Batong Puti

1873 Words

Buwan ng Mayo noon. Bakasyon ko sa kolehiyo at eksaktong naipasa ko na rin ang aking thesis project sa professor ko. Napagpasyahan ng mga magulang namin na dumalaw kina Lolo at Lola sa probinsya sa Visayas kasama kami. Ganoon na lamang ang labis na tuwa namin ni kuya Tom sa planong iyon nina mama at papa. Halos dalawang taon na rin kaming hindi nakaka-bisita kina Lolo kung kaya't kinasasabikan na naming makita ang mga ito at ang iba pa naming mga kamag-anak na sa probinsya naninirahan. Kinagabihan, nagbook kaagad si papa ng apat na ticket sa eroplano papuntang Visayas. Buong gabi kaming nag-empake at halos hindi na kami nakatulog sa sobrang excitement. Kinabukasan nga ay bumiyahe na kami sakay ng eroplano patungong Visayas. Dalawang oras lamang ang lumipas at lumapag na kami sa airport

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD