Chapter 17 (Bisto)

2626 Words
Hindi makapaniwala sa narinig niyang balita mula sa kanyang abugado. Wala na nga bang pag-asa na mababawi niya? Kung gayon ay sayang lang pala ang kanyang pagbabalik. “I’m sorry, Sir” sambit ni Atty. Dimaguiba “Wala na bang ibang paraan, Atty?” “Actually, you have one and only option” “And what is that?” “Ang anak mo. Si Sky” sagot niya kay Jeff “Bakit si Sky?” “Remember your Last Will and Testament na ginawa mo noon as Jeffrey Dy?” at tumango si Jeff bilang sagot “Diba ang nakalagay doon ay malilipat ang lahat-lahat ng mga ari-arian mo na si Sabrina Kate Ysabelle Dy, oras nang pagtungtong niya sa legal na edad” “Tama ka, Atty. Pero andoon si Sky nakatira sa kina Jean” sabat ni Jeff “Siya na ngayon ang legal guardian ng anak ko. May karapatan siyang i-angkin ang yaman na ipamamana ko sa anak ko” “Yes, you’re right. Pero nasa kanya pa rin ang buong karapatan sa oras tutungtong na siya sa legal na edad” paliwanag ng abugado “Desisyon niya ang lahat-lahat sa negosyo” “Pero alam ko natutulungan at tuturuan siya ni Jean kung paano magpatakbo ng negosyo dahil wala pa siyang alam” dugtong ni Jeff “Oo. Pero posible din na ikaw ang magtuturo sa anak mo” “Paano?” “Magpakita at magpakilala ka na sa kanya na buhay ka” payo niya kay Jeff “Bago pa mahuli ang lahat” “Marami na ang mga masasamang sinabi si Jean laban sa akin” sambit ni Jeff “Baka hindi na maniwala sa akin ang anak ko” “Exactly, my point. Kaya nga magpakilala ka na habang maaga pa. May I remind you Mr. Hidalgo, malapit na ang kaarawan ng anak mo” paalala niya “Kaya baka tuluyan nang mabilog ni Jean ang anak mo at lalaruin sa kanyang palad” “Tama ka, Atty. Magpapakita na ako kay Sky” pagsang-ayon ni Jeff sa payo ng kanyang abugado “Wala na ba iba pang paraan maliban sa anak ko?” “Mabuti yan, Sir” dugtong naman niya “May gusto pa po ba kayong malaman?” “Wala na Atty.. Pwede ka nang umalis” “Sige po. Salamat ulit” *** Nakaupo si Sky sa kanyang kama, malungkot at nakatitig sa sahig na hindi gumagalaw ang talukap ng mata. Hanggang ngayon ay dinidibdib niya pa rin ang ginawa ni Stephen sa kanya. Wala naman siyang taong malapitan at makuwentuhan tungkol sa kanyang dinadamdam ngayon. Si Sara lamang ang kanyang mapagkuwentuhan ng problema niya. Hindi naman siya makapagkuwento sa kanyang Tita-Mommy dahil parang may problema din ito. Naghiwalay na kasi silang mag-asawa at umalis na sa mansyon ang Tito-Daddy niya. Kaya wala ito sa kanyang sarili. Si Mike naman na kanyang pinsan ay may sariling mundo. Minsan lang umuuwi sa mansyon at kung andiyan naman ay may kasama parating babae sa kwarto. “Kung buhay lang siguro si Papa ay hindi ako maging malungkot ng ganito” sambit ni Sky “Nahihiya naman ako kay Nanay-La na parati ako sa kanya. Nakukulitan na siya siguro sa akin” sabay pagtulo ng kanyang luha “Papa?? Sana buhay ka na lang. Kailangan ko ng yakap mo. Kailangan pa kita” nagulat siya dahil may kumatok sa pintuan ng kanyang silid “Pasok” sigaw nito. Bumukas at nakita ni Sky kung sino ang taong kumatok. “Sky..?? Kamusta ka na?” “Okay lang po ako, Tita-Mommy” Pumasok si Madam Jean sa silid ni Sky at umupo sa kanyang tabi “Parang hindi eh. Narinig ko kasi ang iyak mo sa labas. Hindi ko naman sinasadya na marinig ko iyon. Pasensiya na, Sky” “Okay lang po yon, Tita-Mommy” “So may problema ka ba, Sky?” mahinahong tanong niya kay Sky “Wala po” “Sky…” sabay hawak sa kamay ng dalaga “Kung ano man ang problema mo ay sabihin mo sa akin. Andito ako para pakinggan ang problema mo at tutulungan kita hanggang sa makakaya ko” “Salamat po, Tita-Mommy” ngiti niya kay Madam Jean “Sige na, Sky. Sabihin mo na sa akin” “Baka magalit po kayo sa sasabihin ko, Tita-Mommy” “Bakit naman ako magagalit? Tungkol ba ‘to sa mga ‘boys’?” at tumango si Sky sa tanong niya “Naku Sky. Hindi ako magagalit, trust me. Babae din ako at napagdaanan ko na yan” Doon huminga ng malalim ang dalaga dahil sasabihin niya na ito “Tungkol po ito sa isang lalaki. Matagal na daw po siyang may gusto sa akin at noong isang araw niya lang sinabi sa akin na may gusto siya sa akin” “Tapos? Sinagot mo?” “Hindi po. Pero sa totoo lang, Tita-Mommy. Gusto ko din siya” “E bakit hindi mo siya sinagot?” “Baka kasi magalit ang magulang niya tapos magagalit si Nanay-La at lalung-lalo na ikaw, Tita-Mommy” kuwento niya kay Madam Jean “Ayaw ko naman maging pasaway sa inyo” “Ano ka ba..? Normal lang naman na magkagusto ka dahil dalaga ka na” sambit ni Madam Jean sa kanya “Hindi naman ako magagalit kapag magka-boyfriend ka. Naiintindihan naman kita. Pero baka si Nanay-La mo ang magagalit” “Oo nga po eh. Yun ang kinatatakot ko” “Pero ang sabi ko sa’yo. Iba ako Sky. Mauunawain ako lalung-lalo na sa larangan ng pag-ibig” at doon nalungkot ang mukha ni Madam Jean “Tita-Mommy?? Bakit po?” “Wala Sky. Naalala ko lang ang Tito-Daddy mo” sagot niya “Oo nga po pala, Tita-Mommy. Ano ba talaga ang nangyari sa inyo?” “Mahirap ipaliwanag Sky eh” dugtong ni Madam Jean “Hindi lang kami nagkakaunawaan ng Tito-Daddy mo. Kaya mas pinili niya na umalis muna dito sa mansyon” “Ganon po ba? Huwag po kayong mag-alala, Tita-Mommy. Magiging okay din po kayo” “Salamat Sky. Napakabait mo talagang bata” *** Maagang umuwi si Nathan sa kanilang bahay. Ayaw niya kasing pagdududahan pa siya ulit ng kanyang asawa na may iba na naman. Nang pagpasok niya sa kanilang bahay at kaagad sinalubong siya ng asawa ng isang malakas na palakpak. “Wow… infairnes. Maaga kang umuwi” “Bakit na naman ba? Masama naman na maaga akong umuwi?” “Hindi naman. Masaya lang ako mahal kong asawa” ngiti ni Cindy “Ano na naman ba ‘to, Cindy?” “Ano?? May problema ba sa sinabi ko?” sagot niya “Masaya lang ako dahil andito ka na” “Okay” tanging sagot nito at kaagad umalis sa harapan niya. “Nakipagkita ako kanina kay Jeff. Nagkausap kami” Napatigil si Nathan sa sinabi ni Cindy sa kanyang likuran. Nabigla ito dahil nalaman niya na buhay si Jeff. “Ano??” at lumingon muli ito sa asawa. “Hindi mo ba ako narinig?” dugtong ni Cindy “Ang sabi ko, nagkita kami kanina ng kabet mo” “Baliw ka na ba?” balik niya sa asawa “Patay na si Jeff. Kaya huwag mo siyang gawing rason sa kapraningan mo” “Totoo ang sinasabi ko. Alam mo na nagsasabi ako ng totoo” “Ganon?? E paano naman ako maniniwala sa’yo kung totoo nga ang sinasabi mo? May pruweba ka ba? At saan naman kayo nag-usap? At paano mo mapatunayan na buhay siya?” “Dahil si Stephen mismo ang nakakita sa inyo” balik ng asawa “Nakita niya kayo na pumasok at lumabas sa hotel room na kung saan naninirahan si Jeff” napalaki din ang mga mata ni Nathan dahil nabisto na sila ng asawa at kanyang anak. “Namumutla ka ata, Nathan. Gulat ka noh?” Walang magawa si Nathan kundi aminin na lang sa kanyang asawa ang katotohanan. “Cindy. Sorry” sabay lapit niya sa kanyang asawa “Inaamin ko na. Patawarin mo ako” “Wow.. So inaamin mo na ngayon, Nathan?? Nagulat ako dun ha” “Please. Huwag ka namang ganyan. Patawarin mo na ako” “Sa tingin mo ba ay mapapatawad kita ng ganon lang kabilis??” balik sa kanya ng asawa “Hindi..! Manigas ka Nathan. Ang kapal ng mukha mo. Nagsinungaling ka pa sa akin at ang lakas ng loob mong magalit, pero ngayon ay bistado ka na, para kang isang maamong tupa” “Oo na nga. Inaamin ko na nga oh. Pinaglihiman lang naman kita dahil ayaw ko na magalit ka” paliwanag niya sa asawa “At isa pa, sinabi sa akin ni Jeff na huwag na huwag ko daw ipagsasabi kahit sinuman ang pagbabalik niya” “Kaya sinabi mo kay Joyce?” “Hindi. Nadulas lang ako nung nag-uusap kami” kuwento ni Nathan “Kaya pinilit ako ni Nanay Joyce na makita ang anak niya” “Talaga? Hindi ako naniniwala” “Maniwala ka naman, Cindy. Iyon ang totoo” “Sige. Sabihin na lang natin na naniniwala ako sa sinasabi mo ngayon” sabat ni Cindy “Pero bakit siya natatago? At bakit ayaw niyang ipaalam na buhay siya?” hindi makasagot si Nathan sa mga tanong sa kanya ni Cindy “Bakit hindi ka makasagot? Nag-iisip ka pa ng rason mo?” “Hindi. Hindi lang ako makasagot dahil sinabihan niya nga ako na huwag magsalita sa pagbabalik niya” “Bakit nga?” “Basta Cindy. Ayaw kong sirain ang pangako ko sa kanya” paumanhin ni Nathan sa kanya “Ganon?? O sige. Kung ayaw mong sabihin ay okay lang” Napahinga ng maluwag si Nathan sa sinabi ni Cindy “Salamat Cindy. Salamat sa pag-iintindi mo” “Pero sasabihin ko sa lahat ng mga tao ang tungkol sa kanya, at buhay siya” dugtong naman ni Cindy “Tignan lang natin kung ano ang magiging reaksyon niya” “Huwag naman ganon, Cindy. Maawa ka naman sa kanya” “Maawa??” ulit nito “Ang tinatanong ko lang naman kung bakit nagtatago pa siya at hindi niya pa pinapaalam sa lahat na buhay siya?” “Kasi may pinaplano siya…” “Anong pinaplano niya?” “Cindy. Ipangako mo sa akin na huwag na huwag mo ‘tong ipagsasabi kahit na sino. Kahit kay Stephen” sabay hawak niya sa kamay ng asawa “Ha? Bakit naman?” “Basta. Magpangako ka muna sa akin” “Oh sige” pagtirik ng kanyang mata “Pangako” “Naghihiganti si Jeff” paunang paliwanag ni Nathan “Naghihiganti siya kay Jean para makuha muli ang mga ari-arian na dapat sa kanya. Kaya nagpapanggap siya na ibang tao” “Nagpapanggap siya? Paano? E hindi nagbago ang mukha niya. Nagpapanggap?” “Ewan ko sa kanya kung paano niya napaniwala si Jean sa plano niya. Pero nakita na siya ng kapatid niya” “Naniwala naman siya?” “Hindi ko alam. Hindi ko natanong sa kanya” Nagpabuntong-hininga naman si Cindy sa kanyang mga nalaman “Haay naku. Hindi ko talaga siya maiintindihan” “Pero huwag mong ipagsasabi ang sikreto niya, Cindy. Parang awa mo na” pagmamakaawa ulit niya sa asawa “Sige. Pangako ko yan” sambit niya “Pero may isa akong kondisyon, Nathan” “Ano yon?” “Huwag na huwag ka nang pumunta kay Jeff o kahit makapag-usap sa kanya kahit sa telepono, maliwanag?” kondisyon ni Cindy “At kung malaman ko kung sinuway mo ang kondisyon ko, isusumbong ko ang mahal mo na si Jeff kay Jean” “Pangako Cindy. Pangako yan” “Good” ngiti niya sa asawa “Kumain ka na, Nathan. At pagkatapos mo diyan ay umakyat ka agad tayo sa kwarto” sabay kindat ni Cindy sa kanya. *** Kinabukasan. Maagang pumasok si Richard Teng sa kanyang opisina. Kaagad niyang inumpisahan ang kanyang trabaho para makabawi sa mga natalo niya nung nakasanib pa ang kumpanya niya sa asawa. “Mahirap na pala kapag walang kasama sa negosyo” sambit ni Richard sa kanyang sarili “Pero masasanay din ako kesa makipagpatner sa isang bobong babae na si Jean” Nagulat dahil siya sa kumatok sa kanyang pintuan. Pumasok ang kanyang sekretarya sa opisina. “Good morning, Mr. Teng” “Good morning din. Bakit? May kailangan ka?” “Meron po kayong bisita, Sir” “Sino?” “Hindi niya po sinabi eh. Basta kilala niyo po daw siya” “Si Jean?” hula niya “Hindi po. Isang lalaki” “Lalaki?” at napaisip siya ng matagal “Sige, papasukin mo na lang” “Okay Sir” Kaagad lumabas ang kanyang sekretarya sa opisina. Ilang saglit ang nakalipas ay may pumasok uli sa kanyang opisina. Lumaki ang kanyang mata dahil hindi niya inaasahan na bibisita ang lalaking ito sa kanya. “Mr. Hidalgo?” sambit ni Richard sa papalapit na lalaki sa kanyang office table “Mr. Teng” ganti ni Jeff “Good morning” “Good morning. Mr. Hidalgo, please sit down” habang nanlalaki pa din ang mata ni Richard. Kaagad naman umupo si Jeff sa bakanteng upuan at nakatingin kay Richard. “Salamat” sabay ngiti niya dito “Bakit nanlalaki ang mga mata mo, Mr. Teng?? Parang nakakita ka nang multo. Ganyan din ang mukha ninyo nung una tayong nagkita ng asawa mo” “Sorry, Mr. Hidalgo. Nagulat lang kasi ako” “Bakit naman?” “Kasi hindi ko ito inaasahan” sagot ni Richard “By the way, what brings you here?” “Ahhmm. Nalaman ko kasi ang paghihiwalay ninyo bilang partners sa negosyo ni Mrs. Teng, totoo ba yun?” “Yup. That was all true. Actually, pina-process rin namin ang aming annulment” “Really?? Bakit naman??” pagpapanggap ni Jeff na hindi niya alam “Sayang naman kung ganon” “Basta. Its too private na sabihin. Mr. Hidalgo” “Well, I’m sorry. Nagulat din ako ngayon eh” sambit ni Jeff “Nasasayangan kasi ako sa marriage ninyo. Akala ko ay ‘FOREVER’ na kayo” “Hmmm. Well, I don’t believe that. Hindi lahat ng nasa sa’yo ngayon ay magtatagal” “Kung sa bagay. Tama ka naman” “Sabihin na lang natin na naghiwalay kami dahil sa ugali niya” sabi niya kay Jeff “Masyado kasing childish. Alam mo naman ang ibig kong sabihin. Yung tungkol sa pagdududa niya sa’yo” “Yun ba?? Hindi. Okay lang yun” sagot ni Jeff “Hindi okay sa akin yun, Mr. Hidalgo” dugtong ni Richard “Kasi pinagduduhan ka niya kahit alam niya ikaw ang may-ari ng Hidalgo Breweries. How unprofessional” “I appreciate your sentiments tungkol sa pambabatos niya sa akin, Mr. Teng’ sambit ni Jeff “Pero honestly, na-offend talaga ako dun sa sinabi niya. Muntik na ako mag-back-out at umuwi sa Espanya” “Talaga? Pasensiya na talaga sa sinabi sa’yo ni Jean” ulit niya kay Jeff “Pwede bang malaman kung ano ang rason kung bakit may naghahadlang sa pag-uwi mo ng Espanya?” “Ikaw” “Ha?? Ako?? Bakit naman ako, Mr. Hidalgo?” “Ikaw. Dahil ikaw ang nakikita kong potensyal na kumpanya na gusto kong i-invest ang multi-million kong pera” Napalaki ang mga mata ni Richard Teng sa sinabi sa kanya. Totoo ba talaga ang kanyang narinig? Sa kumpanya niyagustong mag-invest si Mr. Hidalgo? Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD