Chapter 13

3197 Words
Chapter 13 "Gurl bakit mo naman tinanggihan ang offer sa'yo ng sikat na clothing line?" nanghihinayang na sabi ni Berny. Inaayusan niya ako dahil may shoot ako ngayong araw. Kababalik ko lang at halos wala pa akong pahinga pero kailangan. Matagal na rin namang aka-sched na kasi 'tong shoot na 'to. "I told you nagbakasyon kami ni Raf. I want to relax" balewalang sabi ko at nagkibit-balikat. Kitang-kita ko sa repleksyon ng salamin ang pag-pout niya. Inirapan niya rin ako. Hetong baklang 'to! "Pinagbabawalan ka ba ni Fafa Raf? Dati naman lagi kang gora without second thought" aniya pa. "Raf didn't tell me to stop from my modeling career but I think this is not the right time to become a full time model, besides I'm still studying." paliwanag ko sa kanya. Tumango-tango naman siya sa sinabi ko. Parang may pagdududa pa pero 'yon naman talaga ang totoo. Hindi na lang siya nagsalita habang inaayusan ako. In a few minutes, nag-umpisa na ang shoot. I made some poses. Retouch again and another shoot. Almost half day ang shoot na ginanap. Si Berny at ako lang ang magkasama. Wala si Raf dahil mag-eenroll siya. The summer vacation has ended fast. Inubos namin ni Raf ang aming oras sa pagbebeach. We went to El Nido and Coron. We even went to Siargao to do surfing. I didn't know that Raf is good on that kind of stuff. Marami pa pala akong hindi alam sa kanya. Masyadong occupied ang isip ko sa pagiging babaero niya noon pero ngayon unti-unti ko na siyang nakikilala habang kami. Katatapos lang ng shoot ko pero natanawan ko sa lobby at pinagtitinginan ng ilang kakabaihan. Raf is patiently waiting on the lobby. He's just wearing a simple black v-neck shirt and a maong pants. Dire-diretso akong naglakad papunta sa kanya. Iniirapan ko ang bawat babaeng napapatanga sa kanya. Akin yang tinitingnan niyo! Hanggang tingin nalang kayo! "Ang hot talaga ni Fafa Raf" bulong sa'kin ni Berny. "Isa ka pa. Huwag katitig baka dukutin ko yang mata mo" mataray na sabi ko sa kanya. "Hmp! Ang damot mo naman" ani Berny. Inirapan ko nalang siya at pumunta na sa direksyon ni Raf. Tumayo na siya ng matanawan ako. I gave him a wide smile at inangkla ang kamay ko sa braso niya. Nag-iwas naman ng tingin ang ilang babaeng napapatitig sa kanya. Taken ang ang tinititigan niyo! "Why do you keep on rolling your eyes? Baka mahanginan ka hindi na bumalik yung itim sa mata mo" he said while smirking. Hinampas ko naman siya sa matigas niyang braso pero parang wala naman 'yon epekto sa kanya. Ang tigas talaga! "Ang dami na namang babaeng nakatingin sa'yo. Sarap dukutin ang mata!" mataray kong sabi. He just chuckled because of what I said. Sanay na sanay na si Raf sa ganitong ugali ko. I just said before that I don't like possessive men but why do I feel like I am being a possessive girlfriend now? "Chill ka lang love, hindi ko naman sila pinapansin" ani Raf. Iginiya na niya ako papunta sa kotse niya. I didn't know na pupunta siya dito kaya naman may dala akong kotse. Bumaling ako at hangang ngayon nakasunod pa rin pala sa amin si Berny na may dala-dala ng mga gamit ko. "Mabuti naman napansin niyo pa ang beauty ko. Ginagawa niyo kong julalay. Hmmp" ani Berny at inirapan kami. Raf and I just laugh. Kinuha ko sa sling bag ko ang susi ng kotse ko. I handed it to Berny. Nag-pout muna siya bago kunin 'yon. "Ginawa pa akong driver at tagahatid ng kotse sa bahay" Berny said and rolled her eyes. Madrama siyang tumalikod sa'min at dumiretso na sa kotse kong nakaparada sa di kalayuan. Pinagbuksan na ako ni Raf ng kotse at umikot na siya sa kabila. Hindi ko matanggal ang titit ko sa kanya at pinapanood ang bawat kilos niya. My eyes were also fix on his handsome face. I don't know but I like staring at his face. Bakit ba sobrang guwapo niya? Hindi nakakasawang titigan buong araw. "Matutunaw ako niyan, love" he said while chuckling. "Hindi ka naman ice cream para matunaw" mataray kong sabi sa kanya. Nagbibiruan lang kami habang papunta kami sa Mall. I decided to buy some school supplies at siya rin, mayroon din siyang bibilhing mga libro. Raf is on his first year of law school. I'm sure mas magiging busy siya ngayon kaya habang bakasyon pa sinusulit na namin ang panahon. Pagpasok pa lang sa entrance, may ilang babaeng namamagnet ang mga mata sa kanya pero mukhang wala naman siyang pakialam. We went to the book store. Humiwalay ako sa kanya dahil doon ako pupunta sa parteng may mga notebook at ballpen. I pick some notebook and ballpen and I'm done. I was now roaming inside the book store find Raf. Palapit na ako pero may kausap si Raf. Nakatalikod siya sa'kin at natatakpan naman ang babae. The girl looks familiar. Nanliit ang mga mata ko at nilapitan sila. I am confidently walking towards them. Taas noo at parang nagmomodel ako habang papalapit sa kanila. "Raf" I said to catch his attention. I saw him stilled but it's just a few seconds. Hinarap ko ang babaeng kausap niya and to my surprise, it's Miss Alcantara. Tumaas naman ang kilay ko. My instinct was right. They knew each other. The way they stare at each other few months ago, there's something else. I don't want to doubt Raf. He's really in love with me. Period. "Miss Alcantara" I said with a suprise voice. "Cerene" aniya at ngumiti ng bahagya. Ngumiti rin naman ako sa kanya kahit medyo alangan. I don't know but I felt something when Raf and Miss Alcantara is around. Masyadong intense ang titigan nila pero wala naman akong nakikitang interesado si Raf sa kanya even though she's beuatiful. Mas maganda pa rin ako sa kanya! "It's nice to see you two here but I need to go. Excuse me" aniya at nilampasan kami. Nang wala na sa paningin ko si Miss Alcantara, taas kilay kong hinarap si Raf. Binigyan ko siya ng mapanuring tingin. "What was that? So you know that woman" I said. Parang maamong tupa ang itsura ni Raf ngayon. He just bow his head and nodded lightly. "Bayaran muna natin and then I'll explain" aniya sa mababang boses. I don't know but he sounded so guilty? For what reason? Don't tell me that Miss Alcantara is his real girlfriend and I am his mistress? Oh my god! Don't think that way Cerene! I said to myself. Masyado na naman akong nag-ooverthink. Raf won't do that to me. He may be a playboy before but I know he won't do that to me. I saw how much he loves me everytime I stare at his gray eyes. Pagkatapos bayaran ang mga binili namin. We went to Italian Restaurant. Iginiya niya pa ako sa upuan pero inirapan ko lang siya. Sa totoo lang kinakabahan talaga ako kung anong sasabihin niya. He look so guilty yet his face is serious. Kagaya ng dati, hindi ko na naman mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya. I can't read him again at 'yon ang nagpapakaba sa'kin. What if totoo? What if I am just a mistress? Shut it Cerene! I said to myself. Hindi naman sa nagdedemand ako pero hindi pa ako naipapakilala ni Raf sa parents niya. Ilang buwan na kami pero wala pa siyang nababanggit na ipapakilala niya ako. Paano kung hindi pala ako ang original? Paano kung 'yong Miss Alcantara na 'yon pala? Maganda siya at matalino samantalang ako, well I am also pretty but the fact that she's smart, mas lamang siya ng kaunti. I'm sure the Zamora's like smart woman. 'Yong babagay sa anak nilang abogado, o baka gusto rin nila abogado ang magiging daughter in law nila? Argh! I really hate my mind! "Hey" I was shocked when Raf is on my side na pala. He kiss my cheeks lightly kaya nagulat ako. He even intertwined our fingers. "You look bothered" puna niya. Sino namang hindi mabobothered? I am curious who's that girl. Who is Miss Alcantara. Great! I just know her surname. I don't even know her name. "Who's Miss Alcantara" mahina kong tanong. My heart is beating faster for his possible answer. Naramdaman ko namang mas lalong humigpit ang pagkakasiklop ng aming nga kamay. "Do you really wanna know" mahina rin niyang sabi. Tumango naman ako. "She--" he was cut off because our order just arrive. Lumipat na siya ng upo sa katapat kong table. "We'll eat first" aniya. Napipilitan naman akong tumango. Sinadya kong bilisan talaga ang pagkain. Kaunti lang rin ang nakain ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko rin busog pa ako kahit ang totoo I didn't ate my lunch kanina and I just drink milk for my breakfast. "Who is she?" tanong ko ng tapos na siyang kumain. "You didn't eat much" komento niya. Bakit parang dinedelay niyang sabihin kung sino ang babaeng 'yon? Baka totoo nga ang hinala ko? Minsan pa naman tamang hinala ako. "You're avoiding my question Raphael Jackson" I said with an irritated tone. He sigh deeply and sigh more deep again. He sigh another one before opening his mouth to speak but he looks like he don't want to continue. I shallow hard. My heart is beating faster, ready to broke into pieces once he said what am I thinking earlier. "Promise me that you will listen until the end, that you will not get mad" he said and intertwined our fingers again. Tumango naman ako kahit hindi ako sigurado kung magagawa ko ba 'yon. Naramdaman kong nanlalamig ang kamay niya habang magkasiklop ang mga daliri. "She's Michelle..." panimula niya. So her name is Michelle huh. He really knew that girl. "...and she is supposedly my f-fiancé" pahina ng pahina niyang sabi. Parang nawalan naman ako ng lakas dahil sa narinig ko. Napaawang ang bibig ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. My heart is aching into a million pieces. Nataranta naman si Raf ng pilit kong binabawi ang kamay ko sa kanya. May tumulo ding isang butil ng luha sa kanang pisngi ko. Akmang pupunasan niya 'yon gamit ang free hands niya pero sumenyas akong huwag na. "Don't" mahinang sabi ko. Ako na ang nagpunas ng sarili kong luha. Pumikit ako ng mariin. I try to calm myself. I don't know what I am exactly feel right now. I want to run away because of what he said but I am trying to be brave. Gaya nga ng sinabi ko noon sa bestfriend ko. 'Don't let your emotion beat you' "C-Continue. I-I'll try to l-listen first" matapang kong sabi. If I let my emotion eat me and not even try to listen on his side. It will just cause chaos. H-Hindi naman niya ako ginawang kabit hindi ba? He said supposedly her fiancé and not her fiancé right now. That's different Cerene, c'mon. I convince myself. "I b-broke the engagement before my brother's birthday party. W-We was engaged for the sake of business" Raf said with voice full of sincerity. He even touch our intertwined fingers with his another hand. His hands are both cold, even mine I can feel it that it's cold too. He look at me stare with direct in my eyes. His gray eyes is full of hope. My aching heart is still aching but the pain I am feeling is not much. Nakahinga ako ng maluwag gayong hindi naman pala ako naging kabit. Hindi ko pinangarap maging kabit kahit pa maaga akong lumandi noon. Ang mga mata ni Raf na parang binabasa ang buong pagkatao ko habang tinititigan ako. Tila binabasa niya kung anong iniisip ko pero wala siyang mabasa doon. "Believe me, love. I don't even like that girl. She's too cold and stiff. I-If you want, I w-will introduce you to my M-Mom. We'll go to our right n-now" hindi mapakaling sabi niya. Lalo siyang nataranta ng pilit kong tinanggal ang pagkakasiklop ng aming mga daliri. Ayaw niya 'yong bitawan na tila makakawala 'yon sa kanya at hindi na babalik sa oras na bitawan niya. That's what I felt with his tight grip on my hands. "C-Cerene, L-Love, Promise hindi na ako magsisinungaling. I'll tell everything, love. H-Huwag mo kong iwan. M-Michelle is just nothing" he said, his voice is very desperate. Tinaasan ko nga ng kilay ang lalaking 'to. Masyadong OA ang reaksyon! "Look Raf! Namamawis na ang kamay mo kaya tinatanggal ko. It's so sticky kaya" maarteng sabi ko at tinampal ang kamay niyang ayaw tanggalin ang pagkakasiklop sa kamay ko. "H-Hindi ka galit?" gulat na sabi niya. Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya. Gusto pa ata ng lalaking 'to na magalit ako? Ano bang dapat ikagalit? I am not that immature to be mad at him for that reason. I am trying my best to improve from a jealous girlfriend to mature one. "Magagalit ako kung ginawa mo akong kabit but you didn't. Mukha pa akong tangang umiyak kanina! Sayang lang luha ko. Ex-fiancé lang naman pala!" mataray kong sabi. "And besides I am more than beautiful to that Alcantara" dugsong ko pa. Mukhang nakahinga na ng maluwag ang Raphael Jackson at nakangiti na ngayon. He looks more handsome now. "Huwag kang ngumisi-ngisi diyan Raphael Jackson. Kung nakita mo lang ang itsura mo kanina. Mukha kang tangang natatae na ewan" sabi ko sa nang-aasar na tono. Sumimangot naman siya dahil sa sinabi ko pero inirapan ko lang siya at tinaasan ng kilay. Palabas na kami ng restaurant ng may makasalubong kaming isang grupo ng mga teenager. Ang isa ay mabilis na lumapit sa'kin. "Ikaw po si Miss Cerene Menesis di'ba?" ani ng isang cute na teenager. Tumango naman ako bilang pagkumpirma. She's bubbly and have pouty lips. She looks like a Korean idol and also she dress like that. "Ang ganda niyo po pala sa personal. Nakita ko po kayo sa Magazine. Pwede pong papicture?" masayang sabi niya. Ngumiti naman ako at tumango nalang. Ang ibang kaibigan niya rin ay nagpapicture. "Pwede pong papicture kaming lahat sa'yo?" she ask. "Sure" pagpayag ko naman agad. Mukhang mah problema, walang maghahawak ng camera. I eyed Raf who's just standing on the side. He shot his brow on me. I mouthed please and he just sigh deeply before walking beside me. "Akin na ang phone mo. He's the one who will took our picture" sabi ko doon sa teenager. She handed her phone to Raf and she looks amaze by Raf's handsome face. 'Tong batang 'to! Akin 'yan oy! Sumenyas naman si Raf at nagbilang sa daliri ng tatlo bago kami picturan. Tatlong beses niyang ginawa 'yon at lumapit na para ibalik ang cellphone. Hinarap ako ng mga teenager. Ang iba wala na sa'kin ang atensyon kundi nasa lalaking nasa tabi ko at hawak ako sa baywang. "Thank you po Miss Cerene, ang bait niyo po" masayang sabi ng cute teenager na naunang mag-approach sa'kin. Ganoon din ang ginawa ng ibang kasama niya. Nagpaalam na rin ako sa kanila agad. I badly want to rest. Gusto ko ng humiga sa malambot na kama. Tahimik lang si Raf habang papunta kami sa parking lot. Binuksan niya ang front seat ar iginiya ako doon. Mabilis rin naman siyang umikot sa driver seat. He started the engine. Mukhang wala siya sa sarili. "Raf!" saway ko sa kanya. Biglang siyang umatras pero mayroong sasakyan sa likod namin. Taka naman siyang napatingin sa'kin. "Muntik ka ng makabangga ng sasakyan sa likod! Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ko. He shook his head and continue to maniuver the car. Wala na rin naman ang sasakyan na nasa likod. "Hoy! Ano bang problema mo?" untag ko sa kanya. "Sumisikat ka na" mahina niyang sabi at umiling ng bahagya. "Bakit parang hindi ka masaya?" mataray kong tanong. He sigh deeply. "I'm happy yet threaten too" he said. Kumunot naman ang noo ko. Threaten naman saan? Minsan talaga hindi ko maintindihan 'tong lalaking 'to. "Saan naman?" tanong ko. "Buwan nalang ang bibilangin, I'm sure you'll be a great model. Maraming hahanga sa'yo. Marami ring lalaking magkakagusto sa'yo." sagot niya. Ngumisi naman ako. I get it. He's threaten on other guys that I might encounter. "The great Raphael Jackson is threaten? Really?" manghang tanong ko. "I will be honest to you. I will admit it. I am threaten because anytime maybe you will just dump me" aniya sa malungkot na tono. "Ganoon ba ang tingin mo sa'kin? Can't you feel it?" kinuha ko ang kamay niya at nilagay sa parteng dibdib ko. "It's beating faster, it's because of you Raf. I am inlove with you so don't ve threaten" I said seriously. Tumango-tango naman siya pero nararamdaman ko ng gumagapang ang kamay niya paibaba sa bandang dibdib ko. "Raphael Jackson!" saway ko sa kanya ng nasa dibdib ko na ang kamay niya. "Ops sorry" nakangising sabi niya. Napailing nalang ako. Now, he's back on his playful aura again. "Ang sarap talagang pakinggan kapag sinasabi mong in love ka sa'kin" mayabang na sabi niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Pinaglololoko ba ako ng lalaking 'to? "Sinabi ko 'yon para pagaanin ang loob mo tapos--" "Aray ko" daing niya ng batukan ko siya. "Gusto ko lang marinig na sabihin mo 'yon. Ang sarap pakinggan, love." nakangising aniya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at akmang hahampasin pero mabilis siya lumabas ng kotse at bumaba. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto pero inirapan ko lang siya at tinaasan ng kilay. Kinuha ko ang binili ko sa bookstore kanina. "Hindi ka ba papasok?" tanong ko sa kanya. Umiling naman siya. "Hindi na, I have to read the books that I bought. See you tommorrow love, I'll call you later" he said and kiss my lips lightly. "Okay" wala sa sariling sambit ko. I blink my eyes twice and Raf's car are blurred on my vision. Mabilis siyang nakalayo na kaya pumasok na ako sa loob ng gate. I saw on our garage that our car is complete. Mom is home? I thought she's out of town? Bakit parang ang bilis naman niyang bumalik? Halos wala akong ingay na marinig ko pagpasok. Our house is very silent. Ang mga kasambahay na naglilinis at tahimik, not with their usual doings. Hindi sila nagchichismisan o nag-uusap man lang. "Nandito si Mommy?" tanong ko sa nadaanan kong kasambahay. "Opo Ma'am" sagot niya. "Nasaan siya?" "Nasa Masters Bedroom po" tipid na sagot ng kasambahay. Kumunot naman ang noo ko ng makitang may isang malaking maleta sa Sala namin. Sino namang aalis? Don't tell me it's Ate Cela? Oh no! She won't do that! It's not Clover and it's still not Courtney. Is it Mom? Hindi na ako nagtanong sa mga kasambahay. I just went to upstairs. Nasa may pintuan na ako kuwarto nina Mommy ng maabutan ko si Courtney doon. "Courtney" pagtawag ko sa kanya. I am a bit shock when she turn to my direction with her falling tears. Namumula na din ang ilong ang mukha niya. What the hell is happening? ----- 11:40 PM, August 30
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD