Umalis si Zyan sa pagkapatong sa akin saka niya ako tinitigan na may ngiti sa labi. “Masaya akong nagising ka na,” ngiti niya. “Masaya din ako,” ngiti ko pabalik. Kaya lang hindi ako masaya na pagkamulat ko ay sumalubong agad sa akin si Nova na nakadikit sa’yo. Gusto ko sana yun idagdag pero pinili kong ‘wag nalang. Ayokong masira yung mood dahil sa walang kwentang pagseselos ko. Selos? Nagseselos ako? Hindi! Hindi ako nagseselos! Bakit naman ako magseselos? ‘E hindi naman kami magjowa. Jowain ko kaya para may karapatan na akong magselos. Hahaha. Joke lang. “But always remember,” tinuro niya ako na para bang bata na pinaalalahanan ng isang magulang. “Akin ka lang,” seryoso niya dugtong. Biglang umalon yung puso ko matapos niyang sabihin ang mga katagang ‘yun. Nakaramdam din ako ng

