Puti. Pulos puti yung nakikita ko. Sobrang liwanag at halos wala na akong makita. Is this place what I think it is? Is this heaven already? Wow! Nakapasa ako sa langit kahit ang demonyo ko? Di joke lang. Mabait kaya ako. Lalo na kapag tulog. Hahaha. Joke ulit. Totoong mabait talaga ako. Baka guni-guni ko ito? Kung nasa langit na ako ibig sabihin… Napatakip ako sa bibig ko at napakurap. “Patay na ako?!” naisambit ko nang wala sa oras. Sa naalala ko nasaksak ako ng pangalawang beses at hindi lang basta-bastang saksak ‘yun! Sobrang lalim hindi mo madadala sa kasabihang malayo sa bituka kasi yung totoo, sobrang lapit nito sa bituka ko! Halos maubos na nga yung dugo ko! s**t! Agad kong kinapa yung tagiliran ko pero wala akong maramdaman! Walang dugo! Walang sugat! Paano nangyari yun? Nasa

