Four

1119 Words
Maisie Joy POV MARAMING bagay ang gumugulo sa akin ngayon. Mainit ang pakiramdam ko. Medyo masakit ang lalamunan ko. Tinatamad ako pero parang hyper din. Para rin akong naiirita. It's distracting all my senses. "Pwede bang bilisan mo ang pagpapatakbo sa magarbong kotse mo, 'tol?" Yes, nandito ako sa loob ng sasakyan ni Lorcan, ang tukmol kasi na si Aldrich, mas inuna pang ihatid ang babae niya kesa sa akin na pinsan niya. Pag ‘yun nakita ko bukas or sa makalawa kakalbuhin ko talaga itlog nun! “Ba't ba ang bagal mong magpatakbo?” irita na sabi ko. Inalis ko ang jacket na ipinasuot niya sa akin at ibinato sa backseat. Nakita ko siyang sumulyap sa akin bago nagpatuloy sa pagmamaneho. Nakatukod ang siko niya sa compartment, nilalaro ng daliri niya ang labi niya. Habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa manibela. "What do you think you're doing? Isuot mo 'yung jacket. It's f*****g cold," pinaypayan ko ang sarili ko dahil sa sinabi niya. "Kuya, mainit nga! Aalisin ko ba 'yung jacket kung nilalamig ako?! Bobo ka ba?!" Sarili kong bunganga ang naninigaw na lang bigla. Imbis na sagutin ako, itinuon niya lamang ang atensyon sa pagmamaneho. Pero hindi nawala sa paningin ko ang paggalaw ng panga niya. Isnabero ang loko! "May tissue ka? Penge nga ako, tol!" "Ang ingay mo. Can you f*****g stop shouting. Walang umaaway sa'yo," inis na sabi niya. Natahimik ako nung binuksan niya ang compartment na nasa harap ko at may kinuhang pack ng wipes doon tsaka binigay sa akin. "Thanks, Kuya!" He scoffed, disliking what he heard. "'Wag kang magkakalat dito sa kotse ko. Kapag nadumihan, paglilinisin kita," sungit! Sarap hampasin ng isang dospordose at nang mawala ang kasungitan niya! Inirapan ko siya sa banta niya tsaka kumuha ng wipes. "Tanginang make-up 'to! Ang kati sa mukha!" Panay reklamo ako habang pinupunasan ko ang mga nilagay ni Ate Maya na kalorete sa mukha ko. "Paano kaya nakakayanan ng mga taong mahilig sa make-up ang ganito? Tang/na! Makati na nga mabigat pa!” This isn't me talking right now. The damn alcohol is taking over my tongue. "You don't like what you're wearing?" Binalingan ko si Kuya dahil sa naging tanong niya. May kunot na sa noo niya ngayon. "Mukha bang gusto ko? Tingin mo aalisin ko ‘tong pisting make-up na to, kung gusto ko?" I grimaced. His frown deepened. "You can always decline. Why did you let her if you don't want it?" May kakaibang kisap sa mga mata niya. "Gago. Masasaktan 'yun kapag umayaw ako. Iyakin pa naman si Ate Maya!" Untag ko. Totoo naman! Ate Maya is really sensitive. But I don't have a problem with that because she's like a precious gem. Something fragile that I cannot attain to break. Siya kasi 'yung tipong sobrang bait. Na kapag sinaktan mo siya, ikaw ang satanas sa storya ng buhay niya. Saglit akong pumikit nang makaramdam ng konting pagkahilo. "Pakshet na alak talaga!" "Iyakin? Really? How so?" He looks curious. Siguradong hindi niya kilala si Ate Maya kasi nga sa states siya nanirahan. Wala siyang masyadong alam kay Ate Maya at relasyon nito kay Kuya Andrew. Ngayon niya lang din ito nakilala ng personal. Narinig ko kasi kay Aldrich na sa isang video chat palang pinakilala ni Kuya Andrew si Ate Maya. Pinunasan ko ang lipstick bago sadyang tinipon ang lahat ng wipes na ginamit ko sa isang malinis na wipe. Binalot ko iyon nang maigi tsaka inilagay sa maliit na bag. Bag ni Ate Maya 'to, pinahiram lang saglit sa akin. Mukhang mamahalin, hindi ko afford. Tsaka wala akong balak bumili ng ganito! Pweh, pink tapos pambabae sobra. Okay na sa akin ang isang sapatos. Tumaas ang isang kilay ko nang makitang nakatitig si Lorcan sa mukha ko. Tanggal na ang make-up na nilagay ni Ate. Anong klaseng tingin 'yan? Para akong tinubuan ng limang ulo sa paraan ng pagtitig niya! Pakiramdam ko may nabara sa lalamunan ko. I mentally kicked my butt. Fakshet naman, bakit ganito na naman ang nararamdaman ko! Tang/na, talaga! Hindi na healthy 'to. Hindi na Healthy itong nararamdaman ko. Ang malala pa, sa pinsan ko. Truth be said, I am not liking any of this new feelings. Sinipat ko ng tingin si Kuya. Ews, nakakakilabot tawagin siyang Kuya. Parang 'di niya bagay! O? Feeling ko lang ganun? "Kuya, ba't ang dami mong tanong, ha?" 'Kuya? shet!' Tinutukoy ko yung mga tanong niya kanina. "Stop f*****g calling me Kuya, dammit," oh, bakit inis na inis bigla! "Bakit hindi? E kuya naman kita. Kuya rin naman tawag ko sa kapatid mong si Kuya Andrew. Why not?" Sumasagot ako na tila may malaki akong pinaglalaban. But all I said boiled down to nothing when he answered. "You can call me anything else but not Kuya," walang buhay niyang sabi. Napatitig ako saglit sa anyo niya. Kahit ata lalake, mapapatitig sa kanya. Sige, hindi ako magsisinungaling. Malakas ang dating niya. He's too good-looking to be true. Siya ang pinakaguwapo sa kanilang magkakapatid. Perpekto ang pagkahulma ng mukha niya. Maganda ang hugis ng labi niya. His eyes... they can drown you in an instant. Para siyang may lahing ibang bansa dahil sa kakaibang kulay ng mga mata niya. Hazel brown eyes. Tapos 'yung katawan niya, panlalaking-panlalaki talaga. Kahit balot na balot ang katawan niya, halatado pa rin na maskulado siya. Tomboy ako pero apektado ako. Ganun kalakas ang appeal niya. And I cannot let his s****l charisma affect me. Fak! Nababakla ako sa sarili kong pinsan?! No f*****g way! "Kuya ang gusto ko na pantawag sa'yo. Respeto na rin sa'yo." "I said don't, Joy. Respect me by calling me by my name and my name alone. No f*****g Kuya," His grip on the steering wheel tightened. "Galit ka? Gustong manakit?" Sumbat ko. Hinanda ko na ang gitnang daliri ko. Pero hindi ko naitinuloy nang mag-iwas siya ng tingin. He pursed his lips. "Lean back and take a nap. You look beat," tanging sagot niya. Hanep ah. Napabuntong-hininga pa. Sinunod ko na lang para wala nang mahabang usapan. Mas mabuti na rin ‘yun dahil baka kung ano pa ang masabi ko e nakainom pa naman ako! Idiniin ko ang pagkakapikit ng mga mata ko. Nainis ako bigla. No reason at all, but I got irritated. f**k, oo nga pala, malapit na dalaw ko! Bakit ba kami nagkakaroon ng ganito! Bakit hindi mga lalaki? I grunted. "Kaya ayaw kong may bilat, e! Maraming responsibilidad. Nagme-mens na nga... pagdating naman sa s*x, babae ang nabubuntis, tapos manganganak pa! Walang ibang ginagawa ang kalalakihan kundi ang ipasok ang nangangating itits nila sa kuweba ng mga babae para makaraos! 'Yun lang! Swerte ah, tangina,” ########## Lorcan💗Joy Xoxo ☺️❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD