Dahil tapos na ang problema sa bahay ampunan ay balik si Hanna sa dating gawi.
But she is getting bored of nothing to do all day long.
Bakit hindi nalang siya mag vlog ano? Pag vo-vlog ang uso ngayon, lahat ng mga tao ay vlogger na nga.
May dsl camera siya pero nga ay malaki.
Pwedi rin sa cellphone niya mabuti na lang at may selfie stick siyang nabili noon.
Susubukan niya gamit ang cellphone. Pero anu naman ang i-cocontent niya?
Dahil bored ay susubukan niyang mag social experiment.
Malakas ang loob niya at makapal ang mukha kaya baka papatok siya sa vlogging.
Kaya naman ay kinuha niya ang cellphone at inilagay sa stick at nag video.
She did an intro.
"Hi guys", panimula niya na natatawa pa sa pinaggagawa.
"Ahmm.. welcome to my vlog!", natatawa na siya sa mga pinagsasabi.
"Ahh, by the way, this is my first time to try vlogging kaya ay pasensiya na kayo. Bored lang talaga ako at walang magawa sa buhay", anas niya sa camera.
"So.. today! mambubulabog tayo ng mga kapitbahay, hindi natin sila kilala pero kakatukin ko sila at magtatanong tayo, okay?", dugtong pa niya.
"Tingnan natin kung ano'ng reaksiyon nila at kung anong isasagot, pero ano naman ang itatanong natin sa kanila?", tanong niya sa sarili.
"Basta bahala na, impromptu na lamang", anas pa niya.
"Tara guys, samahan niyo ako!", anas pa niya.
Nag suot na siya ng tsinelas panlabas at lumabas ng unit.
"Parang nakakahiya.. Akala ko thick fez na akitch, parang hindi pa pala..", natatawang anas niya sa camera.
"Should I do this? or I'll do it?", tanong niya sa camera na natatawa na naman.
"Guys, ganito ang mangyayari kapag bored na ang isang tao", anas niya sa camera
"I'll do it guys, for you.. naks! kaya subscribe niyo ako ha?", anas pa niya.
She went downstairs sa room 101 sa unit nila ni John.
Sila ang unang mabibiktima niya.
"So guys, bumaba ako sa room 101, I only knew John last few days ago, and we only talked once, Bata ito ha? he is only like 15 years old, huwag kayong anoo.. tinulungan niya kasi akong dalhin ang mabigat kong mga gamit the other day kaya kami nag kakilala", anas pa niya habang nag lalakad pa rin.
"At ito na guys, narito na tayo sa unit nila!", anas ni Hanna na nag dadalawang isip na.
She hesitated to knock on the door.
She also attempted to go back na lamang at tsaka bumalik na naman sa pintuan.
"Guys?! ano tutuloy ko ba?", natatawa niyang tanong sa camera.
"Para akong baliw ano?", komento niya sa sarili.
"Pero ito na guys, kakatok na ako!",and she did knock on the door.
At kitang kita talaga sa camera ang hitsura niyang natatakot at the same time natatawa.
Bumukas ang pintoan at isang Ginang ang lumugwa sa pintoan.
Agad lumaki ang mata ng Ginang pagkakita sa kanya.
"Ahmm.. Hi maam! magandang araw po! ako po si Hanna, nasa itaas na unit po ako nakatira. Survey lang po ito ano? ano ho bang sabon pang laba ang gamit niyo po?", nakangiting tanong niya sa Ginang.
"Ayy naku!! Paboritong artista kita Hanna! Dali at pasok ka!", masaya at excited na anas ng Ginang, nagpalundag lundag pa ito na animo'y nanalo sa lotto.
Wala na ngang nagawa si Hanna at pumasok na sa bahay.
"Ahm.. mommy... mag hello ka po sa vlog ko!", anas niya sa Ginang.
"Ayy vlog ba ito? ", tanong ng Ginang at masayang humarap sa camera.
"Hi Vlog! welcome to my Guys!!", anas ng Ginang na hindi namalayan na nabaliktad niya ang mga salita.
Tawang-tawa naman si Hanna sa tabi ng Ginang.
"Ayy naku!! Hi Guys pala, welcome to my vlog!", natatawa ring pagkokorek ng Ginang.
"So Mommy, ang tanong ko kanina, anong sabon ang gamit mong panlaba? at magpapalabada ho ba kayo? 500 per kilo po, tatanggap ako ng labada", anas niya sa Ginang.
"Ano? ikaw? ayy huwag na, masisira ang maganda mong mga kamay iha!", anas pa ng Ginang na hinawakan pa ang mga kamay niya.
"Wala na ho kasi akong trabaho kaya ay maglalaba nalang po ako! May mga labahin ka?", natatawang tanong niya sa Ginang.
"Meron naman pero huwag na. Mas mabuti pa kain tayo! kumain ka na ba?", tanong ng Ginang.
"Hindi pa po eh, kaya sige kain na muna tayo!", anas ni Hanna.
"Ayy.. sige, tamang tama ay may sinigang ako dito, kumakain ka ba ng sinigang?", tanong pa ng Ginang na tumayo na at nag puntang kusina.
Sumunod naman si Hanna dito at vinideo ang ulam.
"Wow! ang sarap niyan ah, abay Oo paborito ko po iyan, mommy!", excited na wika ng dalaga.
"Sige, ihahanda ko na ang mesa", anas ng Ginang.
At vinideo na nga ni Hanna ang mga nangyayari sa kusina.
Tumulong siya sa paghahanda ng pagkain habang nagku kuwentohan ang dalawa.
At di nag tagal ay kumakain na ang dalawang babae.
Nag video na lamang si Hanna sa pagkain nila habang walang tigil din ang pagku kuwento.
Sa huli ang imbis na social experiment na video ni Hanna ay naging mukbang video.
Nagpasalamat siya sa Ginang na mabait.
Nag selfie pa sila bago umalis si Hanna sa unit.
Nabusog siya at natuwa sa mommy ni John, she gained another friend today.
"So, guys.. ayun nga ang ating vlog ngayon ay naging mukbang video", natatawang anas niya sa camera.
"But I am so happy that I gained another friend today sa katauhan ni Mommy Grace. Mommy Grace, thank you sa masarap na pagkain po, nabusog po talaga ako, at naka save ng pananghalian", natatawang anas niya.
"Guys, itutuloy ko pa ba ang social experiment kong ito? Itutuloy ko pa ba ang vlogging? comment down below po", anas pa niya habang naglalakad pabalik na sa kanyang unit.
Pagdating sa kanya unit ay nagpaalam na siya sa vlog.
"So, iyon na lamang po mga guys! see you next time ba?", natatawang anas niya.
"Maraming salamat po sa panonood! Paalam po!", kumuway pa siya sa camera at tinabunan ang lense bilang outro.
Hindi na niya in-edit ang nakuhang video, kaya purely kuha talaga ang mga bloopers nila ni Mommy Grace.
Pinost niya sa facegram at insta ang video.
Bahala na kung anong resulta nun.
Pagkatapos ma post ay natulog na lamang siya.
___________________
Nagising si Hanna sa mga sunod-sunod na mga notification sa cellphone niya.
Ang video pala niya ay marami ng nag react at nag comment.
Pag check niya ay umabot na sa 100k ang likes at ang dami dami ng nag comment.
Naaliw sila sa video niya na social experiment gone wrong at naging mukbang challenge nila ni Mommy Grace at halos lahat gustong ipagpatuloy niya ang vlogging at ang kanyang social experiment.
May taglay pala siyang talent sa vlogging at natural kung magpatawa.
Masaya naman si Hanna at good ang mga feedback na natatanggap.
Ang mga comments ay sari sari rin. Pero lahat ay positive.
Ang naturang vlog ni Hanna ay umabot syempre sa taong laging nag che-check sa kanyang account.
Nagulat pa si Rain at may inupload na video si Hanna. Kaya agad niyang pinanood ito.
She is pretty even more in bare face, walang make up pero ang kinis at mamula mula ang pisngi at lips nito. Iyon ang una niyang napansin.
How he missed seeing her in person.
Naaliw rin siya sa kakulitan ng dalaga sa vlog nito.
She is a natural comedian. At nag match sila ng kakingkoyan rin ng Ginang.
He played the video so many times, hindi siya nagsasawa dito.
At everytime he played it ay hindi rin mawala-wala ang ngiti sa mga labi niya.
"Boss, kanina ka pa po, paulit-ulit sa video na iyan! memorize ko na po ang linya ng sasabihin ng vlogger", reklamo ng PA niya.
Nasa outdoor taping sila at pahinga pa siya sa mga oras na iyon.
"Eh di, lumayas ka kung ayaw mong marinig ang video!", walang pakialam na turan niya sa kanyang PA.
"Biro lang po Boss, meron pang isang cellphone dito oh, baka gusto mong i-play ng dual screen", biro ng PA.
"Lumayas ka na lang kaya!", inis na wika ng binata.
Natatawa na lamang ang PA na lumabas na ng Tent ni Rain.