A Good Marites

1515 Words
Bumuti na ang pakiramdam ni Hanna ilang araw ang lumipas. Sa ngayon ay nag desisyon siyang lumabas naman at magpapahangin. Ngunit may natanggap na naman siyang text galing sa tauhan ni Michelle. Palpak ang plano nitong sunugin ang tindahan ni Faith Torres sa probinsiya. Kaya may bago na naman itong plano. At ayun sa tauhan ay ang mga lola ni Faith at Greg Sebastian ang target nito ngayon. Naaalarma na naman si Hanna dahil pati mga walang malay na mga matatanda ay idadamay na ng babae. Kailangan niyang sabihan si Greg Sebastian o di kaya'y si Faith mismo. Ngunit wala siyang kontak number ng lalaki o ni Faith. Naalala niya na minsan siyang kinontak ng sekretary ng lalaki noon, noong kasagsagan pa ng kontrobersiya nila ni Mr Sebastian. Tumawag noon ang sekretarya upang pakiusapan siya tungkol sa mga kumakalap na post tungkol sa kanila ni Mr Sebastian noon. Nagmatigas siya noon at hindi nakipag tulungan sa kanila. At ngayon nga ay siya na naman ngayon ang tatawag dito at makiusap. Ang tadhana nga naman. Umikot na ang gulong ng palad ika nga. Ganoon pa man ay lulunukin niya ang pride ngayon ang importante ay maisasalba niya ang matatanda. Hindi man niya kaano-ano ang mga matatanda ni hindi niya kilala ang lola ni Faith at minsan lang din niyang nakita ang lola ni Mr Sebastian na si Madam France sa isang fashion caravan ay hindi pa rin niya matiis na possibleng may mangyaring masama sa mga ito. Kaya ay hinanap na niya ang numero sa call logs niya. At nahanap naman niya ito, mabuti na lamang at kaunti lang ang tumatawag sa kanya kaya madali lang niyang nahanap at nandoon pa sa cellphone niya ang numero. Tinawagan na niya ang numero ng sekretary ni Greg Sebastian, bahala na kung anong iisipin nila. Na agad naman sumagot ang sekretary. Nagpakilala siya sa lalaki at sinabi niya ang kanyang pakay na gusto niyang makausap si Mr Sebastian kaya nanghihingi siya ng numero nito. "Ahm..Ms Monteverde, mukhang hindi magandang ideya iyang naiisip mo", sagot ng lalaki sa kabilang linya. "Alam kong hindi nga magandang ideya ito at para akong baliw na baliw kay Mr Sebastian, pero hindi ito tungkol sa kontrobersiya noon, at hindi ako naghahabol sa amo mo, at mas lalong hindi ko siya aagawin kay Faith Torres, okay?" mahabang wika niya dito. "So, bakit mo gustong makausap si Sir?", nalilitong tanong ng lalaki. "It's a matter of life and death, kaya pakiusap ibigay mo sa akin ang numero ni Mr Sebastian", anas niya. Parang nataranta naman ang lalaki at nalilito na kung anong gagawin. "Ahm.. mapapatay din ako ni Sir kapag nalaman niyang ako ang nagbigay ng numero niya sa iyo Ms Monteverde!", natatarantang anas ng lalaki. "I promise, okay?! hindi ka mapapahamak. It's really serious, and its really about safety ng mga matatanda, ng mga lola nila", sambit niya dito. "Bakit ano ba ang mangyayari sa mga lola?", walang muwang na tanong nito. "Basta! Kay Mr Sebastian ko na lamang sasabihin ang mga nalalaman ko. Just trust me, okay?", anas niya. "Ah.. sige sige.. huwag mo na lamang sabihin na galing sa akin ang numero ha? sabihin mong galing sa manghuhula, okay?", sambit pa ng sekretary na hindi talaga kampanti. "Akong bahala sa iyo!", anas ni Hanna. At ibinigay na nga ng lalaki ang numero ng amo. "Maraming salamat dito. Isipin mo na lamang na nakatulong ka at may buhay na nailigtas dahil dito, okay?", sambit niya sa lalaki bago siya nagpaalam dito. Ngayong may numero na siya ni Mr Sebastian ay diritso na niyang ipapaalam dito ang mga plano ni Michelle Cruz. Pero bago niya tawagan ay nagmamadali din siyang nagbihis at aalis siya. Pupuntahan din niya ang lugar na sinabi ng tauhan ni Michelle Cruz. Sa Mall kung saan naroon ang dalawang matatanda. Nang makabihis na ay mabilisan na siyang lumabas ng unit niya habang ang kamay ay nag da-dial na sa numero ng lalaki. Nasa Europe pa rin ang bagong mag-asawang Faith at Greg Sebastian hanggang ngayon at hindi pa alam ng sekretary kung kailan ang uwi ng mga ito, ang hinala ni Hanna ay gusto ni Michelle na pauwiin na si Faith sa Pinas upang maisakatuparan nito ang mga masasamang balak sa babae. At gagamitin niya ang dalawang matanda upang mapauwi ng wala sa oras si Faith. Nag ring ang kabilang linya pero wala pang sumasagot. Kaya habang nag hihintay ay busy rin siya sa paglalakad patungong parking lot. At sa wakas ay sumagot na ang lalaki. "Hello! Whos this?" baritonong boses nito ang narinig ni Hanna. Pati boses ni Mr Sebastian ay maganda pakinggan sa tainga. Iwinaksi ni Hanna ang isipin at sumagot na. "Mr Sebastian, it's Hanna.. Hanna Monteverde", panimula niya. Hindi muna sumagot ang kabilang linya. "And Yes? what's the matter why you're calling?", tanong nito na hindi mawari ni Hanna kung naiinis o nag dedemand agad ng sagot base sa tono, siguro ay pareho. "Yes, I have urgent matter to discuss kaya ay makinig kang mabuti", anas niya dito At ikinuwento na niya ang tungkol sa aksidente niyang narinig ang mga plano ni Michelle, mga hindi magandang plano ni Michelle para kay Faith. Kaya hito at na iinvolve siya sa pagitan ng alitan ng magkapamilya, between Michelle Cruz at Faith Torres Cruz - Sebastian. Sinabi niya sa lalaki ang plano nito sa mga lola na nasa Mall ngayon. Inexplain niyang ginagawa lamang niya ito dahil sa kunsinsiya at wala ng iba pang rason, bahala na kung maghinala si Mr Sebastian na may iba pa siyag motibo kung bakit ginagawa niya itong pag susumbong. She just wanna clear her conscience. Ngunit parang hindi na nagtaka o nag alala ang lalaki ng sabihin niya na nasa panganib ang mga lola. "I have this taken care off already Ms Monteverde but I appreciate the gesture. And please huwag mo na akong kontakin pa", anas nito. Hmp! napaka strikto naman! "Nais ko lang ipaalam at wala na akong iba pang nais sabihin, kaya makakaasa kang hindi na ako muling tatawag!", anas niya at siya din ang unang nagbaba ng tawag. Atleast she has her pride na siya ang unang nagbaba ng telepono, na for the record ay binabaan niya ng telepono ang 'The Great Mr Sebastian!' Natatawa na lamang si Hanna sa isipin. At ilang minuto pa ay nasa mall na siya na pagmamay-ari ng mga Cruz's. Hindi niya alam kung saan banda naroroon ang mga lola kaya nilibot na niya ang buong mall at chineck ang lahat ng exit door. At doon nga nakita niya ang dalawang matanda na tela nag aabang na ng sundo nila. Nakilala niya si Madam France agad at may kasama nga itong isa pang matandang babae, iyon na nga siguro ang lola ni Faith. Balita niya ay hindi ito ang tunay na lola ni Faith pero ang siyang kumupkop at nagpalaki ng babae, hanggang sa matagpuan na nga si Faith sa tunay na mga lolo at lola, ang mga Cruz's recently. Hindi siguro inakala pa ni Michelle Cruz na mahahanap pa ng mga matatanda ang tunay na apo at siyang tunay na taga pagmana kaya ngayon ay takot itong maitsapwera ng mga matatandang Cruz at mawalan ng mana. Kaya ay kung ano-ano na lamang kasamaan ang naiisip nito para lamang mawala sa mundo ang kaagaw sa yaman, si Faith Torres Cruz- Sebastian. At na-involve pa nga siya sa gulo ng mga ito, sa kamalas-malasan niya. Nakita niyang may lumapit na lalaki sa mga matanda at animo'y nakikipag usap. Maayos naman ang lalaki at parang wala namang masamang balak. Pero may napansin si Hanna. Ang lalaki ay may suot sa tainga na paminsan-minsan ay inaayos nito, hindi siguro marinig ng maayos ang instruction or ano pa man iyon. At sobra kung maka ngiti at very animated ang galaw ng lalaki. Halatang umaakting lamang. Alam niya ang natural na galaw versus acting lamang. Kaya ay alam na niyang may masamang balak ang lalaki sa mga matatanda. Bababa na siya ng sasakyan upang tulungan ang mga matatanda subalit hindi pa man siya nakababa ay may lumapit ng sasakyan at bumaba doon ang driver. Nakilala niya ang driver, ito rin ang nakita niyang kasama ni Madam France sa Fashion Caravan noon, para itong driver / bodyguard ng matanda. Nakahinga naman ng maluwang si Hanna. Sa wakas ay safe na ang matatanda. Nakita niyang itinaboy ng driver ang lalaki at parang binantaan pa siguro dahil nakita niyang namutla ito pagkatapos at agad-agad na umalis. Sa di kalayuan ay may mga grupo ng lalaki na nakaabang sa lalaking nagmadaling umalis. Hindi iyon ang mga tauhan ni Michelle. At nakita nga niyang hinablot ang lalaki ng nasa malapit na sa grupo at isinakay sa sasakyan. 'Patay ka ngayong hinayupak ka!', sa isip ni Hanna. The group of people might been Mr Sebastian's men. Ito siguro ang sinabi nitong he already taken care of it. May mga tauhan din siguro itong nagmamanman sa kilos ni Michelle. Mabuti naman kung gayun. Upang hindi na siya masali sa gulo ng mga ito. Umalis na rin si Hanna. She is done with being marites with a twist.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD