Chapter 28

1838 Words
Chapter 28 Nihan Unti-unti kung minulat ang mata kung na namumugto na siguro dahil magdamag akong umiyak. Mabigat din ang buong katawan ko. Nakaramdam din ako ng sakit sa ulo at buong katawan ko. Tiningnan ko ang sarili ko. Iba na ang suot ko hindi na'yung uniform ko kahapon. Mabilis akong tumayo at humarap sa malaking salamin. Cheneck ko ang sarili ko kung nanaginip ba ako o hindi dahil pajama na ang suot ko. Sino ang nagbihis sa akin? Tiningnan ko kung may tao ba sa loob ng kwarto ko o baka nandito si Mommy, siya ay nagpalit ng damit ko? Tiningnan ko ang oras sa wall clock. "Oh, God! Alas tres na pala ng hapon!" gulat na sabi ko sa aking sarili. Ganun ba katagal ang tulog ko dahil hindi ko namalayan ang oras. Pumasok ako sa banyo at nagmugmug at naghilamos din ako ng malamig na tubig. Pinunasan ko ng tuwalya ang mukha at nakaramdam ng sikmura ko ng gutom. Bumaba ako at tinungo ko ang kusina. Nakakarinig ako ng tunog ng kutsara at iba sa loob ng kusina. Kumuha ako ng maliit na bagay baka may nakapasok na magnanakaw sa loob ng unit ko. Kumunot ang noo ko mas lalo ako nakaramdam ng gutom dahil amoy ng adobong pusit ang naamoy ng ilong ko at samahan pa ng magandang boses na kumakanta. Dahan-dahan kung binuksan ang pintuan. Nabitawan ko bigla ang hawak ko ng jar na vase. Napalingon si Ethan na naghuhugas ng kaldero na suot ang bagong efron na binili ko. "Good morning sweetie, gising na pala ang prinsesa ko," pagbati niya sa akin at pinunasan niya ang kanyang kamay sa maliit na tuwalya. Ang kanyang kilos ay parang wala siyang kasalanan sa akin. Parang cool lang siya sa mga ginagawa niya. "What are you doing here? Paano ka nakapasok?" inis na tanong ko sa kan'ya. He sighed at tumayo siya ng maayos bago niya sinagot ang tanong ko. "Tinawagan ko si Navi at inutusan ko siya na kunin ang extra na susi kay Tita Emma. Dahil takot ako na may mangyaring masama sa'yo. How many times have I called you,you didn't answer my call? Please, Nihan, let me explain. Alam ko na galit ka sa akin, but sweetie ang nakita mo ay walang malisya. Kung ayaw mong maniwala I will prove it to you. Tamara she will explain to you nothing happened to me and her." Tahimik lang ako walang salitang lumabas sa bibig ko. It means siya ang nagbihis sa akin? Nakaramdam ako ng hiya sa harapan niya. I took a deep breath para hindi niya mahalata na namumula na ang magkabilang pisngi ko. "Please, Ethan may gana kapang sabihin na takot kang may mangyari sa'kin kung ikaw din ang dahilan? I don't wanna talk masakit ang ulo ko," sagot ko. "Ayokong may tampo ka o may galit ka sa akin," he said again. Hindi ko sinagot ang sinasabi niya sa akin. Pinulot ko ang vase na nabasag sa sahig ay mabilis niyang hinarangan ang kamay ko. Hindi niya akong hinayaan na linisin ko ang na basag na vase. Ang ginawa ko hinayaan ko siya kahit anong pigil ko ay wala rin akong magawa. Pinainit coffee maker at nagtimpla ako ng espresso para mabawasan ang sakit ng ulo ko. Umupo ako ang mata ko ay sa mg pagkain sa mesa natatakam na ang sikmura ko. Paano niya na luto ang masarap na pagkain na'to na kay bilis? Siya pa ang may alam sa'kin sa loob ng kusina, hindi sa hindi ako marunong magluto pero kung hindi lang ako galit kay Ethan ay 10 star ang points ng bawat niluto niya. In awhile ay umupo rin si Ethan at mabilis ang kanyang kamay at siya ang naglagay ng kanin at niluto niya na adobong pusit sa plato ko. Alam kasi niya na isa ito sa paborito ko na ulam. Hindi na rin ako nag-inarte pa dahil mas importante na malagyan ng pagkain ang tiyan ko kaysa magutom ako. Pagkatapos niyang lagyan ng pagkain ang plato ko ay kulang na lang ay subuan niya ako. Tiningnan ko siya ang kanyang mga mata ay nagmakaawa. "Kumain ka na rin." Utos ko ngumiti siya sa akin. Tanging ingay lang ng kutsara at tinidor ang nagbibigay ingay sa amin. Sarap na sarap ako sa mga niluto niya. Nakalimutan ko rin na nasa harapan ko si Ethan siguro ay nakaapat ako ng plato. Hindi kasi nakapag-dinner at breakfast paano kasi hapon na akong nagising. Tinatagan ko ang aking sarili ko sa harapan ni Ethan. Napansin kung bawat subo ko ng pagkain ay nakatingin siya sa akin. Pagkatapos kung kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Hindi pa rin kami nag-uusap ni Ethan. Palabas palang ako ng kusina ay tumikhim siya sinubukan niya akong kausapin. Nilingon ko siya na seryosong nakatingin sa akin mukhang wala siyang tulog mula kagabi sa nangyari sa amin. "Hindi muna kita pipilitin na makinig sa mga paliwanag ko. Alam ko na mainit pa ang ulo mo at naguguluhan ka pa. Tandaan mo sweetie mahal na mahal kita," mahina niyang sabi sa akin. "I'm tired," walang emosyon na sagot ko sa kan'ya. "You have to take a rest, if you need anything nandito lang ako. I'm not going anywhere." "I'm fine Ethan, you don't need to worry about me. I can handle myself," I said. Tinalikuran ko siya. Mabilis akong umakyat sa kwarto ko at binagsak ko ang katawan ko sa ibabaw ng kama. Inabot din ako mg ilang oras na nakatulala sa itaas ng kisame ang mga mata ko. Hindi ako mapalagay bumangon ako ulit at lumabas ako ng kwarto ko. Nakita ko si Ethan na nakaupo sa living room at busy siya sa kausap niya sa kabilang linya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siyang umalis. Tila galit na galit siya sa kausap dahil napatapik siya sa kanyang noo. "Mr. Gomez!" galit na sigaw niya sa pangalan ng nasa kabilang linya. Kahit galit ako sa kanya nakaramdam din ako ng konsensya sa aking sarili. Hindi man lang ako nagpasalamat sa pagkain na niluto niya sa akin. Kahit sino naman kung makita mo ang taong mahal mo na nasa isang bahay ay ganun din ang gagawin ng iba. Pumasok ulit ako sa kwarto ko dahil, I don't have enough time ngayon ko lang naalala na may party pala akong dadaluhan. Naligo ako pagkatapos kung maligo ay binuksan ko ang closet ko. Beige and silver silk dress ang napili ko na isuot na hanggang tuhod ang haba at open ang likod nito. Inayos ko ang sarili ko. Kahit wala akong makeup artist ay kaya kung ayusin ang sarili ko. Bumaba ako hanggang ngayon ay si Ethan ay nasa living room pa siya ginagawa niya ang kanyang sarili na bodyguard ko siya kulang na lang ay sa labas ng pintuan ng kwarto ko siyang umupo para mabantayan niya lang ako. He looks exhausted, tired and pale. He's still sleepy, pipikit na sana niya ang mata niya ay biglang lumaki ang mata at parang binuhusan ng mainit na tubig dahil kay bilis niyang bumangon. Tila sinusuri niya ako mula paa hanggang ulo. Biglang nagka-energy ang kanyang mukha ng makita akong nakaayos at ready for party ang outfits ko. He smiled at me pero hindi ko ginantihan ang kanyang ngiti. "You look so beautiful and stunning," mahina niyang sabi. "I have to go," I said. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may party ka palang pupuntahan," he asking me ang mata niya ay hindi na kumurap. Makikita mo talaga at maramdaman ang strong personality. Kung hindi ko lang nilakasan sarili ko at nilalabanan ang kanyang titig sa akin ay I'm pretty sure na natunaw na ako. "Don't asked me a question Ethan," sagot ko na-gets naman niya ang sinasabi ko. "I'm going to drop you, anong party ang aatenan mo?" he said lumabas naman ang pagka-possessive niya. I shook my head hindi ko siya pinayagan na ihatid ako. Ilang sandali ay nasa Rivera's hotel na ako. Isa ito sa pag-aari ni Tito Carlos. Isa-isa kung hinalikan ang mga kaibigan ko. I want to enjoy my night. Tonight this is my freedom. Ilalabas ko ang natitirang galit ko sa aking dibdib. Sunod-sunod na dumarating ang mga bisita. "Pamela bakit mo ako iniiwasan. Come dance with me?" tanong at hinila ko ang kanyang kamay para sabayan niya akong mag-enjoy. Gustong-gusto kong ilabas sa kan'ya ang sakit na nararamdaman ko pero parang sarili kung anino ay pinigilan ako. Isang tipid na ngiti ang ginawa niya sa akin. Ngumuso ako ng iwan niya akong bigla. Ginawa ko ay hinayaan ko nalang siya. "Ohhh!" sigaw ko. Nakakaramdam din ako ng pagkahilo. Nakailang shot din ako ng matapang na alak. Gusto ko maglasing, sumayaw, kumanta at sumigaw. "Nihan what's happened to you? May problema ka ba?" concern na tanong ni Dexter sa akin. "Di ba ito ang gusto mo na mag-party tayo. Heto I want to enjoy myself. Thank you for inviting me. You are such a good man," "Lasing kana Nihan," he said again. "I'm not yet drunk. I want to drink more. Because of him that's why I'm doing this. I'm f*cking love him!" I shouted out loud. May problema ba kayo ni Ethan. Kahit hindi mo sabihin sa akin na walang namamagitan sa inyo ay nararamdaman ko na meron kayo. Sana pinayagan mo akong ligawan kita." Tinapik ko ang noo ni Dexter. "Ikaw yata ang lasing?" tanong ko. Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi ko. Hanggang sa nakaramdam ako na may humatak sa kamay ko. Hindi ko masyadong nakikilala ang taong hinahatak ang kamay ko. Malabo na ang mata ko. Hindi ko rin alam ilang oras na akong wala sa sarili. "Nihan lasing kana girl," sabi ni Sashie sa akin. She help me sa kinatatayuan ko dahil para na akong lumpo na hindi na ako nakatayo ng maayos. Siya pala ang humatak sa kamay ko. Mas lalong lumabo ang paningin ko. Nag-iba ang boses ng taong nakaalalay sa akin. Naging lalaki ito tningnan ko siya pero hindi ko siya kilala. "Ma'am Nihan," malapit na tayo. Nginitian niya ko lang siya at tumango. "Kilala ba kita?" tanong ko hindi niya ako sinagot. Hanggang sa pinasok niya ako sa kwarto na sobrang lamig ang lakas ng air conditioner ng room. "Maiwan na po kita ma'am," paalam niya sa akin. "Bye, thank you bukas na ang tips mo kulang ang pera na dala ko." Tumawa ako ng malakas. Pakiramdam ko ay I'm still on the party. Humiga ako sa malaking kama nagulat ako na may matigas na bagay ang nabagsakan ng katawan ko. Hinawakan ko ko parang kakaiba ang nahahawakan ko. Pinipilit kung buksan ang mga mata ko na inaantok sa kalasingan pero parang tao ang nasa ibabaw ng kama. Inamoy ko ang nakadapa na lalaki ang kanyang pabango ay nag-umpisa na naadik ang ilong ko. Parang gusto ko siyang yakapin. Humiga ako sa kanyang tabi na wala ako sa tamang katinuan. Gumalaw ang lalaki at bigla niya akong niyakap at hinalikan sa braso may sinasabi siya pero hindi ko iyun maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD