Chapter 16
"Miss Menesis you have a lunch meeting at eleven thirty and may board meeting po kayo ng twelve thirty. Pagkatapos po noon may meet-" iminuwestra ko ang kamay ko para patigilin siya.
"Stop. Teka nahihilo na kaagad ako sa dami ng meeting ko" pagod kong sabi at hinawakan ang sintido.
Kadarating ko lang sa office, inisa-isa na kaagad ng secretary ni Daddy na secretary ko na ngayon na si Ren.
Hindi pa man lang ako nakakapagpalit ng uniform at dala ko pa ang paper bag na pamalit ko. Galing akong school dahil may class ako ng umaga at dito ako dumiretso.
Ako na ang gumagawa ng dating ginagawa ng kapatid kong hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik.
I'm so busy for the past months. It's like I didn't even feel the Christmas Vacation and the New Years Eve.
How can I celebrate while my father is still there, lying on the hospital bed, still no response if he will still woke up.
Walang naganap na pa-party si Mommy ngayong taon. Dati every year she will always set a party para salubungin ang New Year. Hindi rin kami magkakasama, hindi umuwi si Mommy noong New Year. Everything is new to me. Siguro kung wala si Raf sa tabi ko nabaliw na ko.
Kahit busy siya lagi niya akong sinasamahan at pinupuntahan kapag mayroon siyang free time. Para ngang naging bahay na niya ang bahay namin dahil napapadalas na siya doon.
"Ma'am?" pagkuha ni Ren ng atensyon ko.
Masyado na namang naging occupied ang utak ko kaya napatunghay ako sa kanya.
"Okay lang po ba kayo? Gusto niyo po ipa-cancel k-" puno ng pag-aalala ang boses niya.
"I'm okay, Ren" putol ko sa kanya.
Wala naman ibang gagawa ng mga gagawin ko. Napahilot nalang ulit ako ng sintido ko. I can't imagine I am right here in the office of the Chief Executive Officer. Hindi man lang sumagi sa isip ko na mag-mamanage ako ng negosyo namin at ganito pa kaaga. Pinagsasabay ko pa sa pag-aaral ko.
This is not my life I imagine. Before, I can imagine myself pursuing modeling than managing our business.
"Ma'am okay lang po ba talaga kayo?" tanong na naman ni Ren.
Napakurap-kurap muna ako at tumango. Tumango lang ako at tumayo na.
"I'll just change my clothes. Wait me outside" sabi ko sa kanya at pumunta sa comfort room nitong Office.
Mabilis akong nagbihis at inayos naman ang sarili kahit papaano. Just a simple look. Lipstick and the usual office attire. I look more matured because of I am wearing.
I am wearing a sleeveless white top and a light blue na blazer. I am wearing a black slacks with a designer belt and a black stilletos.
Itinali ko ng ponytail ang buhok ko at naglagay ulit ng powder sa mukha and I'm done.
Hindi ko na naman mapigilang mapatulala sa salamin habang pinagmamasdan ang repleksyon ko.
Malayong-malayo sa ilang buwan na ang nakalilipas.
What will happen if I chose my dream instead?
Siguro nag-uumpisa na akong sumikat at hangaan ng tao, hindi katulad dito na lagi akong pagod dahil sa dami ng ginagawa.
Ipinilig ko ang ulo ko. I shouldn't compare my life over the one I turned down months ago and the life I chose.
Minsan nalulungkot ako pero tuwing iisipin ko na ginagawa ko ito para kay Daddy, para sa ikabubuti ng kumpanya, para sa pamilya, masasabi kong tama ang pinili ko.
I can't be selfish right now. My family needs me.
Family is more than important than anyone else in this world.
Lumabas na ako ng Office. Kinuha ko ang handbag ko at lumabas na.
"Let's go" I said and walk confindently.
Kita ko ang ilang empleyado na napapatingin sa'kin. Parang medyo ilag sa'kin ang mga empleyado ko dahil sa tuwing titingnan ko sila ay mag-iiwas sila ng tingin.
Am I ugly now?
Nakasunod sa'kin si Ren. Siya na ang pumindot ng elevator. Hindi gaanong nagkakalayo ang edad namin. Ren is in her mid-twenties.
"Ren, Do I look ugly or unpresentable?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman po Miss Menesis, bakit niyo po naitanong?" pormal na sagot niya.
"Lahat ng empleyado dito ilag sa'kin. Sa tingin mo bakit kaya?" I ask.
"Kasi Miss naririnig ko lang po sa usap-usapan baka kapareho daw po kayo ng Mommy mo at ni Ma'am Cela." nakayukong sagot ni Ren.
Tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Katulad ni Mommy at Ate Cela? Ano ba sila dito sa company? A terror boss? Do I look like one? Parang hindi naman.
"Ikaw ang tatanungin ko. Katulad ba nila ako?" tanong ko ng nakataas ang kilay.
"H-Hindi po. Akala ko talaga noong una Miss masungit kayo pero hindi po pala. Sadyang ganyan lang ang personality mo" aniya at sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko.
"You sure about that?" mapanghamong tanong ko.
Tumango naman si Ren. Eksaktong bumukas naman ang elevator at nagtatawanan na mga empleyado ang sumalubong sa'min. Hindi ko ginagamit ang exclusive na elevator para sa CEO. I just don't want to use it.
Napatigil sa kwentuhan ang dalawang babaeng empleyado at isang baklain.
"Goodmorning po Ma'am" sabay-sabay nilang bati.
"Goodmorning too" pagbalik bati ko sa kanila.
Tahimik na ulit ang elevator at malayo pa sa lobby. Mukhang doon din ang punta ng tatlong empleyadong 'to pero hindi nila magawang magkwentuhan dahil nandito ako.
Palingon-lingon pa sa'kin ang tatlong empleyado na kita ko sa peripheral vision ko.
Hanggang sa nakalabas na kami ng elevator, walang nagsalita. Tumabi pa sila sa dadaanan ko kaya nauna akong lumabas. Dire-diretso ako ng lakad at paglabas ko ng building, naka-abang na SUV namin doon. Ako na ang mismong nagbukas ng pinto at pumasok doon kasunod ko si Ren.
Malapit lang naman ang restaurant kaya nakarating agad kami kahit may traffic.
Nakita ko na kaagad ang ka-meeting ko. Our family lawyer.
"Goodmorning Miss Menesis" aniya at nakipagkamay pa.
"Goodmorning din Atty. Davidson" bati ko sa kanya pabalik.
Umupo na ako at nag-order. Hindi ko na pinatagal pa ang pakay ko sa kanya. Isa pa 'to sa dahilan kung bakit sumasakit ang ulo ko.
"Miss Menesis, you know that your Dad have a mining company in some parts of Mindanao right?" tumango naman ako.
Actually, nalaman ko lang simula ng ako na ang nagtake-over ng kumpanya. Hell, I really don't know about that mining company before. Basta ang alam ko lang. MNS Holdings ang pagmamay-ari namin.
"Diretsuhin mo na ako Atty." I said.
Ang seryosong mukha ni Atty. Davidson ay mas lalong sumeryoso. Ibinigay niya sa'kin ang papel na nasa lamesa.
"Read that Cerene. They want to sue your Dad. Walang benefits ang mga minero, hindi safe ang minahan. Before your Dad's Accident, nagkaroon ng lindol at maraming namatay pero walang ginawa ang Daddy mo. Dapat aasikasuhin niya pagbalik niya dito but unexpected accident happened. Hindi na rin naasikaso ni Cyrine and I heard the news that your sister is not here." tumigil sandali si Atty. Davidson at uminom ng red wine na nasa harapan niya. "Maraming complaints Cerene. They want your Dad to be in jail. Actually after we talked about a month ago. I flew back to Mindanao to personally talk to the family of the miners pero ayaw makipag-areglo." ani Atty. Davidson.
They want my Dad in jail? Agad naman nag-init ang ulo ko. Gusto pa nilang makulong ang Daddy ko sa ganito niyang kalagayan. I understand their loss but I think to put my Dad in jail is too much.
"My Dad is still in coma. Magagawan mo naman ng paraan Attoney hindi ba o kung hindi. Gagawa ako ng paraan para ako mismo ang makipag-usap sa mga minero" seryosong sabi ko.
"Ako na ang bahala, hija" ani Attorney Davidson.
Matapos ang pag-uusap namin ng tanghaling 'yon, umattend ako ng iba pang meeting. After my meetings for this day. I went back to my University cause I still have night class.
Nagmamadali ako habang papunta sa next subject ko. Nagover time ang Prof namin na wala man lang konsiderasyon sa mga estudyante niyang hindi pa tapos ang klase.
Sa kamalas-malasan mayroon pa akong nabangga.
"Sorry" sabi ko at nagmamadaling pinulot ang nahulog niyang libro.
"It's okay" parang pamilyar ang boses na 'yon.
Nakumpirma kong kakilala ko ang nabangga ko. Tumambad sa'kin si Michelle, Raf's ex fiancé.
Hindi ko alam kung bakit parang kakaiba siya ngayon. She look tense while looking at me.
"Cerene can we t-talk?" alanganing tanong niya.
"I-I'm sorry, may next class pa ako Michelle, maybe some other time. Excuse me, I need to go" sabi ko at nilampasan siya.
I think, I'm being rude on what I said pero hindi ko naman sinasadyang maging ganoon. Sadyang nagmamadali lang ako ngayon.
Nabalewala ang pagmamadali ko ng makarating ako sa classroom. Nakasalubong ko ang ilang blockmates ko.
"Walang Class,Cerene" anila at pababa na ulit ng building.
That's my last class kaya I decided to go home. I felt so drain right now. Mabagal akong naglalakad habang palabas ng gate.
Wala pa ang driver ko so I decided to text him ans wait outside the gate. Hindi naman nakakatakot dahil hindi ganoon kadilim sa paligid. Mayroon din namang guwardya at maraming street light.
While I tried to call my driver. Mayroon akong nakitang pamilyar na sasakyan.
It's Mercedez.
Sasakyan 'yon ni Raf ah!
[Hello Ma'am] bigla namang sinagot ng driver ang tawag ko kaya nawala ang atensyon ko sa sasakyan at hindi na natingnang mabuti ang plate number.
Baka naman katulad lang!
I said to myself.
"Kuya, tapos na ang class ko. Nandito na ako sa labas ng University Gate" sabi ko sa driver.
[Papunta na po ako diyan, akala ko po tumawag kayo kasi sasabihin niyo pong huwag na akong pumunta. Nakasalubong ko ang kotse ni Sir Raf] natigilan naman ako sa sinabi ng driver ko.
Nakasalubong niya?
"S-Sigurado po kayo?" nauutal kong tanong.
[Opo Ma'am. May sakay nga po sa front seat. Akala ko po ay kayo?] pag-uusisa ng driver.
"Baka nagkakamali ka lang Kuya Gardo, marami namang Benz. Pakibilisan niyo na po ang pagpunta dito dahil malamok na" sabi ko at binabaan siya ng tawag.
Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang ulo ko.
Nagsisinungaling ka ba sa'kin Raphael Jackson? Nagsasawa ka na ba sa'kin dahil palagi akong busy at halos wala akong oras sa'yo? Nagsasawa ka na bang ikaw nalang lagi ang gumagawa ng paraan para magkasama tayo?
I took a deep sigh before I dialed his number.
[...Please try your call later.] paulit-ulit na sabi ng operator.
Nakailang tawag na ako kaya Raphael Jackson nakapatay ang cellphone niya! Hanggang sa nakarating si Kuyan Gardo hindi pa rin sinasagot ni Raf.
I am pissed yet hurt at the same time.
I felt like Raf betrayed me. I am still not sure if he's cheating.
Maybe, it's just a friend! Yes, maybe.
While I am on my way home. I'm busy convincing my mind that my boyfriend is not cheating on me.
Nang makarating ako sa bahay. Diretso na agad ako sa kuwarto ko. Naghalf bath ako at nagpalit na ng pantulog.
I need rest. I felt so drain.
Mas lalo akong naging abala sa mga sumunod na araw. Sa sobrang abala ko, muntik ko ng makalimutan na Anniversary na namin ni Raphael Jackson bukas.
I ask him about last time kung sino ang kasama niya at napag-alaman kong si Michelle 'yon.
There's nothing to worry about right? They are just friends. I shouldn't think that Raf is cheating on me.
I am roaming around to the Mall alone to buy him a gift. It's our first anniversary so I want it to be memorable but I can't figure out what would be a perfect memorable gift for him.
Dahil wala akong maisip, pumasok ako sa issng jewerly shop. Napatingin ako sa mga nakahiwalay na nakadisplay.
"What are you looking for, Ma'am?" magalang na tanong ng Sales Lady pero hindi ko siya pinansin.
Napadako ang tingin ko sa necklace na hugis puso ang pendant at may katabi pa 'yong isang necklace na hugis susi naman.
"That necklace is very suitable for couples Ma'am. Iisa lang po ang design niyan at walang kapareho. It's a bit pricey but I think it's worth to buy" ani ng Sales Lady.
Infairness! Magaling siyang mangsales talk ha!
Bumaling ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. I think, this is the perfect gift for our Anniversary.
I paid the necklace and I went home. I'm already tired for my workloads today.
Nang makarating ako, tahimik ang bahay namin. Maybe Courtney is asleep right now and Clover, I don't know.
Pagpasok ko pa lang sa kuwarto, ibinagsak ko na kaagad ang katawan ko sa malambot na kama. It's very comforting. How I miss my life before.
No big responsibilities and don't have tons of workloads. I would just think my shoots and be with Raf but now it seems different.
Pinilit kong bumangon para maghalf bath at magpalit ng damit kahit hinihila na ako ng kama. Pagkatapos kong gawin 'yon ay lumapat na ulit ang likod ko sa malambot kong kama.
I fell asleep peacefully.
The next day, I woke up because I felt like someone is eating my lips. I slowly open my eyes and to my surprise, my boyfriend is the one who did that, he has now smirk on his face.
"Sabi ko na halik ko lang ang makakagising sa'yo" nakangising sabi ni Raphael Jackson.
Kahit inaantok pa at nahiya bigla dahil hinalikan niya ako ng hindi pa nagtotooth brush. Bumangon na ako at sumandal sa head board.
I crossed my arms and shot my brow.
"Anong palagay mo sa'kin si Sleeping Beauty? Nagising sa halik?" puno ng sarkasmong tanong ko.
Umiling naman siya at nakangiting lumapit sa'kin. He sit beside me and he whisphered something on my ears.
"Happy Anniversary, Love" he whisphered huskily.
Oh! Today is our anniversary! Muntik ko ng makalimutan dahil sa paggising niya sa'kin sa maling paraan!
Laplapin ba naman ako!
"Happy Anniversary too" nakangiting sabi ko.
Bigla namang nawala ang ngiti ko ng biglang tumunog ang alarm ko. I have a few meetings today and I am about to went to our Mining Company in Mindanao.
"What's with the sad face?" tanong ni Raf ng mawala ang ngiti ko.
He's really the one who make me feel better in my situation. I don't know what will happen to me kung mawawala siya. Bukod kay Daddy sa kanya ako kumukuha ang lakas at sa pagsuporta niya sa'kin.
"I need to go to Davao. I will talk to the miners" dismayadong sabi ko.
Inangat naman niya ang mukha ko at tinitigan ako sa mga mata. He give me an assuring smile.
"Your sister said that she's the one who will talk to the miners. Nag-aalala na sa'yo ang mga kapatid mo, love. They said you'll need a break and that's a week with me in an island" he said.
A week with him in an island? He got to be kidding me. Paano ang maiiwan kong trabaho sa opisina? Alam kong wala na akong klase pero ako ang acting CEO.
At my sister? Nakita na ba niya si Ate Cela? Did my older sister came back?
"It's not what you're thinking. It's not your older sister, it's the nerd look" he said.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Clover is my only sister that is nerdy look. I know she's in legal age but can she handle the miners?
She's introvert pa naman. Paano kung...
"Si Clover? No! She's too innocent baka kung anong mangyari sa kanya" I said.
Hinawakan naman niya ang magkabilang pisngi ko. I met his sad eyes.
"I miss you, love. These past few months, parang ang layo-layo mo. I want to be selfish in just a week. Masama na ba 'yon?" malungkot na sabi ni Raf.
Hindi ako sanay na ganito siya. Akala ko okay lang lahat. Sa itsura niyang malungkot parang hindi ko siya magawang tanggihan pero nagdadalawang isip pa rin ako.
Should I go with him and be a selfish too for a week?
Pababa na sana kami para magbreakfast ng makasalubong ko si Clover na palabas din ng kuwarto niya.
"Ate, can I talk to you?" she ask.
Bumaling naman ako kay Raf at binigyan niya ako ng malungkot na ngiti. Tumango naman ako kay Clover at si Raf ay nauna ng bumaba.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya.
"Ate, pumayag ka na sa bakasyon na inaalok ni Kuya Raf. Look at yourself, I'm not saying that your not beautiful but you look stress. Breath Ate, just for a week. Tito Alpert will take over the Company habang wala ka habang ako naman, pupunta sa Davao para kausapin ang mga miners" mahabang sabi ni Clover.
Medyo nagulat pa ako sa haba ng sinabi niya. She don't usually talk a lot. She used to have her own world but now it different.
She's afftected too on our problem. Sino bang hindi?
And what? Tito Alpert? Daddy's younger brother will took over the company while I'm not around?
It's not bad tho but I thought he's also busy on his business.
"Sigurado ka bang kaya mong makipag-usap sa mga minero? Are you really sure?" paninigurado ko.
Aaminin ko, gustong-gusto kong sumama kay Raf magbakasyon. It's been a while since I relax myself.
"Oo, Ate. Just be with Kuya Raf for a while and free yourself from stress" she said.
Tumango-tango naman ako.
It's not to be selfish sometimes right? And it's not selfishness at all because my sister told me that I really need rest too.
Right! It's just a week Cerene. A one week stress free. Hindi naman kalabisan 'yon hindi ba?
Bumaba na kami pagkatapos namin mag-usap. Courney and Raf is already in the dining table.
Hindi pa sila nag-uumpisang kumain, probably they are waiting for us.
Kailan kaya kami makukumpletong kumain bilang isang pamilya ulit?
Pagkatapos namin kumain, dumiretso na ako sa kuwarto ko. Nakasunod naman sa'kin si Raphael Jackson.
"Raf" I called him.
"Payag na ko. We're having a vacation. Tama si Courtney. I need to breath" he give me a small smile because of what I said.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko pa.
"Where do you wanna go?" he ask.
Tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Wala kang plano? Lakas mo mag-aya ng vacation wala naman pala tayong pupuntahan" sabi ko sabay irap sa kanya.
He chuckled, binalewala ang pag-irap ko sa kanya.
"Of course I have but I'm still asking you. Baka may gusto kang puntahan then we'll just go there instead" he said.
He have a plan? Edi doon nalang. Mamaya nakapagbook na pala siya ng hotel at naasikaso na lahat. Sayang naman ang effort niya.
"Edi doon nalang sa naplano mo na. I'm sure you won't bring me on cliché places" I said.
"Saan ba tayo magbabakasyon?" dagdag tanong ko pa.
Ngumiti naman siya. He's really handsome while smiling widely.
"Amanpulo. Is it okay with you? Hmm?" malambing niyang tanong.
I told him before that I want to go on that place!
Of course it's very okay with me.
----
10:06 AM. September 11, 2020