Chapter 30

2176 Words
Chapter 30 ETHAN Bumangon ako sa isang kwartong hindi familiar sa akin. Hindi ko alam bakit ako nandito kagabi ay mag-isa akong umiinom habang binabantayan ko si Nihan. Hinilot ko ang sintido at ulo inunat ko ang pataas ang dalawang kamay ko. Humiga ulit ako dahil pakiramdam ko para akong sinuntok ng mga armadong lalaki sa sakit ng buong katawan ko. Kinuha ko ang unan na isa nagulat ako may nakita ako round na hikaw na maliit sa ilalim ng ng unan. Bumangon ako ulit at kinuha ko ang hikaw na kumikislap na may may maliit na diamond. Hanggang sa may mantsa ng dugo sa white bedsheets. Ngayon ko lang naalala na may katabi akong natulog kagabi. Akala ko ay isang panaginip lang yun. "Oh, sh*t!" mura ko dahil wala pala ako suot. Baka isa mga babaeng naka- seeping ko. Damn it virgin ang babae na'yun. Bumangon ako at hinanap ko siya sa loob ng kwarto pero walang tao. Ginawa ko ay nilagay ko sa bulsa ko ang hikaw na'yun. Dahil nasasay na rin ako sa ganito pero mula ng nagtapat na ako kay Nihan ngayon lang may nangyari sa akin na makipagtalik ako sa ibang babae. Gusto kung iparamdam sa kan'ya na wala akong ibang babae maliban sa kan'ya. Hindi mo mapigilan na mainis sa sarili ko. Pinulot ko ang nagkalat na damit ko at pumasok ako sa comfort room at naligo ako. Pagkatapos kung maligo ay sinuot ko rin ang suot ko from last night. Ilang beses kung iniisip kung ano ang nangyari sa akin kagabi? Ang maalala ko lang ay sinundan ko si Nihan sa hotel na'to at may long time friend ko ang nakita at we talk each other. I know na ang mata ko lang ay kay Nihan na umiinom. Binabantayan ko siya dahil ayokong may mangyaring masama sa kan'ya. Bawat kilos niya ang mata ko sa kan'ya lalo na hanggang ngayon ay hindi pa niya ako kinakausap ng maayos. I have to understand her, because she is too young for me. Sinipa ko ang upuan sa galit dahil hindi ko siya nabantayan. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng jeans ko na suot. Idadayal ko sana ang number ni Nihan ay tumawag ang company namin sa New York City. Mayroon daw problema sa company na kailangan kung puntahan. Ilang beses din akong tinatawag ni Daddy. Hindi ko alam sino ang uunahin ko. Lumabas ako ng kwarto at direct ako receptionist at binayaran ko ang one night ko. Nakita ako ni Tita Kesha na nagmamadali nginitian niya lang ako kumuway sa akin. Mukhang busy rin siya dahil sa hawak na mga papeles pumasok kaagad siya sa elevator. Ilang minuto ay nasa loob na ako na sasakyan ko. Paglabas ko ng parking lot ay dinayal ko ang number ni Nihan pero hindi niya sinagot ang tawag ko. I sent her a message. Binilisan ko ang pagda-drive hanggang sa dumating ako sa kumpanya hindi rin ako nakapag-palit ng damit sa pagmamadali. "Good morning Sir," my secretary greeted me. "Good morning too, Sonia lahat ng mga importante na files from New York ay dalhin mo sa office ko. Please can you make me a coffee," I said. Pumasok ako sa loob ng opisina ko at umupo ako sa swivel chair ko. Tiningnan ko at binasa ko ang mga papers na nasa ibabaw ng mesa ko. "Come in," sabi ko ng may kumatok sa pintuan ng opisina ko. "Sir, your coffee, at ang pinautos niyo sa'kin na mga files, " sabi sa akin ni Sonia. Hindi pa nakalabas ang secretary ko ay si Daddy Nathan ang sumunod na pumasok. Umupo siya at seryosong nakatingin sa hawak na mga papeles. "Kailangan mong anak lumipad ngayong hapon sa New York. I don't have time to go there because tomorrow I'm going to Milan." "Okay Daddy," I said. Mabilis lumipas ang araw ay hindi na ako nakabalik kaagad sa Pilipinas almost 3 weeks na ako dito sa New York. May nahawakan akong matinding kaso kailangan kung maipanalo ito dahil hindi guilty ang client ko. I feel sad for her dahil pinagbintangan siya ng anak ng asawa niya sa unang babae magnanakaw daw ito ng 6 million dollars sa kumpanya ng kanyang asawa. Kung tinatawagan ko si Nihan ay hindi niya ako kinakausap ng maayos busy daw siya sa kanyang pag-aaral. Ganun pa man ay I'm so happy dahil kahit bihira ako makatanggap ng mensahe mula sa kan'ya masaya na ako mahalaga ay nag-reply din siya sa akin. Pumikit ako at hinilot ko ang batok ko at uminom ako ng lil bit of alcohol. "Sir, don't forget you have dinner for Mr. De la Paz at 7pm in the evening." I nodded. NIHAN Two months later Dalawang buwan ang nakalipas na delay na rin ang period ko. Lagi rin akong nasusuka at mainitin ang ulo ko. Iniiwasan ko rin si Ethan mula ng may nangyari sa akin sa hindi ko kilalang tao. Kahit sa mga magulang ko ay umiiwas rin ako. Nilingon ko na tahimik si Sashie habang nakaupo kami sa damuhan sa dito sa university. Nginitian niya ako at kinuha niya sa kamay ko ang libro na hawak ko dahil napapansin niyang wala ako sa sarili. "Okay ka lang ba Nihan?" tanong sa akin ni Sashie tumango ako sa kan'ya. "Sige girl alis na ako," I said. "Maaga pa Nihan kung may problema ka tell me," she said. "I'm fine, masakit lang ang ulo ko." Tumayo ako at nagpaalam ako sa kaibigan ko. Paglabas ko ng University ay nakita ko si Ethan na nakatayo sa gilid ng kanyang sasakyan. Umiwas ako sa kan'ya ginawa ko ay humakbang ako. I'm pretending I didn't see him. Nagulat ako na hinawakan niya ang elbow ko hanggang sa hinatak niya ang kamay ko papasok sa kanyang sasakyan. "Anong ginagawa mo!?" madiin na tanong ko. "We have to talk Nihan. Almost two months ganito tayo iniiwasan mo ako. Hindi ka rin nakikinig sa akin. Ano pa ba sweetie ang dapat kung gawin na mapatawad mo ako?" malungkot niyang tanong sa akin. Hahalikan sana niya ang kamay ko ay hinila ko agad sa kamay niya. He parted his lips. Binaling ko ang ulo ko sa labas ng bintana. He drives slowly nakaramdam ako ng pagkahilo at parang nasusuka na rin ako. Huminto si Ethan sa pagmamaneho natataranta siya sa nangyayari sa akin. Pinapawisan din ako. May kinuha niya sa maliit na fridge sa kanyang sasakyan na small bottle of water. Binuksan niya ito para inumin ko mabilis kung kinuha sa kanyang kamay at ininom ko ang tubig. "Dadalhin kita ngayon sa hospital," he said. "Not necessary, nalipasan lang siguro ako ng gutom. Ihatid mo nalang ako sa apartment ko." Utos ko sa kan'ya hindi niya rin ako pinilit. Hindi ko pa rin siya pinapansin hanggang sa dumating kami sa apartment ko. Binuksan ko ang pinto at mabilis akong umakyat sa taas ng kwarto ko. Ni-lock ko ang pintuan ng room ko at binuksan ko ang bag ko para kunin ang PT na binili ko kaninang umaga sa pharmacy dahil malakas ang kutob ko na nagbunga ang nangyari sa amin ng lalaking hindi ko kilala. Pagkalipas ng ilang minuto ay hinintay ko kung negative ba o positive. I add more additional 10 minutes para e-make sure ko na mali ang nasa isip ko. Pumikit ako at malalim na bumuntong hininga ako. Nanginginig ang kamay ko ng kunin ko ang PT sa loob ng sink ng banyo ko. Dahan-dahan kung tiningnan ang hawak-hawak ko na PT. Namilog at lumaki ang mga mata napahawak ako sa aking dibdib ng makita ko ang resulta. Ano ang gagawin ko? Paano ko ito masasabi sa mga magulang ko at mga kapatid ko? Paano kung haharapin si Ethan? Litong-lito ako hindi ko alam paano ko itong sasabihin? Ilang beses kumakatok si Ethan sa labas ng pintuan. Hindi ko siya binuksan, ano ang ihaharap ko sa kan'ya ngayon? Naghilamos ako ng tubig at nag-iipon ako ng lakas. Inabot din ako ng mahigit kalahating oras sa loob hanggang sa I decided na lumabas. Nabungaran ng mata ko ay si Ethan na malalim ang kanyang mga mata. Tinanong niya ako ulit kung may masakit ba sa akin. Umiling-iling ako sa kan'ya at tinalikuran ko siya. Dahan-dahan akong bumaba at tinungo ko ang kusina. Pagpasok ko ay nakita kung may mga pagkain na sa lamesa dalawang plato rin ang nakahanda. Pinaupo ako ni Ethan ng naamoy ko ang mga pagkain na inihanda niya ay biglang uminit ang ulo ko sa amoy. Tumayo ako at naitapon ko bigla ang plato ko. Nagulat si Ethan sa ginawa ko. "Ano pa ba ang kailangan mo sa'kin. I don't love you Ethan! Leave me alone and stay away from me!" sigaw ko. "Sweetie, what's wrong with you? Baby, mainit lang ang ulo mo at hindi mo alam ang pinagsasabi mo sa akin." Hinawakan niya ang kamay ko at pinapakalma ako. "Come on, Ethan bingi ka ba? Hindi kita kailangan sa buhay ko dahil hindi totoo lahat ng pinapakita ko sa'yo. Ginamit lang kita para pagselosin ko si Dexter. Speaking of Dexter siya ang nandito ko sa puso ko from on time. Thank God nagamit kita. Isa pa Ethan hindi ikaw ang nababagay sa isang anak ng multi-billionaire ng pamilyang Jones. Isa ka lang palamunin at binihisan ni Daddy at Mommy. Isang laruan Ethan, laruan ka lang!" matigas at matapang na sabi ko sa kan'ya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na hindi himatayin sa mga lumabas sa bibig ko. Alam ko nasaktan ko siya ng sobra. Bawat lumabas sa bibig ko ay hinding-hindi kung mapapatawad ang aking sarili. Ako rin ang nasasaktan sa mga pinagsasabi ko sa kan'ya. "Nihan," mahina niyang sambit sa pangalan ko. Tahimik siya na nakatingin sa akin hindi siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Matapang kung siyang hinarap hanggang sa lumapit ako sa kan'ya at hinawakan ko ang magkabilang braso niya. "Hindi kita mahal Ethan, kahit kailan ay hindi kita minahal from on time pa, mula ngayon ay lubayan muna ako. Isa pa anytime mo rin akong palitan. You have so many women na nagkakandarapa sayo. Haifa, Tamara at iba pang babae. Ito ang tandaan sinubukan lang kita kung mahulog ka sa aking patibong. But I won Ethan na kaya kitang paikutin ng mga kamay ko," pang iinis ko sa kan'ya para akong sinampal ng sampung tao sa mga lumabas sa bibig ko. Kitang-kita ko kung paano tumulo ang kanyang luha sa kaliwang mata. Naninikip ang dibdib ko at pakiramdam ko ay nanigas ang puso ko. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig. Lumayo ako sa kan'ya ayokong marinig niyang tumatambol ang puso ko. Lumapit siya sa akin. He tried to hug me, pero pinigilan ko siya ng aking kamay. Nilayo niya ang kanyang kamay sa akin ang mapula niyang mata ay nakapako pa rin sa akin. Kahit masakit na ang sinasabi so sa kan'ya ay sinusubukan pa rin niya akong pakalmahin. I know how much he loves me. Pero heto ako ngayon unti-unti kung dinudurog ang kanyang puso. "Please don't do this to me sweetie." Pagsusumamo niya sa akin Tiningnan ko siya ang mata at aura ng kanyang itsura ay nagbago. Ngayon ko lang nakita sobrang dilim ng mukha ni Ethan at unti-unti na itong namumutla. Because of me. Ako ang dahilan kung bakit ko siya pinaiyak ngayon. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Hindi pa rin siya gumagalaw at hindi na siya nagsalita pa. Iniwan ko siya sa kinatatayuan niya. Natatakot akong lingunin siya na sasabihin ko sa kan'ya na walang katotohanan ang mga sinasabi ko sa kan'ya dahil lang ito sa takot na maling nagawa ko na hindi ko sinasadya. Nang nasa labas na ako ng kusina ay tumakbo akong umakyat sa aking kwarto. Doon ko binuhos ang mga luha ko nahihirapan na rin ako makahinga dahil sa naninikip na rin ang dibdib ko. "Patawarin mo ako Ethan, dahil ito lang ang solution ko para tuluyan mo na akong iwasan at kalimutan. Ako ang hindi karapat-dapat sa'yo," naiiyak na kausap ko ang sarili ko. Hinawakan ko ang tiyan ko ng hawakan ko ang maliit na tiyan ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Ang baby sa sinapupunan ko ang nagbibigay lakas sa akin ngayon. Bubuhayin ko siyang mag-isa mula ngayon ay babaguhin ko na ang sarili ko dahil maging ina na ako. Ilang sandali ay lumabas ako ng kwarto ko bumaba ako at sinilip ko si Ethan sa baba kung nandoon pa siya. Kahit namumugto na ang mga mata ko ay pinilit kung buhayin kailangan kung maging malakas. Pumasok ako sa kusina hindi ko na nakita si Ethan wala na siya sa loob ng kusina. Muling umagos ang mga luha ko sa aking pisngi, tanging natira lang sa loob ng kusina ay ang masculine scent ni Ethan na iwan niya. Already I miss him, mahal ko siya hindi pa inabot ng ilang minuto ay nangungulila na ako sa kan'ya. But, I broke him, I broke him ang lalaking kahit na masakit na binitawan ko na salita ay hindi siya sumagot sa akin kahit na nakakasakit na ng kanyang damdamin. END OF FLASHBACK
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD