Over Protective

1495 Words
Kinabukasan nga ay maagang gumising si Hanna upang mag gym. She prefers staying indoor muna dahil nag-aalala pa rin siya sa kaligtasan niya sa labas. Nagsuot siya ng sports bra at gym shorts pero dahil baka maraming tao ay pinatungan na rin niya ng malaking t-shirt, binuhol na lamang niya ang laylayn nito sa harap. Pagdating niya sa gym na nasa loob lamang din ng condominium ay nakita niyang kakaunti lang ang naroon kaya ay mas mabuti iyon, mas comfortable si Hanna kung kaunti o walang tao sa gym. Nag inat-inat na muna siya bago sumalang. Pagkatapos ay nagpunta na siya sa mga treadmill. Maraming bakanting treadmill doon dahil kakaunti lang silang nag gym ngayon. Ang matangkad na lalaking busy sa pagtakbo sa treadmill na naka suot pa ng sunglasses at cap na animo'y sumali sa triathlon kahit nasa indoor naman ito at nasa treadmill lamang ay nasa dalawang pagitan ng treadmill mula sa kanyang pwesto. Mainam na yung may enough personal space at privacy sila sa isa't isa ng taong nag gy-gym rin. She brings her ipod para makinig ng music habang nag eexercise at hudyat rin iyon kung kailan siya matatapos ng pag eehersisyo. Kapag tapos na ang lahat ng kanta na isi-nave niya doon, that means 60 minutes na ang lumipas. Hanggang 45 minutes to 1 hour kung mag gym siya. At hindi nga nagtagal ay nagsimula na siyang maglakad hanggang sa tumakbo na siya sa treadmill. Nag focus lang siya sa kanyang goal at hindi na tumitingin pa sa paligid ________________ Sa kabilang banda naman. Araw-araw at walang palya kung mag gym si Rain, it's part of his daily routine. Kaya ay maaga pa lang ay nagbihis na siya upang mag puntang gym. He wear his comfortable gym attire , fitness cap at rayban. Isa sa mga nagustuhan niya sa bagong biling condominium building dahil may sariling Gym sa loob, hindi na siya kailangang lumayo pa. Mangilan-ngilan lang ang tao sa gym which is better. His usual ay tatakbo muna siya bago magbubuhat. Kinuha niya ang kanyang ipod at nag set ng kanta bago isinuot ang wireless earphone. He went to the treadmill at sumalang sa isa sa mga equipment doon. Maya-maya pa habang tumatakbo siya ay may bagong dumating. Hindi na niya pinansin iyon at nag concentrate lamang sa pagtakbo. He jog and run and then jog and walk. Usually he will do it simultaneously. Maganda at mukhang mga bago pa ang mga gym equipments sa gym na ito kaya ay satisfied siya at hindi din crowded, mangilan-ngilan lang silang nag gym ngayong umaga. Nang matapos ang 25minutes niyang takbo ay pinatay na niya ang makina at lumipat sa bench press. Nag inat na muna siya bago umupo doon. At akma na siyang po-position na upang mag buhat ng mabibigat na bar pero napansin niya ang babaeng tumatakbo ngayon sa treadmill sa di kalayuan. Nanlaki yata ang mga mata niya ng makita si Hanna na tumatakbo ngayon gamit ang treadmill. She wear a lose tee-shirt and a sport shorts na kita ang mahahaba at mapuputing mga legs. Biglang umandar ang pagka protective niya. Ayaw niyang may ibang lalaking makakita sa babaeng espesyal sa kanya na naka shorts at napaka sexy. And worse. Dahil naiinitan na si Hanna sa suot dahil pawisan na ito sa pagtatakbo ay hinubad na niya ang suot na malaking t-shirt. Anyway ay kaunti lang sila doon and she wore sports bra naman na pang ehersisyo talaga. Pero ang lalaking nakamasid sa kanya ngayon ay parang nagpapanic na. Hanna is now in her sports bra and shorts, although nasa gym sila pero parang naka two piece pa rin ang babae sa mata ni Rain. 'ano ba itong babaeng ito, kusa-kusa na lamang naghuhubad kahit saan', anas ni Rain sa isipan. No! He won't allow others to see her in that attire, it's too sexy, she's so gorgeous, she's so beautiful, He won't allow others to see her, baka maunahan siya ng ibang lalaki. He needs to act now! He simply slid to the Control room ng gym at pinatay ang mga ilaw at mga equipments na de kuryenti. At nag anunsiyo gamit ang microphone doon sa loob. "Ah! pasensya na sa abala. May routine brown out pala ngayon sa building kaya sa ibang araw niyo na lamang tapusin ang pag ehersisyo. Salamat sa pag unawa", pagsisinungaling niya. Nakita niyang nagtataka ang mga nag gym at may nag reklamo pa. Isa-isa nang lumabas ang mga tao doon pagkatapos. Habang si Hanna ay imbis na makinig at umuwi rin gaya ng iba ay patuloy pa rin sa pag ehersisyo. She went to the dumbbells. Dahil hindi naman gumagamit ng electricidad ang gym equipment na ito ay nagpatuloy si Hanna sa kanyang pag eehersisyo. Nakamasid lamang si Rain sa dalaga sa di kalayuan. Sila na lamang dalawa ang nandoon dahil umalis na ang iba pa. Wala sigurong ibang gagawin ang dalaga kaya ay nagpatuloy ito sa pag eexercise kahit nakapatay ang ilaw. Hindi naman madilim dahil naka glasswall ang gym at sumikat na ang araw sa langit sa labas. He posted a notice outside the gym's door. 'Under Maintenance' para wala ng pumasok pa sa loob. He went back to the control room at binuhay muli ang mga makinarya at ilaw. Nakita niyang napalingon sa paligid ang babae. Ngumiti ito ng makitang may ilaw na. Ang imbis na mag ehersisyo ay hindi na bumalik si Rain sa Bench Press machine, instead he just stayed in the control room sa itaas at malayang pinagmamasdan sa salaming bintana ang dalagang masayang nag eehersisyo. Hindi alintana na mag isa na lamang ito sa gym at lingid sa kaalaman nito ang lalaking buong paghangang nakamasid sa kanya. Hindi alam ni Rain kung bakit wala pa siyang lakas ng loob na puntahan at magpakilala sa babae. Sa isipan niya'y hindi pa ito ang tamang panahon. He's happy just by seeing her from afar. As long as she's safe ay okay siya doon. Kapag tapos na ang kanyang mga trabaho at kung may oras na siya sa sarili ay doon na siya magpakilala kay Hanna. Hindi na namalayan ni Rain ang oras, nakita na lamang niyang kinuha na ni Hanna ang tshirt nitong nakasabit sa treadmill, ginamit itong pang punas sa mukha at braso at isinuot muli. Timingin ito sa itaas sa control room, ngumiti at kumuway. "Thank you! Sa uulitin!", malakas na wika nito at lumabas na ng Gym. Parang na tulala na lamang si Rain sa nakita at narinig. Malakas ang pintig ng puso niya na hindi niya mawari, para siyang tumakbo uli sa treadmill ng 50km/hour Alam pala ng dalaga na naroon siya sa itaas at nagbabantay lamang. Nakilala kaya siya nito? Mabuti na lamang at hindi niya inalis ang suot na rayban. Napahawak tuloy siya sa kanyang dibdib. _____________________ Kahit narinig ni Hanna ang anunsiyo ay hindi niya sinunod ito. Wala naman kasi siyang ibang gagawin kapag umuwi siya sa unit niya. At pwedi naman siyang mag eehersisyo parin gamit ang iba pang kasangkapan doon na hindi gumagamit ng kuryente. Basta't gusto pa niyang manatili sa gym, hindi na bali ang Brown out. Pero nagtaka rin naman siya kung bakit nawalan ng kuryente kung may sariling generator ang condominium building nila. Pero hindi na siya nag abala pang kwestyunin iyon. Nagpatuloy na lamang siya sa pag gygym. Nagbuhat na lamang siya ng dumbbells. Pero maya-maya pa ay bumalik din naman ang ilaw pero ang ibang mga tao ay nakaalis na. Mabuti naman at solo niya ang gym ngayon, nakangiting sambit niya sa sarili. Pero napansin niya ang lalaki sa itaas, sa loob ng control room. Hindi ito bumababa, siguro ay may inaayos doon sa loob. Kaya hinayaan na niya at nagpatuloy siya sa pag eehersisyo. Nang matapos ang huling kanta sa ipod ay tumigil na siya at kinuha ang tshirt na isinampay niya sa treadmill na ginamit kanina, ito na rin ang ginamit niya para punasan ang pawis na talagang tumatagaktak sa mukha at braso niya. At isinuot niya ang t-shirt pagkatapos dahil lalabas siya sa mga pasilyo, ayaw naman niyang naka bra lang siya habang nag lalakad doon. Tumingin muna siya sa taong nasa itaas, kumuway siya at nagpasalamat bago lumabas na ng gym. Nang nasa labas na siya ng gym ay doon pa niya na realized na ang lalaki, ito yung tumakbo kanina sa treadmill na naka rayban at naka cap. Nag ekis ang kilay niya, ngayon lang niya ito nakita. She's been using the gym for quite sometime now simula ng buksan ito, hindi nga lang araw-araw pero malimit. Narinig niyang binili ng mayamang tao ang kanilang condominium building. Ito kaya ang bagong may-ari? Kasi ay nasa control room ito, tanging authorized person lamang ang nakakapasok doon. Napansin din niyang marami ng cctv ang inilagay sa buong building kaya ay mas kampanti na siya. Sa tingin niya ay mabait at mapagkakatiwalaan ang bagong may ari ng building. Sana ay makilala niya ito ng personal - anas niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD