako ng kakaiba na kasiyahan sa buong katawan ko. Matagal-tagal ko rin ang hindi naramdaman ang ganitong saya.
Malaking ngiti ang ginawa ko ulit pero bigla akong nalumay na hindi niya ako nginitian. Tinalikuran niya ako at binaba niya ang bata sinarado ko ang pintuan. Hindi ko rin siya tinanong na kasama ba niya si Pamela.
Sumunod ako sa likod niya. He looks more sexy sa lapad ng kanyang likod. Sinalubong nila si Ethan at ang bata ns si Paris. Gusto kung alamin ang nangyari sa kan'ya na iniwan ko siya. Bigla kong naalala ang sinabi sa'kin ni Tita Anne at Tita Kesha.
Umupo siya na punong-puno ng enerhiya ang kanyang itsura. He ignore me parang hindi niya ako kaharap tumayo ako at kinuha ko ang anak ko kay Mommy para makapag-concentrate siya kay Paris.
Nakita kung malambing ang anak ko kay Paris baka nga lukso ng dugo. Pinaupo ko sa tabi ko si Johalvin. Nakangiting tiningnan niya si Ethan.
"Gusto mo rin po ba ang french fries?" tanong ng anak ko kay Ethan.
Kumirot ang puso ko. Hindi agad nakasagot si Ethan ang mata ay sa anak ko na kumakain. Nag-uumpisa ako matakot at manginig sa pagtitig ni Ethan sa anak ko. Tumunog ang kanyang cellphone, hindi niya sinagot.
Hanggang sa tumunog ulit ang phone niya. Humingi siya ng excuses sa amin para sagutin ang nasa kabilang linya. Sinagot niya ang phone. Napalitan ang reaction ng itsura niya ng makausap niya ang sa linya ang mata ay palipat-lipat sa amin ng anak ko. Kinakabahan ako sa kan'ya hinawakan ko sa kamay ang anak ko.
"Thank you Mr. Gomez we will talk later," he said.
Muli niya akong tiningnan sa kinauupuan ko na walang imik. He almost gritted his teeth, umigting din ang kanyang panga. I feel something squeezing my whole body. Kumakabog ang dibdib ko.
"Tito," tawag ng anak ko kay Ethan.
Nginitian siya ng anak ko at napansin kung namula ang mata at pisngi ni Ethan ng sagutin niya ang pagtawag sa kan'ya ng anak ko.