Chapter 3

2176 Words
Chapter 3 "Whoever you are that disturbing my beauty rest, leave" nakapikit at namamaos kong sabi. Nagising ako ng may naramdaman kong humahaplos sa buhok ko. I'm sure it's not my Mom. She doesn't do that now. And I'm sure it's not Courtney, hindi naman niya ginagawa 'yon. And I am very sure that it's not my other sisters. Imunulat ko ang isang mata ko para makita kung sino ang epal na umiistorbo sa masarap kong tulog. "What the hell are you doing here?" I shouted at him. Napabangon din ako bigla. It's six in the morning and Rapahel Jackson is here, in my room. Binalewala niya ang pagsigaw ko sa kanya. "Goodmorning din Cerene" he greeted but it sounds sarcastic. Sinamaan ko siya ng tingin. Kung saan-saan na tumitingin ang mga mata niya. I'm just wearing white sando and pajamas. Ang kumot ko ay nasa may bandang baywang ko lang. "Yung mata mo! Dudukutin ko yan!" banta ko sa kanya. Iniwas naman agad niya ang tingin niya sa may bandang dibdib ko. Such a perv! "Breakfast in bed?" nakangisi niyang sabi. Itinuro ang side table ko at mayroon doong tray. Nakakatakam ang fried rice, bacon, eggs and hotdogs pero puro carbs yan. Napangisi ako sa sarili kong naisip. "I don't eat that. Lahat yan nakakataba, I'm on a diet" nakangising sabi ko. Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. That's true, I'm on a diet. Kailangan kong panatilihin ang kurba ng katawan ko, ito ang puhunan sa modeling. "Hindi ka magda-diet. Tingnan mo nga ang payat-payat mo" he said. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ako? Payat? Bulag na ba siya? "Hindi ako payat!" sigaw ko sa kanya. Tumayo pa ako sa kama ko. "Tingnan mo nga! May curve yan!" turo ko sa baywang ko. Medyo hapit sa'kin ang sandong suot ko kaya kita ang kurba. Nakita kong umiwas naman siya ng tingin sa'kin. "Ano? Bakit hindi ka makatingin Raphael Jackson?" hamon ko sa kanya. "Sit down, woman. May bumabakat" after he said that, agad naman akong napahawak sa may bandang dibdib ko. This guy! Umupo na rin ako sa kama at nagtakip ng kumot. Sinamaan ko ulit siya ng tingin. "Ang manyak mo talaga, Raf! Bakit ka ba kasi nandito? At sinong nagpapasok sa'yo?" sunod-sunod kong tanong. Tinaasan ko pa siya ng kilay. "Cerene Lie, I'm not a perv okay? And I'm here because I'm going to court my girl and Courtney is the one who let me in and she said I can go to your room" he answered. Tumango-tango naman ako. Si Courtney talaga! Pagsasabihan ko nga 'yong batang 'yon. Talagang sinabi ba niyang pwedeng pumasok na lang basta-basta sa kuwarto ko ang lakaking 'to? At hindi siya perv? Talaga lang ha? Ano pala yung nakita ko kagabi? Hindi ko na lang isinatinig ang mga gusto kong sabihin. Ang gusto ko lang ngayon ay mawala siya sa harapan ko! Oh my gosh! Ano na kaya ang istura ko ngayon? "Whatever" inirapan ko siya. "Umalis ka dito! Mag-aayos muna ako" pagtataboy ko sa kanya. I know Raphael Jackson is Raphael Jackson. Instead he go away, he sat beside me. "Mag-aayos ka na? Payag ka ng mag-date tayo, love?" malambing niyang tanong. Agad namang bumilis ang t***k ng puso ko. His voice was very soothing. Kung hindi ko lang kilala ang lalaking ito talagang bibigay na ako pero kilala ko siya. I smirk and shook my head. Patakbo akong tumayo papunta sa walk-in closet ko. "Ipagluto mo ulit akong breakfast, yung healthy at walang carbs!" I shouted before I locked the door of my walk-in closet. Diretso ito papunta sa bathroom ko. Mayroon pa rin namang another door papunta sa bathroom but I know him too well, hindi malabong pumasok siya sa walk-in closet at makialam, just like before. Yeah, nakapunta na ang lalaking 'yon dito four years ago. Kapag walang tao dito at mga maids lang malaya siyang nakakapunta dito. Tuwing naliligo ako pumapasok siya sa walk-in closet ko. Siya ang namimili ng susuotin ko at pati undies ko siya ang namimili. Uminit naman ang pisngi ko sa naalala. Alam kong mainipin ang lalaking 'yon kaya napagdesisyunan kong bagalan ang pagligo. Siguro one hour in the bathroom will do. Para lang umabot ako ng isang oras sa banyo. Tatlong beses akong nagsabon ng katawan. Pakanta-kanta pa ako habang nagsasabon. I imagine his face was really pissed, waiting in our couch. At hindi na siya makakapaghintay sa sobrang inip kaya magdedesisyon na lang siyang umuwi at huwag ng makipag-date sa'kin. Paglabas ko wala na ang breakfast na dala niya kanina. Ngiting tagumpay ako habang bumababa sa hagdan. Nadaanan ko ang living room namin pero walang tao. Sinasabi ko na nga ba. Hindi makakapaghintay ang lalaking 'yon. Hindi niya kayang manligaw. Dumiretso ako sa kitchen at hindi ko inaasahan ang nakita ko. May tatlong taong nandoon. Si Courtney at si Berny? Anong ginagawa nitong baklang 'to dito? Ang lakas ng pang-amoy. "Are you sure this is what Cerene usually eat?" tanong ni Raf. "Oo naman Fafa Raf" malanding sabi ni Berny. "It looks delicious Kuya Raf" komento naman ni Courtney. "I don't know if it's delicious. First time kong magluto ng vegetable salad" ani Raf. Tumaas naman ang kilay ko. Hindi pa siya umaalis at pinakialam niya ang kitchen namin. Ipinagluto niya pa akong vegetable salad. Bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko. When he's around, lagi na lang nagiging ganito. Alam ko ang ibig sabihin nito pero ayaw kong tanggapin. I'm afraid. He's Haze bestfriend who run away after he impregnate my bestfriend four years ago and one more thing Raf is a playboy. Kagabi nga lang nakita ko kung gaano siya kasama sa mga babae. He dump his woman anytime he want. And I know na ganoon din ang mangyayari sa'kin. Baka he just want to get even kasi ako ang kumalas noon. Noon pa lang, alam kong nahuhulog na ako sa kanya, akala ko mawawala pero hindi pala. Nandito pa rin, nagtatago lang. Hinihintay na muli kaming magkita para muli kong maramdaman. "Ayan na pala si Cerene, e" nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Berny. Masyado na pala akong nalunod sa mga iniisip ko. "Ate, look it looks delicious" ani Courtney. "I thought you go away" tinaasan ko siya ng kilay. "Then you're wrong. I told you I'm going to court you" he said seriously. "I know you're hungry. Eat" at iginiya niya ako papunta sa dining namin. Binalewala ko na lang ang impit na tili Berny. Dahil gutom na ako, kinain ko na lang. It's delicious, actually but he's waiting on my reaction. "How's the food?" nag-aabang niyang tanong. "It's okay. Puwede na" sagot ko. Hindi ko napigilan ang sunod-sunod na pagsubo sa salad dahil masarap talaga. I saw his amused look as he we watch me eat. "Kaloka ka Cerene, puwede na pero sunod-sunod ang subo?" ani Berny. Sinamaan ko naman siya ng tingin habang ngumunguya. Katabi niya si Courtney na mataman akong tinitingnan. "Water?" tanong ni Raf. Tumango naman ako at ininuman ang basong nilagyan niya ng tubig. When I'm already full. Inilayo ko na sa'kin ang platong walang laman. Naubos ko ang luto niya. Nakangisi na siya ngayong nakatingin sa'kin. Looks like he knows something I didn't know. "What?" tinaasan ko siya ng kilay. "Ang harsh mo naman kay Fafa Raf kung ayaw mo makipag-date ako na lang" malanding sabi ni Berny habang tinitingnan ng malagkit si Raf. "No way! Intayin mo ko dyan sa living room namin Raf at huwag na huwag kang magpapahawak diyan kay Berny, naiintindihan mo?" masunurin naman siyang tumango. Tumalikod na agad ako, naririnig ko pa ang sinasabi ni Berny na ang damot-damot ko daw, napaka-possessive. Am I? Ayaw ko lang naman na mahawakan siya ng baklitang 'yon. Kinikilabutan ako. Sa guwapong 'yon ni Bernardo, hindi ko talaga ma-imagine na lalaki din ang magugustuhan niya. Nang makarating ako sa walk-in closet ko. Namili na ako ng magandang suotin. I want to wear something simple. Croptop, ripped jeans and white sneakers will do. Liptint and cheek tint lang din ang nilagay ko. I don't put any make-up on my beautiful face. Very natural lang. Dahil natural naman akong maganda. Nakalugay lang din ang straight at mahaba kong buhok. Nang masatisfy na ako sa itsura ko. Bumaba na agad ako. Nasa sala pa rin si Raf, nakikipagkuwentuhan kay Berny.I heard they are talking about me. Ano naman kaya ang sinasabi ng baklang 'to? "Lets go?" aya ko sa kanya. Tumayo naman siya at nagpaalam na kay Berny, ganoon din kay Courtney. "Bye Ate. Enjoy your date" nakangising sabi ng kapatid ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. I know she's secretly teasing me. She's just five years old when he met Raf before but now I know she have an idea to what's going on. Mga kabataan talaga ngayon. Ang agang mamulat sa mga ganyang bagay. I really need to educate my sister. Iginiya na ako ni Raf palabas ng bahay namin. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto. Always gentleman huh? Tarantado't gago nga lang. "Saan tayo pupunta?" tanong ko pagkatapos niyang maka-upo sa driver's seat at mag-umpisa ng mag-drive. "Saan mo ba gusto?" tanong niya pabalik. Saan nga ba? Sa tagal ko ng hindi nakikipag-date. Hindi ko na alam. I don't know what should I do. "Kahit saan" sagot ko na lang. Nakita ko namang ngumisi siya dahil sa sinabi ko. Looks like he have an evil idea. "Kahit sa Motel?" ngising tanong niya. Hinampas ko nga sa braso. Napakabastos talaga ng lakaking 'to. "Gago!" inis na sabi ko inirapag ko siya. Mahina naman siyang tumawa. Napatitig at hindi naman maalis ang mata ko sa mukha niyang tumatawa. Malakas na pintig ng puso ko lang ang naririnig ko habang nakatitig sa kanya. Natauhan lang ako ng mabilis niya akong hinalikan sa labi. It was just a smack pero mas lalong nagwala ang puso ko dahil sa ginawa niya. It's not good. Hindi yata talaga magandang ideya na sumama ako sa kanya dito. Pero pagbibigyan ko lang ang sarili. Maybe one month with him will do? Hahayaan ko munang puso ko ang magdesisyon at hindi utak. "Last mo na 'yon. Nanliligaw ka hindi ba? Bawal ang halik" sabi ko sa kanya. Smack wasn't big deal to me. Hindi ko naman first kiss 'yon. Matagal na akong walang first kiss bago ko pa siya nakilala. I have plenty of boys before I met him but all of them I know Raf is different. Siya lang ang nakakapagparamdam sa akin ng ganito noon pa man at hanggang ngayon. "Okay" kibit-balikat niyang sagot. Parang wala lang sa kanya ang sinabi ko. Napansin kong pamilyar na lugar ang binabaybay namin. Palabas na kami ng siyudad. Four years have passed but I know where are we heading. Sa tambayan namin noon. "We are going to Antipolo?" tanong ko. "Yeah" aniya na tumatango pa. "Doon tayo naghiwalay" mahinang sambit ko. He chuckled. "Ikaw lang naman ang may gusto" seryosong sagot niya. Ako lang? Hindi ba niya gustong makipaghiwalay sa akin noon? Pero bakit ang dali niyang pumayag? Well, we don't have a label before. Basta ang alam ko masaya ako kapag kasama ko siya. I felt happiness when I'm with him. My hearts beats faster, my smile reached my eyes. "Really? Bakit ka pala pumayag? And we don't have label before" walang filter na sabi ko. "I know that's why this time, I'll make sure that we have the label so you can't get away from me" seryosong aniya. Maniniwala na sana ako sa mga sinasabi niya kung hindi ko lang talaga siya nakita kagabi sa comfort room na mayroong pinaliligayang ibang babae. Pinagbibigyan ko lang ang sarili ko Raf. Pinagbibigyan lang kita pero sa oras na magkamali ka at makakita ulit ako katulad ng ginagawa mo kagabi. I won't hesitate to push you away. I'll better pushed him away when it's too early and to prevent myself from falling. Hangga't kaya ko pang umahon. Gagawin ko. "We'll see, Raf pero sana hindi ka magloko.Tandaan mo, I know you too well" seryosong sabi ko na. "No you don't know me too well Cerene cause if you do, why don't you felt before that I am smitten to you?" his voice were now serious too. Hindi naman ako nakasagot agad dahil sa sinabi niya. He's smitten to me? No way! I know him! He's not dahil kung oo.. "Bakit may ibang babae ka pa rin noon?" pang-aakusa ko sa kanya. "Wala akong babae, ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan. Ikaw nga may ka-date na iba noong Valentines" he said, his voice was very serious. "Kasi mayroon ka rin namang ibang date" sagot ko sa kanya na may pang-aakusa ang boses. "Really? Do you want to see your pictures that I personally captured when that boy kissed you?" he said. Nagulat naman ako sa sinabi niya? What? He have picture so he follow me? He follow us? "Uh..." wala na akong masabi. "Yeah, I am your stalker before and even now, love" pag-amin niya. --- 9:55 AM, July 23
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD