Chapter 2
Nihan
Ayoko pa sanang bumangon dahil weekend naman at walang pasok. Pero sa ingay sa baba ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na bumangon. Napapangiti akong mag isa. Napakabilis lumipas ng mga araw. Hindi ko akalain na maging ganap na akong dalaga sa susunod na buwan. Ang mga mata ko ay sa itaas ng kisame. Para akong bata na nakatunganga sa itaas ng kisame. Can't wait for my debut next month. Magagawa ko na ang ibang gusto ko. Simpleng handaan lang sana ang gusto ko sa susunod na buwan but my grandma gusto niya ang galanteng okasyon. Pinagbigyan ko na dahil matanda na ito. And she loves me so much. I'm her first grand daughter.
"Anak, anak!" sigaw ni Mommy while she's knocking the door outside of my room.
"Yes, Mom, come in." Sabi ko at bumangon ako at umupo ako ng maayos.
Pagbukas ni Mommy sa pintuan ay nakangiting pumasok siya na masaya. Hindi pa rin nagbabago si Mommy. Mas lalo itong gumaganda kaya napaka-possessive ni Daddy sa kan'ya. Nilapitan ako ni Mommy. She kissed my forehead.
"Good morning, to my beautiful mother," bati ko kay Mommy sabay halik magkabilang pisngi niya. Para kasi kaming magkaibigan ni Mommy. Akala ng iba ay magkaibigan lang kami o magkapatid. Marami rin makapagsasabi na hindi halatang may anim na anak si Mommy dahil sa body figure niya parang walang anak.
"Anak ikaw nalang ang hinintay namin sa ibaba. Bakit ba ang tagal mong bumangon? Sino ba ang iniisip mo?" sunod-sunod na tanong ni Mommy sa akin na may kasama pang pilyo.
"Inaantok pa kasi ako Mom." Pa-cute kung sagot kay Mommy.
"Naku anak! Bumangon kana kung hindi ang mga kapatid mo ang aakyat dito at kukulitin ka na bumangon. Sige na anak please nagugutom na kami. At may sorpresa kami ng Daddy mo." Masayang sabi ni Mommy. Hinila niya ang kamay ko para bumangon at tinulak din niya akong pabalik sa kama ko.
Sumigaw ako after akong itulak pahiga ni Mommy. "I love you so much my sexy Mom all over the world!" sigaw ko ulit kay Mommy.
Nilingon ako ni Mommy at mabilis siyang lumapit sa akin at hinahalikan niya ang magkabilang pisngi ko.
"I love you more baby Nihan ko," malambing na sabi sa akin ni Mommy.
"Mommy naman e, hindi na ako baby. Please Mom can you stop calling me baby dahil lady na po ako." Nginitian lang ako ni Mommy parang wala sa kan'ya ang sinabi ko.
"Bangon na," sabi ni Mommy at tinapunan niya ako ng unan at lumabas siya sa aking kwarto.
Paglabas ni mommy ay mabilis kung tinungo ang comfort room. Binuksan ko agad warm water shower. Naligo ako inaabot din ng mahigit kalahating oras sa loob ng banyo. Namana ko siguro aking ina na kumakanta kung naliligo. Ang pagkakaiba lang ng boses namin ang magkaiba. Namana ko naman kay Daddy ang beautiful and attractive voice. I'm so thankful dahil hindi tulad ni Mom ang voice ko. "Sorry Mom," sabi ng isip ko.
Nang matapos na akong mag-shower lumabas ako sa banyo. Pinatuyo ko ang buhok ko ng tuwalya. Pinunasan ko ng pink towel ang buong katawan ko. Tinungo ko ang aking dressing room. Binuksan ko ang door glass ng aking kabinet. Pumili ako sa mga damit ko na naka-hanger. I chose one of my favorite jumpsuits. Gustong-gusto ko ito dahil fit na fit sa katawan ko.
Nang masuot ko na ang jumpsuits ko. Sinuklay ko ang kulot na buhok ko. Actually hindi talaga kulot ang buhok ko. Sadyang pinapakulot ko ito. l love curly hairstyles. Para bang mas-confident at comfortable ako kapag kulot ang buhok ko.
Pagkalipas ng ilang minuto na ayusin ko ang sarili ko. Tumayo ako sa harap ng malaking salamin sa dressing room ko. Tiningnan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa. Hanggang sa nasagip ng mga mata ko ang mga dolls na regalo sa akin ni Kuya Ethan. Speaking of Ethan, he is not my brother. Anak siya ng ex-wife ni Daddy. Pero si Daddy ang nagpalaki sa kan'ya. Binalingan ko ang mga dolls. I smile ng hawakan ko ang doll na black na blonde ang buhok nito. Camille ang pinangalan ko sa doll na ito. Dahil ang cute nito.
Habang tinitingnan ko ang mga dolls ko bigla kung naaalala ang mga pang-aasar ni Ethan sa akin. When I was thirteen years old. Nene pa ako. Siya ay binata na at lagi niya akong pinipikon lagi niya akong sinasabihan na pangit at mataray. Sa inis ko sa kan'ya dati ay tinapon ko sa swimming pool ang isang mamahaling relo niya na may diamond sa gitna. Hindi siya nakapag-react sa ginawa ko. Tinawanan ko lang siya. Sa mga oras na iyon ay pulang-pula ang kanyang mukha. Dahil regalo iyon sa kan'ya ni Mommy sa araw ng kanyang kaarawan. Pinalaki ko aking dalawang mga mata bago ko siya iniwan sa kinatatayuan niya. Napa-buntong hininga lang siya sa akin. Nakita ko pa siyang umiling-iling at hinayaan ko siya dahil siya naman ang nag-uumpisa na asarin ako.
Natatawa akong mag isa dahil sa biglang pumasok sa kokote ko ang mga ibang pang-aasar sa akin ni Ethan, noong bata pa ako. Binalik ko sa kinalalagyan ang hawak ko na doll. Ewan ko ba bakit napaka-special ng mga dolls na ito. Dati gustong-gusto ni Navi hingin sa akin pero hindi ko talaga binigay sa kan'ya kahit kay Natalie.
Sinuot ko ang flat sandals ko na kulay asul. Bago ako lumabas ay I plugged my mobile from charger. Dahil empty battery na ito. Masaya akong lumabas sa aking kwarto. Dahan-dahan akong bumaba dahil nasa ikalawang palapag ang aking kwarto. May elevator din ang mansion pero hindi ko ginagamit ito. Malayo palang ako ay naririnig ko na ang ingay sa living room. Dahil araw ng Sabado ay ganito kaming pamilya. Sometimes kapag weekend ay minsan namamalagi kami sa resort ni Daddy sa Tagaytay. Pero minsan lang kami pumunta. Because my father is always busy with his company. Dahil sa nag-iisang anak ito ni Lola at Lolo ko.
"Good morning everyone," nakangiting bati ko sa kanilang lahat.
"Good morning too ate, bakit ang tagal mong bumaba? Alam mo ba kanina pa kaming gutom," sabi ni Ether sa akin kambal ito ni Navi.
"Oo nga naman ate. Mabuti nalang kaya ka pa namin na hintayin mag-almusal," tudyo ni Navi.
"'Wag na kayong mag-tatalo," mahinang suway ni Mommy sa amin. Kaya sobrang mahal na mahal siya ni Daddy dahil she's so sweet and loving wife.
Sa garden ng mansyon kaming kumain ng almusal. We are a happy family. I am so happy dahil mayroon akong ganito na masayang pamilya. How I wish na ganito rin ako soon.
Bahagyang tumikhim si Daddy. Tumingin kaming lahat sa kan'ya mukhang may sasabihin na maganda dahil may ngiti sa kanyang mukha na nakaguhit.
"Honey, Nihan after our breakfast there's something waiting outside for you." Nakangiting sabi ni Daddy sa akin.
Umupo ako ng maayos dahil hindi ako mapalagay sa sinabi sa akin ni Daddy. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Sinubo ko ng dahan-dahan ang pagkain ko. Tumikhim si Mommy ng masaya ang kanyang mukha. I looked at her she's smiling at me.
"Anak, Nihan ko," mahinahon niyang sabi sa akin. May isang car key ito na hawak. Lumaki ang dalawang mata ko. Biglang tumulo ang aking luha mula sa mga mata ko.
"Mommy what does this mean?" masayang tanong ko. I feel frozen because I didn't expect sa pinakita ni Mommy sa akin.
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Tumayo rin si Mommy, lumapit ako sa kanila ni Daddy.
"Advance gift ko sa'yo anak. Hopefully you're gonna like it." Sabay abot ni Mommy sa akin ang maliit na susi ng sasakyan.
"Are you kidding mom?" tanong ko kay Mommy. Umiling-iling siya sa akin.
"Advance present ko rin sa'yo anak," baritono na boses ni Daddy sa likod ko. Nilingon ko siya tinaas ang isang kanan kamay niya na may maliit na hawak na blue box.
Niyakap ako ni Mommy at Daddy. I cry, hindi ko mapigilan na hindi umiyak. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanilang dalawa. Biglang kumalas sa yakap si Daddy sa akin. Pinabuksan niya sa akin ang blue box na ibinigay niya sa akin. Dahan-dahan kung binuksan ito. Lalong lumaki at bumilog ang mata ko. Dahil susi ito. Inangat ko ang mukha ko na walang tigil ang patak ng aking luha.
"Daddy, Mom. Thank you so much, I don't know what to say but I love you both from my heart. Thank you sa maagang regalo n'yo po sa akin." Magalang na pasasalamat ko sa kanila.
Sobrang saya ko dahil may sarili na akong condo unit. Isa ito sa mga gusto ko. Finally ay binigay din ni Daddy ang gusto ko. Umupo kami ulit. Itinuloy namin ang pagkain ng almusal.
"Congrats ate, masaya kami para sa'yo. Sa birthday muna ibibigay ang regalo ko para sa'yo," mahinahon na sabi ni
Either.
"Me, too ate!" sigaw ni Evan at Natalie ang mga makukulit na kapatid ko.
"Ako wala akong regalo para kay ate dahil siya ang magregalo sa akin," pilyong sabi ni Navi. Kahit kailan pasaway talaga ang kambal ni Either.
Pagkatapos namin kumain tumayo ako agad. Mabilis na hakbang ginawa ko sumunod ang mga kapatid ko sa likod ko.
"Wow!" napasigaw ako sa nakita ko. One of my favorite car BMW i8 roadster sport cars na kulay dark blue. Tinanggal ko ang mga puting ribbon na sa taas at harap ng sasakyan. Para akong batang binigyan ng cotton candy sa saya.
Lumingon ako sa kinaroroonan nila Daddy. Tumakbo ko silang yakapin kasama ang mga kapatid ko.
"Naku ate! How lucky you are may sariling unit kana may super expensive car kapa na sasakyan. Baka pwede naman na ako ang unang mag-breaking sa BMW mo?" tudyo sa akin ni Either at Evan. Tumawa lang ako dahil I know them.
"Tayong lahat," saad ko.
"Are you serious? Nagpapatawa kaba ate e, dalawang tao lang ang magkasya d'yan sa sasakyan mo." Malakas na tawa ang ginawa ni Navi.
"Tumigil nga kayo sa mga kakakulitan n'yo sa akin. Pumasok na kayo sa loob 'wag n'yong sirain ang beautiful day ko." Sabay turo ng kamay ko kung saan ang malaking pintuan ng mansyon. At agad silang tumalima sa utos ko.
Maya-maya ay pumasok din ako sa loob ng mansyon. Nakasalubong ko si Manong isa sa mga hardinero namin dito sa mansyon na si Manong Raul. Mukhang may malalim siya na iniisip.
"Magandang umaga po Manong Raul," magalang na bati ko sa kan'ya.
"Magandang umaga rin hija. Congratulations pala hija sa bago mong kotse. Masaya ako para sa'yo," sabi sa akin ni manong.
"Maraming salamat po Manong. May problema po ba kayo?" tanong ko sa kan'ya at hinawakan ko ang kamay niya.
"Naku hija, wala pagod lang siguro ako," malumay niyang sabi sa akin. Nagpaalam din ito agad. Sinabihan ko rin na magpahinga siya kung may kailangan siya ay sabihin sa amin. Matagal narin na si Manong Raul hardinero namin dito sa mansyon.
Ilang sandali ay pumasok na ako sa loob ng mansyon. Narinig kung masayang nagtatawanan sila Mommy sa living room. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Ang mga mata nila ay sa laptop ni Navi. May ka-video call sila gamit ang Spyper.
Sinilip ko kung sino ang ka-video call nila. Nang makita kung sino para akong na estatwa sa baritono na boses ni Ethan. Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Hahakbang sana ako ulit dahil ayokong makita nila akong nakikinig sa usapan nila. Pero nakita ako ni Mommy tinawag niya ako. Hindi ko siya sinagot agad sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"Nihan anak come here si kuya Ethan mo kausap namin sa video call." Nakangiting sabi ni Mommy sa akin.
Dahan-dahan akong lumapit sa kung saan silang lahat nakaupo. Bahagyang tumawa ng malakas si Ethan. Ang kanyang malakas na tawa ay kakaiba ang dating sa pandinig ko sa aking tenga. Pakiramdam ko may saya sa akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.
Tumayo ako sa likod ni Daddy sa kinauupuan niya. Para akong naging mannequeen na nakatayo. I feel frozen ng biglang magtama ang mata namin ni Ethan sa video call. Napalunok ako parang natutuyo ang lalamunan ko. Ang mata niya sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil kung titigan niya ako ay parang nanghahamon.