Chaotic Encounter

1566 Words
Wari'y pagod ang katawan at isipan, naupo na lamang si Hanna sa di kalayuang Beach bench habang inaantay na matapos ang shooting, hindi pa siya susuko, at gusto pa niyang kausapin ng masinsinan ang manager niya. Sabihin ng makulit siya at matigas ang ulo, ang gusto lang naman niya ay tulungan siya nitong kausapin si Madam Cruz, ang CEO ng CBF network. Dahil hindi naman din pu-pwedi na basta-basta nalang din siya na paparoon sa opisina ni Madam Cruz at mag-dedemand siya na gusto niyang kausapin ito. Isang mayaman at nasa mataas na antas sa lipunan iyon kaya hindi basta-basta kakausap iyon ng ordinaryong tao o artista lamang. Kaya mas tama pa rin na dadaan siya sa kanyang manager. Tanaw niya ngayon ang mga taong nag tatrabaho sa di kalayuan. The two lovely pair. Ang mga artistang bida sa photoshoot. 'Sana ay hindi niyo maranasan ang nangyari sa akin', mahinang bulong niya sa sarili. And she remembered how she first started in the showbiz industry. Simula bata pa lamang ay pangarap na talaga niyang maging artista. Idol na idol niya ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes. Gusto rin niya si Sarah Geronimo dahil sa napakaganda nitong boses at galing sa pagsayaw. Idol din niya ang magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz sa galing nila sa dance floor. Ngunit kahit gusto niyang ipursige ang kanyang pangarap at mag audition sa Maynila ay hindi pwedi dahil malayo ang probinsiya nila at palaging busy ang kanyang mga magulang sa Negosyo at politika hindi rin pabor ang mga magulang niya sa pag-aartista. Hanggang sa mag High school siya. Inipon niya ang kanyang mga baon at kung may pagkakataon ay nagpupunta siya Maynila upang mag audition, ng hindi alam ng kanyang mga magulang. Ngunit mailap ang swerti sa kanya, hindi siya nakapasa sa mga audition pero hindi siya nawalan ng pag-asa. Nang grumaduate na siya ng highschool, pinili niyang sa Maynila mag kolehiyo. Matindi ang pakikisuyo na ginawa niya sa mga magulang upang payagan siya ng mga ito. At sa wakas ay pinayagan nga siyang sa Maynila mag kolehiyo. Pero lingid sa kaalaman ng mga ito na patuloy pa din siya sa pag audition. Hanggang noong mag Third Year college na siya ay may audition ng Reality Show, hindi na niya pinalagpas pa ito. At doon, nasungkit niya ang swerti. Nakapasok siya sa naturang reality show. Ngunit ng ibalita niya sa kanyang mga magulang ang naturang pagkapasok niya sa show ay hindi pumayag ang mga ito, nagbanta pa ang kanyang ama na itatakwil siya kapag ipagpatuloy niya ang pagpasok sa showbiz. Old Fashion ang kanyang mga magulang, para sa kanila, ang showbiz ay nakakasira lamang sa kanyang future, walang magandang maidulot ang pag-aartista, pwedi kang husgahan ng mga tao, pwedi kang sirain ng mga tao, para kang pagmamay-ari ng mga tao dahil isa kang public image. Walang tiwala ang kanyang mga magulang sa kakakayahan niyang mag artista. Ang gusto ng kanyang mga magulang ay ang magtapos siya ng pag-aaral upang siya ang mamahala ng kanilang negosyo sa probinsya o di kaya'y siya ang susunod sa apak ng ama sa politika, kapag matanda na ito. Pero iba talaga ang gusto niya. Wala siyang ibang pinangarap noon hanggang ngayon kundi ang mag-artista. Kaya ay sinuway niya ang mga magulang. Tinuloy niya ang pagpasok sa show. Isang buwan ding wala siyang balita sa kanyang mga magulang. Kaya ng matapos ang show at nanalo siya dito ay agad niyang tinawagan ang mga magulang, pero ay pinutol na talaga ng mga ito ang komunikasyon nila. They stop her allowance mabuti na lamang at hindi pa siya napalayas sa tinuluyan niyang apartment. She received a letter from her Dad informing her to do not ask their help kapag siya ay nabigo sa napiling career. Dahil mas pinili niya ang pag-aartista kaysa sa mga magulang niya. Napakalungkot niya noon, abot kamay na niya ang kanyang pangarap ngunit hindi naman siya masaya dahil sa relationship niya sa kanyang mga magulang. Hanggang hindi na nga mapigilan na makapasok siya ng tuluyan sa showbiz, pagkatapos kasi ng reality show ay kabila-kabilaan na ang guesting niya at interviews. Hanggang tuluyan na ngang nag drop na siya sa school, hindi na niya natapos ang kanyang kursong Business administration. May mga pelikula at drama kasi na ipinasok siya bilang side character, extra-extra muna siya noon. Hanggang sa may Pinoy adaptation ng Princess Hours at siya ang kinuhang lead character. Nagustuhan ng management ang akting niya kaya ay kinuha na siyang pangunahing artista. Ito na ang simula ng pamamayagpag ng kanyang karera bilang artista. Sa isipan niya ay hindi na niya kailangan ang kanyang mga magulang dahil kumikita na siya ngayon. Ang perang napanalonan niya sa reality show ay isang million rin at may condominium unit pa. She moved to her new condominium unit too. Kaya mabilis siyang naka move-on sa lungkot. Na enjoy niya ang pagiging artista. Finally, she is living now in her dream life and career. Kahit hindi rin niya ipagkakaila na palagi niyang na mi-miss ang kanyang mga magulang lalo na ang ina niya. Pero nalilimutan rin niya ang lungkot tuwing nag tatrabaho. At wari'y ay umikot na ang kanyang kapalaran, ma swerti siya dahil ang kanyang pinagbidahang drama series ay naging hits at top 1 sa primetime. Masasabi talagang sikat na siya dahil marami na ang nakakakilala sa kanya, sa daan, sa mall at kahit saang lugar na paroroon siya ay may lalapit at mag papapicture at autograph. Nakakapag abroad na rin siya ng hindi gumagastos, Company's expense ang kanilang overseas tour. At ng matapos ang kanilang shooting ng Princess Hours ay nakapag bakasyon pa siya sa Amerika. That was the Glorious days. Napabalik sa kasalukuyang isip si Hanna ng maramdamang may butil ng tubig ang dumampi sa pisngi niya. Parating na pala ang ulan. Ang kaninang mga taong busy sa pictorial ay nagmamadali na ngayong mag impaki. Tapos na pala ang shooting. Hindi niya namalayan. Nakatulog ba siya? Nagpalinga-linga siya sa paligid kung nasaan na ang manager niya. Puro crew na lamang ang nakikita niya ngayong nag hahakot ng mga kagamitan. 'Baka ay bumalik na ang manager niya sa loob ng hotel', sa loob-loob niya. Kaya nagmadali na siyang bumalik sa loob ng hotel. Insakto ring bumagsak na ang malakas na ulan. Sa loob ng hotel ay nag tatanong na lamang siya doon tungkol sa kanyang Manager pero ay umalis na daw ito ng hotel kanina pa. Napabuntong hininga na lamang si Hanna at biglang napagod. Natakasan na naman siya ng kanyang dating manager. Hapon pa pero ay madilim na ang langit dahil sa makapal na ulap. Mukhang tatagal pa ang ulan kaya ay nag desisyon siyang mag check in na lamang, mahirap din ang sakayan kapag ganitong umuulan at rush hour. Ngunit walang ibang bakanting kwarto kundi ay ang de Luxxe nila. Nag isip muna siya bago mag desisyon, mahal din iyon. At kung mag antay pa siya, baka abutin pa ng ilang oras bago tumila ang ulan. Kaya kinuha na niya baka ay maunahan pa siya ng iba. Isang gabi lang naman. Magtitipid na lamang siya sa mga susunod na mga araw, meron pa naman siyang ipon sa banko, malaki-laki pa rin iyon, pero ay kailangan niyang maging masinop. Room 396 iyon ang kwarto niya. Umakyat na siya upang makapagpahinga. Wala siyang tulog ng mga nagdaang gabi kaya ay babawi siya ng tulog kahit ilang oras lang habang nag-aantay tumila ang ulan. Dumiretso na siya sa kama upang matulog ngunit kahit anong pikit niya at kahit anong posisyon ang gawin niya ay hindi siya makatulog. Sinipat niya ang oras sa kanyang cellphone mag aalas otso na pala. Pero ang ulan sa labas ay mukhang wala pang planong tumigil. Nagpasya na siyang bumaba at nag punta sa bar ng hotel. Baka makatulog na siya sa kaunting alcohol. Pagdating doon ay iilan lamang ang nasa bar. Pinili na niyang doon na umupo sa high chair sa harapan ng bar mismo. Umorder na siya ng inumin. Ngunit ang planong kaunti lamang ang inumin ay naparami na pala ng hindi niya namalayan. Mabuti na lamang at tahimik lang siya kapag nalalasing, hindi siya yung tipong nagwawala, matutulog lamang siya pagkatapos. Naramdaman na nga niyang umiikot ang kanyang paligid kaya ay aakyat na siya sa kanyang kwarto. Pagdating sa pintuan ay hinanap pa niya ang kanyang access card, naroon lang naman sa bulsa niya kaya ay kinuha na niya at nag swipe doon, pero ayaw bumukas ang pintuan kahit anong gawin niyang pag swipe ng card. Halos gibain na niya ang door knob ng pintoan. At sa wakas ay bumukas ito, kamuntik pa siyang matumba dahil hindi niya inasahan ang pagbukas nito. Mabuti na lamang at nasalo siya. Napayakap siya sa isang matigas na bagay. Isang estatwa? At nalalanghap niya ang bango ng estatwa, bagong paligo ito? Sino ba ang nagpapaligo ng estatwa? At bakit may estatwa sa kwarto niya. Binaliwala na lamang niya iyon at kumiwala sa estatwang iyon na animo'y hawak siya sa upang hindi siya tuluyang matumba. Nakita niya ang kama, agad niyang inalis ang kanyang sapatos. At pagdating niya sa kama ay hinubad din niya ang kanyang pang itaas na blouse at ang kanyang skirt. Ganito siya matulog naka underwear lamang. Handa na siyang matulog. Palundag pa siyang sumampa na sa kama. Hindi niya alintana ang pagalit na tawag sa kanya at ang lalaking halos itapon na siya sa sahig sa galit. Nakatulog na siya ng tuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD