bc

My Only Star

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
opposites attract
friends to lovers
arrogant
badboy
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
kicking
office/work place
secrets
love at the first sight
actor
like
intro-logo
Blurb

Isang napakaguapong artista, ang kanyang mga pelikula ay laging number one sa takilya, binansagang boyfriend ng bayan at nangunguna sa mga product endorsements, iyan si Rain - isang Top Star.

Habang isang palubog at wala nang kinang na Tala si Hanna Monteverde, isang sikat na artista noon pero sa isang kislap lamang ay bumagsak ang career, gayunpaman sa kabila ng kanyang bumagsak na career ay natagpuan niya ang kaligayahan sa pagvo-vlog.

Pinag tagpo ang dalawa sa isang reality show.

Hindi man magkasundo sa lahat ng bagay ngunit kapag kinakailangan para manalo sa kompetisyon ay awtomatikong magkakasundo at parang isang tunay na magkapareho na nagkakaintindihan kahit hindi man mag salita ang isa sa kanila.It was like their instinct were synchronized.

Through out the show, unti-unting nahuhulog si Hanna sa lalaking akala niya ay hindi niya kailanman magugustuhan.

Ngunit lingid sa kaalaman ng dalaga na ang kani-kanyang pamilya ay may dati pang hidwaan, magkaaway at magkakompetisyon.

Babaliin kaya ni Rain ang kagustuhan ng ama upang sa wakas ay malaya niyang ipapahayag kay Hanna ang matagal na niyang pag-ibig dito?

Pakikinggan kaya ni Hanna ang pakiusap ng Ina alang alang sa katahimikan ng dalawang pamilya?

May walang hanggan bang naghihintay sa dalawang nag-iibigan sa kabila ng kontrobersiya, tutol ng pamilya at magkaibang estado ng buhay?

Sundan natin ang masaya, masalimoot at nakakakilig na storya ng pag-ibig ni Rain at Hanna.

chap-preview
Free preview
The Bright Star and the Dying Star
Dalawang malalaking ilaw ang nakatutok sa kanya ngayon, maraming tao sa paligid halos lahat ay abala sa kani-kanilang mga trabaho, ang iba ay abala sa pag aadjust ng ilaw, may busy sa computer at ang iba ay nakamasid lamang sa kanya at nag-aantay matapos siya para sa next assignment ng mga ito. "Good shot! Now try another pose and try to be sweet on her", narinig niyang sigaw ng director. Nasa photoshoot siya ngayon ng isang kilalang brand ng cellphone, para sa kanilang new series of couple phone. Ang kasama niya ngayon sa shooting ay isang international actress and model from Thailand. Ito ang kapareha niya ngayon sa photoshoot. They were all sweet and lovey dovey in all their poses as asked by the director while holding the phones. Maganda ang babae na kapareha niya ngayon, matangkad, maputi at makinis ngunit walang appeal para sa kanya. Alam niyang ang kinikilos ng babae ngayon na sobra kung maka lingkis ng paa sa kanya at may pahaplos pa sa dibdib niya ay isang senyalis na may gusto ito sa kanya. Hindi niya masisisi ang babae. Siya lang naman ang pogi, macho, mayaman, napakasikat at dreamman ng mga kababaihan. Siya si Rain. Ang top rated action star ngayon sa buong bansa. Ang kamakailan niyang action movie ay number one parin ngayon sa nga sinihan at maging sa ibang bansa. Kabi-kabila ang mga commercial offers, movies at guesting sa kanya ngayon, pero mapili siya sa kanyang mga tinatanggap na proyekto, de kalidad lang ang kanyang tinatanggap. Siya ay bigatin at hindi basta-basta. "Okay! very good! we are done with this set, let's take a 15 minutes break before we will proceed with the last setting", anas ng director. Awtomatikong kumalas siya at lumayo sa babae. Agad-agad naman ay wari'y awtomatik din na lumapit sa kanya ang kanyang PA at pinainom siya ng kanyang paboritong inumin. Pagkatapos ay sa isang kumpas lang ng kanyang kamay ay kumuha agad ito ng hand sanitizer at binuhos sa mga kamay niya ang laman. Wala siyang pakialam kung makita ito ng kanyang kapareha, at kung iba ang iisipin nito, basta't para sa kanya ay dapat siyang maging malinis all the time. Sabihin ng siya'y germ freak, pero nag iingat lang siya para sa kanyang kalusugan. At ang kanyang anim na taon na mahigit na PA ay naiintindihan siya kaya gusto niya ito. He is quick witted kaya kahit hindi siya mag salita ay alam nito ang gusto niya. Pagkatapos ng short break ay naghahanda na naman sila para sa last setting. He changed his outfit from the business suit na suot niya kanina to a summer Hawaiian at ganoon din ang babaeng kapareha niya. The people who work behind the camera ay patapos na rin para sa paghahanda. The last set up will be an outdoor shooting. Kasalukuyan silang nasa mamahaling resort ngayon. They placed a top down ventage car sa dalapasigan na may mapuputing buhangin. At doon sila sasakay for the photoshoot. At ilang minuto pa ang lumipas at nag simula na sila. The same drill. He wear a smile and all sweet to his partner but all of these were just acting. _____________________ Sa kabilang banda. Isang linggo na ng kanselahin ng kompanya ang mga kontrata niya. Halos maubos na ang mga luha niya sa paghihinagpis, panghihinayang at galit. Hindi pa niya ito matanggap-tanggap ang nangyaring pagkatanggal niya sa industriya. Ganoon na lamang kadali na itinaboy siya. Malaki rin naman ang naiambag niya sa kompanya ah, naging hit at number one pa nga sa primetime ang pinagbidahan niya noong series. Kaya nag text siya sa isa sa mga kaibigang naroon pa rin nagtatrabaho sa industriya. Kailangan niyang makausap ang manager niya. Nagreply naman ito. 'Girl, nasa shoot si Ms M. wala siya dito sa opisina' - laman ng text ng kaibigan. 'Kahit saang lupalop pa siya nag sho-shoot, puntahan ko siya, kaya please.. sabihin mo kung saan? pupuntahan ko siya' - reply niya dito. 'Bahala ka girl ha! basta't hindi ko guarantee na kakausapin ka nun' - reply ulit ng kaibigan 'It's okay! atleast I tried. Please saan ang address?'- hindi pa rin nawawalan ng pag-asang reply niya dito. 'Okay! Sa Heaven's reasort po. May outdoor pictorial sila ngayon. Pumarito kana habang hindi pa nag sisimula ang next shoot nila! Good Luck Girl!' - Huling mensahe ng kaibigan. 'Thank you! papunta na ako!' - reply pa niya. Nagmadali na siyang lumabas ng condominium building niya at pumara ng taxi dahil nasa casa pa ang kanyang sasakyan, may inayos sa makina nito. Kung kailan siya nagmamadali ay siya ding nag loko ang sasakyan niya. Hindi niya talaga taon ngayon, madaming kamalasan ang nangyayari sa kanya. Mabuti na lamang at hindi na rush hour at kaagad naman siyang nakasakay na. "Manong, sa Heaven's reasort po tayo! at nagmamadali po ako, baka pweding bilisan natin, okay?", sambit niya sa driver. "Sige po Ma'am!", sagot ng driver. Napansin niyang panay silip sa salamin ang driver habang nag mamaneho. "Ahm.. manong, may dumi ho ba ako sa mukha?", naiirita niyang tanong nito. "Ah, wala ho maam, artista ho ba kayo? kasi parang nakita na kita sa TV", hindi na napigilang tanong ng driver sa kanya. "Ah, opo. Baka napanood mo ang palabas ko sa tv", anas niya dito, na midyo nalungkot. "Ah, ikaw nga iyon maam, paborito po ng aking asawa ang drama mo po, yung Prinsesa ka po doon. Baka ay pweding makahingi ho ako ng authograph para sa aking asawa bago kayo bumaba maam? siguradong matutuwa at hindi makapaniwala ang asawa ko po na nakita kita sa personal", magalang na wika ng driver. "Ah, walang problema ho", sagot niya dito. 'Mabuti naman at may nakakakilala pa sa kanya', sa isipan niya. At ilang minuto nga ay nakarating na sila sa resort. Mabuti na lamang talaga at hindi na masyadong trapik sa daan At gaya ng pangako niya ay nag picture sila ng butihing driver at sa isang pirasong papel ay pinirmahan niya for authograph na tuwang-tuwa naman si Manong Driver. Pinasobrahan na rin niya ang kanyang bayad dito. Labis-labis naman ang tuwa ng driver na animo'y naka jackpot sa lotto. Panay din ang pasasalamat nito sa kanya. Ang hindi nito alam ay ang artistang ito ay wala nang kinang, at hindi na siguro kailanman makikita pa sa television. "Maraming salamat din ho, manong! Tuloy na po ako", paalam niya dito bago bumaba. Tumango naman ang driver at kumaway pa sa kanya. Nalungkot ng bahagya si Hanna pero isinantabi na muna niya ang mga saloobin, sa ngayon ay mag focus na muna siya sa paghahanap ng kanyang manager noon. Kailangan niyang makausap ito at pakiusapan. Pumasok na siya sa hotel at nagtanong sa receptionist. At tama nga, narito nga sa hotel ang shooting ng isa sa mga artistang alaga ng manager niya. Nakiusap na lamang siya sa receptionist kung pwedi siyang pumasok sa loob kahit sandali lang, gusto lang niyang makita at makausap ang manager. Nagpakilala siya, mabuti na lamang at kilala siya ng receptionist at pumayag na makapasok siya kahit hindi siya mag check in, isinulat na lamang sa log book ang pangalan niya. Pagkatapos sa reception area ay dali-dali na niyang hinanap si Ms M, ang manager niya. Nagtanong na siya sa isang crew member na nakita niya. At itinuro naman nito na nasa dalampasigan ang shooting ng mga sandaling iyon. Kaya naman ay dali-dali na siyang pumaroon. Kung wala siyang problema ngayon baka ay namangha siya sa ganda ng resort partikular sa dalampasigan at dagat, pero ni isa sa mga iyon ay hindi napansin ni Hanna. Ang kanyang buong isipan ay nasa iisang layunin lamang, ang makita at makausap si Ms M. At agad naman niyang nakita ang buong production na busy na sa trabaho. Nagsimula na ang shooting ng isang sikat na brand. Hindi na niya inalam kung ano iyon at kung sinong artista, pero pansin niyang malaking production ito. At nakita din niya sa wakas sa hindi kalayuan ang hinahanap. Nasa likod ng computer monitor ang manager kasama ang director. Halos takbo-lakad na ang ginawa niya at ng nasa malapitan na siya ay tinawag na nga niya si Ms M. "Ms M! Ms M!", tawag niya sa malakas na boses. Halos lumingon ang lahat sa ginawa niyang pagtawag. Pero wala na siyang paki-alam. Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng manager niya. Alam niyang hindi nito inasahan na susundan niya ito dito. Sa huling pag-uusap nila, sinabihan na siya nitong wala na itong magagawa pa. But she is not satisfied with the reasoning they gave her. "Ms M. Pasensiya na kung sinundan kita dito, pero please.. kausapin mo po ako!", halos magmakaawa siya dito. "Hindi ba't sabi ko sa iyo ay wala na akong magagawa pa?", nag ekis na ang kilay nito habang malakas din ang tinig nito. "Alam ko po, pero sana ay matulungan mo akong kausapin si Madam!", malakas din ang tinig niya, na hindi patatalo. Talagang hindi siya uuwi hangga't may gagawin ang manager niya. "Tanggapin mo nalang kasi na wala kana, tinanggal ka na sa industriya, at ni mismong Madam Cruz pa, ikaw naman kasi eh, hindi ka kasi nakikinig sa akin", anas nito na parang susuko na sa kakulitan niya "Alam ko pong may kasalanan ako po, pero hindi naman siguro tama na agad-agad nalang putulin ang kontrata ko", wika niya dito. "They have the right to cancel your contract, kasi ay sila ang may ari ng kompanya at may nagawa kang mali din", sagot ng manager. Disperado na talaga siya, hindi pweding mawalan siya ng trabaho, paano na lamang ang mga pangarap niya, ano na lamang ang mukhang ihaharap niya sa kanyang mga magulang, paano na lamang ang buhay niya ngayon? Kaya naman ay lumuhod na siya sa harapan ng kanyang manager at kumapit ng mabuti sa laylayan ng suot na Jacket nito habang humihikbi at nanghihingi ng kapatawaran at tulong. She doesn't care anymore if she had created a scene. "Ano ka ba?! ano bang ginagawa mo ha? kung gusto mong kausapin si madam, hindi dito kundi sa opisina ka magpunta, doon ka lumuhod at magmakaawa, dahil tanging siya lamang ang makakapagpabalik sa iyo!", inis na turan ng manager. "And Look! you are disturbing our work here, alam mo ba iyon?", dugtong pa ng manager niya Doon pa napansin ni Hanna na sa kanya nga nakatanaw ang halos lahat ng tao, at parang natigil pa ang photoshoot dahil sa eksina niya. Midyo napahiya siya at tumayo na lamang. "Pasensiya na po sa inyo!", mahinang anas niya sa mga ito , na yumuko na lamang siya. Minsan pa niyang sinipat ang mga artistang nasa lime light at ngayon ay nireretouch ang make up. Maganda ang babae, tela foreigner, hindi niya kilala ito. Habang ang lalaki ay ang sikat na sikat ngayon, kahit iisa ang manager at company nila ay ngayon lang niya nakita ang lalaki. Guapo nga ito, matangkad at maganda ang katawan. Sa kanya din nakatanaw ang lalaki, pero nang-uuyam at tela galit ang tingin nito sa kanya. Napayuko na lamang siya, siguro ay dahil naabala niya ang mga trabaho nila ngayon. Sa puso niya ay na-iinggit siya sa mga ito. Tumahimik na lamang siya at naupo sa gilid. Hindi pa siya uuwi. Hindi pa siya tapos. Kahit itaboy siya'ng muli ng manager ay hindi siya susuko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
767.0K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.9M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
994.0K
bc

A Warrior's Second Chance

read
368.1K
bc

Not just, the Beta

read
353.0K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook