Chapter 6

2024 Words
"Narinig mo yun?" sulpot na naman ni Finn. "Magluto ka na raw." "Inaasar mo ba ako ha?" tanong ko sa kanya. "Nako hindi ha!" depensa niya sa sarili. "Kaya magluto ka na po," asar niya ulit sa akin kaya inambaan ko siya ng suntok. "Hindi ka pa titigil?" Bago ko pa siya mabatukan ay kumaripas na siya ng takbo. Gusto ko sana siyang habulin pero nananaig yung pagiging tamad ko. Makakaganti din ako. Huminto siya sa pagtakbo saka lumingon sa akin. Nung nakita niyang masama akong nakatingin sa kanya ay bigla niya akong kinindatan. Tumaas yung kilay ko matapos niyang gawin yun. Aba! So he got guts to do that to me? Talagang pinupuno niya yung init ng ulo ko. "Hoy! 'Wag mo ngang inaasar baby ko!" sigaw ni Cosmo at siya na yung humabol kay Finn. Napatingala nalang ako saka napapikit. Ang sakit sa ulo. Yumuko ako at hinilot yung sentido ko. Matatanda na sana sila pero kung makapagkilos parang mga mata. We're like adults now. Edad namin nasa 18 and above na. Sa edad na ito ay pwede na kaming manuod ng adult movies pero tingnan niyo nga naman. Para akong yaya na nagbabantay ng mga alagang bata. I sighed. Well, I need to suck it up. Wala naman akong choice kundi and pahabain yung pasensya ko. Pilipina kaya ako. Mahaba yung pasensya. Inis akong naglakad papasok sa bahay namin. Oo, we’re practically living under the same roof at oo, ako lang yung babae. Sarap sana sa pakiramdam na tinatrato kang prinsesa kaya lang sa katotohanan na ako lang yung babae nakakawala ng gana. Ako yung taga-linis, taga-luto, lahat lahat na mga gawaing bahay. Kung iisipin para na akong katulong. Pero ano ang magagawa ko? Hindi ko kayang pabayaan na marumi yung bahay tsaka ayokong magutom. Kaya kinareer ko na talaga ang paging kasambahay. Nakapameywang kong hinanap si Zyan. Walang hiyang lalaking yun! Iniwan ba naman akong nakahiga sa sahig. Wow! Sobra akong nahiya sa pagiging gentleman niya. Tsk. May Finn pa na talagang t-ini-test yung pasensya ko. Buti nalang talaga hindi dumagdag si Cosmo. “Mga gago! Nasan kayo—” napahinto ako nang bumungad sa harap ko si Eustace. Oo, Eustace. Ayoko nang tawagin siyang Mr. Bejar kasi hindi niya deserve yung respeto ko. I'm surprised to see him here. The last time I saw him was my first day here. Nung malapit na sana akong mamatay. Pagkatapos nun hindi na siya nagpakita. Not until now. Now I wonder kung ano yung sadya niya dito. Akala ko kasi sumakabilang buhay na siya. Oops! Ang bad ko. “Where have you been Ms. Zermeno?” nakangiti niyang tanong sa akin. Nakabusangot ko siyang nilingon, “Wala kang pake,” and I rolled my eyes heavenwards. Nasa harap niya ngayon yung tatlo na nakatayo at nakayuko na para bang mga tuta. Tsk. Mga duwag tong mga to kapag kaharap nila ang matandang 'to. Kanina pa nga pinag-iisahan nila ako tapos ngayon makikita ko nalang na yumuyuko. Kulang nalang manginginig sila sa takot. Tiningnan ko sila isa-isa pero walang ni isa sa kanila ang nakipagtagpo sa mata ko kasi nasa sahig yung mga mata nila. Talagang walang planong humarap. Tsk. Napagdesisyonan ko nalang ang tumayo sa tabi ni Finn. “Anong ginagawa niyan dito?” pabulong kong tanong. Instead of answering me he just shrugged his shoulders. I mentally slapped my face. So nag-expect pa akong sasagutin niya ako? Kaharap nga namin si Eustace kaya imposibleng magawa nila magsalita. Ewan ko talaga sa tatlong ‘to kung bakit sila takot na takot sa matandang ito. Kung iisipin mo nang maigi ay imposibleng magawa ni Eustace na patayin kami. May kailangan siya sa amin at kung papatayin niya kami ay useless yung pagkikidnap “kuno” niya sa amin. May pa I only choose the best pa siyang nalalaman. Hay nako! “Anong ginagawa mo dito?” diretso kong tanong sa kanya. Since wala naman akong.makukuhang sagot sa kanila ay diretso na akong nagtanong sa matanda. “Mukhang handa na kayo para sa unang misyon,” panimula niya. “Kaya ibibigay ko na ito sa inyo,” nakangisi niyang sabi. “Matutuloy pa pala yun? Akala ko kinidnap mo lang kami para makapagbakasyon,” mapait akong napangiti. “Brit.” sita ni Zyan sa akin. “What?” I fired back. Tiningnan ko siya ng masama. Akala niya tapos na ako? Mainit pa rin ulo ko sa kanya. Makakaganti din ako. Ibinalik ko yung mga mata ko kay Eustace na sinalubong naman niya ng ngiti. Luh. Akala mo naman pogi. Isang buwan na kami dito sa islang ito na walang alam kung ano ang gagawin namin. Akala ko nakalimutan na niya kami. At ito siya sa harapan namin, bigla-bigla nalang sumusulpot at sabihing ibibigay na niya yung misyon namin. Sa tingin niya ba ikinaligaya ko ‘yang misyon na ‘yan? Ulol! Tumikhim si Eustace sa harap namin kaya masama ko siyang tiningnan. “Let’s cut the chase. Whether you like it or not gagawin at gagawin niyo pa rin yung ipapagawa ko sa inyo,” isa-isa niya kaming tiningnan. Nakayuko pa rin yung tatlo at ako lang yung masamang nakatingin sa kanya. “Dami mong satsat, alam mo yun?” pamimilosopo ko sa kanya. “Sirit na dayun!” Kumawala siya ng isang malaking buntong hininga. Mukhang hinahabaan niya yung pasensya niya sa akin. Siya yung may kailangan sa akin kaya siya yung mag-adjust. “Ang unang misyon niyo ay ang west key. The person who have it Marcos Gregorio,” inaabot niya kay Zyan yung envelope. Siguro nandun yung detalye. “Kayo na ang bahalang magplano ng strategy,” patuloy niya. “I hope that you will succeed,” ngiti niya saka kami tinalikuran at lumabas sa bahay. When the door finally closed, agad kaming napatutok sa envelope na iniwan ni Eustace. Natahimik kaming apat habang hinihintay kung ano yung susunod na gagawin ni Zyan. Walang kumilos hanggang sa nagsalita na si Cosmo. “Buksan mo na,” sabi ni Cosmo. Tiningnan kami isa-isa ni Zyan bago binalik ulit yung tingin niya sa hawak niya. “Mamaya na,” sagot niya. “Bakit naman? Ano pa ang hinihintay mo?” tanong ni Finn. “As the eldest, babasahin ko muna yung nakalagay dito at mag-iisip ng plano bago ko ibabahagi sa inyo,” sabi niya. Hindi na nasundan yung sasabihin niya kasi agad niya kaming tinalikuran at dumiretso sa kwarto niya. Bumalik na din sa kanya-kanyang gawain ang dalawa at naiwan ulit akong wala maisip kung ano ang gagawin. Obvious naman na si Zyan yung Alpha of the pack. Aside dahil siya yung nakakatanda, magaling din yung learship niya. Kaya siya agad yung pinuno namin. Walang pag-alinlangan. Wala namang nagreklamo edi go. Tiningnan ko yung relos sa pulsuhan ko. 11:24 am na pala. Kailangan ko nang magluto ng tanghalian. Inutusan pala ako ng ano na magluto na para may makain na sila. Hahays. Kasambahay mode muna ako ngayon. “Magluluto muna ako!” sigaw ko. “Gusto ko ng kare-kare!” sigaw ni Cosmo. “Fried Chicken please!” sigaw naman ni Finn. “Bulalo!” sigaw ni Zyan. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko kaya napatakip nalang ako sa bibig ko. “Ay ang galing!” pabiro akong pumalakpak. “Ano ‘to piyesta para magluto ako nang napakaraming putahe?” “Kami ang kakain,” sigaw ni Zyan. “At ako ang magluluto kaya ako ang masusunod!” Anong akala nila sa sarili nila? Mga hari? Akala nila lulutuin ko yung mga gusto nila? Hoy bawal abuso! Tingnan lang natin kung ano ang magiging reaksyon niyo sa hapunan natin. 12:34 pm… Nakatulala ang tatlo habang nakatingin sa handa na nasa hapag. Yung ngiti ko abot hanggang tenga. Mukha nila parang ngayon lang nakakita ng pagkaing yun. “What’s this?” tanong ni Finn. “It’s bulad and law-oy!” ngiti ko. They all looked so stunned looking at the dried fish and vegetable soup in front of them. Hindi ko sila masisisi. Kutis palang nila pang-mayaman na kaya hindi nakakagulat na hindi nila alam ang pagkaing ito. At dahil inaabuso nila yung kabaitan ko, magdusa kayo. Bwahahaha! My parents used to cook this at home. Nakakamiss tuloy. Gusto ko nang umuwi! “Britta, babe, I know that you want to go home and that you miss home, but do you really want us to eat that?” turo ni Cosmo sa pagkain na nasa harap niya. “Well, oo,” ngiti ko. “Gusto kong malasahan niyo yung paghihigante ko- este yung mga kinakain ko sa bahay.” “But Brit, hindi ako kumakain ng ganito,” Finn whined, nearly crying. “But you guys need to eat something or else you’ll starve,” sagot ko kay Finn. Para akong nagsasalita sa isang bata. “Is this a way of getting back to me?” tanong ni Zyan. “Nope,” I popped the p. “This has nothing to do with you,” matamis ko siyang nginitian. Umupo na ako sa hapag at pinagmasdan silang dahan-dahang sumadok ng kanin. Nakangiti ko silang pinagmasdan isa-isa. “Let’s enjoy the food everyone!” masigla kong sabi saka ako sumandok ng kanin. Nilunod ko sa sabaw yung kanin ko saka sinubuan yung sarili ko. Kinamay ko yung tuyo saka napatili sa sarap. "Sharap!" Eating this feels like home. Panigurado akong hindi pa sila nakakain nito. It's not peasants food naman. Maraming mga mayayaman na kumakain din nito. Kaya lang mas kinakain ito ng mga mahihirap— gaya ko na lumaki sa hirap— kasi its affordable saka yung mga ingredients ay makikita lang alsa bakuran. Kinuha ko yung okra at kalabasa gamit yung kutsara ko saka sinubo. Humigop ako ng sabaw bago sumubo ulit. Nilingon ko yung tatlo at sinalubong nila ako ng namamanghang tingin. "O? Tininitingin-tingin niyo d'yan?" tanong ko. "Is that how we eat that?" turo ni Finn sa kamay ko. Nilunok ko muna yung pagkain ko na nasa bibig bago ko siya sinagot. "Depende 'yan sa tao kung paano siya kumain. Basta ako lamon lang ako ng lamon. Tsaka mas madali ding kainin yung tuyo kapag nakakamay. Plus, mas masayang kumain habang nakakamay," ngiti ko sa kanila. "No offense baby. Pero isn't it unhygienic?" tanong ni Cosmo sa tabi ko. Si Cosmo kasi yung sobrang hygienic sa aming apat. Palaging naghuhugas ng kamay 'yan saka may dala-dalang hand sanitizer kahit saan pa 'yan. "Kaya nga tayo naghuhugas ng kamay bago kumain, diba? Kaya kumain na kayo," turo ko sa plato nilang walang laman. Tiningnan ko si Zyan at mukhang nagdadalawang-isip siyang kumuha nung gulay. Gusto kong tumawa dahil sa pagmumukha nila pero pinigilan ko lang yung sarili ko. Ghad! If only I can take pictures of them kinunan ko na. Huh! Nakaganti din. Hahaha. Nagkatinginan silang tatlo bago sumandok ng kanin. Napalingon ako kay Finn na yung gulay ang unang t-in-arget. Gusto kong matawa nung nakitang isang piraso ng okra yung kinuha niya. Yung mga first time na kumakain ng gulay kasi ay hindi gusto yung okra. Hindi ko naman sila masisisi kasi iba yung texture nung okra at talagang kakaiba talaga. Hinintay kong lumapat yung kutsara sa bibig niya pero mukhang matatagalan kasi hinihipan pa niya ito. Nung okay na ay bumuka na yung bibig niya at kinain yung okra. Ito na! Nanlaki yung mga mata niya at halos maiyak. Iluluwa na sana niya yung okra sa bibig niya pero pinigilan ko siya. "Hep! Lunukin mo 'yan," turo ko sa kanya. "Hmmm! Hmp! Hmm!" reklamo niya. "Kung hindi mo 'yan lulunukin hindi ko kayo ipagluluto," pagtatangka ko sa kanya. Napahinto siya at napaisip. Gustong-gusto na talaga niyang iluwa pero kung gagawin niya yun baka kakain sila ng hangin at tubig. Sarap talaga ng ganti ko. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang lunukin yung okra. Halos maiyak siya matapos niyang gawin yun. "Ano? Masarap ba?" tanong ko sa kanya. Napilitan siyang ngumiti saka nag-thumbs up. "Sobrang s-sarap," sagot niya. "Sabi ko sainyo 'e," ngiti ko. Binaling ko yung tingim ko nina Cosmo at Zyan na nakatingin kay Finn na may pag-aalinlangan. Nung umiwas ng tingin si Zyan kay Finn ay nagtagpo yung mga mata namin. "O! Zyan. Bakit hindi ka pa kumakain? Kain na," ngiti ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin pero inosente ko siyang nginitian. Akala niya papalampasin ko yung ginawa niya sa akin? Masarap naman yung niluto ko. Sadyang hindi lang talaga sila sanay. Mga yayamanin kasi kaya ganun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD