Chapter 15
"Kamusta law school?" tanong ko kay Raf.
Sinundo niya ako ngayon dahil mayroon siyang free time at hindi masyadong busy pero mukha siyang stress.
"Law School pa rin" walang kwentang sagot niya.
Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi naman niya ako nakikita dahil sa kalsada nakatutok ang mata niya.
"I'm serious Raphael Jackson. Mukha ka kasing stress" puna ko sa kanya.
"I'm fine." he said.
Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. Pinapasok ko muna siya sa bahay. Maagang natapos ang klase ko at wala pa si Courtney.
We went to our living room. Ibinagsak ni Raf ang katawan niya doon at pumikit. Hinagod niya ang buhok niya ang medyo mahaba niyang buhok at malalim na bumuntong hininga.
He's really tired.
Eksaktong mayroon namang padaan na kasambahay kaya tinawag ko ito.
"Pakidalhan po kami ng meryenda dito" magalang kong utos.
Inilibot ko ang mata ko at nakita ko ang family portrait namin na pinasadyang ipapinta ni Mommy sa batikang pintor.
It looks great. We are all smiling and complete. Napatulala ako doon. Ang malaking bahay namin ay napakatahimik, noon pa man ay tahimik na ito pero mas lalong naging nakakabingi ang katahimikan.
We are all smiling at the painting. Bata pa si Courtney sa painting na 'yon. I think she's just five and I am a teenager that time. Napadako ang tingin ko kay Mommy at Daddy na nakangiti, kahit medyo istrikta si Mommy sa mga galaw namin kahit laging wala si Daddy, I still feel that they are being a parents to us.
A single tear fell when my eyes laid on my older sister. After she left the house months ago, she never came back, kabaliktaran ng sinabi ni Mommy.
"Why are you crying?" agad kong pinahiran ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Raf.
I eyed him and give him a small smile.
"Wala" sabi ko habang umiiling.
"Cerene Lie" ani Raf na may nagbabantang tono.
"I-It's just that..." bumuntong hininga ako at napailing pa. "...it's like our life messed up" mahina kong sambit.
Binalot naman ako ng yakap ni Raf. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. Para akong hinehele habang yakap niya. Biglang nawala ang mga iniisip ko at sa malakas na pintig ng puso niya lang ang tanging naririnig ko.
Ilang minuto kaming ganoon bago ako humiwalay sa pagkakayakap niya. Dumating na ang meryendang pinakuha ko sa kasambahay pero wala akong ganang kumain.
Nakaunan ako sa lap ni Raf kaya tanaw na tanaw ko ang family painting namin.
"Si Ate Cela, h-hindi pa bumabalik. When will she come back? Kahit naman hindi kami close iba pa ring nandito siya" bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon.
Hinahaplos ni Raf ng marahan ang buhok ko. Pinilit kong siyang tingnan ng hindi bumabaling sa kanya pero gamit lang ang mga mata.
"Babalik ang kapatid mo, love" Raf said.
Ngumiti nalang ako ng maliit. I know my sister will come back but for now I think it's not gonna happen. Galit na galit si Mommy sa kanya dahil sa pag-alis niya at pagsama sa kung sino mang lalaki.
"Kilala mo kung sinong boyfriend ni Ate Cela? May napapansin ka bang kakaiba sa kanya? Nakikita mo ba siya minsan somewhere na may kasamang guy?" sunod-sunod kong tanong.
Bumangon na ako at hinarap siya. Kumunot naman ang noo ni Raf na tila naguguluhan sa inaakto ko.
Nang magkatinginan kami ng diretso sa mata, bahagya siyang umiling.
"I don't know. Akala ko nga single ang kapatid mo at mukhang hindi siya approchable" Raf said.
Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa sinabi niya kay Ate. Well, tama naman siya na hindi mukhang approachable ang kapatid kong 'yon.
Dito kumain ng dinner si Raf at kasalukuyan kami ngayong nasa entertainment room. We are watching sci-fie movie ata 'to.
Naka-upo ako sa pagitan ng mga hita niya kaya malaya akong nakakasandal sa matigas niyang dibdib. Binabalot naman niya ako ng yakap.
Sa mga ganitong eksena, sandaling nawawala ang problema ng pamilya ko. Hindi ko masyadong naintindihan ang movie dahil nakapikit at nakaidlip pa nga yata ako sa mga bisig ni Raf.
"Wake up" Raf said huskily.
Nakakakiliti ang bulong niya dahil nasa may bandang tainga ko ang mga labi niya.
"Tapos na ba yung movie?" paos na tanong ko at tumango naman si Raf.
Kinukusot ko pa ang mata ko. Umalis na ako sa pagkakasandal sa kanya. Tumayo na ako at tiningnan sa wrist watch na suot ko kung anong oras na.
It's almost twelve midnight.
"Dito ka na matulog Raf" I said.
Kahit dim ang ilaw, I saw him smirk playfully.
Kahit medyo inaantok pa, tinaasan ko siya ng kilay at nagpameywang sa harap niya.
"Hoy! Matutulog lang tayo! Ba't parang iba 'yang nasa isip mo?" puna ko sa kanya.
Mas lalong lumaki ang ngisi niya dahil sa sinabi ko.
"Alam mo ba kung ano ang nasa isip ko o ikaw ang iba ang iniisip? Want to do something before we sleep in your room? Hmm" Raf said playfully.
Ang unang throw pillow na nakuha ko ang pinambato ko. Hindi siya nakailag kaya sakto sa nakangisi niyang mukha.
Buti nga sa kanya!
"W-Wala akong ibang g-gustong gawin!" malakas ko pang sabi kaya nagtunog defensive.
Hindi pa rin tuloy nawawala ang ngisi si Raf kahit binato ko siya ng unan, parang balewala lang naman sa kanya 'yon.
"Are you sure?" mapang-akit na sabi niya at humakbang na papalapit sa'kin.
Napapaatras naman ako habang humahakbang siya kaya lang kaatras ko, dead end na.
Kinapa ko ang nasa likod ko. May nahawakan akong malamig na bagay.
Doorknob!
Mabilis kong binuksan 'yon at lumabas na ng kuwarto kaya naiwan ko si Raf doon. Mabilis akong naglakad papunta sa kuwarto ko pero hindi ko 'yon ni-lock dahil alam ko namang susunod si Raf.
Dumiretso ako sa walk-in closet ko at ni-lock ko na ang pinto. Napasandal muna ako doon ako huminga ng malalim.
"Salamat po at nakawala ako sa tukso" parang tangang sabi ko kahit mag-isa lang ako dito.
Dumireto na ako sa bathroom at naghalf bath. Hindi na ako masyadong nagtagal dahil gusto ko ng magpahinga.
Nagbihis ako ng pantulog. Yung conservative para naman hindi magpyesta ang mga mata ni Raf sa katitingin.
Paglabas ko ng walk-in closet, nakahiga na si Raf sa kama. Nakaunan ang ulo niya sa mga braso. Nakatulala siya sa kisame na parang may malalim na iniisip pero agad ding napalingon sa'kin ng maramdaman yata ang presensya ko.
"Do you want to take a shower?" tanong ko sa kanya.
"Yeah" sagot niya at tumayo.
Dumiretso siya sa loob ng walk-in closet papuntang bathroom. May damit naman si Raf sa closet ko kapag natutulog siya dito minsan.
Ni-check ko muna ang cellphone ko. I check my messages on Ate Cela, still no response from her.
Wala na siyang social media accounts at sana hindi pa siya nagpapalit ng number kung sakali para mabasa niya pa rin ang mga text ko sa kanya.
I even email her but still no response, hindi ko alam kung nasaan na ang kapatid ko.
I know Mom closed all her accounts. Mayroon pa kayang pera ang kapatid ko? I hope so.
Napabaling ang atensyon ko sa pinto ng bumukas 'yon. Nakawala na ako sa malalim kong iniisip.
"Are you sleepy?" tanong sa'kin ni Raf ng makalapit.
He's topless at basang basa ang buhok niya. Parang hindi na siya nag-abala na patuyuin man lang 'yon.
Napakurap-kurap pa ako bago ilipat sa mukha niya ang tingin.
"Yes, ikaw?" balik tanong ko sa kanya kahit alam ko namang hindi pa siya inaantok.
May kinuha siyang libro sa side table. Sihuro nilagay niya kanina d'on habang naliligo ako. Mukhang may babasahin pa siya.
"Mauna ka na. I'm not sleepy yet but I can be your hotdog" nakangising niyang sabi at humiga na sa kama.
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Bumaling ako sa kabilang side kung nasaan ang pwesto niya.
"Hotdog?" takang tanong ko.
"Ito oh" aniya at pinakita sa'kin ang mahaba kong unan na paborito kong yakapin.
Inilagay niya 'yon sa kabilang gilid niya.
"Akin na yan!"
Bumangon ako at akmang kukuhain sana 'yon pero inilayo niya kaya natumba ako at saktong napapatong ako sa kanya.
Kaunting-kaunti nalang magdidikit na ang aming mga labi. Amoy na amoy ko ang mouth wash niya.
"I badly want to taste your lips" ani Raf at tuluyan na niyang inilapat ang labi niya sa labi ko.
Dahan-dahan ang halik niya. It's a passionate kiss. Punong-puno ng pag-iingat hanggang sa naramdaman kong he want enter his tongue inside my mouth so I gladly open my mouth.
Nauwi sa pagme-makeout ang nangyari. Nang akmang huhubarin na niya ang suot kong pang-itaas ng pigilan ko siya.
"I'm sleepy" nakangising sabi ko.
Pinatakan ko lang siya ng isang halik sa labi bago ako humiwalay ng tuluyan.
Kitang-kita ko ang pagkabitin ni Raf kaya malaki pa rin ang ngisi ko.
Kinuha ko na ng yakap kong unan sa gilid niya na nabitawan niya kanina habang nagme-make out kami.
Nakasimangot siya ngayon habang nagbabasa ng libro. Kinurot ko naman ang pisngi niya dahil ang cute niyang tingnan. Sinamaan niya ako ng tingin, lalong humaba ang nguso niya.
"Oy nabitin siya" asar ko sa kanya at tinusok-tusok pa ang pisngi niya.
"Ano naman? Inaantok ka na di'ba? Matulog ka na" masungit niyang sabi kaya lalong lumaki ang ngisi ko.
"Tara tuloy na natin" pang-aasar ko sa kanya at umupo ako sa bandang tiyan niya.
"Cerene Lie! It's not funny! Don't joke around baka mamaya inuungol mo na ang pangalan ko sa sarap" banta niya kahit sa libro pa rin nakatuon ang atensyon niya.
"Ows talaga?" hamon ko sa kanya.
Ang hintuturo ko ay pinaiikot ko sa bandang n*****s niya. Nakita kong napapalunok siya sa ginagawa ko.
"Huwag mo ng hintayin na patulan ko 'yang pang-aasar mo, love" seryosong banta na niya.
"Bakit hindi mo patulan?" nakangising sabi ko.
Agad naman nawala ang ngisi ko ng makitang binaba na niya ang libro niya. Seryoso ang mga matang nakatingin sa'kin. Ako naman ngayon ang napalunok at umalis na sa pagkakaupo sa kanya.
Tumalikod na ako at mahigpit na niyakap ang hotdog kong unan. Naramdaman ko namang bumangon siya.
"Damn Cerene Lie. This is your fault. I need to take a cold shower again" pagrereklamo niya.
Iminulat ko ang isa kong mata ng dumaan siya sa may harapan ko papuntang bathroom.
Wala sa sariling napangiti ako. Sa ilang buwan naming magkarelasyon, hindi ko akalain na marunong palang magpigil si Raphael Jacskon. Pagkatapos ng huling nangyari sa'min, hindi na ulit nasundan. It looks like he's always controlling his self.
Hindi ko na siya naintay na lumabas sa bathroom dahil I already fell asleep.
The days went blurred. It's our semestral break. I already planned that I'll go to States to visit my Dad.
Still, there's no response kung gigising pa ba siya. Ang sabi ng Doctor, ang mga makina na lang ang tanging bumubuhay sa kanya pero ayaw naming sumuko, ilalaban namin hanggang sa huli si Daddy.
"Magigising pa si Daddy, di'ba Ate?" tanong ni Courtney.
Nakatingin kami sa nakaratay na si Daddy. Hindi ako sumagot sa tanong ni Courtney, natutulala lang ako kay Daddy na nahihirapan.
Hindi ko pa rin man lang nakita si Mommy, sobrang busy niya sa pag-aasikaso ng business lalo na at wala si Ate ngayon.
"Saan ka pupunta?" tanong sa'kin ni Clover.
"Diyan lang, bantayan mo si Courtney" paalala ko sa kanya.
Hindi ko alam kung saan talaga ako papunta. Sa tuwing dadalawin ko si Daddy, laging ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.
Sa kalalakad ko, nakarating ako sa maliit na Chapel ng simbahan. May nakita akong bulto ng lalaki na nakaluhod. Nakayuko siya at parang taimtim na nagdadasal.
Narinig kong sumisinghot siya.
He's crying.
Unti-unti akong lumapit sa kanya at sakto rin ang pagtunghay niya at pagtingin sa direksyon ko.
Pilipino pala ang isang 'to.
Bahagyang namumula ang mata niya marahil sa pag-iyak. I've never seen a guy crying. Karaniwan sa mga lalaki, hindi pinapakita ang kahinaan nila. They always strong outside because that's the people are expecting to them. Always strong and unbreakable.
"Nandito ka rin ba para humiling sa kanya na dugsungan pa ang buhay ng taong mahalaga sa'yo?" tanong ko sa isang estranghero.
"Oo sana pero siya na ang mismong bumitaw. S-She don't w-want to fight anymore" mahinang sabi ng lalaking estrangero.
Nakita kong may namumuo na namang luha sa mga mata niya. It seems like he's really hurt.
"W-What do you mean?" tanong ko kahit alam ko na ang ibig sabihin.
"I-Iniwan na niya ko. Iniwan na ako ng fiancé ko." hindi ko alam kung anong sumanib sa'kin at bigla ko nalang niyakap ang lalaking estranghero.
I know that he is hurt right now. Sa itsura niya pa lang na parang magbe-break down anumang oras. Ang mukha niyang halos walang tulog at halos hindi na makapag-ahit ng mukha. Alam kong kailangan niya ng karamay.
Sinamahan ko ang estranghero ng ilan pang minuto doon sa Chapel. Tahimik lang kami doon. Talagang naawa ako sa kanya.
"Ikaw bakit ka nandito?" pagbasag niya sa katatimikan.
"My Dad is in coma for almost four months now. Do you think he will still woke up?" tanong ko.
"Do you want an honest answer?" tanong ng lalaking hindi ko pa rin kilala.
"Oo naman" sagot ko.
"Hindi na magigising ang tatay mo. Sa mga pelikula lang nangyayari 'yon. Pinahihirapan niyo lang siya. Bakit hindi niyo pa siya bitawan?" sabi ng lalaking estranghero.
Masakit ang sinabi niya pero 'yon ang mas malapit sa katotohanan. Gusto ko siyang sigawan na bawiin niya ang sinabi niya pero hindi ko na ginawa.
"Masakit marinig katotohanan hindi ba?" marahan naman akong tumango.
Nakatulala ako sa unahan ng Chapel.
"Pero ilalaban pa rin namin si Daddy kahit anong mangyari" mahinang sabi ko.
Pinunasan ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Malalim akong bumuntong hininga bago tumayo na.
"I need to go" paalam ko sa kanya.
Tumango lang siya at parang wala pang balak umalis doon. Naawa talaga ako sa lalaking 'yon. Hindi nawawala ang lungkot at pagod sa mga mata niya.
Halatang mahal na mahal niya ang sumakabilang buhay niyang fiancé.
Bumalik na ako sa kilalagyan ni Daddy. Nagpaalam na ako sa kanya dahil uuwi na rin ako kaagad.
"Dad, kailan ka ba gigising diyan? Wake up Dad. Sana pagbalik ko dito gising ka na. I need to go na po. May trabaho pa ako but I'll be back soon" paalam ko sa kanya.
Ayaw kong umiyak sa tabi ni Daddy kaya pinahid ko agad ang namumuo kong luha.
Mauuna na akong umuwi kay Courtney at Clover dahil mayroon pa akong shoot pagbalik na pagbalik ko.
Si Raf ang sumalubong sa'kin sa airport.
"Tired?" tanong niya.
Tumango nalang ako at pumikit. Nakaidlip ako at nasa kama na ako paggising ko. Inilibot ko ang mga mata ko at nandito na ako sa sarili kong kuwarto.
Nakita ko rin na umaga na at tirik na tirik na ang araw.
Nasa tabi ko si Raf na may binabasang libro. As usual nakasuot na naman siya ng eye glasses.
Nakita kong may pagkain sa side table. Kumalam naman bigla ang tiyan ko kaya napabaling siya sa'kin.
"Eat love, your tummy says it" he chuckled and then iminuwestra sa'kin ang pagkaing nasa tray.
Nagpatuloy siya sa pagbabasa habang kumakain naman ako. Pagkatapos kong kumain. Nagpunta ako sa bathroom para maligo.
It's twelve and I have a shoot at exactly two o' clock. Mabilis ang bawat kilos ko dahil bawal ma-late.
Isang color cream na dress ang napili ko. Pinartneran ko din 'yon ng cream na stilleto at cream na hand bag.
Lumabas ako ng walk in close na bihis na bihis samantalang si Raf ay nagbabasa pa rin ng libro niya.
Shit! I forgot to tell him before I go to the bathroom that I have a shoot!
"Where are you going?" kunotnoong tanong niya.
"Uh...sa shoot. I forgot to tell you earlier" alanganin kong sabi.
"Ihahatid kita" aniya at binaba ang librong binabasa.
Tinanggal rin niya ang salamin niya at inilapag sa side table.
"Hindi ka na maliligo?" tanong ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"Nakaligo na ako kanina habang tulog ka" sagot niya at dumiretso na sa walk in closet ko para magpalit siguro ng damit.
Hindi naman nagtagal at lumabas na si Raf. Sa Studio lang kami may shoot at hindi outdoor dahil Christmas Collection lang naman ang ishoshoot.
Pagdating namin doon, sakto lang naman at hindi ako late. Nandoon na si Berny at agad akong inasikaso.
Ayaw sumama si Raf. Magbabasa na lang daw siya ng libro sa kotse niya. He's not really agree on my this pero hindi niya na lang sinasabi pero kahit hindi niya sabihin, nararamdaman kong ayaw niya sa larangang gusto kong pasukin.
"May International Agency Scout na manonood mamaya ng photoshoot. Balita ko namimili sila ng mga modelo nila at pirma na agad ng exclusive contract" excited na sabi ni Berny.
Kung noon siguro mae-excite ako pero hindi ko magawa. Mas gusto kong magfocus muna ako kay Daddy. Hindi na muna ako tatanggap ng mga offer pagkatapos nito.
"Oh ba't parang hindi ka masaya?" takang tanong ni Berny.
Sasagot na sana ako pero may pumasok na staff at uumpisahan na daw ang photoshoot.
Kasama ko na naman si Gloriel Sandoval. Puro casual wear lang ang suot namin na may theme ng Christmas.
Sinusunod ko ang bawat pose na iutos sa'min. Nakailang palit pa kami at retouch bago matapos.
"Great" komento ng photographer pagkatapos ng last pose ko.
Solo ako sa huli at napansin kong ako lang ang may solo kahit di hamak na mas sikat naman si Gloriel Sandoval sa'kin at ang isang kasama pa namin.
Nasa dressing room ako ng bigla na namang may pumasok sa dressing room. Nagtatanggal na ako ng make-up ko at false eye.
"What brought you here Gloriel? May kailangan ka?" tanong ko sa kanya.
Kita ko kasi siya sa repleksyon ng salamin.
"Oh nasaan na si Raf Zamora? Iniwan ka na?" nakangisi niyang tanong.
Tumaas naman ang kilay ko dahil sa tanong niya. Bakit hinahanap ng babaitang 'to ang boyfriend ko? At ako iiwan ni Raf? Nagpapatawa yata ang babaeng 'to?
Nang matanggal ko na ang false eyes ko. Hinarap ko na siya ng nakangisi.
"What made you think that he dump me? At bakit mo hinahanap? Gusto mong landiin? Hindi 'yon magpapalandi sa katulad mong retokada" napawi naman ang ngisi niya.
Talagang nawawala sa mood ang babaeng 'to tuwing sasabihin kong retokada siya. Masakit bang marinig sa iba ang katotohanan na kaya malaki ang boobs niya at kaya matangos ang ilong niya at nagparetoke siya?
Nanlilisik na ang mga mata niya sa'kin at kahit anumang oras ay parang sasabunutan na niya ako pero lalo pa akong ngumisi para mainis pa siya.
"At bakit ka ba nandito Gloriel? Papa-autograph ka ba?" mapang-asar kong tanong.
"Y-You.." dinuro niya pero naputol ang sasabihin niya ng bumukas ulit ang pinto.
"Oh nandito ka lang pala Gloriel. Nagtatago ka ba sa'kin?" biglang sabi ng isa pang modelo na kasama namin kanina.
Maamo ang mukha niya. Hindi maintatangging maganda siya pero parang nakakatakot ang paraan ng pagkakasabi niya noon kay Gloriel.
"Ba't naman kita tataguan?" mataray na tanong ni Gloriel.
"Dahil bibigyan kita ng super slap" ani ng kasama naming modelo at walang pakundangan niyang sinmapal si Gloriel.
Tumba sa sahig si gaga habang gulat naman ako sa nakita ko.
Ang lakas niyang manampal!
"Napapala mong malandi ka!" inis na sabi ng modelong nanampal kay Gloriel.
Humarap siya sa'kin and she gave me a quiet sign. Tumango nalang ako at nagmamadaling kunin ang mga gamit ko.
"That Xantheia" rinig kong bulong ni Gloriel habang bumabangon.
Inirapan ko lang siya at dinaanan pagkatapos lumabas na rin ng dressing room. Nakasalubong ko naman si Berny na malaki ang ngiti sa labi.
"Gurl mabuti lumabas ka na! I have a good news" masayang sabi pa niya.
"Ano ba 'yon?" tanong ko sa kanya.
"Halika bilis" aniya at hinigit ako.
Nasa studio pa rin kami at may baklang kausap ang mga photographer. Doon ako hinigit ni Berny.
"Heto na si Cerene Menesis" ani Berny.
Humarap naman sa'kin ang bakla at nihead to foot ako tapos binalik balim ulit hanggang sa mukha ko.
Ngumiti siya sa'kin at may kinuha sa pouch niya.
"Here's my calling card" ngumiti ako pero hindi umabot sa mata ko.
"Thank you pero hindi ko matatanggap 'yan. Modeling is not my priority right now. This is my last project for now" malungkot kong sabi.
"Ano bang sinasabi mo Cerene?" bulong sa'kin ni Berny.
"Oh" gulat ang rekasyon ng nasa harapan ko.
Ito ang sinasabi ni Berny na International Agency. Kung tutuusin, this is a big break for me. Ito na ang matagal ko ng iniintay, abot kamay ko na pero parang ayaw ko munang ituloy.
"Atleast take these, baka magbago pa ang isip mo" sabi sa'kin ng nasa harapan ko.
Ngumiti naman ako ng pilit at kinuha na 'yon. Nakakahiya dahil kanina niya pa hawak.
"Maybe. I'll think about it again" sabi ko.
"Pag-isipan mong mabuti. Maraming nangangarap na makapasok sa Elite" pagtukoy ng scout sa agency.
"I will. Excuse me. I need to go" paalam ko sa kanila.
Nakasunod naman sa'kin si Berny. Mukhang disappointed ang mukha niya sa naging sagot ko.
"Cerene sayang 'yon" ani Berny ng nasa elevator na kami.
Malalim akong bumuntong hininga. Matagal ko na 'tong pinag-isipan. Alam kong may posibilidad na mangyari ito pero hindi ko kayang tanggapin lalo na sa sitwasyon ngayon. I am planning to help my Mom on our business.
Alam kong nahihirapan na siyang mag-asikaso mag-isa. My dream can wait, right?
"Berny, kung tatanggapin ko 'yan. Mawawalan na ako ng oras na bisitahin si Daddy at isa pa, I'm still studying at walang katulong si Mommy" malungkot kong sabi.
"Pero baka pagsisihan mk Cerene, minsan lang dumating ang ganyang opportunity" aniya pa.
Alam ko pero mas mahalaga naman ang pamilya kaysa sa pangarap hindi ba?
----
12:42 PM. September 7, 2020