Chapter 11 (Ama-amahan)

2553 Words
Walong taon na ang nakakaraan… Habang papunta sa airport si Don Rolando pauwi sa España gamit ang kanyang sinasakyang limousine. May nakita siyang lalake na nakadapa sa daanan at walang malay. Nagtaka siya dahil wala ni isang tao ang pumansin sa kanya. Inutusan niya ang kanyang driver na itigil ang sasakyan. Bumaba silang dalawa ng kanyang driver at pinuntahan ang tao na nasa daan. Tinignan ng driver ang pulso ng tao para matukoy kung buhay pa ito. “Don Rolando” sambit ni Miguel “Buhay pa siya” “Hijo…” sabay tapik niya paulit-ulit sa balikat ng lalake “Nakatulog ka ata sa daan. Despertarse! Gumising ka…!” pero hindi kumibo ang batang lalake at tumingin siya sa dalawang lalaki na nakatambay sa gilid ng daan “Hindi n’yo ba nakita ang taong nasa harapan ninyo??!” “Pasensiya na po, Lolo. Kakarating lang namin eh” sagot ng isa “Wala akong pakialam!” sigaw niya sa mga lalaki “Mga inútil. Wala kayong awa sa taong ito. Kunin n’yo siya at ilagay sa sasakyan ko” hindi na lamang pinatulan ng mga lalaki si Don Rolando dahil matanda na ito subalit ay linapitan nga nila ang walang malay na lalaki at kinarga kaagad ito sa sasakyan katulad s autos ng matanda “Hijo… dadalhin ka namin sa ospital ha… Huwag kang bibitaw” Magkalipas ng ilang sandali ay nasa ospital na sila. Sinugod ang lalaki sa emergency room para malapatan ng paunang lunas. Samantala. Naghihintay si Don Rolando sa labas ng emergency room para sa resulta ng kalagayan ng lalake na nakita niya. Nag-aalala siya dito dahil naalala niya ang kanyang pamilya na kamamatay lang. Naalala niya ang kanyang anak na si José Hidalgo sa taong nasa loob ng emergency room. Marahil ay magkasing-edad sila ng kanyang anak. At ayaw niyang maging katulad sa nangyari sa anak niyang namatay. Ilang saglit lamang ay lumabas ang doktor. “Excuse me, Sir. Kamag-anak ka po ba niya?” “Hindi dok. Pero ako ang nakakita sa kanya” sagot ni Don Rolando sa doktor “Concerned citizen lang ako dahil nakita ko siya na nakadapa sa daan at matindi ang sikat ng araw kanina” “Well. It’s the right thing to do” sagot nito “Dok, kamusta na po ang bata?” tanong ni Don Rolando sa doktor na tila nag-aalala ito sa batang lalake. “He’s fine, Sir. Nawalan lang siya ng malay due to dehydration and stress” sagot naman ng doktor “Kinakailangan niya lang na magpahinga ng ilang araw dito para bumalik ang kanyang lakas” “Pwede na ba siyang kausapin ngayon,dok?” “As of now… huwag muna dahil nagpapahinga pa siya.” dugtong niya kay Don Rolando “Siguro kapag nagising na siya at nailipat na siya sa private room ay pwede na” “Sige dok. Gracias” “You’re welcome. Alis muna ako, Sir” Nauna ngang umalis ang doktor at naiwan si Don Rolando sa labas ng emergency room. Nagdesisyon siya na pumasok doon para tignan ang batang lalaki. Nadatnan niya nga na natutulog ng mahimbing at ayaw maistorbo. Nagulat lamang siya dahil may nagsalita sa kanyang tabi. “Don Rolando… aalis na ba tayo?” tanong ng kanyang driver. “Huwag muna, Miguel. Gusto kong hintayin na magising ang batang ‘to” sagot niya sa driver “Parang pamilyar ang kanyang mukha ah” Lumapit din naman ang driver sa nagpapahingang batang lalake. “I know. Kilala ko din siya” sagot ng matanda “Siya si Jeffrey Dy” “Ha?? E diba patay na si Jeffrey Dy tatlong taon na ang nakalipas? Nakita natin siya sa balita na binurol at inilibing na” “Oo. Alam ko” sagot ni Don Rolando “Kahit ako ay naguguluhan sa nakita ko ngayon. Pero sigurado ako na siya lang ang makakasagot ng totoong pangyayarikapag nagising na siya” sabay tingin niya sa natutulog na Jeff “Miguel… nagbago na ang isip ko. Ipagliban muna natin ang pagbabalik ko sa Espanya” “Bakit po?” “Baka may rason kung bakit nag-krus ang landas namin ni Jeffrey” Inilipat kinabukasan si Jeff sa private room para doon magpahinga ng ilang araw. Magkalipas nga ang dalawang araw ay nagising na ito. Takang-taka siya kung nasaan at kung bakit nakahiga ito sa kama ng ospital. “Nasaan ako…” sambit ni Jeff habang pilit niyang binabalik ang kanyang ulirat “May tao ba diyan…??!” Kaagad namang tumayo si Don Rolando sa kanyang inuupuan at lumapit sa nakahigang batang lalake. “Mabuti naman ay gising ka na…” sabay ngiti. “Don Rolando?? Ikaw ba yan?” tanong ni Jeff sa kanyang kausap “At bakit ako nandito sa ospital?” “Oo. Ako ito” pagkumpirma ni Don Rolando “Dinala kita dito dahil nakita kita na nakahandusay sa daanan…” kuwento niya kay Jeff “Ikaw si Jeffrey Dy diba?” “Opo. Ako nga” “Nakapagtataka lang kasi na buhay ka. Dahil ang balita noon ay namatay ka na” sambit ng matanda “Inilibing ka na. Ano ba ang nangyari sa’yo?” “Kahit ako ay nagtataka din, Don Rolando” sagot ni Jeff “Ang tanging naalala ko noon ay nakalabas ako sa warehouse, tapos hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin. Nagising lang ako sa isang bahay, kasama si Alvin” “Sino si Alvin?” “Si Alvin ay naging karelasyon ko noong ako pa ang namumuno sa Dy Group” kuwento niya habang inaalala ang mga pangyayari “He took advantage nung mahina ako. Pinaniwala niya na patay na din ang pamilya ko dahil pinasok ng mga masasamang tao ang mansyon ko. Pero hindi pala totoo yon. Niloko niya lang ako sa loob ng tatlong taon.Binuhay sa kasinunggalingan” “Paano mo naman nalaman na niloko ka niya?” “May tumawag sa kanyang telepono tapos sinagot ko” patuloy niya pagkuwento kay Don Rolando “Doon ko nalaman na buhay pala ang pamilya ko at at ang akala nila ay patay ako. Kaya umalis ako, tumakbo ng mabilis. Mabilis na mabilis hanggang mawala ako ng malay at natumba” “Iyon pala ang dahilan kung bakit kita nakita sa daan” dugtong naman niya “Teka lang… paano ka naman nakapunta sa warehouse? At ano ang ginagawa mo doon?” “Pinadakip ako… kasama ko si Riley, ang taong mahal ko” sagot ni Jeff “Hindi ko alam talaga kung sino ang nagpadakip sa amin noon. Hanggang sa tumawag nga ang taong yon kay Alvin. Nalaman ko na kung sino ang nag-utos” “Sino?” “Si Jeanette Dy-Teng” sabat niya “Ang magaling kong kapatid sa ama” “Ano?? Siya??” at tumango si Jeff bilang sagot sa tanong ng isa “Magkapatid pala kayo??” “Oo. Magkapatid kami” “Pero bakit niya nagawa yon sa’yo?? Kapatid ka niya” “Walang pinipili si Jean na tao niyang kakalabanin, Don Rolando. Lalung-lalo na kapag pera na ang pinag-uusapan. Gagawin niya lahat para mapasakanya ang buong yaman ng aming pamilya. Kaya ginawa niya sa akin noon. Plinano niya lahat” kuwento niya habang nanginginig sa galit “Kaya ngayon, andito ako sa ospital dahil sa kagagawan niya” sabay tulo ng luha ni Jeff habang binabalik ang mga nangyari sa kanya “Napakasakit talaga. Parang ayaw ko nang mabuhay. Sana namatay na lang ako” “Jeff. Huwag kang magsabi ng ganyan” sambit ni Don Rolando “May dahilan ang Diyos kung bakit ka pa nabuhay at nagkita tayo. Kaya tumayo ka mula sa pagkakadapa at linisin mo ang sugat na sanhi ng pagkadapa mo dahil tutulungan kita sa muling pagbangon mo. Tutulungan kita na bawiin muli sa kapatid mo ang dapat sa’yo” “Salamat, Don Rolando” ngiti ni Jeff na may halong iyak sa mga mata “Salamat talaga” Magkalipas ang ilang mga araw sa ospital ay gumaling na nga si Jeff. Sinama siya ni Don Rolando sa Espanya at itinuring na sariling anak. Pinalitan nila ang pangalan ni Jeff sa José Hidalgo (ang pangalan ng kanyang anak) para pruweba na legal na anak niya na ang taong dinala niya sa kanyang lugar. Pinag-aral muli ni Don Rolando si Jeff sa isa sa mga pinaktanyag na Unibersidad sa Espanya para lumawakpa lalo ang kanyang kaalaman sa pamumuno ng bago niyang negosyo na alak.Hindi naman siya binigo nito dahil nagtapos siya bilang c*m Laude sa kanyang kinuha na kurso. *** Pagkatapos ng ilang taong paghahanda at pag-aaral ni Jeff, handa na talaga siya na bumalik sa Pilipinas. Handa na siya na muling balikan ang mga masasakit na mga alaala niya noon. Nakatayo si Jeff habang umiinom ng alak at nakatitig sa labas ng bintana. Nakatingin ito sa malayo at parang may iniisip na malalim. “Bakit ang lalim ng iniisip mo, José?” sulpot ni Don Rolando at tumayo sa tabi nito “May problema ka ba?” “Wala naman Papá” “Hindi ka pa ba handa sa pagbabalik mo sa Pilipinas?” “Sa totoo lang?? Oo Papá. Kinakabahan ako sa pagbabalik ko” buntong-hininga ni Jeff “Paano kung mabigo ako sa plano ko? Paano kung matatalo ulit ako?” Ipinatong ni Don Rolando ang kanyang kamay sa balikat ng anak “Alam mo, una pa lang kita nakita noon sa conference room na mag-isa at habang nagprepresent ng inyong negosyo. Alam ko na matalino kang bata, pero hindi lang kita binigyan ng pagkakataon noon sa deal dahil gusto ko pang makita kung ano pa ang makakaya mo” “Pero sumuko na ako nun diba??” “Oo. Alam ko. Inaamin ko na sumama ang loob ko sa’yo noon” sagot ni Don Rolando “Sumama kasi inutusan mo pa mag-ispiya ang mga tauhan mo sa meeting namin ni Mrs. Teng” “Ano?? Ispiya?” ulit ni Jeff. Hindi niya talaga alam ang sinasabi ng kanyang ama-amahan “Wala akong inutusan, Papá. Kung ano man ang ginawa nila noon ay hindi ko na alam kasi hindi na nila ako sinali sa mga plano nila dahil nga nabigo ako sa pagkuha ng deal mo” “Ganon ba, anak?” sagot niya kay Jeff “Hindi ko alam yun. Lo siento” “Huwag ka nang humingi ng pasensiya Papá. Ang importante ay alam na natin kung ano ang tunay na nangyari…. At handa na ako sa pagbabalik ko” “Mabuti naman kung ganon, José” dugtong niya sa anak “Mauna ka na dun at susunod lang ako. Pagkadating mo doon ay kaagad mong isagawa ang pauna mong plano” “I will Papá. Gagawin ko talaga yun. Sisiguraduhin ko na babagsak ang Jean na yan” *** Sa kasalukuyan. Dumating na sina Jeff at Don Rolando sa hotel na kung saan doon siya nakatira. Habang papasok ng silid ay hinarangan siya ni Nathan sa pintuan. Nakita naman ito ng kanyang ama-amahan. “José. Sino yan?” “Ahmm. Pasensiya po, Papá” sagot ni Jeff “Siya po si Riley, ang ex ko. Yung kwinento ko sa inyo” Napasulyap naman ang matanda kay Nathan habang sinusuri niya ng mabuti ito. “Ikaw pala yun.” “Opo. Nice meeting with you po” sabay abot ng kamay ni Nathan sa kanya para makipagkamay dito. Tinignan niya lamang kamay ni Nathan “Pwede ba kaming pumasok sa silid namin?” sagot niya “Kanina pa kami nakatayo” “Ayy. Sorry po” sabay alis ni Nathan sa may pintuan. Binuksan naman ni Jeff ang pinto at pinauna niya pumasok ang kanyang ama-amahan na si Don Rolando. Gusto niya pa kasing makausap si Nathan sa labas ng silid. “Bakit ka na naman ba nandito??” tanong ni Jeff sa kanya na parang nakukulitan sa kanya “Diba sinabi ko sa’yo kahapon na huwag ka nang pumunta dito kasi darating na si Papá. Ang tigas talaga ng ulo mo” “Gusto lang naman kita makita, Jeff” sagot ni Nathan sa kanya “Mahirap ba intindihin yon? Alam ko naman ang mga plano ninyo diba? Kaya pwede na akong magbisita dito kahit kalian” “Oo alam ko yon. Pero hindi pa ako nagpapaalam kay Papá” dahilan ni Jeff “Baka magalit siya” “E ako ang magpapaalam. Problema ba yun??” “Huwag muna, okay? Ako na lang ang magpapaalam sa kanya” “Sige” buntong-hininga ni Nathan “E paano ang nanay mo?? Kailan ka ba magpapakita sa kanya?” “Siguro isa sa mga araw na ‘to” sagot niya “Ang bilin ko sa’yo, Riley. Huwag na huwag mong sasabihin kay nanay na buhay ako” “Oo. Alam ko. Kahit nahihirapan ako magtago at magsinunggaling kay nanay” “José!! Bakit hindi ka pa pumasok??! Llegar!” sigaw ni Don Rolando sa loob ng silid. Napatingin naman ang dalawa sa narinig nilang sigaw “Narinig mo yon?? Pinapasok niya na ako. Umalis ka na, Riley. Sa susunod ka lang dito pumunta. Magpapaalam muna ako sa kanya” “Sige. Aalis na ako. Pero sa isang kondisyon” “Ano yun??” “Saan ang kiss ko??” “Kiss talaga?? Umalis ka na. okay?” “Naku. Sungit mo na talaga” sabay talikod ni Nathan kay Jeff “Basta babalik na lang ako dito ha” Binantayan siya ni Jeff hanggang sa pagpasok niya ng elevator para makasiguro na bababa na talaga ito. Nang makita niya na sumira na ang pinto ng elevator kaagad siyang pumasok sa kanilang silid. Habang papasok siya ay nadatnan niya si Don Rolando na nakaupo at nakatingin sa kanya. “So, siya pala ang tao na sinabi mo na mahal mo??” “Opo Papá” sagot ni Jeff habang umuupo sa tabi ng matanda “Bakit po??” “Wala naman, anak. Mabuti ay nakilala ko na ang taong nagpapatibok sa puso mo at ang dahilan kung bakit ka pa buhay ngayon” abot tengang pag-ngiti ni Jeff “May tanong ako sa’yo, José” “Ano yun, Papá?” “Mahal mo pa rin ba siya?” napatingin na lamang siya sa matanda. Parang hindi alam ang kanyang sasagutin “Magsabi ka ng totoo” “Opo Papá. Mahal ko pa rin siya” sabay yuko ni Jeff. Kinakabahan kasi ito baka magalit ang kanyang Papá sa kanya. Pero iba ang naging reaksyon ni Don Rolando. Napangiti ito sa kanyang narinig at nagagalak sa pag-amin ni Jeff “Mabuti kung ganon” “Po? Hindi ka galit Papá?” “No. At bakit naman ako magagalit kung iyan ang dahilan ng kaligayahan mo?” sagot ni Don Rolando “Sa loob ng walong taon na andoon tayo sa Espanya ay hindi ko pa nakikita ang mukhang yan. Puno ng kaligayahan at pag-ibig. Nagpapasalamat ako sa kanya na kahit nasa gitna ka ng galit ay nandoon siya at nagpapadama sa’yo ng tunay na pagmamahal” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD