Chapter 7

2051 Words
“Do I really have to wear this?” nakabusangot kong tanong. Hawak ko ngayon ang isang figure-hugging dress na hanggang talampakan. May slit din na halos umabot na hanggang sa beywang ko. Hindi lang diyan nagtatapos ang ka-sexy-han ng damit na ito. Backless din siya! I can’t afford to show this much skin! “You need to wear it if you want to survive this mission,” sagot ni Finn habang nakatutok sa computer niya. “Pero bakit? Kailangan ba ganito ka-sexy?” pagmamaktol ko. “As the matter of fact, yes,” sagot ni Cosmo na nakatingin sa akin. “You don’t have to worry about how you would look like. I’m sure you’ll look great.” Napasalampak ako sa sahig. “Pero ayoko!” saka ko tinapon sa gilid yung damit. Dinampot ni Zyan yung damit saka binato pabalik sa akin. Sobrang swerte ko pa nga dahil sa mukha ko pa binato. Ang gentleman talaga. Tsk. “Pwede bang suotin mo nalang ‘yan nang walang reklamo? You’re making this mission difficult!” galit niyang sabi. “Psh. Ang easy lang sabihin para sa’yo kasi hindi naman ikaw ang magsusuot,” bulong ko sa sarili. “Ano yun?” tanong niya habang masamang nakatingin sa akin. Shocks! Narinig niya yun? “Sabi ko susuotin ko na diba? Tsk,” kahit labag sa aking loob ay pumasok na ako sa kwarto ko upang umpisahan ang pagbihis. Padabog kong sinara yung pinto. I frowned as I raised the dress again with both of my hands. Susuotin ko ba talaga ito? Hindi naman dahil sa pangit siya, sa katunayan nga ang ganda at elegante tingnan. Pero feel ko talaga binebenta ko na kaluluwa ko kapag sinuot ko ito. Nagpapakita naman ako ng skin. Sa mga match ko nga nagbo-boxers bra ako saka shorts. Pero iba kasi kapag ito yung suot. Ang baba ng neckline kaya paniguradong kita yung cleavage ko. Maganda naman boobs ko saka pwet ko pero eeeeee hindi talaga ako sanay. I sighed. May choice pa ba ako? At dahil wala akong choice, sinuot ko nalang ito habang nakabusangot pa rin. Naguguluhan pa nga ako kung saan ko ipapasok yung ulo ko saka yung mga kamay ko. Paano ba 'e halos maghuhubad na ako. Backless nga kasi. Matapos ko itong masuot ay dumirecho ako sa harap ng salamin. Halos maiyak ako nang makita yung sarili ko. “Mama! Para akong babaeng bayaran!” I may be exaggerated pero hindi ko talaga kayang magsuot ng ganitong klaseng damit. My curves were emphasized at yung boobs ko na sakto lang sa laki ay bumabagay sa suot ko. Buti nalang talaga fair yung skin ko. On second thought, maganda naman akong tingnan. Nababagay naman sa akin. Hindi lang talaga ako komportable. Of course on point yung vital stat ko. Ikaw ba naman nagte-train araw-araw. Kaya nga lang hindi ko na nakikita yung muscles ko. Naging slim na yung braso ko! My muscles! Kung noon barako ako kung tingnan, ngayon babaeng babae na. Itong babae na nasa salamin ay malayo sa babaeng isang buwan nang nakalipas. But even though my body looks feminine, I can still do martial arts. Wala kayang makakapagpigil sa isang Britta Zermeno. I heaved a deep sigh bago tinungo yung table kung saan nakalapag yung make up and all. May wig din sa gilid. Ang sabi ni Zyan susuotin ko daw ito para sa disguise namin. Agad kong naglagay ng kolorete sa mukha bago isinuot ang wig. Sobrang ikli nung wig. Yung tipong Lalisa Manoban na may bangs. Sana nga kasing powerful ng bangs ni Lisa yung bangs ng wig ko. Nung tiningnan ko ulit sarili ko sa salamin ay nagulat ako. Hindi ko namukhaan yung sarili ko! Naglagay din kasi ako nang contact lens para maiba yung kulay ng mga mata ko. Hindi din ako masyadong nagsusuot ng make up kaya nakakapanibago yung kapal ng make up ko ngayon. Buti nalang talaga marunong akong magmake-up kundi kawawa mukha ko ngayon. My make up and my outfit complimented each other kaya ghorl ang ganda-ganda ko ngayon. “Ang ganda ko!” halos magningning yung mga mata ko habang nakatitig sa salamin. Mukhang nakakuha ako ng confidence matapos kong gawin yung make up ko. Bigla nalang akong nakaramdam ng pagkagustong ipaglandakan yung ganda ko ngayon. Maganda ako, at totoo yun. Pero hindi ko akalaing may ikakaganda pa pala ako. Sobra akong namangha sa sarili ko. Kung hindi lang sa misyong 'to hindi ko ito nadidiscover. All thanks to Eustace. Pero hindi pa rin ako goods sa kanya. I still hate him. Ewan ko kailan namin sisimulan yung misyon namin. Ito na ako! Handang-handa na. ‘E paano naman ang tatlo? Nasa harap ko sila, nakatulalang nakatingin sa akin. “Ano na? Magtitigan nalang ba tayo ngayon?” nakapameywang na tanong ko. Alam kong maganda ako sa harap nila pero ganun na pala ako kaganda para titigan nila? I'm flattered but irritated. Nagsasayang kami ng oras! “Babe you’re so beautiful!” akma na sanang yayakap sa akin si Cosmo pero pinigilan ko siya. “Hep! D’yan ka lang!” I stopped him. “Parang hug lang,” he pouted. “Bawal muna hug ngayon. Pinaghirapan ko ang look ko ngayon,” I smiled widely. Grabe ka self! I’m so proud. “Psh,” rinig kong asik ni Zyan. “Parang kanina lang ayaw mo ‘yang suotin,” sabi niya saka umiwas ng tingin. Sus! Akala mo naman hindi siya naglaway kanina. Hahaha. Nakasuot ng tuxedo si Zyan. Bakit nakatux siya at nakadress ako? Simple lang naman plano namin. Magpapanggap kami na mag-asawa. Diba ang saya? Hayss… Hindi pa ako tapos sa kanya matapos niya akong iwan na nakahiga sa sahig tapos ngayon magpapanggap kami na mag-asawa? Unbelievable. How ironic, right? Pero ang gwapo niya ngayon ha. So clean and smart and cool. Hayst. Kung hindi lang masama ugali nito baka nahulog na ako. Pero oops! Hindi ako nahulog sa kanya ha. Attracted lang ako sa kanya— kasi attractive naman talaga siya. Tsaka type ko siya pero sobrang lalim na kapag sinabing nahulog ako sa kanya. I just find him cute, but feeling something in a romantic way? Nada. “Anong sabi mo tanda?” I teased him. “Tanda?” kumunot yung noo niya. “Who are you calling old?” “Ikaw. Sino pa ba?” I stick my tongue out. “Mamaya ka lang,” bulong niya at nag-iwas ng tingin. Hindi ko man narinig yung bulong niya pero inirapan ko siya. “You both sound like a legit couple,” komento ni Finn. “Hindi kaya!” reklamo ni Cosmo. “Hoy bata! ‘Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Sa akin lang si Britta, okay?” Sobrang pula na ng mukha ni Cosmo habang nakapameywang. Talagang kinareer na niya yung mag-aari niya sa akin. Hahaha. I don't mind. Pero sana he also won't mind na I can't reciprocate the feelings that he have for me. “As if she feels the same,” Finn smiled mischievously at Cosmo. “Ikaw’ng bata ka—" susugod na sana si Cosmo kay Finn pero pinigilan ko na sila. “Hep!” I stopped them before this place turns to chaos. “Tama na. Mabuti pa’t humayo na tayo.” Masama munang tiningnan ni Cosmo si Finn bago kumalma. Inayos niya yung sarili niya bago ako nilingon at ngumiti. Mabuti nalang nakinig sila sa akin kundi maha-hagard na naman ako. Hindi lang ako kasambahay dito, ako din ang ina nilang tatlo. Diba ang saya! Nagsimula na kaming maglakad papalabas ng bahay kung saan may helicopter na naghihintay sa amin. Unang pumasok si Cosmo saka si Zyan. Nung ako na yung papasok ay inalay nung dalawa yung kamay nila. Nagkatinginan tuloy silang dalawa habang ako naman ay nalilito kung kaninong kamay ang kukunin. “Ako ang nauna,” sabi ni Cosmo. “Hindi, ako,” sabi naman ni Zyan. Palipat-lipat yung tingin ko sa kanilang dalawa. Nagsisimula na naman silang mag-away. Ang sakit talaga sa ulo. “Guys, kaya ko na,” sabi ko. Nag-aagawan pa yung dalawa. Akala mo naman sobrang hirap akyatin yung helicopter. “NO!” sabay nilang sabi na siyang ikinagulat ko. Hay nako! Ang haba talaga ng hair ko! “You obviously need a hand,” sabi ni Zyan. Hindi pa rin nila binaba yung kamay nila. Grabe hindi ba sila nangangalay? Before I could choose which hand I would take ay parehas na kinuha ni Finn yung dalawang kamay na nakalahad and pulled himself up. “Thanks, boys,” nang-aasar niyang sabi. Mukhang nagulat yung dalawa kaya kinuha ko na yung pagkakataon ang pulled myself up without their help. “Thanks, boys,” ginaya ko pa yung pagkasabi ni Finn sa kanila kanina. Si Finn naman sa gilid ay pinigilan ang sariling hindi matawa. Itong batang ‘to talaga. Umupo nalang ako sa tabi niya saka siya siniko na siyang ikinangiti niya. “Sa akin ka tumabi babe,” nakangiting alok sa akin ni Cosmo. “Hindi, sa akin ka tumabi. Kailangan natin pag-usapan ang kailangan nating gagawin para mamaya,” Zyan offered. “Sorry pero kita niyo naman diba? Komportable na akong nakaupo dito,” turo ko sa inuupuan ko. Walang nagawa yung dalawa kundi maupo nalang habang nakabusangot. “I think they both like you,” bulong sa akin ni Finn. “Like me? Nah. Imposible,” I replied. “I’m serious! Hindi mo ba napapansin yung mga kilos nila?” tanong niya. “I know that Cosmo likes me, pero si Zyan, malayo,” sagot ko. Sobrang vocal ni Cosmo sa feelings niya sa akin. Unang araw pa lang alam ko na na crush niya ako. Pero si Zyan? Wala ‘yang pake sa mundo. Kaya imposibleng magkagusto ‘yan sa akin. “They’re acting like that because I look beautiful, today,” I added. “Pustahan tayo, bukas na bukas, o mamaya, babalik yung trato sa akin ni Zyan.” "Ewan ko sa'yo," napailing nalang siya. "Basta sinasabi ko sa'yo. Mukhang natameme si Zyan sa'yo ngayon. Lalaki din ako no." "Teka," kunot noo ko siyang nilingon. "Natulaley ka din sa akin?" "Of course," hindi nahihiya niyang sabi. "Gaya ng sabi ko, lalaki lang din ako. I get attracted to girls wearing those..." turo niya sa suot ko. "...like any other guys would." Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Napakabata pa nito pero kung mag-isip parang magka-edad lang kami. Mukhang mas matured pa nga ito sa akin 'e. I patted his head and pinched his cheeks. "Ikaw talaga!" panggigigil ko. "Do you think I will be able to pull it off?" "You already pulled off your look," naguguluhan niyang sabi. "No, hindi yung look ko," iling ko. "Yung misyon. Kinakabahan na kasi ako." I'm really nervous as fvck. Hindi ko alam kung anong klaseng tao si Gregorio. Wala namang sinabi kung ano yung pakikitungo niya sa mga tao. Is he dangerous? I bet he is. Kaya nga gumawa si Eustace ng grupo ng mga hindi basta-bastang indibidwal. Four of us against him. "If you believe, there's no way we flop," he assured me. "Andito lang naman kami ni Cosmo kapag may mangyaring hindi naaayon sa plano. And if it doesn't go the way we planned, may plan b naman tayo kaya chill lang, hmm?" An eighteen-year old boy trying to calm a twenty-one year old woman? Amazing right? Mukhang nakalma ko na yung sarili ko matapos sabihin yun ni Finn. He may be irritating pero okay lang. He surely is smart. "Alam mo, you're good at this," I complimented him. "Saan mo naman ito natutunan?" He sighed and then smiled. "Life taught me. My life isn't all about flowers and rainbows, you know?" nakangiti man siya ay nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya. Hindi siya open sa akin tungkol sa naging buhay niya. I never knew about his past. Hindi naman kasi ako nagtanong kasi baka naapakan ko na yung limit. Whatever his past is, sana naka-move on na siya. Ang hirap kayang ma-trap sa past. Yung feeling na parang gusto mo nang sumaya but there is something that is holding you back. A burden that haunted you kasi tinakasan mo ito, hindi mo ito hinarap. "Hoy! Bata! Don't flirt with her!" sita ni Cosmo na nakaupo sa harap. "Hindi ko siya nilalandi uy. Ano ako? Ikaw?" pambabara ni Finn. "Ah ganun. Mamaya ka lang." At nagpapalitan na naman sila ng mga maangas sa salita. Napailing nalang ako. Hanggang dito ba naman? Nabaling ko yung mga mata ko kay Zyan at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nung nagtagpo yung mga mata namin ay napakurap siya at agad umiwas. Tumalikod siya sa akin pero nakikita ko yung pamumula ng magkabilang tenga niya. Luh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD