Safe and Secure!

1339 Words
Masaya at pasipol - sipol pa si Rain habang nagbabasa ng script. They are on their way to another out of town shoot. Ang kanyang PA/driver ay masaya kapag ganitong nasa magandang mood ang amo dahil madali lamang ang trabaho niya. "Maganda yata ang gising natin ngayong umaga boss ah!", puna niya sa amo habang nagmamaneho. Ngumiti lamang si Rain at tumango-tango at nagpatuloy lamang sa pag sipol habang nagbabasa. He is very satisfied sa mga nababasa online na inini-link siya kay Hanna Monteverde. Yun nga ang gusto niya. Hindi naman sa gusto niyang ma-involve na naman sa kontrobersiya ang dalaga pero gusto niya ang isipin na maraming fans ang nag lilink sa kanila at sinasabing bagay din sila ng dalaga. Kinikilig siya! Kaya naman ay masaya siya. Nang biglang nagprino si Carl, kamuntik pang masub-sob si Rain sa likod. "Sorry! sorry po boss, may biglang tumawid po kasi na babae!", dali-daling depensa ni Carl sa nangyari, medyo natakot at nag-alala baka magalit ang amo. Pero nagtaka siya at hindi ito nagalit, nag- eexpect na siya ng matinding sermon galing dito. Maganda talaga ang mood nito ngayon. "It's okay! Just drive safely!", anas pa nito na umayos lang ng upo sa upoan. Napangiti tuloy ng lihim si Carl. It's a first na hindi ito nagalit kahit muntik na itong masubsob. Naka isip tuloy ng kalukuhan ang lalaki. Maya-maya pa ay bigla na namang nag prino si Carl at muntik na namang masubsob ang amo sa likod. "Boss! sorry sorry! biglang tumawid ang aso eh", dali-dali niyang paliwanag sa amo. Pero wala naman talagang aso. "Mag-ingat ka nalang sa pagmamaneho!", anas naman ng lalaki. Napangiti ng lihim sa sarili si Carl. Sa wakas ay naisahan niya ngayon ang amo. "Opo sir!", masayang sambit ni Carl. Talaga ngang maganda ang mood ng amo at umepekto ang prank niya. Nagpatuloy na lamang sa pagmamaneho si Carl. Nang biglang sumigaw si Rain sa likod. "Stop the Car!", sigaw ng amo. At biglang nag prino si Carl dahil sa gulat. "Bakit po Boss?", tanong niya sa amo na napalingon sa likod. Nakita niyang nakatitig ito sa labas ng sasakyan na naka-ikis ang kilay. Sinundan niya ang tinatanaw ng boss ngayon. At nakita nga niya si Hanna na lumabas ng presinto at pasakay na ito sa kanyang sasakyan. Nakita pala ng boss niya ang Love of his Life ng hindi inaasahan. "Susundan po ba natin Boss?", tanong ni Carl sa amo, na nakatingin pa rin sa babaeng sumakay na ng kotse at paaalis na. "No, you need to ask the police station kung bakit naroon si Hanna. Dali! lumabas ka na at magtanong!", lumabas na naman ang pagka demanding nito. "O-opo sir! ", sagot ni Carl na natataranta pa. Nagpark muna ito sa tabi ng kalsada at bumaba pagkatapos. Seryoso ang mukha ng dalaga habang paaalis ng presinto. May nangyari bang masama? Nag alala tuloy si Rain para sa babae. At ilang sandali pa ay nakabalik na si Carl. "Ano na? bakit nasa presinto si Hanna? ano daw ang pakay nito?", sunod-sunod na tanong ng lalaki sa PA nito. 'Ah boss, hindi sila nag di-disclose ng insaktong impormasyon pero nagrereport daw si Hanna ng possibleng krimen", sagot ni Carl sa amo. "Possibleng Krimen?", ulit nitong tanong. "Nasa panganib ba si Hanna?", dagdag tanong pa nito sa PA. "Iwan ko boss, yun lang ang sinabi sa akin", sagot naman ng PA. "Tara! sundan na muna natin si Hanna!", desisyon ng binata. "Pero boss, baka ma-late na tayo sa shoot mo mamaya!", anas ng lalaki. "Wala akong paki-alam kung ikansela nila iyon", sagot naman nito. "Okay! ikaw ang bahala!", anas ng driver at nagmadali ng sumakay at nagmanehong muli. Mabuti na lamang at midyo matrapik sa bandang lugar na iyon kaya ay hindi pa nakakalayo si Hanna. Sinundan nga nila ang kotse ng babae ng palihim. Pero pauwi lang naman pala ang babae sa condominium unit nito. "Boss, mag-aantay pa ba tayo?", tanong naman ni Carl. Nasa labas sila ng condo Building ng babae at nag aabang lamang kung lalabas muli ang dalaga. "Yep! mag-aantay muna tayo dito", sagot naman ng binata. Baka ay nasa panganib ang dalaga. Hinding-hindi niya hahayaang may mangyayaring masama dito. Hanggang nakatulog na yata ang PA/driver niya sa manibela ay hindi na muling lumabas si Hanna sa condo nito. It's better that way na nasa loob lamang ang dalaga. Pero hindi siya mapalagay baka sakaling may talagang nagtangka sa babae. Hindi ito maaari. Kaya naman ay may tinawagan si Rain. ___________________________ Sa kabilang banda naman ay dumiritso na ng uwi si Hanna mula sa presinto. Napaisip siya na mas maagap na sigurong ihahatid niya mismo kay Faith or Greg Sebastian ang mga nalalamang pagbabanta at mga masasamang mga plano ni Michelle. Alam niyang nangingialam na naman siya sa mga buhay ng mga taong ito. Iwan niya at mahilig talaga siyang pumagitna at makisawsaw sa mga buhay ng tao. Pero dahil naman ay may involve na buhay kaya kailangan niyang makisawsaw. Kung wala lang involved na panganib sa buhay ay hinding-hindi siya mangingialam. Hindi lang niya matiim na manahimik lang. May rason talaga kung bakit niya narinig si Michelle noon sa comfort room at sa parking lot nitong bago lang para siguro makatulong siya. Ito na siguro ang kabayaran niya sa mga nagawa niyang kasalanan. Ginawa siyang tulay para makatulong at masiguradong ligtas at buhay si Faith. Napakalakas talaga ng babaeng iyon sa Itaas. Kung nagsaboy ng ganda, yaman at swerti ang panginoon noon, baka naligo si Faith sa labas kaya nasalo lahat nito. Well.. meron din naman siyang ganda at yaman ng kaunti pero wala nga lang swerti. Napabuntong hininga na lamang si Hanna. Nasimulan na niya itong panghimasok sa buhay ni Faith at Michelle kaya ay sagarin na niya. May naisip na siyang plano. _____________________ Later that day. "Sir, may inutusan na akong mag bantay kay Ms Monteverde. Pero hindi ito alam ng Daddy mo, kapag nalaman niya baka pati ako ay mapatalsik", anas ng lalaki sa kabilang linya. "Don't you worry Doug! I'll cover your ass from my old man! at sa dami ng tauhan niya, hindi naman siguro nito malalaman na may isang nawala", kampanting saad ni Rain sa lalaking kausap sa telepono. "Sana nga ay hindi, alam mo naman ang daddy mo, matalino at toso, hindi natin alam ang takbo ng pag-iisip noon", anas pa ng lalaki. "Huwag ka ng mag-alala, temporary lang ito, bago pa man mapansin ng ama ko na kulang ang tauhan niya ay sigurado akong nakabalik na sa mga bisig niya ang tauhang hiniram ko, okay?", "Sige Sir! ikaw ng bahala", wika ng lalaki sa kabilang linya bago namatay ang tawag. Ang ama ni Rain ay isang kilalang negosyante at politiko. Marami itong security service kaya naisipan niyang tawagan ang kanang kamay nito para humingi ng tulong at manghiram nga ng isa sa mga secret security service man nito. Ang taong ito ang magbabantay kay Hanna ng palihim upang masigurado niyang ligtas ito. At mag rereport ito sa kanya tungkol kay Hanna. Nang sa gayon ay matahimik siya habang nagtatrabaho. Malapit na naman din matapos ang shoot nila mga iilang scenes na lamang. "Standby!", narinig ni Rain ng sigaw ng director. Mag-uumpisa na sila ng kanilang shoot. Ibinigay ni Rain ang cellphone sa kanyang PA at may ibinigay na utos dito. "Ano? bakit naman ho? maayos pa naman ang condo unit mo? maganda pa nga at mamahalin?", gulat na tanong ni Carl sa amo. "Huwag ka ng magtanong, okay? sabihin mo sa kanila na magbabayad ako ng mahal, o sila ang bahala anong presyo, basta't makuha ko lang ang unit na gusto ko", anas pa ni Rain. Napakamot na lamang ito ng ulo. "Okay po boss! areglado po!", anas nito na hindi nalang nag reklamo. Tumalikod na lamang ito para sundin ang utos ng amo. 'Sana all! basta-basta na lamang bibili ng condo unit kapag gusto! at gusto pa nariyan kaagad!', sa isipan ni Carl. Iba talaga pag maraming pera. Nabibili lahat ng gustuhin. 'Sana all!', sambit na lamang ni Carl habang napa iling-iling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD