Chapter 14

3386 Words
Chapter 14 "Why are you crying?" agad kong tanong sa kanya. Walang imik na lumapit at yumakap sa'kin si Courtney. Kahit wala akong ideya, niyakap ko nalang siya pabalik habang hinahagod ang likod niya. My sister is not iyakin so why the hell is she crying right now? Her sob is getting louder now. "Shhh. Tahan na. Why are you crying?" tanong ko ulit sa kanya. Patuloy kong hinahagod ang likod niya. She's trying to control her sobs. Nang medyo kumalma na siya kumalas na siya sa pagkakayakap sa'kin. "A-Ate.." naputol ang sasabihin niya ng bumukas ang pinto ng Masters Bedroom sa tapat namin. Iniluwa noon si Mommy na mukhang kagagaling lang din sa pag-iyak. Why are they crying? Why our maids are not jolly and it seems like there's a problem in this house but I don't have any idea what it is. "You're here now, Cerene" ani Mommy. "What's happening Mom?" tanong ko sa kanya. "Y-Your Dad..." nauutal na sambit ni Mommy, parang ayaw niya pang ituloy ang gustong sabihin. "What happen to Dad?" nag-aalalang tanong ko. "N-Naaksidente ang Daddy mo, c-car accident. Dead on arrival ang driver, l-ligtas naman si Albert pero napuruhan ang ulo niya." ani Mommy. Umawang naman ang bibig ko dahil sa sinabi ni Mommy. Si Daddy naaksidente at napuruhan ang ulo niya? Parang nablangko ang utak ko sa sinabi ni Mommy. So that's the reason why our house was glommy. "H-He's also in coma" dagdag pa ni Mommy. My mouth hang open for a moment. I don't know what I exactly feel. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. My beloved father is in coma and no one is on his side right now. Naramdaman ko rin na nagtubig ang mata ko. Wala siyang ibang kasama sa ibang bansa! "M-Mom sasama po ako sa inyo" I said. I am also worried to my Dad He's in coma and no one is beside him right now. Parang ayaw magsink in sa utak ko na comatose si Daddy! My Mom sigh heavilty Hinawakan niya ako sa balikat. She gave me a sad smile. "Walang guardian ang mga kapatid mo. Cela will come with me, dito ka lang. I'll gave you an update to your Dad's condition. I-I hope h-he will recover as soon as possible" malungkot na sabi ni Mommy. "But Mom. We'll come with you. I-It's Dad whose in the hospital. I want to see him. I badly want to see Dad" pagpipilit ko pa. Malalim na napabuntong hininga si Mommy. Kaunting pagpipilit ko pa sa kanya, pumayag siyang sumama kami sa States, even Clover and Courtney will come with us. Babalik rin kami agad bago magsimula ang school year. I just want to see Dad kahit nasa ganoong kondisyon siya. Bumalik na ako sa kuwarto ko pero parang wala ako sa sarili. Kung ano-ano na namang possibilities ang iniisip ko. What if hindi na magising si Dad? No! No! Don't think that way! I said to myself. Mabagal at lagi akong bumubuntong hininga habang nag-eempake ng damit. We still have one week before the opening of classes. Sa sobrang lutang ko hindi ko napansin na marami na palang missed calls si Raf. Nakita kong tumatawag ulit siya kaya naman tamad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot 'yon. "Hello" mahina at puno ng lungkot kong sagot sa kabilang linya. [Bakit ganyan ang boses mo, love? What happen? Do you have a problem?] tanong niya sa nag-aalalang tono. Malalim akong bumuntong hininga bago sabihin sa kanya ang nangyari. "D-Dad is in c-c-coma" nahihirapan akong banggitin ang huling salita. I still can't believe that my Dad is in coma, para bang hindi nagsisink in sa'kin. Hindi na ako nagtanong kay Mommy ng ibang detalye kung bakit nagkaganoon ang kondisyon ni Daddy. Para bang hindi pa ako handang marinig. Ayaw ko talagang tanggapin. I know that my Dad's life is 50/50. Even if it's 50/50, his chance of surviving is still low than chance to survive. [Do you want me to go there? I know you're not okay right now] malambing na sabi ni Raf. Parang nawawala ng kaunti ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa malambing niyang boses. It's so comforting, it's so good on my ears. "Pero hindi ba sabi mo mag-aaral ka pa?" tanong ko sa kanya. "I-I'll be okay" pilit kong pinasigla ang boses ko para hindi na siya gaanong mag-alala. "You sure?" he ask. "Oo, b-but Raf.." mahinang usal ko. [Hmm] pagtugon niya sa kabilang linya. "I-I'll go with Mom, I will be gone for a week or so. I badly want to see Dad. He needs us, he needs his family" I said. He sigh heavily on the other line. I can imagine right now his serious face would stare at me if he's here infront of me. [Of course you can go with your Mom, it's your Dad, love. If you want I'll come with you] he said seriously. "Oh no, no Raf. Hindi ba marami ka pang aaralin di'ba? I'll be back naman kapag may klase na" I said. Nag-usap pa kami ng kaunti si Raf bago ko ibinaba ang linya para mag-empake. Hindi gaanong marami ang dinala kong damit. 'Yong mga simple lang rin ang dinala ko. Hindi naman ako pupunta sa States para magbakasyon. I will go there to see my Dad lying on the hospital bed with his life support. Hindi ko pa man nakikita sa personal na nasa ganoong kalagayan ang ama ko, I felt a pang on my chest. Halos hindi ako makatulog dahil hindi na ako makapag-intay para bukas. Hindi ako mapakali at gusto ko ng makita si Daddy. He will be alright! Dad will be alright. I said to myself even if it's impossible but I know someone that make it possible. God. I can't sleep so I prayed. Alam kong naiisip lang ng karamihan ang Panginoon kapag mayroon silang problema, kapag mayroon silang gustong hilingin, kapag may kailangan. Ganoon naman ang tao, tsaka lang siya naaalala. I know to myself that I am the one of those people. Minsan nakakalimot akong magpasalamat sa mga bagay na ibinibigay niya. When you are happy, hindi mo na naaalala ang panginoon pero sa oras ng kalungkutan doon mo lang siya naaalala pero nandyan pa rin siya para sa'yo. "I know that I am not that a good person but please God, give my Dad a second chance. Huwag mo pa siyang kunin sa'min" mahinang usal ko bago pumatak ang magkasunod na butil ng luha ko. I ended up crying before I finally fell asleep. "Ate, wake up" dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sa'kin si Courtney. She's now combing her hair, hindi pa siya nakabihis pero nakaligo na siya. Kahit bagong ligo siya, hindi pa rin maiiltatago ang pagkamaga ng mata niya. My sister cried too. She's also affected on what happened on our Dad. We are all affected. "I'll just take a bath Courtney" I said and go to my bathroom. Hindi ko alam kung bakit tamad na tamad akong kumilos ngayon. Malamig na tubig ang niligo ko para magising ako. My mind is too occupied while I am taking a bath. Halos isang oras siguro ang tinagal ko sa banyo. Nang makarating ako sa walk-in closet ko. Basta nalang akong kumuha ng puwede kong suotin. Simpleng damit lang ang suot ko. I just put some concealer on my eyebags. Lip balm lang ang nilagay ko at wala ng iba pang lip product. Lumabas na ako ng kuwarto ko at tsaka ko lang naalala ang cellphone ko. I saw it in my side table, vibrating nonstop. Raf Calling... Mabilis ko naman 'yong sinagot. "Raf" mahina kong sagot sa tawag. [Goodmorning love] he said on the other line. "Morning" [What time is your flight? Ihahatid kita sa airport] aniya. "H-Hindi na Raf" pagtanggi ko. Natahimik naman ang nasa kabilang linya. Malalim siyang bumuntong hininga. [You're refusing my offer since yesterday, Cerene Lie. I just want to comfort you. I am your boyfriend] he said, his voice is a bit frustrated. Maybe because he thinks that I don't want his help. It's just that he have a life too. He have other things to do. He will start in law school this year. He needs to study more. Ayaw kong maging makasarili. Ayaw kong idamay si Raf sa pansarili kong problema. Ayaw kong sa'kin lang dapar umiikot ang mundo niya. I don't want that because it's a toxic kind of love. "I know Raf but you are out of this matter. This is my problem, please understand" sabi ko sa mahing boses. "P-Promise, k-kapag hindi ko na kaya. I w-will call you" I said. Natapos ang usapan namin sa cellphone. Hindi na kami nagkita bago ang flight namin. Nakatulog ako sa eroplano pero nagising rin namana. I woke up when the plane is about to land. Maliit na maleta ang hila-hila ko. Ganoon din si Courtney. Kami ang magkasabay habang nauuna si Mommy at Ate Cela na naglalakad palabas ng airport. Si Clover naman parang mayroon ding sariling mundo. She's still using her eyes glasses. My Mom don't have a comment tho. Clover also have headphone on. Lahat kami occupied dahil sa kalagayan ni Daddy. Paglabas pa lang namin ng airport mayroon ng sumalubong sa'min. It's our house caretaker here in U.S. He's a Filipino resident here. Kinuha niya ang mga bagahe. Van ang dala niyang sasakyan. Siya na ang naglagay ng mga bagahe samantalang pumasok na ako sa loob ng Van. "Mommy sa hospital na ba tayo didiretso?" tanong ko. "Yes hija" she answered. Gaya nga ng sabi ni Mommy, sa hospital na ang diretso namin. I don't care about jetlag. I want to see Dad. Si Mommy na ang nagtanong kung nasaan su Daddy. Agad naman kaming pumunta doona and there I saw my Dad on the ICU with life support. Ang daming tubo na nakakabit sa kanya. Ilang sandali pa dumating ang Amerikanong Doctor. "What is the condition of my husband Doc?" my Mom ask. Nasa gilid lang ako, handang pakinggan ang sasabihin ng Doctor. "Your husband is still under observation..." hindi ko na naintindihan pa ang ibang sinasabi ng doctor. Natutulala lang ako. Ayaw ko ring pakinggan. Lalaban si Daddy! Mabubuhay pa siya! Tahimik ang lugar at mahihinag hikbi lang ni Mommy at ng mga kapatid ko ang naririnig ko. Laging wala si Daddy sa tabi namin pero iba pa rin na malakas siya at nag-aasikaso at busy sa negosyo, hindi 'yong ganito, nakaratay sa hospital bed at walang malay. Hindi alam kung gigising pa ba. Walang kasiguraduhan ang buhay niya. For almost one week, ganoon pa rin. Wala pa ring signs na gigising si Daddy. Kahit ayaw ko, I need to go back in the Philippines to continue my life. Kasama ko pagbalik ang mga kapatid ko, si Mommy lang ang naiwan. I don't know kung paano nababalance ni Mommy ang oras niya sa negosyo at pagbabantay kay Daddy. I know she's suffering but trying to be strong for us. "Love, nandito na tayo" natauhan ako sa bulong ni Raf. Masyado akong natutulala. I blink twice before roaming my eyes. Nasa tapat na kami ng gate ng University ko. "You're always spacing out" puna niya. "I-I'm just thinking about my Dad's condition" pag-amin ko kahit alam kong alam na niya 'yon. "I will not say that he will be okay because I know that his condition is severe but I hope he will, love." Raf said and hug me. I want to protest on what he said. Parang sinabi niya na hindi na rin magigising si Daddy at malabong mangyari 'yon pero may point naman siya. We need a mircale for that's condition. Mababa na ang tsansang magising siya pero pilit pa rin naming ipinaglalaban. Ganoon naman talaga kapag may mahal ka sa buhay, ilalaban mo hanggang sa huli. "Cry on my shoulder Cerene Lie, I want to comfort you. Don't act that you're strong even if your not" he said. Hinagot niya ang likod ko. Niyakap ko rin siya ng mahigpit bago sunod-sunod na luha ang pumatak sa mga mata ko. Pag-uwi ko sa Pilipinas one week ago, ayaw kong umiyak. I don't want to cry. Hindi pa patay ang Daddy ko para iyakan ko. Naniniwala pa rin akong gigising siya. "R-Raf, I-I don't want my Dad to leave us" iyak ko sa kanya. "Shhh, he won't" aniya habang marahang hinahagod ang likod ko. Pagkatapos kong umiyak, hindi ko alam kung bakit biglang gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko. Ang isang linggong emosyon na ayaw kong ilabas, nailabas ko kay Raf. "I'm sorry nabasa ko 'yong uniform mo" I said. "It's okay. It's just nothing. Are you feeling better now?" malambing na tanong niya. Tumango naman ako. Inayos ko muna ang itsura ko bago lumabas ng sasakyan ni Raf. He kiss my forehead before I leave his car. Mabagal akong naglalakad papunta sa magiging classroom ko. Medyo marami na rin ang estudyante. Sa bandang gitan, I saw a familiar girl. Michelle Alcantara She's just sitting pretty on her chair while her eyes is fix on the white board. Her face is serious yet beautiful. She looks very tough and unapproachable. Sa bakanteng upuan sa tabi niya ako dumireto. Nang tuluyan an akong makaupo sa upuan, lumigon siya sa direksyon ko. "We are block mates again" she said. "Oo nga e" I answered. Hindi na ako nag-start ng conversation sa kanya dahil wala na rin naman siyang sinabing iba. Napatapat na naman kami sa terror Prof kaya pinilit ko ang sarili kong makinig. Alam kong matalino ang katabi ko pero baka hindi na niya ako tulungan katulad ng dati. Inabala ko ang sarili ko sa mga lesson. Natutulala nalang kasi ako kapag naalala ko si Dad. Parang gusto kong bumalik bigla ng U.S. at bantayan siya. Kausapin siya habang wala siyang malay, ang sabi nila naririnig daw ng mga nacocoma ang sinasabi ng tao sa paligid nila. Maybe Das will hear to fight for his life, to live in this world more, to be with us, to be with his family. Natapos ang klase at nagtext si Raf na hindi niya ako masusundo kaya naman tumawag nalang ako sa bahay para magpasundo sa driver namin. Pagdating ko sa bahay. I call Mom to ask about Dad's condition. Ganoon na ang laging naging daily routine ko. Hindi ko namamalayan na ilang buwan na rin ang lumilipas. It's been two months and I am on our living room with Raf. He's here in our house to be with me even though he have readings. Mas gusto niya daw mag-aral habang nasa tabi ako. "Want some?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at ibinuka ang bibig. Nakatutok pa rin sa binabasa ang mga mata. Kumuha rin ako ng cookies at isusubo ko na sana ng biglang makarinig ako ng maiingay na yabag and after a few seconds, I saw my Mom with a very stressful face. "Mom" napatayo ako bigla. I thought she's in U.S.? Bakit iniwan niyang mag-isa doon si Daddy? Binaba naman ni Raf ang binabasa niya at tumayo rin. "Tita" pagbati niya. Nakipagbeso kami sa kanya. Tumango lang naman siya. "Where is Cela?" tanong ni Mommy. Parang mayroon pang bahid ng galit ang kanyang boses habang sinasabi 'yon? What is happening? Bakit parang nagagalit si Mommy sa paborito at masunurin niyang anak? "She left earlier Mom" I answered. "What? Did she told kung saan siya pupunta?" tanong ni Mommy. Ano bang nangyayari? Mabilis naman akong umiling. "No" pagkasabi ko noon tumango lang si Mommy at padabog ang lakad paakyat. Rinig na rinig pa naman dahil sa sahig naming kahoy. Hinarap ko si Raf na umupo na. Naistorbo pa siya sa readings niya dahil kay Mommy. Ano ba kasing nangyayari? Nagkibit-balikat nalang ako at umupo na rin. "I don't know what is happening. Ano kayang ginawa ni Ate?" "Maybe your sister did something wrong?" Raf said. Nagkibit-balikat nalang ako. Mukhang malabong mangyari 'yon. Ate Cela used to be the good daughter among of us that's why she's Mom's favorite. Habang busy si Raf nagcheck nalang muna ako ng social media accounts ko. Biglang may nagpop-up na message. It's from my older sister. From: Cela Menesis Nandito si Mommy sa Pilipinas. Nandiyan na ba siya sa bahay? Hinahanap ba ako? Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi Chat niya. So she knew that our mother is here and she expected that Mom is looking for her. To: Cela Menesis Yes, she's looking for you and I think she's mad. If I were you, uuwi na ako dito sa bahay. Pagkasend ko ng reply ko nireplyan lang ako ng like. What the f**k? Ang attitude ng kapatid ko. Siya na nga 'tong unang nagchat at nagtanong hindi pa nagpasalamat at nanglike zone pa. Pinabayaan ko nalang at nagkibit-balikat ako. Wala akong ginawa maghapon kundi titigan ang guwapong mukha ni Raphael Jackson. Seryoso siya nagbabasa, may suot siyang eye glasses na lalong nagpadagdag sa kaguwapuhan niya. He looks more matured while he's wearing that. "I got to go love. Next time date tayo kapag hindi na masyadong maraming readings" he said. "Promise?" "Yeah, promise" aniya at hinalikan ako sa noo. He bid his goodbye bago tuluyan ng sumakay sa kotse niya. Pumasok na ako sa loob para maghalf bath. Naisipan kong magbabad sa bathtub para marelax ako. Mahigit isang oras ako doon. Nagbihis na ako ng pantulog kahit hindi pa ako kumakain ng dinner. Saktong paglabas ko ng walk-in closet ay ang pagkatok ng kasambahay namin na ready na daw ang dinner. Bumaba na ako. Narinig kong maingay sa living sa room kaya doon ako dumiretso. "I told you to stay away from that man!" galit na sabi ni Mommy. I never saw her shouted at my older sister like these. "Ano bang problema mo sa kanya Mom? Bakit si Raf okay sa'yo? Bakit 'yong lalaking mahal ko ayaw niyo para sa'kin?" sigaw rin ng kapatid ko. "Talagang sumasagot ka na? 'Yan ba ang natututunan mo sa lalaking 'yon Methucela Liera?" galit na sabi ni Mommy. Nabato nalang ako sa kinatatayuan ko. Galit na galit si Mommy at napakalas na ng boses niya. "He didn't though me anything against you, Mom! Siya pa nga ang laging nagsasabi na intindihin kita but Mom bakit? Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mo sa kanya? He came from a decent and rich family! Ano bang ayaw mo sa kanya!" sigaw ni Ate. "Basta ayaw ko lang sa kanya! Hiwalayan mo ang lalaking 'yon. Instead of flirting around, just help me manage our business. Baka nakakalimutan mo, nasa hospital pa ang Daddy mo tapos yan pa ang uunahin mo?" ani Mommy. I saw my sisters face gave her a disbelief look. "I am not flirting around Mommy! Mahal ko siya at hindi ako makikipaghiwalay sa kanya" my sister said with full of determination. Nagulat ako ng bigla siyang sampalin ni Mommy, nakarinig din ako ng singhap sa tabi ko. Hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Clover. "Sige Mommy, sampalin niyo pa ako. Ilang sampal ba ang kailangan niyong gawin para matanggap mo siya, tatanggapin ko lahat ng sampal mo" ani Ate Cela. Napatigil si Mommy sa akmang sasampalin na naman niya ang kapatid ko. "I will never accept that man Cela!" mariing sambit ni Mommy. "If you will not accept him, I'll better leave this house, Mommy" sabi ni kapatid ko at nilampasan si Mommy. Nagtama ang mga mata namin pero wala siyang naging reaksyon. Patakbo siyang pumunta sa itaas. Pareho kaming walang imik ni Clover habang palapit na sa'min si Mommy. "Go to the dining area, we'll eat dinner" she said. Walang imik naman kaming sumunod. Nandoon na si Courtney na prenteng nakaupo sa upuan niya at kumakain na ng steak. Tahimik na rin kaming kumain pero hindi na ako nakatiis na hindi magtanong. Hindi ko alam kung sino ba ang lalaking mahal ng kapatid ko. Wala naman siyang dinadala dito sa bahay at wala siyang nababanggit. She's so secretive. "Mom, paano si Ate?" pagbasag ko sa katahimikan. Uminom muna ng tubig si Mommy. "Hayaan niyo siya. I'm sure she will go back here in my house once that guy made her cry" ani Mommy na parang siguradong sigurado siya. Natahimik na lang ako at hindi na nagtanong pa. ---- 11:38 AM. September 3, 2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD