Pumasok si Sky sa silid ng kanyang pinsan na si Mike. Nag-aalala ito sa pag-uusapan ng kanyang Tita-Mommy at Tito-Daddy sa hapagkainan dahil parang seryoso talaga ito.
“Oh cuz. Ano ang ginagawa mo dito sa room ko?”
Dumerecho si Sky sa kama ng pinsan at umupo ito sa kanyang tabi “Nag-aalala kasi ako eh”
“Saan? Sa kanilang dalawa?” at tumango naman si Sky bilang sagot sa tanong ng pinsan “Naku. Parang hindi ka na nasanay sa kanilang dalawa. Ganun naman sila palagi diba”
“Oo. Pero parang iba na kasi ngayon eh”
“Bakit iba? Ano ang ibig mong sabihin?”
“Parang parati na sila nag-aaway eh. Yung grabe na away”
“Haay cuz. O.A lang yan” sagot ni Mike “Hayaan mo na kaya sila. Relaks”
“Sige” sabay buntong-hininga niya.
“Oo nga pala, kamusta na pala ang nanliligaw sa’yo?”
“Ha?? Sino?”
“Nagmamangmaangan ka pa diyan eh” ngiti ng pinsan “Aminin mo na nga kaya na nanliligaw sa’yo ang Mark na yon”
“Hindi siya kaya nanliligaw sa akin. At isa pa, may girlfriend na yon” sagot ni Sky “E kanino mo naman nalanman ang kasinunggalingan na yan?”
“Si Mark mismo”
“Ano?? Magkakilala kayo?”
“Oo naman. Naging kaklase ko siya nung nasa grade-school ako” paliwanag ni Mike “Nag-chat sa akin nung isang gabi, tapos nagtanong siya kung ka-anu-ano kita”
“E anong sabi mo?”
“Pinsan kita, siyempre. Tapos ang sabi niya ay nililigawan ka niya” sambit ni Mike “So, totoo ba?”
“Na ano?? Hindi nga. Hindi siya nanliligaw, okay?” sagot ulit niya sa pinsan “May girlfriend na siya kaya”
“Talaga??”
“Oo kaya. At isa pa, hindi ko siya type noh”
“Weh??”
“Oo nga” sabay tayo ni Sky sa kama “Ewan ko sa’yo. Bahala ka nga. Matulog na ako”
“Hahaha. Pikon” tawa niya sa pinsan “Sige na. Goodnight”
Kaagad lumabas ang dalaga sa silid ng pinsan at nagtungo na sa kanyang silid upang matulog na.
Kinabukasan. Alas-sais pa lang ng umaga ay nagising na si Sky. Maaga kasi ang unang period niya sa araw na iyon.
Nang pagpasok niya sa silid-aralan ay binati siya kaagad ng kanyang kaibigan na si Sara ng isang mainit na yakap.
“Good morning, friend” sambit ni Sara “Kamusta ka na?”
“Ito. Okay lang naman” sagot niya “Kung makapagkamusta ka naman. Parang hindi tayo nagkita kahapon”
“Sorry, friend. Na-miss lang kita eh”
“Sus. Miss talaga ha”
“Ganon talaga yun” ngiti ni Sara
“Oo nga pala, nakita mo ba kahapon si Stephen?” tanong niya sa kaibigan “Hindi ko siya nakita eh”
Biglang naalala niya na kinausap nga siya kahapon ni Stephen. Humihingi ng pabor sa kanya na magplano ng kanilang date kay Sky. “Ha?? Si Stephen?” ulit niya
“Oo, friend”
“Hindi friend eh. Hindi ko din siya nakita”
“Ah ganun ba? Sayang” biglang paglungkot ng mukha ni Sky
“Bakit naman?”
“Kasi nakonsensiya ako sa sinabi ko sa kanya nung isang araw” sagot nito “Sana hindi ko na lang siya binasted. Gusto ko rin siya friend. Naguguluhan lang ako nun”
“Ganun ba?? Sige. Huwag kang mag-alala, friend. Kapag nakita ko si Stephen. Kakausapin ko siya agad”
“Talaga? Salamat friend”
Sakto din na pumasok na ang professor sa silid. Nagmamdali sila umupo sa kanilang pwesto dahil mag-uumpisa na ang kanilang klase.
‘Sorry Sky. Pero gusto ko din si Stephen. Hindi lang gusto, kundi mahal na mahal ko na siya. Gagawin ko ang lahat para hindimaging kayo’ sambit ni Sara sa kanyang isipan habang nakatingin siya sa kaibigan
***
Nasa opisina si Madam Jean. Nakaupo sa kanyang upuan at parang hindi pa rin mapakali sa mga nangyayari ngayon sa kanya. Sigurado siya talaga na ang kapatid niya na si Jeff at si José Hidalgo ay iisa.
Pero wala pa siyang ebidensiya kung totoo nga ang kanyang akala. At si Gwen na lamang ang kanyang pag-asa kung totoo nga ito.
“Good Morning Madam” bati ni Gwen sa kanya habang sinisira ang pintuan ng opisina.
“Gwen. Sa wakas ay nandito ka na” sambit ni Madam Jean “So, kamusta ang pag-iimbestiga mo?”
“Kasama ko po Madam ang imbestigador na kinuha ko” at tumingin sila ulit sa pintuan at pumasok ang isang lalaki.
“Madam Jean. Magandang umaga sa inyo” bati niya “Ako po si Detective Castillo”
“Good morning din, Detective Castillo” sagot niya “Alam mo naman ang ibig sabihin kapag nandito ka. Dapat ka nang magreport kung ano man ang mga nalalaman mo kay José Hidalgo”
Huminga muna ang imbestigador bago niya ilantad ang mga nalalaman niya tungkol kay Jeff. “Hindi siya ang tunay na anak ni Don Rolando. Ang tunay na José Hidalgo ay namatay na nung labing-isang taon na ang nakakaraan kasama ang ina niya at asawa ni Don Rolando. Namatay sila sa isang aksidente”
“So ang ibig mong sabihin ay impostor ang José Hidalgo na kaharap namin”
“Parang ganon na nga” sagot niya kay Madam Jean
“Tignan mo, Gwen. Tama ang duda ko sa kanya. Si Jeff kaharap natin”
“Hindi din Madam” sagot ulit ng imbestigador “Hindi Jeff ang totoo niyang pangalan”
“Ha?? E ano?”
` “Bago siya nakita ni Don Rolando sa daanan ng Barcelona, ang pangalan niya noon ay Felipe Cruz” sambit nito “Kinuha siya ni Don Rolando at inampon bilang sariling anak. At pinangalan nga sa kanya ang pangalan ng namatay na anak ng matanda”
“Ano?? Sigurado ka ba sa nalaman mo?” sambit ni Madam Jean na tila hindi kontento sa sinabi ng imbestigador sa kanya.
“Opo Madam. Sigurado ako”
“Ganon?? E saan nanggaling ang Felipe na yan?”
“Bi-racial siya, Madam. Half-spanish and half-chinese. Lumayas siya sa kanilang bahay noon sa Lavapiés na matatagpuan sa Madrid” kuwento niya kay Madam Jean “Linakad niya halos tatlong oras papunta sa Barcelona. Sa sobrang pagod ay nahimatay ito at nakita nga siya ni Don Rolando sa daan”
“E bakit lumayas siya sa kanila?”
“Hindi ko na po alam yon, Madam. Pasensiya na po”
“Sige. Okay lang yun” sagot ni Madam Jean “Ang importante ay alam ko na ang totoong pagkatao niya. Maraming salamat, Detective Castillo. Talagang maaasahan ka”
“You’re welcome, Madam” sagot naman niya
“Sige na. Umalis ka na at ipagpatuloy mo ang pag-iimbestiga sa kanya at sa pamilyang Hidalgo” utos niya sa imbestigador “Gwen, pakihatid na siya sa labas”
“Yes Madam”
Naunang lumabas ang lalaki at nakabuntot naman sa kanyang likuran si Gwen. Nang pagkalabas nila sa opisina at may inabot si Gwen sa lalaki na isang puting envelope.
“Ano ‘to?” tanong niya kay Gwen
“Pera” sagot niya
“E ang sabi mo ay sa susunod pa ako babayaran ng Jean na yan”
“Hindi kay Jean yan. Kundi sa totoo mong amo, si Jeff” sagot ni Gwen “Sabi niya kasi sa akin na kapag nagawa mo ang pinanagawa niya sa’yo ay babayaran kita kaagad kaya ito. Kunin mo”
“Ganon ba?? Sige. Salamat sa kanya, Gwen” sabay kuha niya ng envelope sa kamay ng babae
“Walang anuman. Paunang bayad pa lang yan. Madagdagan pa yan kung mapaniwala mo talaga si Jean na hindi si Jeff ang kaharap niya”
“Magagawa ko yan. Huwag kayong mag-alala”
“Sige. Basta mag-iingat ka baka mahalata ka niya”
***
Oras na ng uwian at kakalabas lang nina Sky at Sara sa silid-aralan. Nagrereklamo sila tungkol sa exam na binigay sa kanila ng kanilang professor.
“Ang hirap ng quiz natin friend” sambit ni Sky sa kaibigan “Pigang-piga na talaga ang utak kong ‘to”
“Oo nga eh. Buti na lang nakapagreview tayo kanina bago pumasok”
“Kahit na. Ang hirap pa din eh” sagot niya “Parang major exam lang ang kinuha natin kanina”
“Grabe naman kasi magbigay ng exam si Sir. Parang last exam niya na”
“Ikaw?? Nahihirapan ka ba?”
“Ako?? Okay lang naman. Medyo mahirap nga”
“Mabuti naman kung medyo ka lang nahirapan. Nahihirapan kasi ako eh”
“Naku friend. Tsamba lang yun. I’m sure na mali lahat ang sagot ko”
Hindi nakasagot si Sky sa sinabi ng kaibigan at huminto siya sa harap ng banyo “Teka lang friend”
“Bakit? Saan ka pupunta?”
“Magsi-CR muna ako friend. Wait lang”
“Sige. Dito lang ako maghihintay”
Kaagad dumerecho si Sky sa banyo at iniwan niya ang kanyang kaibigan sa labas. Hindi naman niya namalayan na may tao sa kanyang likuran.
“Sara” sambit ni Stephen
Nagulat naman siya sa biglang pagsulpot ng binata “Oh Stephen? Bakit?”
“Nakausap mo na ba si Sky tungkol sa plano natin?”
“Ha?? Ehh. Wala pa Stephen eh” sagot nito na parang kinakabahan ang tono ng boses. “Hindi pa kami nagkita”
“Ganon ba?? Hindi pa ba siya nakapasok?”
“Hindi pa eh. Hindi ko din alam kung bakit hindi pa siya nakakapasok” sagot ni Sara
“Sige. Kapag nakapasok na siya, sabihin mo agad sa kanya ha?”
“Okay Stephen. Sasabihin ko agad sa kanya. Huwag kang mag-alala”
“Salamat” sambit nito “Teka, bakit dito ka sa labas ng CR? May hinihintay ka ba?”
“Ha?? W-wala. Kakalabas ko lang. Nag-CR kasi ako” palusot ni Sara “Paalis na din ako”
“Ganun ba?? Sige. Sabay na lang tayo lumabas”
“Sige”
Lumakad ang dalawa palabas ng Unibersidad habang naiwan pa rin si Sky sa banyo. Hindi niya alam na iniwanan na siya ng kanyang kaibigan.
***
Alas-otso na ng gabi pero hindi pa rin nakakauwi si Nathan sa kanilang bahay. Nakaupo si Cindy sa sofa at naghihintay sa pagdating ng asawa.
Ilang saglit lamang ay pumasok na si Nathan sa bahay. Tumayo naman ito at hinarap ang asawa “Saan ka nanggaling, Nathan?”
“Ano ba ang pinagsasabi mo diyan?” sagot niya sa tanong sa asawa “Siyempre sa trabaho ko”
“Nang ganitong oras?”
“Oo. Diba sinabi ko na yan sa’yo?? Nag-oovertime kasi kami dahil marami pa ang tatapusing trabaho”
“Sinunggaling!!!” sigaw ni Cindy asawa “Tumawag ako kanina sa opisina ninyo. Wala ni isang tao doon dahil ang janitor lang ang sumagot” at napalunok ng laway si Nathan dahil nabisto na siya ng kanyang asawa “Ang sabi niya pa daw, hindi kayo nag-oovertime dahil maaga natatapos ang trabaho ninyo!”
“Ano?? Nagsisinunggaling ang janitor na yan”
“Huwag ka na ngang magpalusot pa, Nathan” sabat ni Cindy “Sabihin mo nga sa akin. Saan ka ba pumupunta pagkatapos ng trabaho mo??! Sa babae mo?? O sa bakla mo??!”
“Tigilan mo na yan ha. Hindi na maganda ang lumalabas sa bunganga mo”
“Oh bakit?? Hindi ba totoo?? Sino ba yan??!”
“Wala akong babae, okay??” sambit ni Nathan sa kanya “At lalung-lalo na, wala akong bakla na pinagsasabi mo”
“E bakit nga ginagabihan ka sa kakauwi mo?? Saan ka ba pumupunta???”
“Wala ka nang pakialam dun” panduduro niya sa asawa. Kaagad siyang umalis sa harapan nito at umakyat sa kanilang silid.
Samantala si Cindy naman ay nakatayo pa din habang umiiyak. Wala talaga siyang alam kung ano na naman ang nangyayari sa kanyang asawa.
Hindi niya namalayan na niyakap na pala siya ng bunsong anak niya na si RK.
“Mommy?? Are you okay? Ano ba ang pinag-aawayan ninyo ng Daddy?”
“Okay lang ako anak. Don’t worry” paniniguro niya sa anak “Meron lang kaming hindi pagkakaintindihan ng Daddy mo kaya ganon”
“Are you sure Mom?”
“Oo anak” ngiti niya kay RK “Umakyat ka na sa silid mo at magpahinga. May pasok ka pa bukas”
Sinunod naman ni RK ang utos ng ina na umakyat at pumasok sa kanyang silid. Pilit niyang iniiisip ang sagutan ng kanyang mga magulang at parang nababahala na ito.
Lumipas ang ilang oras ay hindipa rin siya makatulog. Nagdesisyon na lamang siya na lumabas ng silid at nagtungo sa silid ng kanyang kuya. Kumatok at binuksan ito.
“Kuya??”
“Bakit RK? May kailangan ka?” sambit ni Stephen “Pumasok ka at umupo sa kama”
“Ahhhmmm. Kuya?” at nagtungo nga siya sa kama ng kapatid at umupo ito sa tabi
“Ano nga?? May problema ka?”
“Opo kuya eh”
“Ano yon?? Baka maitutulong ako”
“Si Mommy at si Daddy kasi. Narinig kong nag-aaway sa baba kanina” kuwento niya sa kapatid
“Ano ba ang pinag-aawayan nila?”
“Tungkol daw sa hindi pag-uwi ni Daddy agad sa bahay. Kahit daw maaga natatapos ang trabaho. Tapos tinanong siya ni Mommy kung saan nga siya pumupunta, kung may babae o bakla siya” patuloy ang pagkuwento niya “Kuya?? Bakit ganyan ang mga sinasabi ni Mommy kay Daddy?? Totoo ba yun?”
“Hindi RK. Hindi totoo yon. Baka nasabi yan ng Mommy dahil nagalit lang siya kay Daddy. Pero hindi ganyan ang Daddy, maniwala ka”
“Okay po, kuya”
“Ito lang ba ang sasabihin mo?”
“Oo kuya” sabay tayo niya sa kama “Matutulog na ako kuya”
Napatingin na lamang si Stephen sa kanyang kapatid habang lumalabas sa kanyang silid. Napaisip siya na kung bakit nagsisinunggaling naman ang kanyang ama sa kanyang ina. Baka nga tama ang unang duda niya noon sa ama. Baka nga may ibang babae na naman ito o di kaya may keridang bakla ito.
Gusto niya talagang gumawa ng paraan para matuklasan ang lihim ng kanyang ama.
***
Kinabukasan.
Nagpatawag muli si Madam Jean ng meeting kay José Hidalgo para ipagpatuloy nauna nilang meeting.
Pag-uusapan sa meeting kung ano na ang maging desisyon ng dalawang kampo at kung papayag na sila sa isa’t-isang kondisyon. Pagkatapos kung pumayag na sila ay tatakda ng ikatlong meeting para sa pagpipirma ng kontrata.
“Good Morning, Mrs. Teng” bati ni Jeff sa kanya “Parang maaliwalas ang itsura mo ngayon ah. Let me guess, new beauty regimen?”
Napangiti na lamang si Madam Jean sa puri sa kanya “Of course not” sagot nito “Sabihin na lang natin na may alam na akong isang mabahong sikreto ng isang tao”
Nagtitigan sila sa mga mata ng isa’t-isa habang nakangiti na parang merong laman ang kani-kanilang ngiti at pagtitigan.
Itutuloy…