Chapter 16 (The Confrontation)

2688 Words
Kinabukasan. Maagang nagising at nagbihis si Jeff para mag-grocery sa kalapit na store. Mapapaalam sana siya kay Don Rolando pero nakita niya na tulog pa ito. Nagdesisyon na lamang siya na lumabas na lang at dumerecho sa elevator. Nang pagkalabas niya sa elevator sa ground floor ay napahinto siya sa kanyang nakita. “Jeff…” bati ni Cindy sa kanya pero hindi niya pinansin ito. Lumakad na lang siya na parang hindi nakita ang babae. Kinakabahan dahil paano siya natunton ni Cindy. Pero pinigilan ni Cindy si Jeff sa pamamagitan ng paghawak niya sa kamay nito. “Excuse me, Miss? Kilala ba kita?” pagpapanggap ni Jeff. “Hindi mo na ba ako nakikilala?” sagot naman niya “O baka nahihiya ka lang sa ginagawa mo sa asawa ko” “I’m sorry. Hindi ko alam ang sinasabi mo” sabay tingin niya sa kanyang kamay na hinahawakan ni Cindy “If could you please? Bitawan mo ako?” at binitawan nga niya ang kamay nito “Salamat. I need to go” “Tigilan mo na nga ang arte na yan” “Excuse me…??” balik ni Jeff “Alam ko na kilala mo ako. Kaya huwag ka nang magpanggap na hindi mo ako kilala” “Sorry pero hindi talaga kita kilala” “Talaga?? Gusto mo ba na magpakilala ako?” “Sure. Kung iyan ang gusto mo” “Ako si Cindy Rodgers. Asawa ni Nathan Rodgers” “Ahh. Okay. Nice to meet you, Mrs. Rodgers” Napatitig lang si Cindy sa tao sa kanyang harapan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari kay Jeff. Kung bakit hindi siya naalala “Hindi mo ba talaga ako naaalala?” “Sorry ulit. Pero hindi talaga kita kilala” “Ikaw si Jeff, right?” “Jeff..?” sabay tawa niya “Sorry pero hindi ako si Jeff. I’m José Hidalgo” “Really??” “Yup” Napataas siya ng kilay dahil baka nagsisinunggaling lang ito. “By the way, meron akong tanong sa’yo” “Sure. Ano yon?” “Kilala mo ba si Joyce Dy?” “Joyce Dy?” ulit ni Jeff at napalunok siya ng kanyang laway “Hindi eh. Bakit naman?” “Kasi may nakakita sa kanya na pumasok sa kwarto mo” “Ano? Hindi ko alam yon” “Oo. Hindi mo ba talaga siya kilala, Jeff?” at napalaki ang mata ni Jeff dahil nalaman niya na dumating dito kahapon ang kanyang ina “Si Joyce yun. O baka nakalimutan mo din ang nanay mo” Wala nang magagawa at maisip si Jeff na palusot kundi aminin niya na lang ito. Lumapit ang ulo niya sa mukha ng babae “What do you want ba? Bakit ka nagpakita dito sa akin??” “Gusto ko lang naman magkuwentuhan tayo, Jeff” sagot ni Cindy “Sorry. Pero busy ako ngayon. Magogrocery pa ako” “Kahit one hour lang?? Gusto lang kita makausap” pekeng ngiti niya kay Jeff. “Sige. Doon tayo sa dining ng hotel” Pumunta sila sa dining area ng hotel para doon kumain. Habang naghihintay ng kanilang inorder ay nagtinginan sina Cindy at Jeff. “So Jeff. Kamusta ka na??” “Well. I’m fine” tipid na sagot niya “Hmmm. That’s good” ganti din niya “Ano ba ang drama mo na nagpapanggap ka pa na walang naalala kanina?” “Wala lang. As you have said. Isang drama lang” Napangiti ulit si Cindy sa kanya pero hindi ginantihan ang kanyang ngiti dahil kinakabahan na ito. “Parang walang nagbago sa’yo noh? Hindi pa rin nagbabago ang mukha mo” at tinignan niya ang buong itsura ni Jeff “At parang mayaman ka pa rin ha? Parang mamahalin kasi ang suot mo” “Salamat” tanging sagot ni Jeff “Pero hindi ito mamahalin. Binili ko lang ito sa ukay-ukay” “Talaga…? Ukay-ukay?? Hindi ako naniniwala” sagot ni Cindy “Naka-check-in ka dito sa isang mamahaling hotel tapos ukay-ukay lang yan?” “Oo nga. Totoo ang sinasabi ko” “Hindi halata na ukay-ukay ha?? Parang bago lang” “Oo nga eh. Nakakatipid pa” “Oo nga. Katulad din yan sa ibang tao” sabay tingin kay Jeff “Yung inaakala mo na mabait, magandang mukha at parang yayamanin. Yun pala ay, napakamura lang. Isang cheap na tao dahil nang-aagaw ng asawa” pero hindi umimik si Jeff at nakatingin pa rin ng derecho sa kanya “Teka, matanong ko lang…” panimula ni Cindy sa kanilang pag-uusapan “Diba namatay ka na noon??” “Hindi ko yon alam” “Talaga lang ha?? Sagutin mo naman ako ng derecho, ito naman. Parang wala tayong pinagsamahan eh” “Hindi ko talaga alam. Pasensiya na” habang kumakabog ang dibdib ni Jeff “Ganon?? Kasi nagtataka ako eh” dugtong ni Cindy “Naisip ko lang ha. Baka nabuhay ka ulit kasi kahit sa langit o kahit sa impyerno , hind nila matatanggap doon ang kaluluwa mo. Dahil sa pagkatao mo. Ang saklap naman” “Cindy… Kung iinsultuhin mo lang naman ako. Please. Itigil na natin ‘to. I have no time for this.” Kaagad namang tumayo si Jeff pero hinawakan ni Cindy ang kanyang kamay “No…sorry… nagbibiro lang ako” sabay ngiti niya “Ikaw naman… masyado kang sensitive.” dugtong ni Cindy “Hindi pa nga tayo kumakain oh” Bumalik naman siya sa kanyang upuan at tumingin muli kay Cindy. Gusto niyang ibuka ang kanyang bibig para hindi mahalata ng isa na kinakabahan siya. “E ikaw?” “Anong ako?” “Kamusta ka na?” “Well. Obviously, we are happily married with my husband” sabay pakita niya sa daliri niya na may singsing “Dalawa na angaming anak” “Good for you guys. At masaya ako para sa inyo” “I know, right??” sagot ni Cindy “Masaya talaga kami nina Nathan at dalawang anak ko. Masaya kaming pamilya. We are one BIG and HAPPY FAMILY. At kung meron mang magtatangka MULI na sirain ang pamilya ko, patawarin lang ako ng Diyos sa gagawin ko sa kanya” panlilisik ng mga mata niya kay Jeff. “Baka mapatay ko siya” Napalunok na lamang si Jeff dahil alam niya na siya ang pinatatamaan ni Cindy “I know that. May karapatan ka na protektahin ang pamilya mo” “Good” dugtong ni Cindy “Mabuti naman kung alam mo. Meron ulit akong tanong” “Ano yon?” “Ba’t ka pa ba nabuhay?? “ “Excuse me..??” “I mean, sino naman ang hindi makapag-akala na pagkalipas ang labing isang taon ay mabubuhay ang isang tulad mo diba?” hindi makasalita si Jeff sa sinsabi ni Cindy sa kanya. “Diba kinasal kayo ni Nathan nung araw ng libing mo?” “Hindi ko rin alam yun.” tanging sagot ni Jeff “Sigurado ka?? Kasi ikinasal kayo. Nakita ko na may inilagay na singsing ang asawa ko sa daliri mo…” “Hindi ko talaga alam yun. Sorry” paniniguro ni Jeff “…at kung ikinasal nga kami. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil pinatunayan niya na mahal na mahal niya ako hanggang sa kamatayan” Tila uminit ang tenga ni Cindy sa kanyang narinig kay Jeff “E paano yun?? Lalake ka… at lalake din siya?” sambit ni Cindy “Ano naman masama dun…?” “Meron… Teka, nagsisimba ka ba?” “Oo. Minsan.” “Minsan” ulit niya “Kaya pala hindi mo alam ang laman ng Bibliya. Nakalagay kasi dun na karumal-dumal ang magsama ang lalake sa lalake at babae sa babae. Especially makipagsex ang kapwa lalake o babae sa isa’t-isa. Yuck! Mas masahol pa sa hayup yun. Ang hayop nga, alam nila kung ano ang lalake sa babae” “Parang narinig ko na yan” “Exactly… kasi nga… Masama” “What’s your point ba, Cindy?” “Wala naman. Sinasabi ko lang naman yung katotohanan na ang lalake ay para sa babae at ang babae ay para sa lalake.” “Ahh. Okay” sambit ni Jeff “Tapos ka na? Iyon lang ba ang itatanong mo sa akin?” “Hindi pa. Hindi pa ako tapos” sagot ni Cindy “Actually, nagsisimula pa lang ako… Lalung-lalo na ngayon na alam ko na buhay ka. Sa totoo lang, naiinis ako ngayon sa’yo. Kumukulo ang dugo ko ngayon dahil buhay ka at nagbabalik sa buhay ni Nathan.” “Cindy. Its been 11 years na ang nakalipas. Hindi ka pa ba nakapagmove-on?” “Move-on?” ulit ni Cindy “Paano ako makapagmove-on kung parati siya pumupunta dito sa hotel room mo?” habang tumataas ang kanyang boses “Ang kinaiinisan ko sa lahat ay yung tumitira patalikod ang tao sa akin. Buti na lang at narinig ng anak ko na si Stephen ang usapan ng ina mo at ni Nathan na pupunta kayo dito. Kaya sinundan niya kayo” walang imik si Jeff sa mga narinig niya. Hindi niya talaga alam na may nakasunod kina Nathan kahapon “Ano?? Bakit natahimik ka?? Totoo diba?? Na may relasyon na naman kayo ng asawa ko??!!” “Wala kaming relasyon, okay? Magkaibigan lang kami” “Sinunggaling. Huling-huli ka na nga, magpapalusot ka pa” sabat niya kay Jeff “Magsabi ka na lang totoo!!” habang nakatingin ang mga tao sa kanila dahil sa sigaw ni Cindy. Pero pinili ni Jeff na kumalma sa mga sigaw sa kanya ni Cindy “Kung ayaw mong maniwala, ikaw na ang bahala. Pero magkaibigan lang talaga kami ng asawa mo” sabay tayo ni Jeff sa upuan “It’s been a pleasure to talk with you, Cindy. Aalis na ako” Lumakad palabas si Jeff sa dining ng hotel at pumunta nga sa kalapit na grocery store. Samantala, sakto din na dumating ang pagkain na kanilang inorder pero hindi na lang kinain ni Cindy at binayaran na lang. Hindi pa rin maalis ang mga tingin ng mga tao sa kanya. Dahil sa kanyang pag-iskandalo. *** Pagkatapos mag-grocery ni Jeff ay kaagad siyang bumalik sa kanyang kwarto sa hotel. Nagmamadali at parang kinakabahan baka may makakita muli sa kanya. Nang pagpasok niya sa silid ay nahalata ng kanyang ama-amahan na tila kinakabahan ito dahil pabalik-balik siya. “Anak. What’s wrong?” “Papá. I think we have a problem” sambit ni Jeff habang palapit siya kay Don Rolando “Ano yon, anak?” “Kilala na ako ni Cindy. Alam niya na ako si Jeff” sagot niya “Nagkita kami kanina sa baba” “Ano?? At sino si Cindy?” “Asawa siya ni Riley. Isang insecure at desperadang babae na pinikot si Riley para magpakasal silang dalawa” “Ganon?? E ano naman kung alam niya na ikaw si Jeff?” “Papá…. Kung alam niya ang tunay kong pagkatao, sigurado ako na ipagtsimisan niya ako sa kaibigan niya tapos kakalat ng kakalat hanggang aabot kay Jean” paliwanag niya dito “At kung malalaman niya yon, masisira lahat ng mga plano natin laban sa kanya” Napabuntong-hininga na lamang si Don Rolando sa paliwanag sa kanya ng anak. “Teka lang muna, paano niya nalaman na dito ka naka-check-in?” “Nakasunod pala kahapon ang anak nila na si Stephen kina nanay dito. Kaya nalaman ni Cindy ang lugar na ‘to” kuwento ni Jeff “Narinig daw niya na nag-uusap sina Riley at nanay na buhay ako” “Naku. Malaking problema yan anak” “Malaki talaga Papá” “E anong plano mo para manahimik si Cindy?” “Hindi ko pa alam, Papá” sagot ni Jeff “Naguguluhan pa ako ngayon. Ang tanging magagaw ko lang ay huwag munang papuntahan dito sina nanay at Riley para lumamig ang sitwasyon” “Sige anak. Mabuting ideya yan” sabay tapik sa balikat ni Jeff “Huwag kang magalala anak. Hindi maging sagabal si Cindy sa mga plano mo” “Sana nga po, Papá. Kinakabahan ako baka maulit na naman ang nangyari sa akin noon” “Hinding-hindi na mangyayari yon dahil nandito na ako, José” “Salamat ulit, Papá” *** Habang nagsasalita ang guro sa harapan ay hindi makapag-isip ng maayos si Sky sa kanilang leksyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin matanggap na ayaw na siyang kausapin ni Stephen. Pinagsisihan niya na sinagot niya na sana noon ang binata. Siguro ay hindi ganito ang kanilang kapalaran na dalawa. “Friend” kalabit ni Sara “Bakit friend?” “Okay ka lang ba?” tumango lang si Sky bilang sagot “Parang hindi eh. Tungkol ba ‘to kahapon?” “Oo” tanging sagot ni Sky “Friend naman” tapik niya sa likod ng kaibigan “Huwag mo na siyang isipin. Hindi ka makapag-concentrate sa pag-aaral mo oh” “Sorry friend. Nasasaktan lang kasi ako eh” sambit ni Sky “Ganon lang pala kadali sa kanya na kalimutan ako ng ganon-ganon lang. Hindi niya pala ako kayang ipaglaban” sabay iyak ni Sky. “Ssshhhh. Huwag ka nang umiyak, friend. Baka makita tayo ni Prof. Mapagalitan lang tayo” dugtong naman niya sa iyak ng kaibigan “Kalimutan mo na lang ang Stephen na yan, okay?? Hindi na nakabubuti sa’yo. Hayaan mo kapag nakita ko siya, aawayin ko talaga yan” “Miss Dy and Miss Pareño” tawag ng kanilang guro sa kanila “Meron ba kayong gustong i-share for the whole class?” “Wala po, Sir” sagot naman ni Sara “Then, listen. Malapit na ang exam day. So dapat makinig kayo ng mabuti dahil ito ang lalabas sa test” “Yes Sir. Sorry ulit” “You should be” Tumahimik na lamang sila at nakinig sa kanilang guro na nagsasalita sa harapan. Pero hindi pa rin maalis ang lungkot sa mukha ni Sky. *** Dakong alas-singko ng hapon ay dumalaw ang abugado ni Jeff na si Atty. Dimaguiba sa kanilang tinitirhan. Pag-uusapan nila ang tungkol sa pagbawi niya ng Dy Group of Companies mula kay Madam Jean. “It’s been a long time na hindi kita nakita, Mr. Dy” sambit ng kanyang abugado “Ang akala ko ay patay ka na talaga” “Well. Siguro mahal ako ng Diyos kaya binuhay pa niya ako para mapanagutin ang mga tao na gumawa sa akin nito” sagot ni Jeff “Pero hindi na ako si Mr. Dy. Ako na ngayon si José Hidalgo” “I know that, Sir. Nasanay lang kasi ako na tinatawag kita sa dati mong pangalan” “It’s okay, Atty” dugtong ni Jeff “So… meron bang possibilities na makukuha ko ang dapat na sa akin?” Matagal ang pagtahimik ng abugado bago niyang masagot ang tanong ni Jeff sa kanya “I’m afraid na mahihirapan kang mabawi ang Dy Group of Companies, Sir” “What??!!” sigaw ni Jeff “But why?? Andito na ako, Atty. And in the first place, hindi valid ang pagpaalis nila sa akin noon. Ano ba ang problema doon?” “Maybe you’re right, Sir. Andito ka na nga pero hindi na bilang si Jeffrey Dy” paliwanag ng abugado sa kanya “Technically, Jeffrey Dy died 11 years ago ng dahil sa pagkasunog. At iyon ang dahilan kung bakit hindi mo mababawi ang lahat na dapat sa’yo dahil ikaw na si José Hidalgo ngayon” Napangaga na lamang si Jeff sa balita sa kanya ng abugado.Wala na nga bang pag-asa na mababawi niya? Kung gayon ay sayang lang pala ang kanyang pagbabalik. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD