Dakong alas-nwebe na ng gabi at nasa kwarto na si Madam Jean at nag-aalboroto na parang bata. Hindi pa rin niya kasi matanggap na buhay si Jeff, ang taong pinapatay niya noon.
“Could you please Jean?? Shut up!!” sigaw ng asawa niya sa kanyang tabi sa kama “Stop acting like a brat”
“Hindi mo ako naiintindihan Richard eh. Buhay siya, okay?? He’s alive” iyak ni Madam Jean “Hindi ko alam kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang pagbabalik”
“You’re so paranoid. Diba ang sabi ko kanina na patay na ang kapatid mo??” ulit ni Richard sa kanya
“At paano ka naman nakakasiguro na hindi siya ang kaharap natin kanina??”
“Kasi inutusan ko ang isa sa mga tauhan mo noon na si Ben na ipa-DNA Test ang bangkay na nasa libingan at sa’yo. POSITIVE ang resulta”
“Talaga?”
“Oo. Totoong-totoo. Hindi ko lang sinabi sa’yo noon dahil baka isipin mo na baliw ako” paniniguro ni Richard sa kanya “Kamukha lang yan ni Jeff ang nasa harap natin kanina. Baka binabangungut ka lang sa mga ginawa mo noon sa kanya”
“Baka nga, Richard. Baka nga”
“Good. Ang isipin mo lang ngayon ay kung papaano mo makukuha ang loob ni José Hidalgo para mag-invest dito sa Pilipinas”
“Sige” pagsang-ayon ni Madam Jean “Maghahanda na ako ngayon”
“Ngayon?? Bakit ngayon?”
“Para wala na akong gagawin bukas”
“Tanga ka ba?” insulto ng kanyang asawa sa kanya “Gabing-gabi na, ngayon ka pa maghahanda?? Kanina ko pa sinasabi sa’yo yan eh” dugtong niya sa asawa “Hay naku, Jean. Hindi ka talaga gumagamit ng utak. Kahit anong gawing paghahanda mo, hindi pa rin yan papasok sa maliit mong utak kasi pagod ka na at hindi ka na makapag-concentrate bukas”
“Pwede ba?? Tigilan mo na ako sa mga pang-iinsulto mo sa akin??!” sabat naman ni Madam Jean “Bakit ang liit-liit na ng tingin mo sa akin, Richard??”
“Nagtanong ka pa??” balik niya sa asawa “Baka nakakalimutan mo ang mga sikretong nabunyag sa balita noong nakaraang araw… kahit ako ay nagulat na may lihim ka palang laboratoryo ng droga sa ilalim”
“Hindi nga totoo iyon, okay?? Sinisiraan lang nila tayo”
“We’ll see. Alam mo naman kung ano ang kasunod kapag napatunayan ko na totoo lahat, diba?” pagbabanta muli niya kay Madam Jean.
***
Araw ng Lunes.
Nakaupo at naghihintay si Stephen ng kanyang susunod na klase nang tumabi sa kanya ang bestfriend ni Sky.
“Uy Steph. Kamusta ka na?”
“Ayos lang naman ako… Ano nga ba ulit ang pangalan mo?”
“Sara”
“Ahh” sagot nito “Hindi mo ba kasama si Sky?”
“Hindi eh. Baka mamaya pa siya papasok kasi masama daw ang pakiramdam niya” kita sa mukha ng binata ang lungkot dahil hindi papasok si Sky “Bakit mo siya hinahanap Steph?”
“Ahmmm. Sara?? Pwede bang humingi ng pabor?”
“Sure. Ano yon?”
“Pwede ka bang mag set-up ng date sa amin ng kaibigan mo?”
“Ha? Bakit? Liligawan mo siya?”
“Parang ganon na nga” sagot nito “Kasi binusted niya ako nung isang araw eh. Hindi pa siya daw handa. Kaya liligawan ko siya ulit, baka sakali ay sasagutin niya na ako”
Napahinga ng malalim si Sara at parang nagseselos sa kwinento sa kanya ni Stephen. Pero wala naman siyang choice at sundin na lang ang pabor sa kanya.
“Sige. Payag na ako” at lumiwanag ang mukha ni Stephen “Pero hindi pa ako sure kung papayag siya na makapag-usap sa’yo ha? Pero I’ll do my best”
“Salamat, Sara. Ikaw talaga ang guardian angel ko” sabay hawak ni Stephen sa braso ni Sara bilang pasasalamat sa kanya pero napatingin ang dalaga sa kanyang braso at dumerecho ang kanyang tingin sa mga mata ng binata. Nahalata naman ito ni Stephen at kinuha na lang ang kanyang kamay sa braso “Sorry Sara”
“No, it’s okay. Wala namang malisya yun. Alam ko na si Sky ang gusto mo” sagot nito “Pero huwag kang mag-alala. Gagawin ko pa rin ang hinihingi mong pabor sa akin”
“Sige Sara. Salamat talaga ulit” dugtong ni Stephen “Alis na ako ha. Pasok na ako sa sunod kong klase” pagpaalam niya sa dalaga.
***
Samantala. Maaga nagising si Jeff para maghanda sa meeting nila kasama ang D&T Group of Companies. Nag-aayos ito ng kanyang sarili sa banyo nang pumasok si Don Rolando doon.
“So are you ready, José?”
“Oo Papá. Handang-handa na ako” ngiti ni Jeff sa kanyang ama-amahan.
“Good. Very good” tapik niya sa balikat ng kanyang anak “I know na makakaya mo ang paghaharap ninyo ng kapatid mo. Goodluck anak. And God bless”
“Thanks Papá” sagot ni Jeff “Hindi ko magagawa ito kung hindi sa tulong mo. Malaki talaga ang utang na loob ko sa’yo”
“You've grown into a handsome, young and very powerful man” papuri niya kay Jeff “Sigurado ako na maraming babae ang maghahabol sa’yo. Pero iba ang gusto mo… at nirerespeto ko yan. I will support your decisions anak. Andito lang ako para sa’yo”
“Muchas gracias en todo lo que dio, Papá”
“Huwag kang magpasalamat, anak. Ako dapat ang magpapasalamat sa’yo dahil nakilala kita at tinuring kitang tunay na anak” napaluha si Jeff sa sinabi ni Don Rolando at niyakap niya lang ito ng mahigpit “Sige na, José. Tama na ang drama natin. Umalis ka na at baka naghihintay na si Jean”
“Sige Papá” sagot ni Jeff.
Kaagad naman siya lumabas ng kanilang silid, bumaba ng elevator at lumabas ng hotel. Pagkatapos ay sumakay siya sa mamahalin nilang sasakyan at dumerecho kina Madam Jean.
***
Nang pagpasok niya sa loob ng gusali ay bigla siyang napapikit. Bigla niya kasi naalala ang mga alaala niya noon nung siya pa ang namumuno dito. Nung hindi pa ni Jean kinuha ang buong kumpanya niya.
Sakto din na nandoon si Gwen, ang Executive Assistant ni Jean at ang ispiya ni Jeff. Nagkabantay siya sa may pinto para sunduin siya sa kanyang pagdating. Dumerecho na lamang si Jeff sa may conference room habang nakabuntot sa kanya si Gwen.
“Good Morning, Mr. Hidalgo” bati ni Madam Jean sa kanya habang papasok siya ng silid.
“Buenos dias Señora Teng” ganti naman niya
“How’s your stay dito sa Pilipinas?” pekeng ngiti niya kay Jeff
“It’s good. Na-miss ko talaga ang klima dito sa Pilipinas” sagot ni Jeff “The food, the tourist spots, the weather”
“Well. Maybe you’re right” sagot ni Madam Jean “Pero aminin natin, iba pa rin ang hangin doon sa Espanya kumpara dito sa Pilipinas. Mabango, preska at walang polusyon”
“Hindi naman” pekeng ngiti din ni Jeff sa kanya
“Well. Tell me about yourself, Mr. Hidalgo” panimula niya “What’s your achievements? Background??” hindi pinansin ni Jeff ang mga tanong at ngumiti lang ito “Why are you laughing?? May problema ba sa tanong ko?”
“Wala naman” dugtong ni Jeff “Natatawa lang kasi ako dahil ikaw pa ang may ganang mag-interview sa akin. Hindi naman ako empleyado mo diba?”
“So ano ang masama doon?”
“Meron” sagot ni Jeff “Nandito ako sa gusali ninyo hindi para makipag-tsismisan sa buhay ko. I’m here because you want my investment sa kumpanya ninyo. Hindi ba?”
“I’m sorry, Mr. Hidalgo” sabat niya kay Jeff “Pasensiya na kung na-offend ka sa tanong ko. Interesado lang kasi ako sa buhay mo. Gusto ko lang kasi maging kaibigan kita”
“Well, not me. Hindi ako interesado para makipagkaibigan sa inyo. I’m just here for business”
“Sure” sagot ni Madam Jean “Let’s talk about business” at umupo muli siya sa kanyang upuan at inumpisahan na ang kanyang presentation.
Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na din ang kanilang meeting dalawa at nagdeisisyon si Jeff na umuwi na kaagad.
Samantala si Madam Jean naman ay nakatayo at parang nahimas-masan dahil natapos na ang kanilang usapan.
Kinuha niya ang kanyang telepono at parang may tatawagan ito. Kaagad naman sinagot sa kabilang linya ang tawag niya “Gwen… pumasok ka dito sa conference room. At bilisan mo”
Nang pagpasok ng kanyang Assistant sa silid ay sinara niya agad ang pintuan “Yes Madam? May kailangan po ba kayo??”
“Meron” sabay lapit niya kay Gwen
“Ano yun po, Madam?”
“Gusto ko mag-hire ka ng Private Investigator”
“Para saan po?”
“Para kay José Hidalgo” sagot ni Madam Jean “Parang nagdududa talaga ako sa pagkatao niya eh. Parang si Jeff talaga ang kinakaup ko kanina. At kung mag-ama nga sila, bakit hindi sila magkamukha? Chinito si José at ang ama niya naman ay hindi ”
“Sige po, Madam. Gagawin ko ang pinag-uutos mo”
“Salamat Gwen” dugtong niya “Gusto ko ang buong detalye ng nakaraan ni José Hidalgo. Mula sa pagkapanganak niya hanggang ngayon. Maliwanag??”
“Okay po, Madam. Maliwanag po”
“Very good, Gwen” sagot niya kay Gwen “Umalis ka na”
“Sige po"
***
Katatapos lang tumawag si Gwen sa kanyang totoong amo. Sinabi niya ang tungkol sa pag-iimbestiga sa kanya ni Madam Jean dahil nagdududa na ito sa kanyang pagkatao
“Exactly as I planned, Papá” sambit ni Jeff habang binababa niya ang kanyang telepono sa tenga niya “Marahil ngayon ay nababaliw na ang Jean na yon sa kakaisip kung sino talaga ako” habang nakangiti ito “Wala siya talagang ideya kung sino talaga ako. Ako nga ba si Jeff?? O kamukha lang. Poor Jean”
“So ano ang susunod mong plano, anak?”
“Let her make the next move” sagot niya kay Don Rolando “Hahayaan ko lang ang kabaliwan niya”
“Ano?? Hahayaan mo lang na mag-hire siya ng Private Investigator para sa’yo?” tanong sa kanya ng ama-amahan at parang nag-aalala ito “Baka makilala ka niya, anak”
“Of course, not. Hindi ko naman hahayaan yun. Ako ang bahala, Papá. Don’t worry” paniniguro niya “Gusto ko lang naman makipaglaro sa kanya”
“At paano ka naman nakakasiguro na hindi ka mabisto?”
“Three years ago, pinahukay ni Richard ang bangkay nasa libingan ko noon” kuwento ni Jeff “Gusto niya kasing ipa-DNA Test ang bangkay, dahil gusto niya siguraduhin na ako talaga iyon. Buti na lang na ay trinembre ako ni Ben na gagawin niya yon” sabay tango ni Don Rolando bilang pagsang-ayon sa ginawa ni Jeff.
“Mabuti naman ay naging maagap ka, anak” dugtong niya “Malaki talaga ang tulong ng mga galamay mo kay Jean”
“Tama ka Papá. Malaki talaga ang tulong nilang dalawa sa akin” pagsang-ayon ni Jeff “Hindi masasagawa ang mga plano natin kung hindi sa tulong nila”
“Oo nga pala, kamusta naman ang meeting mo kanina sa kanya?”
“Hmmm. Looks promising” dugtong ni Jeff “Actually, mas lumaki pa sila lalo dahil nagmerge na ang dalawang pinakamalaking kumpanya”
“Mukhang interesado ka offer nila, José”
“Opo. Interesado ako” sagot ni Jeff “Maybe its time na pasukin ko muli ang dati kong kumpanya”
“Well, as I said. Ikaw ang bahala sa maging desisyon mo”
“Oo naman po. Pero huwag muna sa ngayon. Pahihirapan ko muna ang Jean na yan” patuloy pa din ang pag-ngiti ni Jeff habang nagsasalita
***
“So, kamusta ang meeting mo kay Mr. Hidalgo, Jean?” panimula ni Richard habang kumakain silang apat ng hapunan.
“Pag-iisipan niya pa daw”
“What??!” sigaw niya sa harap ng hapagkainan “Bakit pa niya pag-iisipan?”
“I don’t know. Hindi niya naman sinabi sa akin ang rason niya”
“Then alamin mo ang rason niya” sabat sa asawa “Pinagkatiwalaan kita Jean. Ang paniwala ko ay makukuha na natin ang deal ng Hidalgo Breweries pero pumalpak ka na naman”
“Bakit ako parati ang sinisisi mo?” sabat niya din kay Richard “Ginagawa ko naman ang lahat ah”
“Pero hindi pa sapat ang ginagawa mo. Kulang pa. Tatahimik lang ako kapag nasa atin na ang deal nila” sabay tingin niya sa asawa “Pinapaalala kita, Jean. Alam mo naman ang mawawala sa’yo kapag hindi natuloy yan diba?”
“I know” sagot ni Madam Jean “Pero kasi nagdududa ako sa kanya eh”
“Bakit ka na naman ba nagdududa sa kanya? Wala namang ginagawang masama ang tao” sabi ni Richard
Tumingin naman si Madam Jean sa dalawang kabataan “Sky.. Mike. Umakyat na kayo sa mga silid ninyo. May pag-uusapan lang kaming importante ng Daddy ninyo”
“Pero Mom. Hindi pa kami tapos kumain” sagot naman ni Mike sa ina
“Ang sabi ko… UMAKYAT NA KAYO”
Kaagad naman tumayo ang dalawa at nagmamadaling umalis ng hapagkainan at umakyat sa kanilang mga silid. Iniwanan ang hindi pa natapos na pagkain.
“Bakit mo pa sila pinaakyat, Jean? Ano ba ang pag-uusapan natin?”
“It’s about Mr. Hidalgo”
“And what about him?” tanong muli ni Richard sa kanya “Ano ba ang ginawa niya sa’yo?”
Lumapit pa siya lalo sa kanyang asawa. Ginawa niya yon para hindi marinig ni Sky ang mga sasabihin niya “Malakas talaga ang kutob ko na si Jeff yon” bulong niya
“What??! For real, Jean?? Hindi ka pa ba nakapag-move-on sa kabaliwan mong yan??” sigaw ni Richard.
“Ssshhh. Tumahimik ka” saway niya sa asawa “Baka marinig ka ni Sky”
“No. Hindi ako tatahimik, okay? I can’t stand your insanity” patuloy pa din ang pagsigaw niya sa asawa “You better see a psychiatrist, Jean. Baliw ka na”
“Hindi ako baliw, Richard. Malakas talaga ang kutob ko na siya yon”
“Shut up. Okay? Ayaw ko nang marinig yan”
Tumayo si Richard sa kanyang upuan dahil hindi niya na talaga kaya ang kabaliwan ng kanyang asawa. Umakyat na lang ito at dumerecho sa kanilang silid.
‘Humanda ka sa akin, Richard. Papatunayan ko sa’yo na hindi ako nababaliw. Totoo ang mga sinasabi ko na si José Hidalgo at si Jeff ay iisa.At kung mapapatunayan ko talaga ay kakainin mo lahat ng mga sinasabi mo’ sambit niya sa kanyang sarili habang paakyat ng hagdanan ang asawa.
Itutuloy…
.