“What do you want from us?!” rinig kong sigaw ni Cosmo. Nung nagkita kami ni Zyan ay agad naming hinanap sina Cosmo at Finn. Hindi ko inalintana yung sakit ng saksak ko kasi hindi ko na rin ito naramdaman with all this tension that I feel right now. Alam kong hindi komportable si Zyan na sumama pa rin ako sa kanya kahit na may sugat ako but I assured him that I am fine. Sinundan namin yung boses ni Cosmo and it led us to a very dark room at tanging ilaw lang mula sa apoy ng limang kandila ang nagbibigay liwanag. Mula sa kinatatayuan namin ay naaamoy namin ang malangsang baho ng dugo. Mukha na nga siyang aswang. “Gigutom ako. Busa kinahanglan ko mukain.” [Translation: Nagugutom na ako. Kailangan ko nang kumain.] Nakakapangilabot yung tono ng boses niya. Sobrang baba kasi pero kapag s

