Chapter 27
Nihan
"Mommy, dito ka ba ngayong gabi matutulog sa tabi ko?" tanong ng anak ko habang naglalaro kami ng Lego.
"As you wish my big boy," sagot ko sa anak ko na masayang inaayos ang kanyang car Lego.
Pinagmamasdan ko siyang naglalaro. Hindi ko alam hanggang kailan kami na ganito? Hindi ako makakuha ng tamang oras o araw kung paano ko sasabihin kay Ethan ang totoo.
Bahagyang may kumatok ng pintuan. Pumasok si Yolly na may dalang basong gatas para kay Johalvin at green tea para naman sa akin.
"Yolly, bakit nag-abala ka pa? Hinayaan muna sana akong gawin para makauwi ka kaagad sa inyo. Baka kasi hinihintay ka ng mga magulang mo."
"Okay lang po ma'am Nihan, may time pa naman e," nakangiting sagot niya sa akin.
"Sige ayusin muna ang sarili mo at sa Monday ka nalang umuwi dito wala naman akong pasok. Happy birthday sa Mama mo." Nagpasalamat sa akin si Yolly kahit na bago lang kami nagkakilala ni Yolly ay magaan na ang pakiramdam ko sa kan'ya.
Binigyan ko rin ng extra na sahod para sa kaarawan ng kanyang ina. Gusto ko sana siya mag mag-aral ulit pero tinanggihan niya. Mas prefer niya ang bunso niya ang paaralin niya. Bata pa kasi si Yolly 19 years old breadwinner ng kanyang pamilya.
Ilang sandali ay inaantok na rin ang anak ko. Pinahiga ko siya sa ibabaw ng kanyang kama. As usual binabasahan ko muna siya ng fairy story.
Lumabas ako ng balcony paglabas ko ay biglang bumuhos ang ulan hindi naman masyadong malakas ang ulan. Hanggang sa may nasagip ng mata ko na sasakyan sa labas ng gate. Hindi ko masyadong makita kung may tao ba sa loob ng sasakyan o wala dahil sa ulan na unti-unti ng lumalakas sabayan pa ng malakas na hangin.
Hindi naman nasabi forecast na may darating na bagyo. Nararamdaman ko na nilalamig na rin ako. Pumasok ako sa loob at sinarado ko ang glass door. Hindi pa naman akong inaantok kaya, I decided na bumaba sa living room. Nang nasa living room na ako ay I turn on the tv.
Napaawang ang labi ko ng nabungaran ng mata ko ang paborito namin na Movie ni Ethan ang Me before you, na ginapan nina Emilia Clarke and Sam Claflin.
Kung hindi sana inunahan ako ng takot ay hanggang ngayon ay kami pa rin ni Ethan. Baka isang masaya na kami na pamilya. I cry ng biglang pumasok sa isip ko ang mga masayang memory at malungkot namin ni Ethan.
All my fault, walang ibang sisihin ay ako. Dahil sa takot ko, kung paano ko haharapin si Ethan? Kung paano kung masasabi sa kan'ya na ang iniingatan ko at na dapat siya ang unang makagawa ay sa isang estraherong lalaki ang nakagalaw sa akin. Naiyak ako habang inaalala ang isang bagay na dapat ay hindi ko itong tinakasan. I'm so weak that time, even my family ay Inilihim ko. Tanging si Tita Anne and Dexter ang nakakaalam kung hindi lang ako nakita ni Dexter sa Scotland na buntis ako ay hindi niya malalaman ang secret ko. Nakiusap na lang ako sa kan'ya na huwag sabihin kahit kanino at pumayag naman siya sa gusto ko.
FLASHBACK
"We had a party at Rivera's hotel, don't miss it!" sigaw ni Sashie sa akin.
"Of course," saad ko.
Nang nasa unit na ako ay hindi kaagad ako dumiretso sa sarili kung apartment. Kay Ethan ako dumiretso dahil I'm sure na dumating na siya galing New York. Tatlong araw din kami hindi nagkita ni Ethan. I miss him so much paano kasi parang lalalanggamin na kami sa over sweetness niya sa akin. Baka may sarili na rin kami na honey factory.
Masaya akong nag-doorbell tatlong beses akong nag-doorbell pero wala pa rin gustong buksan ang pintuan. Sinubukan kung dinayal ang number ni Ethan nagri-ring pero wala rin sumasagot. Last time kung mag-doorbell ay narinig ko na tumunog ang doorknob ng pintuan.
I sighed finally bumukas na rin ang pintuan. Nilakihang ang ngiti ko dahil nasasabik na akong mayakap at mahalikan si Ethan.
Nang bumukas ang pintuan ay hindi ko maintindihan kung ano ang gagawin ko. Nanginginig ang tuhod ko sa dalawang mata kung sino ang nakatayo sa harapan ko walang iba kundi si Tamara ang babaeng nagtatag ng picture kay Ethan.
Nabitawan ko ang chocolate cake na binili ko sa bakeshop ni Tita Kesha. Lumaki at namilog ang dalawang mata ko dahil parang cool lang si Tamara sa harapan ko na suot niya ang Light blue Polo na long sleeve ni Ethan. Ang damit na ito ay isa sa regalo kay Ethan tapos ay ipapasuot niya lang sa babaeng ito.
Namula ang dalawang mata ko. Para sarado ang aking tenga na ilang beses akong tinatawag ni Tamara. Tinulak ko siya muntik na siya mabundol sa isang malaking vase. Hindi ba niya alam na may boyfriend ko ang lalaking nilalandi niya. Hanggang dito pa naman ba ay susundan niya si Ethan.
Hinanap ng mata ko si Ethan sa loob ng apartment niya. Para akong sinaniban ng bad spirit sa katawan ko.
"What's wrong with you?" tanong ni Tamara sa akin.
"Tumahimik ka huwag na huwag mo akong e-english. Ako dapat ang magtanong sa'yo anong ginagawa mo rito." Tumahimik siya.
"Ethan!" sigaw ko.
Binuksan ko ang kwarto ni Ethan pero wala siya sa kanyang silid. Lalabas na sana ako ay nakita kung lumabas si Ethan sa banyo na tanging nakatapis lang ng white towel ang ibabang parte ng kanyang katawan.
My lips parted. Parang tumigil ang ikot ng oras para sa akin. Pakiramdam ko ay nasa ghost town kami dahil sa katahimikan ng bawat isa sa amin, kitang-kita ang gulat sa mga mata ni Ethan. Hindi ko maipaliwanag ang ang reaksyon ng kanyang mukha. Mabilis niyang sinuot ang jeans niya nakapatong sa maliit na upuan. I roll my eyes sa kanyang kwarto tiningnan ko ang higaan ni Ethan gusot na gusot ang bedsheets. Pagkatapos kung suriin ang kanyang kama ay tiningnan ko siya ulit.
"Bakit, Ethan?" sunod-sunod na tanong ko sa kan'ya.
Hindi siya makapagsalita sa mga tanong ko sa kan'ya.
"Please let me explain,mali ang inaakala mo sweetie. Please." Pagmamakaawa niya sa akin.
Nagdilim ang mga mata ko at ngayon lang ako umiyak ng ganito. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko parang tumitigil mag-function ang puso ko. Ang hapdi gusto ko sanang pigilan ang luha ko ay hindi ko magawa. Mas lumakas ang agos ng aking luha.
"Dahil ba Ethan sa hindi ko pa maibigay ang gusto mo?" walang ka-energy na tanong ko sa kan'ya.
Sinubukan akong hawakan ni Ethan pero pinigilan ko siya. Akala ko daratingan ko siya sa unit niya ako ang hinihintay pero I was wrong dahil ang isa sa mga babaeng ang pinagsseselosan ko ang makikita ng dalawang mata ko.
"Let me explain baby, mali ang iniisip mo. You know kung gaano kita kamahal," he said.
Umiling-iling ako sa kan'ya hindi ko hinayaan na mahawakan niya ako. Hindi ko rin naririnig ang ibang sinasabi niya sa akin. Gusto ko siyang saktan at murahin pero hindi ko magawa tanging nagawa ko lang ay umiyak.
Lumabas ako sa unit ni Ethan pinigilan niya ako pero mabilis akong lumabas. Naiwan ko na rin ang bag at libro ko. Nanginginig ang buong katawan ko ilang beses akong tinawag ni Ethan isa akong bingi na hindi nakikinig sa kan'ya.
Binuksan ko ang unit ko at ni-lock ko ito ng ilang beses. Nagkulong ako sa aking kwarto doon ko binuhos ang luhang mapait. Naririnig kung nagwawala si Ethan sa labas ng pintuan pero hinayaan ko siya.
"Nihan, Sweetie!" sigaw niya sa labas hindi ko rin mabilang ilang beses niya sinisigaw ang pangalan ko.
Tama nga ang sabi ni Mommy na kung hindi tayo masasaktan ay hindi tayong totoong magmahal dahil kalakip ng pagmamahal na masaktan tayo. Kaya ako ngayon na nasasaktan ay dahil mahal ko si Ethan.
Pero ano ginawa niya? Bakit sinaktan niya ang inosenteng puso ko? Maraming negative na pumasok sa isip ko.
Napahawak ako sa aking dibdib, dahil para akong nauubusan ng oxygen at masakit na rin ang aking lalamunan. Tumayo ako at binuksan ko ang bintana ng kwarto ko. Pagbukas ko ay sinalubong ng malakas na hangin ang mukha ko. Nilalaro ng hangin ang puting kurtina at tuluyan ng bumagsak ang malakas na ulan. Katulad ng luha ko na walang tigil na bumuhos sa aking pisngi.