Unexpected First Gift

1228 Words
Lumipas ang ilang araw ay hindi pa nakatanggap ng text o tawag si Hanna mula sa manager niya. Kaya ay nagpasya na naman siyang puntahan ito sa opisina. Pero bago siya pupunta doon ay bibili na naman siya ng paboritong coffee at donut ni Ms M. Nang nasa cafeteria na siya ay nakita niyang may van na nakaparada sa labas, she parked her car sa tabi nito. Kilala niya ang van na iyon dahil minsan na niyang nagamit iyon bilang service kapag nag out of town sila noon. Pagmamay-ari ito ng CBF Network. Nalungkot naman siya ng makita ang Van, bumuhos kasi bigla ang mga ala-ala niya sakay sa Van na ito. Sino kaya ang artistang nasa loob nito ngayon? Tinted ang Van kaya hindi niya makita ang nasa loob. Lumapit pa siya sa van at mag selfie na lamang dito as memorabilya. Pagkatapos mag selfie ay papasok na sana siya sa cafeteria ngunit may iilang mga studyante na lumabas naman mula sa cafeteria at nakita siya. Nakilala siya ng mga ito at bigla na lamang siyang dinumog upang magpa picture. Kaya naman ay pina-unlakan na niya ang mga ito. "Ang ganda-ganda mo naman lalo sa personal Ms Hanna!", hindi napigilan at excited na sambit ng isa sa mga kabataan. "Idol na idol ka po namin! pero bakit pala hindi ka na namin nakikita lately sa tv?", tanong naman ng isa pa. Ningitian na lamang niya ang mga ito. "Vacation pa kasi ako, pero babalik din ako sa tv", sagot pa niya dito. "Ah, kaya pala", sambit ng isa pa. Nagselfie sila isa-isa at nag authograph pa. Pagkatapos ay nagpasalamat naman ang mga kabataan at umalis na. Napabuntunghininga hininga na lamang siya pagkatapos. She felt guilty for telling a lie to them. Pero hindi naman niya masasabi sa mga ito ang tunay niyang kalagayan. Iwinaksi na lamang niya ang isipin, she will go back to the industry at gagawin niya ang lahat ng makakaya niya upang matupad iyon. She is about to leave pero biglang bumukas ang bintana ng sasakyan, ang Van na nasa likod niya. It was just half open kaya di niya makita ang mukha ng taong nasa loob, at biglang lumabas ang kamay ng celebrity na nasa loob at may hawak na baseball cap at isininyas na kunin niya iyon. Nag ekis ang kilay niya pero tinanggap na rin niya. At isinara na rin kaagad ang bintana pagkatapos. Tiningnan niya ang Cap, may authograph pa ng artista, pero hindi niya kilala ang authograph nito. May sulat pa pala na nasa loob. 'Wear this to go incognito - R' Paglingon niya ay paalis na ang Van. Kumaway na lamang siya dito at ngumiti ng matamis kung sino man ang nasa loob doon bilang pasasalamat. She immediately wear the Cap at naglakad na papasok sa cafeteria. _______________________ "Boss, handa na po ang mga gamit, pero anong dadalhin nating sasakyan?", tanong ni Carlo, out of town ang shooting nila ngayon, at mga isang linggo din iyon tatagal. "Its better to bring the Van, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya baka babawi ako ng tulog sa biyahi", anas ni Rain. "Okay po boss, ibababa ko na itong mga gamit, sumunod na din kayo", sagot nito. At maya-maya pa ay lulan na sila ng Black Van na pagmamay-ari ng Network. The Van was designed at designated for celebrities kasi malaki at spacious sa loob at may higaan din doon. "Carl, daan muna tayo sa coffee shop", anas niya. Usually, he start his day with a cup of coffee talaga, pang good start. "No problem po!". Pagdating sa paboritong coffee shop ay ang PA s***h driver niya ang bumaba upang bumili ng kape. Habang nag-aantay ay nakikinig na lang muna siya ng paboritong kanta sa loob ng Van. Hanggang maya-maya ay mayroong sumisilip sa Van, sa may bintana. Tinted ang Van kaya kahit ano'ng gawing silip ng taong iyon ay hindi siya makikita. Magnanakaw ba ito? Maya-maya pa ay pumunta sa harapan ng sasakyan ang babae at doon pa niya nakita kung sino ito. Hindi niya akalain na ang babaeng kahit anong gawin niya ay kusang pumasok sa isipan niya. That makes him lack of sleep, kaya ay na iinis na naman siya dito. He gazed to the woman outside. She is indeed pretty. 'Hanna' Hindi niya namalayan napapangiti siya habang minamasdan ito sa labas. Nang marealize niyang naka-ngiti siya ay agad niyang binawi ang ngiti at tinapik ang mukha, na para bang ginigising ang sarili sa kahibangan. Nakita niyang nag selfie ang babae kasama ang sasakyan sa background. Hindi naman siya makikita sa loob dahil pati ang windshield ay tinted, pero sa loob ay kitang-kita niya ang babae. Alam siguro ng babae na celebrity van iyon. At maya-maya pa ay mayroong mga iilang kabataan na lumabas mula sa cafe shop at nakita ang babae at bigla nalang nagtakbuhan ang mga ito patungo sa babae. Akala niya'y kung anong gagawin ng mga ito sa babae, handa na sana siyang lumabas at tulungan ito pero nakita niyang nag selfie lang naman pala ang mga ito at humingi ng autograph. 'Ah, mga fans lang pala'-anas niya sa sarili. Hindi niya alam kung bakit nakadama siya ng kaunting saya at nakampanti. Naalala niyang may extra white baseball cap siya, kinuha niya iyon at sinulatan. 'Bagay ito sa kanya', sa isipan niya. Pero agad ding iwinaksi ang isipin. Nang naiwan ng mag isa ang babae ay binuksan niya ang side window at inilabas ang kanang kamay na may hawak ng Cap at suminyas sa babae. Nakita ito ng babae at mukhang naintindihan naman nito ang gusto niyang mangyari. Lumapit ito at kinuha ang cap. Nakita niyang nag ekis ang kilay ng babae pero ngumiti ito pagkatapos mabasa ang sinulat niya. Napangiti din siya habang minamasdan ang babae, na siya ring pag dating ng kanyang PA. Napatingin at napatigil ito, nagtaka kung bakit nakangiti siyang mag isa. Nang ma-realize niyang mukha siyang weird ngayon dahil todo ngiti siyang mag -isa ay agad niyang binawi ang ngiti sa mukha at pinalitan ng strict face. "Bakit? may problema ba?", tanong niya sa nagtatakang PA. "Ah, wala naman", sagot nito sabay iling-iling at inabot sa kanya ang biniling kape. Agad niyang kinuha ito. Agad na ring bumalik sa pagdri-drive ang PA niya at umalis na sila. Nakita niya sa bintana na kumaway ang babae sa kanila, habang papalayo sila. Sinundan niya ang tingin ang babae hanggang nakalayo na sila. Ang PA s***h driver niya ay nakita ang ginawa ng babae na kumaway at nag smile sa kanila, tiningnan din niya ang boss niyang hindi maalis-alis ang tingin sa babaeng naiwan nila. A realization came to his mind. His boss is attracted to the girl! First time itong nangyari, at lately ay maraming kakaibang nangyayari sa boss niya, lahat ay first time sa loob ng anim na taong pag seserbisyo niya dito. Cold, distant at non-chalant itong boss niya pero lately ay nag iba ang ugali nito at pati ang mood. In love pala ang boss niya. Pero sino iyong babae? parang familiar sa kanya pero hindi niya maalala ngayon kung saan niya ito nakita. Iba talaga ang power ng pag ibig, naiiba nito ang ugali at asal ng tao. Napangiti siya sa isiping marunong din palang mainlove itong boss niya, akala niya'y pusong bato ito. Sa wakas ay may babaeng nakataga dito, babaeng nakakapagpalambot sa tigasin niyang boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD