Chapter 10

3889 Words
Chapter 10 "Get out!" malakas habang sobrang sama ng tingin ko sa kanya. Nawala naman ang ngisi ni Raf dahil sa naging pagsigaw ko. Nananantya pa ang kanyang mga mata kung lalabas ba talaga siya sa walk im closet ko pero lumabas din kalaunan ng mapagtanto na seryoso ako. I lock the door after he went out of my walk-in closet. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Namumula ang mukha ko, not because I'm mad but because of embarassment. Bakit ba kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko? At pinatulan niya pa talaga! That's an honor? Really? At aaminin kong nakaramdam ako ng kakaibang init ng pakiramdam ng marinig ko ang huling sinabi ni Raf. Tumaas ang balahibo ko, earlier, his voice sounds playful yet husky. Kung anong makuhang t-shirt at shorts na lang ang kinuha ko. Hindi na rin ako masyadong nag-ayos. Paglabas ko sa kuwarto. Nakita ko siyang nakahiga sa kama ko at hawak ang isang libro but it's not a book. It's my album! My pictures of my ex-flings na nakita noon ni Berny. Kunot na kunot ang noo at masama rin ang tingin habang pinagmamasdan 'yon. Agad kong pumunta sa kinatatayuan niya at kinuha 'yon. "Bakit mo pinakikialaman ang gamit ko?" taas kilay kong tanong. I also act like I am mad because of what he said earlier even if it's not. Gusto ko lang na mabaling sa iba ang atensyon niya at hindi na mag-usisa pa sa mga nakita niya. "Collections of boys huh?" bakas ang pait sa boses niya, not minding my deadly stare. Raf's voice is also serious and his face is blank. Hindi ko na naman mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Is he mad because of what he saw? I'm sure he also saw himself on that album. Ano kayang naramdaman niya na makita ang sarili niya doon? "Akin na nga 'yan" padabog kong kinuha ang album sa kanya. Nakaupo pa rin siya sa kama ko at sinundan ng tingin ang hawak kong album. It's like his eyes magnet on the album. "It's twenty different guy excluding me, Cerene Lie." he said, still his voice is very serious. Napalunok naman ako sa sinabi niya. I felt guilty even it was from the past. I don't know but I am scared that he might get mad. Siya rin naman! Mas marami pa nga siyang naging babae! I convice myself not to felt guilty. That we are just the same before. "Raf, it's all in the past. It's part of my past. Why do you need to bring out that topic again? Okay fine! I have a lot of boys before, that was before. Can't you see? You're the last one on that album" I said, I tried my best not to sound annoyed but I failed. Iniwan ko siya doon sa kuwarto at lumabas na. Pabagsak ko ring sinarado ang pinto para iparating sa kanya na naiinis ako sa kanya. Paulit-ulit na lang. We always back on our past. Kung ganyan lang ng ganyan. Our foundation that we build here, in our present time can't be strong. He always easily get jealous and I also am. "M-M-a'am" nauutal na sambit ng isa naming maid na nakasalubong ko. Nakakunot ang noo ko at salubong ang kilay. I'm sure my face right now looks like scary that I can fire her anytime that she said something wrong. "Yes?" taas kilay kong tanong. "P-Pinatatawag na po ka'yo ni Madam" the maid said while stuttering. Tumango lang ako at nilampasan siya. I'm not in the mood right now. I am really annoyed. While I am getting my way on our dining area. I relax myself a bit, and compose myself. I tried to fixed my smug look and scary stare. I need to act normally infront of my mother. I don't want her to think bad on Raf. Of course, even if I am a bit annoyed on him. I still want my mother's approval on him. Inis lang ako, pero ma--gusto ko pa rin siya. Kumakain na sila ng breakfast pagdating ko. My family is complete on our dining table. Si Daddy na nasa pinakadulo, nasa kanan niya si Mommy at kaliwa naman si Ate Cela. Ang katabing puwesto ni Mommy ay walang katabi because that's my usual sit. The other chair on my right side doesn't occupied yet. While on the left side of my older sister are Clover, she don't have eyeglasses this time and Courtney who's eating also in a sophisticated way because our mother si here. Pag-upo ko sa upuan. Mayroon ding bulto na umupo sa kanan ko. It's Raf. We are eating peacefully. My mother didn't ask much questions. She's talking serious on our business with my Dad and Ate Cela. I did not even mind them. I am not really interested on our business. Hindi ko napansin kung bakit bigla na lang naiba ang topic at napapunta tungkol sa'min ni Raf. "Hijo, ano nga ang pinagpapaalam mo kagabi? Where did you wanna go with my daughter this incoming summer vacation? I hope not on other country yet" my Mom said and sip on her coffee. Tumaas naman ang kilay ko at napatigil sa pagsubo. Raf cleared his throat first before answering my Moms question. I didn't know that he said that to my mother. Ipinagpaalam niya ako sa parents ko na we were going on a vacation na hindi ko alam? I'm a bit surprise tho. "Not yet Ma'am. Beautifil destination here in the Philippines will do at kung saan rin po gusto ni Cerene" sagot ni Raf. My Dad don't have any comment or objections on Raf's answer but my of course my mother, Cyrine Menesis have something to say again. "I agree, actually I'm glad that you ask permission on us but if you don't mind. As much as possible, don't share on the same bed. You know what I mea-" nahiya naman agad ako sa sinasabi ni Mommy kaya pinutol ko na siya. "Mom!" pigil ko sa mga posible pa niyang sasabihin. "What? Cerene, ayaw ko lang na may masabi ang mga tao. I am just protecting our image as a respectable family in the industry" my Mom simply said. "I will, Ma'am" singit naman ni Raf. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Knowing him, I'm sure nagpapagood shot lang siya kay Mommy. "I respect your daughter Ma'am. I promise that once that we're on a vacation. Magkaiba ang kuwarto namin" dugsong pa niya. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. My mother is really conservative even we are now on a 21st century. Hindi ako masyadong umiimik ng matapos ang breakfast namin. Unang umalis sina Mommy at Daddy. They have flight this morning. After my mother left, my older sister also left our house. Tumaas nalang ang kilay ko ng makita ko siyang bihis na bihis. Not a formal attire but a casual one. Mayroon din siyang dalang maliit na maleta. I did not ask tho. That's her life, not mine. I am currently on our entertainment room, watching a movie. Raf is just on my side but I didn't talk to him even he start a conversation. Hindi ko siya pinapansin. "I'm sorry" doon ako napatingin sa kanya. Did he just say sorry? That's what I want to hear, kanina pa. "I'm sorry okay? I am just jealous." aniya. "Ilang ulit na ba nating pag-uusapan 'yang bagay na yan? Raf, parte ng nakaraan natin ang pinagseselosan mo. Oo aaminin ko kahit ako nagseselos pero I need to accept it, we need to accept it that it happened so we can start a healthy relationship soon" paliwanag ko. He pouted and nodded his head. He even hug me from behind. "So you have a plan to have a relationship with me? Hmm" malambing na ang boses niya. "Natural! Edi sana una ka palang basted ka na kung wala akong plano" mataray na sabi ko. Hinawi ko rin ang kamay niya na nakayakap sa baywang ko. Hinarap ko siya, nawala na ang atensyon ko sa pinapanood ko dahil sa kanya. Sobrang lapit na naman ng mukha niya sa mukha, mabilis na naman ang t***k ng puso ko. No doubt, I really like this man infront of my face. "Tsansing ka lagi! Hindi pa tayo kung makayakap ka wagas!" pinilit kong maging mataray ang boses ko. "Bakit ba kasi hindi mo pa ako sagutin? Give me the right to own you Cerene" he said huskily. Napalunok naman ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ako puwedeng maging marupok. I want my relationship with him to take it slow but we have strong foundation. Yung hindi matitibag agad kahit simpleng selos, simpleng dikit ng babae sa kanya, hindi ako makakaramdam ng pangamba. I want that kind of relationship. No doubts in your partner because you trust him wholeheartedly. That's what I want before I officially make him mine. "Just a little bit time" I answered. Hindi na rin nagtagal si Raf sa bahay. I know he still have things to do. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagwowork out. Manood ng movie at ng walang-wala na akong magawa pinuntahan ko na lang si Zoila sa bahay nila. I'm sure, busy na naman 'yon sa pag-aaral habang naglalaro ng mga cars niya si Zaze. Ganoon nga ang naabutan ko sa bahay nila pagbukas ni Manang Delia. Busy sa pagta-type sa laptop si Zoila habang buhay ang TV nila. Katabi niya si Zaze na may hawak na dalawang kotse. "Baby Haze" nakita ko namang nawala ang atensyon ni Zoila sa laptop niya. Masama ang tingin niya sa'kin habang nasa may main door pa lang nila ako. Nakangisi lang ako at binalewala ang sama ng tingin niya. "What?" patay malisyang tanong ko. "It's not funny Cerene" she said and rolled her eyes. Nilapitan ko na lang si Zaze at pinanggigilan ang pisngi. "Come here baby" I said. Umupo na rin ako sa carpet at kinalong si Zaze. He's really really cute. Parang ang sarap din tuloy magkaroon ng anak. "What does it felt to have your own child?" hindi ko namalayan na naimik ko na pala ang tanong na dapat sa isip ko lang. Napatigil na naman ulit si Zoila sa pagta-type at seryoso akong binalingan. "Buntis ka ba?" she frankly ask. Sunod-sunod naman akong umiling. "Hindi 'no! Wala ngang jowa paano ako mabubuntis?" taas kilay kong sabi. "Sinasabi ko sa'yo Cerene. It's not easy to have a child at my age. Huwag mo na kong gayahin" seryoso pero may bakas na lungkot niyang sabi. "Masyado kang seryoso! Di'ba baby?" nakangiti kong sabi kay Zaze. Ngumiti naman siya at bahagyang tumango-tango na parang naiintindihan ang sinasabi ko. "I'm just reminding you" she said at bumalik na ulit sa pagta-type. Hindi ko na siya pinakialaman dahil sobrang busy niya talaga. Nakipaglaro na lang ako kay Zaze. Lagi siyang nakangiti kaya nakakapanggigil pisilin ang pisngi niya. Nang medyo gumagabi na. Umuwi na rin ako sa bahay. I just eat dinner, took a half bath and ready to sleep. Maaga akong nagising dahil maaga rin ang pasok ko. I am wearing my longsleeve uniform and a skirt. It's three inches above the knee skirt. Para sa'kin sakto lang naman ang ganito pero nagmumukha siyang maiksi dahil matangkad ako. "Raf" gulat kong sabi ng makita ko siya sa living room namin. He's sitting arrogantly on our couch like he's the owner. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Masiyado na siyang feel at home dahil nakausap na niya ang parents ko. "Did you eat already?" he ask. Umiling naman ako bilang pagsagot. "Let's have a breakfast date" he said and stand up. He move swiftly and just like that. He is holding my waste possessively. "Sapilitan ba 'to? Hindi pa naman ako pumapayag ah?" nang-uuyam kong tanong. "I don't accept rejection on dates, love. Parang tayo na rin naman" he said with full of confidence. I smirk on my mind. He's too boastful that's why I want to tease him and to loose his confidence slightly. "Parang tayo, it means hindi tayo. Walang label kaya pwede pa akong magpaligaw sa iba. Puwede pa rin akong makipag-date sa iba at puwedeng puwede kitang i-reject" bakas ang pang-aasar sa boses ko. Mas lalo namang humigpit at hawak niya sa baywang ko na para talaga akong inaangkin at para hindi maagaw sa kanya ng sinuman. "It's not funny" he said seriously and then he pouted. Ang cute niya habang nakanguso, ang sarap halikan but I won't do that. Nagpatuloy na kami sa paglabas. Sa labas ng bahay naka-park ang kotse niya. Iginiya na niya ako papasok doon. "Saan ba kasi tayo magde-date?" tanong ko. "Starbucks near your school" he answered. He's more focus on the road. Mukha rin siyang puyat at kulang sa tulog. "Anong oras ka ba natulog?" tanong ko sa kanya. Hindi rin siya masyadong nagsasalita ngayon. "I didn't sleep" sagot niya. Tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "May ipapasa nga palang paper works. I forgot because I got drank last last night and I went to your house the other night. Thanks to Kody, he reminded me so I was up all night to finish it all" he explained. Tumango-tango naman ako dahil sa sinabi niya. He's so busy but he can make time for me. Wala naman sa sariling napangiti ako. "Why are you smiling?" kunot-noong tanong niya. "Nangiti ba ko? Hindi naman, baka guni-guni mo lang" pagmamaang-maangan ko. Ayaw kong sabihin ang dahilan. Baka lumaki ang ulo ng lakaking 'to. 'Yong ulo niya kaya sa baba gaano kalaki? I immediately wipe out that question on my mind. Kung ano-ano na namang kaberdehan ang pumapasok sa isip ko. Bakit ba bigla ko na lang naisip 'yon? I'm sue if Raf can read my mind, sasawayin na naman niya ako. It's six in the morning and my class is still seven thirty so may time pa para sa breakfast date daw namin. Si Raf na ang nag-order pa sa'kin. Nasa table lang ako habang nag-iintay. Ngiting-ngiti ang babaeng nasa counter at halatang nagpapa-cute sa kanya. Umirap naman ako sa kawalan. "Oy Cerene, sinong iniirapan mo?" he ask. Nagulat ako ng nasa harapan ko pala si Lean. Himala! Ang aga niya ngayon. He's always almost late on our first class. Classmates kami sa dalawang major subject. Dala niya ang order niya at inilapag sa table. Pang-apatan naman ang napili kong table kahit dadalawa lang naman talaga kami ni Raf. "Wala! Aga mo ngayon" puna ko. "Maaga class ni Zoila e" sagot niya. Tumaas naman ang kilay. I know Lean have feelings for Zoila and he's still pursuing her even my bestfriend rejected him. "Basted ka naman do'n" asar ko sa kanya. "Sus! Baka gusto mo ikaw nalang ligawan ko? Wala kasing nanliligaw sa'yo" asar niya pabalik. "Meron kaya!" sabi ko at inirapan siya. "Sino? Ah yung nanghalik sa'yo sa labas ng gate niyo? Bastedin mo na 'yon tapos ako nalang gawin mong boyfriend" nakangising ani Lean. "Ehem" napalingon naman ako doon. Raf's face is blank again. I can't read any emotion on his face. Salubong din ang kilay niya at matalim ang tingin kay Lean. "Raf" awkward kong sabi. Did he just heard Lean said? Of course he heard it! Hindi naman magiging ganyan ang reaksyon niya kung hindi. Inilapag na niya ang tray ng pagkain. "I'll be late on my class Cerene. Eat well" aniya. Mabilis niya lang sinulyapan si Lean at tumalikod na. Tumayo naman ako para habulin siya pero pinigilan ako ni Lean. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Is he jealous or mad? I can't figure out what he's feeling. I can't read him. "Hayaan mo na. May klase pa daw. Edi lalo 'yong na-late? Sabayan mo na lang akong kumain" ani Lean. Hindi ko na itinuloy ang tangkang pagsunod kay Raf pero nagtext kaagad ako ng mensahe para sa kanya. To: Raf Are you mad? Are you jealous? Lean is just my friend. Nagbibiruan lang kami. Don't make it a big deal Raf. After I send my message I continue eating pero parang nawalan ako ng gana. This is supposedly our date but Lean ruined my date again. Hindi lang isa! Kundi dalawang beses niya ng sinisira ang date ko! I-friendship over ko na kaya 'to? "Sarap ng pagkain Cerene, huwag mong simangutan" puna niya. Ngumiti naman ako ng plastic habang sumusubo ng pancake. "Ayan? Ganyan ba?" sarkastikong sabi ko. "Init ng ulo ah" nakangising sabi ni Lean. "Ikaw kasi" dinuro ko siya ng tinidor. "Dalawang beses mo ng napupurnada ang date ko!" "Date niyo pala 'to? Sorry naman di ako nainform" nakangising aniya. Pinanliitan ko siya ng mata. Kanina ko pa napapansin. Pasulyap-sulyap siya sa may likuran ko habang nandito siya. Hindi rin naman talaga siya dapat dito uupo pero nakita niya lang ako kaya tiningnan ko kung sino ba ang ninanakawan niya ng sulyap. Isang babaeng maarte ang paaran ng pagsubo ng pagkain. Nakaharap ito sa banda namin pero hindi naman niya tinatapunan ng tingin ang gawi namin. "Bakit tingin ka ng tingin kay Janine?" taas kilay kong tanong. Nagulat naman siya sa sinabi ko. His smirk instantly fade. It looks like he didn't know that I will ask him that. "Sinong Janine?" binato ko naman siya ng tissue dahil sa naging sagot niya. "Ulyanin ka ba? Yung ni-ghost mo dati. Hindi mo na maalala?" taas kilay kong tanong, ngumisi rin ako. "O baka naman hindi makalimutan?" "Imbento ka Cerene. Tara na nga" aniya at biglang tumayo. Mabilis siyang naglakad palabas at hindi man lang ako hinintay. Kaunting lakad na lang rin naman. Gate na ng University na pinapasukan ko. Masyadong guilty ang isang 'yon. Ayaw matanong! Mag-isa lang akong naglalakad sa hallway papunta sa room ko pero maraming bumabati sa'kin. Usually, puro lalaki pero mayroon din namang babae. I am not that friendly kaya hindi ko masyadong pinapansin. Nakarating na rin ako sa room. Marami ng students pagpasok ko. I check what time is it on my phone and it's almost seven thirty. Tiningnan ko rin kung mayroong reply si Raf aa text ko pero wala. Nagalit ba talaga siya? I type a message but ended up deleting it again. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Itinago ko na ang phone ko ng dumating ang Prof. ko. Mabuti nalang discussion lang ang ginawa niya at hindi nagpa-recitation dahil wala akong isasagot sa kanya. Iba ang nasa tumatakbo sa isip ko at hindi ang boring at nakakaantok niyang lesson. Sa sobrang lutang ko, naging mabilis ang oras. I am on my last class for today, just a minor subject. Pagpasok ng Prof. bigla agad siyang nagtawag ng pangalan. I thought it was just attendance pero may kasunod na tanong. "Menesis" napatayo ako bigla ng marinig ko ang apelyedo ko. "Yes, Ma'am?" I said with full of confidence when the truth is I don't know anything. I don't have any idea on what she's going to ask. "What are the five types of business?" she ask strictly. She's known as terror professor. My heart beat instantly race bacause of nervousness. I miss Zoila, she always there before to whispher answers if I didn't know it. "Sole proprietorahip, partnership, corporation, S corporation and LLC" rinig kong sabi ng katabi ko. Hindi halatang may sinasabi niya. It's like she's just murmuring something that others can't understand. I mentally thank her for doing that. "Ms. Menesis, are you going to answer my question or what?" tinaasan niya na naman ako ng kilay. Binalingan naman niya ang katabi ko at istrikang tiningnan but it looks like my seat mate didn't care at all. She's not afraid to this terroe Prof. "Ms. Alcantara are you saying something?" magkasalubong na kilay naman ng Prof. namin. "Nothing Ma'am" she said. After that my Prof's attention is all on me again so I just answer what my seatmate whispher earlier. "The five types of business are Sole Propietorship, partnership, corporation, S propietorship and LLC" I said confidently. She did not react on what I said so I guess my answer are all correct. She raised her brow again. "Very well said Miss Menesis. You may sit down" she said strictly. Agad naman akong bumaling sa katabi ko. I smile at her. She just gave me a small smile in return. "Alcantara" tawag na naman ng istriktang Prof. Ramirez She also stand up wit full of confidence. She's tall and fair skin. She also have beautiful face with wavy hair. "What LLC means?" Prof. Ramirez ask. "Limited Liability Company" "And the definition of LLC?" tanong ni Prof. "It is a business structure that can combine the pass-through taxation of a partnership or sole proprietorship with the limited liability of a corporation." she said with full of confidence" she answered. Dire-diretso ang pagsasalita niya at confident pa ang pagkakasabi. Napanguso naman ako habang nakatingin sa kanya. She's really smart. "Okay you may take your sit Miss Alcantara" taas kilay na sabi ni Prof. Ramirez. Nang matapos ang klase. Lumabas na agad ng classroom 'yong seatmate ko. I don't know her name pero matunog ang apelyedo niya. She's a deanslister. "Miss Alcantara" habol ko sa kanya. Humarap naman siya sa'kin. "Thank you kanina" nakangiting sabi ko. "It's nothing. Just focus on our lessons not on your.." nag-aalangan pa siya kung itutuloy niya. "..cellphone" dagdag niya. Tumango naman ako at diretso na siyang naglakad paalis. She's so hard and straight to the point person. Mabagal akong naglakad palabas ng building. Paglabas ko ng gate, naabutan kong katitigil lang ng sasakyan ni Raf. Nasa tapat nito si Miss Alcantara. Naglakad pa ako papalapit. I notice that Raf's eyes is not on me but the girl infront of her. Mukhang nagulat pa nga siya sa nakita niya. "Raf" pagkuha ko ng atensyon niya kaya napabaling siya sa'kin. Dumiretso na naman ng lakad si Miss Alcantara paalis sa tapat ng kotse ni Raf. "Do you know her?" bungad ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Oh! I almost forgot that he's mad at me. "I'm sorry Raf" nag-pout ako habang tinutusok-tusok ang pisngi niya. Nasa loob na kami ng sasakyan habang sa kalsada lang siya nakatingin. Hindi niya ako pinapansin! "Kaibigan ko nga lang si Lean. Mahilig lang talaga siyang mang-asar. Kung gusto mo ngayon na lang tayo mag-date? O doon sa unit mo na lang tayo?" pangungulit ko sa kanya para pansinin niya ako. Malalim naman siyang bumuntong hininga. "I'm just jealous. I can't help it. I'm sorry I walk out but you didn't even follow me" aniya. "E kasi di'ba sabi mo mali-late ka na?" takang sabi ko. "That was just my alibi. I thought you will follow me and explained but you explain on a text message" malungkot niyang sabi. "Ano ka chix? Susundan? Ikaw ba babae dito?" pagbibiro ko. Lalo naman siyang sumimangot. "Bati na tayo ha. Don't be mad na" sabi ko sa malambing na tono. He sighed in defeat. "Oo bati na tayo, hindi kita matiis e" aniya na nakapagpangiti sa'kin ng malaki. At dahil ayos na ulit kami. Bumalik na naman sa akin ang tanong na hindi niya sinagot. It looks like he intentionally ignore my question earlier. I don't want to ruin our moment so I will just ask him next time. Who are you Miss Alcantara? ---- 8:16 AM, August 13
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD