Pareho kaming walong taong gulang ng pinsan kong si Leo noon. Sa sityo Ilaya kami nakatira kasama ng aming mga kapamilya. Maliit lang ang sityo namin. Halos dalawang angkan lamang ng magkakamag-anak ang nakatira rito. Dahil bakasyon noong mga panahong iyon, sinusulit naming dalawa kasama ng iba pa naming mga pinsan ang maglaro at sa iba't-ibang lugar sa sityo. Napakalawak ng mga palayan at maisan sa sityo namin kaya nakakatuwang magtakbuhan dito. May bundok rin sa ibang bahagi ng sityo. Bundok na nababalutan ng masukal na kagubatan at mga punong kahoy. Minsan ay sumusuong kami sa gubat para lang makaakyat ng santol at kaimito. Minsan rin ay nagnanakaw kami ng mais sa mga nadadaanan naming maisan. Minsan naman ay naninimot kami ng mga palay sa palayang naanihan na. May mga natitira pa ka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


